You are on page 1of 27

Alamat ng Rosas

Noong araw ay may isang magandang dalagang

nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyang

angking kagandahan, kayumian, at kabaitan.

Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan.

Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa

Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan

ng kanyang tulong. Ngunit si Gristobal, isang

mahigpit

niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at

ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y

naging bangkay. Sa takot ni Gristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa

bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik

kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip,

sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit

paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng

halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak

si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang

di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.


Alamat ng Aso
Noong panahon na
bata pa ang mundo, ay
may isang mag-anak ang
tahimik at masayang
namumuhay sa loob ng
kakahuyan. Ang ama; si
Roque ay mabait at
mapagkalinga
sakanyang pamilya.
Nagtatanim siya ng mga
gulay at nanghuhuli ng mga
hayop sa gubat upang
kanilang pagkain.
Samantalang ang ina naman;
si Magda siyang nag-
aasikaso sa kanilang bahay
at
dalawang anak na sna Maria at Jose. Minsan, nagulat ang pamilya sa
pagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan
nito ang pamilya. At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na
nakilala nilang Damaso. Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang
amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging
dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas,
naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid. Naawa naman ang
pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting
kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng
pagkain. Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto
sina Magda at Damaso sa isa't isa. At isang araw nga,
nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar. Nag-
iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose. “Ina, huwag mo po kaming
iwan!” ang iyak ni Maria. “Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an
gaming ina!” ang iyak ni Jose. Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang
mga anak. Sumakay pa rin sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no
ilog. Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si
Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso. Mula sa malayo,
anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at
Joseupang humabol. Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam
niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata. Siyang pagdating ni Roque,
na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang
agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama. Mula sa malayo, natanaw
nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang
nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.
Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin. “Masahol pa kayo
sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong
saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop,” ang wika
ng babaeng diwata pala ng ilog. Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at
Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga
nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang
ingay ang lumalabas sa kanilang bibig. “Mananatili kayo sa ganyang anyo,
hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa
tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang
tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak,” at nawala na ang
diwata pagkawika niyon.Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan.
Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa
daigdig. At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa
kanilang mga tahanan. At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng
mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo. Binabantayan nila ang mga
bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang
patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang
mawawala ang sumpa ng diwata. Ang mga inahing asonaman ay labis na
binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding
marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak. Kaya't maging maingat
tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin,
sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na
loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal
na tulad ni Magda.
Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro


sa ibabaw ng isang natutulog na
leon.
Kanyang inaakyat ang likuran ng leon
at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba. Sa
katuwaan ay di niya napansin na
nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na
wari bagang balak siyang isubo at
kainin.
Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang
pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan.
Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dalidaling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali
sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat
kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang
leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking
pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Mga aral ng pabula:

Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-


unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting
pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa.
Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki
o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.
Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa


kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at
ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak.
Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay
nakasalubong niya ang isang maliit na ibong
Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka
gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa
ang mabilis lumipad?" buong
kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito
para maturuan niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula
tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang
hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong
kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang
kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero,
para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa
sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin
ko ay asukal ikaw nman ay bulak."
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga
siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na
dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni
Maya. "Aba oo, payag na payag ako."
"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa
ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya,
subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos
ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya
bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay
nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas
na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag
maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.
Bagong Kaibigan

May napulot akong papel.


Nakasulat doon na may
matatagpuan daw akong
isang kaibigan. Kinakailangan
ko raw sumakay para
matagpuan ito. Umuwi ako
agad sa amin dahil baka
naroon na ang kaibigang
tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod
ng kabayo pero wala doon
ang bagong kaibigan.
Binuksan ko ang binatana at
nakita ko ang aming hardin.
Maraming halaman at
insekto doon.
Masaya silang naglalaro pero
hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa
dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero
walang ibang
tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay
ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba't-ibang hayop at
halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako
sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako
na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah!
Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito.
Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig
na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw.
May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula
sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga
bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala
pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at
ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay
nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik
na ako sa amin sakay-sakay ng
isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at
darating na angschool bus.“
Si Pingkaw

