You are on page 1of 2

Buod ng kwento ni mabuti at buod ng uhaw na tigang na lupa

Buod ng Kuwento ni Mabuti


ni Genoveva D. Edrosa

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang estudyante at isang guro na may mabigat na problema sa
pamilya ngunit may magandang pananaw sa buhay. Ang kwento ay nagsimula sa silid-aklatan ng
kanilang paaralan. Sa isang sulok nito ay naroon ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa isang
hindi kalalimang bagay di gaya ng sa kanyang guro. Nang makita ng guro ang estudyanteng
nasabi, sinabi rin nitong siya ay iiyak dahil sa isang mabigat na suliranin sa kanyang buhay. Sila
ay naging malapit. Ang suliranin palang ito ay tungkol sa kanyang pamilya: ang kanyang anak at
asawa. Ngunit, sa kabila ng suliraning ito, siya ay nanatiling positibo. Sa kanyang pagiging guro,
madalas niyang sabihin ang salitang mabuti sa bawat kataga kaya ang kwentong itoy naging
kwento ni Mabuti.


Buod ng Uhaw na Tigang na lupa
ni Liwayway Arceo

Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog,
palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na
hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit.
Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay
maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa
nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa
pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa
kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina.
Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabiy umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay
ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang
tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag
nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging
nakasaad ay Sapagkat akoy nakalimot. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham.
Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa
kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi
pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay
patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha
kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang
magtungo.na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at
nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay Sabihin mo, mahal
ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga
luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

You might also like