HOLY FAMILY MONTESSORI OF SAN JOSE, BATANGAS, INC.
Makalintal Ave., Poblacion 2, San Jose, Batangas
TEL. NO.: 726-2137
Ang Mag-Inang Palakang Puno (Pabula ng Korea)
Noong unang panahon, nakatira sa isang bayan sa korea ang isang batang palakang puno at ang kanyang ina. Yumao na ang ama ng palaka kaya silang mag-ina na lamang ang magkasamang namumuhay. Mahal na mahal ng ina ang kanyang anak na palaka at nais niyang mapalaki ito nang tama. Mapagmahal naman ang anak na palaka subalit may katigasan nga lang ang ulo kaya’t nahihirapan ang inang palakang pasunurin siya. Kilalang-kilala na ng kanyang ina ang ugali ng anak. Alam niyang sa bawat iutos niya sa anak ay kabaliktaran nito ang gagawin. Halimbawa, kapag inutusan niya itong sa magpunta sa kanluran ay sa timog ito pupunta. Kapag pinapasok niya ay lalabas ito, at kapag pinagsasabihan ay magbibingibingihan. Hindi lingid sa anak na palaka na hindi nagugustuhan ng kanyang ina ang ganitong Sistema. Isang araw, na mainit ang panahon, hinayaang maglaro ng ina ang kanyang anak. “Anak, mainit ang panahon maaari kang makipaglaro sa iba pang mga palaka sa batis,” ang wika ng ina. Ngunit katulad ng dati ang kabaligtaran ng sinabi ng ina ang kanyang ginawa. Pumunta ang anak sa bundok at doon naglarong mag- isa. Nang sumunod na araw naghabilin ang ina sa anak na palaka, “Huwag kang lalayo ngayon, narinig ko sa usapan sa kanto na may parating na ahas.” Ngunit, mulii, lumabas ang anak na palaka at nagyakag ng mga kaibigan. “Gusto niyo bang mamasyal at magsaya? Tayo na at manghuli ng ahas! Ang balita ko ay may paparating na ahas sa ating lugar.” Ang tila nanghahamon pang sabi nito. Nagpatuloy ang ganitong ugali ng anak na palaka. Ito ay labis na nagpapahirap sa kalooban ng ina dahil alam niyang hindi nakabubuti sa kanyang anak ang ganitong pag-uugali. Subalit dahil hindi nakikinig ang kanyang anak ay wala na itong magagawa kundi ang malungkot at lumuha na lang nang tahimik dahil sa asal niyang ito. Dahil sa katandaan at dahil na rin sa hirap ng kaloobang nararanasan niya sa kanyang anak, hindi naglaon ay nagkasakit ang ina. Sa kanyang pagkakasakit ay umasa ang inana magbabago ang kanyang anak, subalit nagpatuloy pa rin ito sa masamang ugali na lalong nagpahirap sa kaawa-awang ina. Isang araw habang nahihirapang huminga nag ina naghabilin ito sa anak. “Anak, huwag mo sanang putulin ang puno sa harapan ng ating bahay dahil iyan ang magiging priteksiyon natin.” Hindi umimik ang anak, ngunit kinabukasan Nakita ng ina na wala na ang puno sa harapan. Nagtanong ang ina, “Nasaan ang puno sa ating harapan? Ano ang ginawa mo sa puno?” Hindi sinagot ng anak ang lumuluhang ina. Nagpatuloy ang paglubha ng karamdaman ng ina. Subalit hidni pa rin natitinag ang anak sa pagsuway sa kanyang magulang. Nang makahanap ng tiyempo ay kinausap ng ina ang kanyang anak, “Anak, sandal na lamang ang itatagal ng buhay ko, ang nais ko sana ay kapag pumanaw na ay ilibing mo ang aking labi sa gilid ng batis. Huwag mo akong ililibing sa burol.” “Inay, huwag po kayong magsalita ng ganyan, gagaling po kayo,” ang sagot ng anak na palaka habang nangingilid ang luha. Ang totoo ay nais ng inang ilibing siya sa burol ngunit dahil alam niya ang ugali ng anak na sinusuway angbawat utos at ginagawa ang kabaligtaran nito, naisip niyang ang kabaligtaran ng kanyang hiling ang ihabilin. Dumating nga ang araw na kinatatakutan. Bago malagot ang kanyang huling hininga ay inulit ng ina ang kanyang hiling, “Sa Gilid ng batis moa ko ilibing anak.” Inay, huwag mo akong iwan!” ang palahaw ng anak na palaka, ngunit tuluyan nang nalagutan ng hininga ang kanyang ina. Labis ang pighati ng anak. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong paghihinagpis. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang ina. “Dahil sa sama ng loob niya sa akin ay nagkasakit si Inay at tuluyan nang namatay hu, hu. Kahit kalian ay hindi ako nakinig sa mg autos niya,” ang wika ng palakang buong pusong nagsisisi. “Ngayong wala na siya. Alam kong nais niyang maging masunurin ako. Susundin ko ang kanyang hiling na ilibing ko siya sa gilid ng batis,” ang sabi nito sa kanyang sarili. At ganoon na nga ang nangyari. Sa kagustuhang makabawi sa katigasan ng kanyang ulo ay sinunod ng anak ang huling habilin ng ina. Inilibing niya ito sa gilid ng batis sa halip na sa burol, kahit pa nagtataka siya kung bakit sa tabi ng batis gusto ng inang mailibing ang kanyang labi. Araw-araw ay dinadalaw ng anak ang puntod ng inang palaka. Hanggang sa isang araw ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Walang humpay ang pag-ulan sa loob ng ilang araw kaya’t umapaw ang tubig sa batis at naanod ang bangkay ng kanyang ina. Dahil dito ay labis na nalungkot at umiyak nang umiyak ang anak na palaka. “ Wala na si Inay. Kung naging masunurin lang sana ako sa kanya ay hindi sana nangyari ang lahat ng ito,” ang buong pagsisisi niyang nasabi sa sarili. Simula noon, tuwing umuulan ay hindi na niya mapigilan ang pag-iyak habang naaalala ang kanyang ina. Naging isang paniniwala sa Korea ang labis na kalungkutan at pag-iyak ngpalaka sa pagkakaanod sa kanyang ina ang dahilan kung bakit nag-iingay ang mga palaka tuwing umuulan. Sa korea ay tinatawag na Cheong Kaeguli o palakang puno ang isang tao kapag siya ay sumusuway o hindi sumusunod sa inuutos ng kanyang mga magulang.