Naalimpongatan ako sa pagtulog nang


hapong iyon sa sigawan at nanunuyang
tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-
dali akong bumangon, nagpahid ng
pawis at dumungaw sa bintana. Si
Pingkaw pala na sinusundan ng mga
bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na
ilang ulit nang tinagpian at may
medyas ang isang paa na ewan kung
asul o berde. Malayo siya kaya't di ko
Makita nang mabuti. Sa kabilang binti,
may nakataling pulang papel de Hapon
na may kabit na lata sa dulo. Sa
kanyang ulo, may nakapatong na palara
na kumikinang tuwing tinatamaan ng
sinag ng araw.
"Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na
nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga,
kumanta ka ng blak is blak."
"Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri.
"Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng
pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang
aagawin ang karga ni Pingkaw.
Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.
"Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-
sayaw na pinalilibutan si Pingkaw.
Maya-maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang
bata. "Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor."
Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni
Pingkaw.
Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't
sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang
pagtukso sa kanya." Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga
batang isa-isang nag-aalisan.
Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:
"Meyor, kukunins nila ang aking anak."
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may
senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, hindi na nila
kukunin yan. Huwag ka nang umiyak."
Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot
sa lata ng biskwit. Dali-dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata.
"Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…" ang kayang kanta habang
ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw.
Natigilan ako.
At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi
pa siya ganito.
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan
ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o
maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang
kanyang tinig -basag at boses- lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na
bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng
kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa
lamang siyang naghahalukay ng basura.
Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno
ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a
nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian.
Ito'y mga tira-tirang
sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at
kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng ƒried chicken na may lamang
nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang
kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa
ng kundimang Bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang
kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, dali-
daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang hindi makaringgan sa
pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang
kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman
ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda
na s'ya.
Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang
sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa
kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba
raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay
labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong
payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula
sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang
sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang
ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa
lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya
kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton,
ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa
napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni
Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang
mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos,
itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili.
Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang
makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi
mo man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak.
"Ang mga bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at
nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin
sa malalaswang larawan, "hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang
malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at
pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde
at magkimkim ng sama ng loob."
Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing
tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw.
Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng
basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng
mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi
kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.
Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to
rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap
na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang
kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito:
pinagdugtung-dugtong ng
mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman
talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga
naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng
Tsino.
Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga
siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang
nakapagpabuti sa bata. "Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais
Niyang mamatay ang aking anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa
Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw
nang magpunta siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak.
Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip,
at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga
mahihirap. Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa
ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa
pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na
nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta
tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang
pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…" Iyan si
Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.
Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng
aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik
ko, at matinding galit ang aking nadama.
Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang
namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa
kung ano mang panis na kanilang nakain.
Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang
humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan
siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital.
Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni
Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor
na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa
katulong.
Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor.
Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.
Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton
papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa
nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang
pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang
pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang
pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni
isa sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos
ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang
hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para
iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may
pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot
upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa
kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.
Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang
ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan
lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng
gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.
Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang
lumipas, sumunod namang namatay ang bunso.
Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik,
sinusundan na naman ng mga pilyong bata.
"Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay…" ang kanta niya, habang
ipinaghehele ang binihisang lata..
TUWAANG (Epiko ng mga Bagobo)
Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na nagsasabi
na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng Monawon. Huwag kang
pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin. Nararamdaman ko na mayroong
masamang mangyayari sa iyo doon. Huwag kang mag-alala, tiyang. Kaya kong
alagaan ang sarili ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta. Hindi
mo naiintindihan, Tuwaang. Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon
ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng Dalaga ng
Monawon.

Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin. Naghanda siya sa


pagdalo sa kasal. Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa
kanya. Mayroon siyang hugis pusong basket na maaaring makagawa ng kidlat.
Dala rin niya ang kanyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo.
Sumakay siya sa kidlat at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan. Doon ay
natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon. Gusto ng ibon na
sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na niya ito. Nang makarating sa
Monawon, siya ay magalang na pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan
ginaganap ang kasalan.

Nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Unang dumating ay ang Binata


ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon at ang Binata ng Sumisikat
na Araw. Huling dumating ang lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna na
kasama ang isang daang lalaki.

Nang dumating ay iniutos ng lalaki na paalisin ang mga bisitang hindi


nararapat na naroon. Nainsulto si Tuwaang sa sinabi ng lalaking ikakasal na
silang lahat ay pulang dahon, na ang ibig sabihin ay mga bayani. Nagsimula
ang seremonya sa pag- aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo. Dalawa
ang natira para sa lalaking ikakasal ngunit inamin ng Binata ng Sakadna na
wala silang gintong plauta at gintong gitara na maitutumbas sa mga natira.
Tumulong si Tuwaang. Sa kanyang misteryosong hininga siya ay nakagawa ng
gintong plauta, gitara at gong.

Lumabas na ang babaing ikakasal sa kanyang silid at nagsimulang


magbigay ng nganga sa bawa't isang bisita. Pagkatapos ay tumabi ito kay
Tuwaang na naglagay sa lalaking ikakasal sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Pakiramdam ng lalaki ay nainsulto siya. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon si
Tuwaang sa isang laban.

Ipakita mo sa akin na nararapat ka sa karangalang ibinigay sa iyo ng


aking minamahal sa pagtabi niya sa iyo! sabi ng galit na Binata ng Sakadna.
Labanan mo ako hanggang kamatayan!

Tumayo si Tuwaang at tinanggap ang hamon ngunit hinawakan siya ng


babaing ikakasal. Bayaan mong suklayin ko muna ang iyong buhok bago mo
siya labanan, sabi
ng babaing ikakasal kay Tuwaang. At buong pagmamahal niyang sinuklay ang
kanyang buhok. Tinitigan ni Tuwaang ang babae. Nakita niya ang pagmamahal
at paghanga nito sa kanyang mga mata. Mag-ingat ka sa pakikipaglaban sa
kanya, babala ng babae. Hindi siya marunong lumaban ng patas. Hinawakan ni
Tuwaang ang kamay ng babae at hinalikan ito. Para sa iyo binibini, mag-iingat
ako! sabi niya at lumabas na ito sa bulwagan upang labanan ang lalaki.

Tumango ang babaing ikakasal at kumaway sa kanya at umaasa sa


kanyang kagalingan. Hinarap ni Tuwaang at ng Gungutan ang Binata ng Sakadna
at ang isang daang lalaki. Lumaban sila ng buong makakaya at pagkatapos ng
isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng Gungutan ang siyamnaput-
apat na lalaki. Madali nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo hanggang
siya at ang Binata ng Sikadna na lamang ang natirang nakatayo. Binato si
Tuwaang ng lalaking ikakasal ng malaking bato ngunit naging alikabok lamang
ito bago pa man nito tamaan si Tuwaang. Dahil sa masidhing laban ay
lumindol ang lupa at lahat ng mga puno ay nagbagsakan. Binuhat ng lalaking
ikakasal si Tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog ito ang
nakakarating sa Hades.

Sa Hades, nakita ni Tuwaang si Tuhawa, ang diyos ng Hades. Sinabi ni


Tuhawa na ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa gintong plauta. Lumitaw
mula sa lupa si Tuwaang at pinatay ang lalaki sa pamamagitan ng pagbili sa
gintong plauta. Tumakbo ng masaya ang babae sa kanya. Niyakap niya ito at
hinalikan sa kanyang pisngi at labi.

Maari ka bang sumama sa akin? tanong ni Tuwaang sa babae. Ng buong


puso, sagot nito. Umuwi si Tuwaang sa Kuaman kasama ang babae at ang
Gungutan at namuhay sila ng magkakasama, magpakailanman.
1. Maikling landasin, di maubos lakarin. - ANINO

Z. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. - SINTURON


E. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. - SAPATOS

4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. - LANGGAM


5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay
mamatay. - KANDILA

You might also like