You are on page 1of 2

Ang Mapagmahal na Palaka

Noong unang panahon, may isang berdeng palaka na naninirahan sa isang lawa
kasama ang inang palaka na isang biyuda.

Mahal na mahal ni berdeng palaka ang kaniyang ina laging sumusunod ang berdeng
palaka sa utos ng kaniyang ina. Kapag may sinasabi ang inang palaka, nakikining ito ng
mabuti sa pangaral ng kaniyang ina. Pag-sinabi ng ina na sa bundok siya maglaro ay
tiyak na sa bundok maglalaro si berdeng palaka. Pag sinabing bumaba umakyat na si
berdeng palaka ay susundin nito ang utos ng kaniyang ina dahil ganun na lamang niya
maipapakita ang pagmamahal sa kaniyang ina.

Matiwasay lamang ang pamumuhay ng inang palaka at berdeng palaka subalit hindi pa
rin maiwasan na mangamba ang inang palaka sa kaniyang anak.

“Natutuwa ako na napalaki ko ng maayos ang aking anak.” Nakangiting ani ng inang
palaka habang nakatingin sa anak niyang tumatalon-talon sa labas.

“Subalit papaano na lamang ang akin anak kapag ako ay nawala na. Matanda na ako at
anomang oras ay maaari akong mamatay. Kailangan gumawa ako ng paraan para hindi
ito maging malungkot sa aking paglisan.” Malungkot na pahayag ng inang palaka sa
sari dahil alam nito na malapit na siyang mawala sa mundong ibabaw.

Araw-araw ay pinangangaralan ng Inang Palaka ang berdeng palaka sa kabutihang-


asal at pagmamahal. Tinuruan niya rin itong maging matatag at ganun na lamang ang
pakikinig ni berdeng palaka sa kaniyang ina dahil alam niya na mayroong kakaiba sa
kaniyang Inang Palaka.
Malungkot na nag iisip si berdeng palaka habang kinakausap siya ng kaniyang Ina pero
niyakap niya ito at pinaulanan ng halik sa pisngi. Mahal na mahal ni berdeng palaka ang
kaniyang Ina.

Dumating na ang araw na kinakatakutan ni Inang palaka ang nalalapit niyang


kamatayan. Tinawag niya sa kaniyang tabi ang berdeng palaka at kinausap ito ng
masinsinan. Ibig ng Inang Palaka na ilibing siya sa bundok. Labis ang pagluha at
pagdadalamhati ni berdeng palaka pero nakangiti pa rin ito sa kaniyang Ina. Mahal na
mahal niya ang kaniyang Ina at hindi nito alam kung ano gagawin para ipag-patuloy ang
bukas. Subalit naalala ni berdeng palaka na pag nawala rin siya ay malulungkot ang
Inang Palaka dahil mayroon na itong mga bagay na binilin sa kaniya at nais nitong
matupad ang pangarap ng Inang Palaka para sa kaniya.

Inilibing ni berdeng palaka ang kaniyang Ina sa bundok at nagulat siya ng makita ang
mga kapitbahay na palaka na naaawa sa kaniya at niyayakap siya. Mahal na mahal
soya ng mga kapitbahay na palaka dahil mapagmahal, mabuti, at matulungin si berdeng
palaka. Bagaman at wala na ang kaniyang Ina ay masaya pa rin ang berdeng palaka
dahil sa mga tao na pinapahalagahan at minamahal siyang lubusan.

You might also like