You are on page 1of 1

Ang Pinagmulan ng Mayon

Sang-ayon sa mga taga-Oas,Bunga,Kamalig,Malipot at Salungan, ang kinalalagyan ngayon ng bulkang


Mayon ay napakalawak na katapagan.Matabang lupa at angkop na angkop sa palay,mais,gulay,tubo,niyog at
abaka.Maisda ang mga look at dagat. Tahimik ang mga tagaroon sapagkat maluwag ang kabuhayan.Mabait
ang Lakan at minamahal nila ito gayundin ang kaniyang anak na napakaganda at napakapabait, ang Daragang
Magayon. Iyan ang palayaw sa anak ng Lakan.
Sabihin pa, maraming nangingibig sa nasabing dalaga. May taga-Pinamalayan at Malabong Tagotoy,taga-
kalumpati, Kapampangan,at iba’t ibang pook sa Pilipinas.May mga Sanglay pa at mga Morong, taga-Arabya at
mga Bombay na taga-Indiya.
Ngunit noon,ang Daragang Magayon ay batang-bata pa. Wala pa sa loob ang umibig kanino man,maliban
sa kaniyang pinakamamahal na ama at inang pinagkakautangan niya ng buhay. Kaya’t siya’y maligayang-
maligaya at matiwasay.
Isang araw, sinasabing isang Taga-ilog na may gayuma ang nagsadya sa tahanan nina Daragang
Magayon.Sukat bang sa sandaling masulyapan ang dalaga ay waring lumukso ang kaniyang puso, sumasal ang
tibok ng kaniyang dibdib at gumaan ang dugo sa bagong dating.
Ang binata ay kung ilang buwang nanatili sa Albay. Hindi kataka-takang ang maganda at mabait na dalaga
ay kaniyang nabihag na totohanan.
Datapwa’t minsan ay nahahalata ng lakan ang pag-iibigan ng dalawa.Hindi ito minabuti ng Lakan,kaya’t si
Taga-ilog ay napilitang umalis.Sasama sana si Magayon ngunit nananaig din ang kahinhinan at ang
pagmamahal sa magulang.
“Babalik ako, buhay ko!” ang aliw ni Taga-ilog sa dalaga.” Hintayin mo ako at magdadala ako ng bigay-
kaya upang ako’y maging karapat-dapat sa iyong ama’t ina at sa iyong mga sakop.

“Maghihintay ako!” ang wikang lumuluhang sagot ng dalaga.


“Pagsikat ng buwan,walang salang ako’y darating,mahal ko”.Ang pangakong mahigpit ng binata bago
umalis.
“ Hintayin mo ako sa Maybunga”.
“Asahan mo”.Ang pangako naman ng dalaga.
Nasubukan pala ni Masamang Budhi, isa sa may mga nais na lihim sa Daragang Mayon, ang
pagpapaalaman ng dalawa,kung kaya’t ito’y gumawa ng paraan upang ang dalaga ay maging kaniya.
Inabangan ang pagdating ni Taga-ilog at ang pakikipagkita nito sa kasintahan.Ang Maybunga ay tinalibaan
ng marami niyang kasama mga masasamang loob na katulad niya, na talaga sanang ihahandog sa bigay-kaya
kina Daragang Magayon.Hinarang naman ang dalaga at ipinakita ang bangkay ni Taga-ilog,saka sinabing siya’y
pinagbabantaang papatayin din kapag hindi sumama.
“Huwag mong piliting kanin ang kamatsiling pipi. Iyan ay tunay na nakakahirin!’ ang pakiusap ng dalaga .
“Kung ayaw mo sa pakiusapan,magdadaan tayo sa pagpipilitan!” ang saad ng nalalanuang lalaki, at akmang
yayakapin ang dalaga.Ito ay maliksing nakaiwas, nakatakbo nang may unat- pamitik, ngunit nang maabutan na
lamang ay bigla nabulagta at noon din ay nawalan ng malay-tao.
“Bakit?” ang tanungan ng nagsisihabol.Madali nilang siniyasat.
“ Natuka ng ulupong! “ ang wika ni Masamang Budhi.” Tumawag kayo ng tawak ngayon din!”
Madaling nagsihanap ng tawak ngunit nang makaon ang mangangamot ng mga natuka ng ahas, ang paa’t
kamay, sampu ng mukha ni Magayon ay maitim na at mistulang bangkay na.” Wala akong magagawa!’’ ang
wika ng tawak, “ kalat na sa katawan ang kamandag.”
Ihukay na ninyo! ang sagot ni Masamang Budhi.
“Aba, humihinga-hinga pa po”. Ang wika naman ng iba.
“Kahit na! Ibaon na ninyo ngayon din at tayo ay aalis.Baka abutan pa tayo ng sa kanya’y magsisihanap.

Kaya’t kahit may bahagya pang pintig ang puso ni Magayon ay tinatabunan na ng masasamang- loob at
nagmamadaling nagsitakas.Himala ni Bathala! Ang libig ni Magayon ay unti-unting tumataas hanggang ito’y
maging isang bundok na mahigit na pitong libo at limang-daang talampakan, kaya’t nakita niya ang pook na
tinutungo nina Masamang Budhi.Kumidlat nang matalim, at kumulog nang pagkalakas-lakas. Mayamaya, ang
tuktok ng mataas na bundok ay umusok at bumuga ng apoy at nang lahat sina Masamang Budhi ay saka
lamang naglumbay ang nangangalit na bulkan.
Mula noon, paminsang-minsa nagbubuga ng galit ang Daragang Magayon kapag may binatang labis na
lumalapastangan sa kahinaan ng mga dalaga, o may sinumang masamang budhing pinapangatawang mang-api
ng mga matatanda, sa mga kaawa-awa at mga mahihina.

You might also like