You are on page 1of 7

Ang Ama

(di pinangalanang awtor)


(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay
sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na
iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay
napakarami nito upang maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na
kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat -
kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta
anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, doseanyos, at isang babae,
onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay
kung wala ang ina, upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe
anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, aymaingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama ng kaluwagang-palad
nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang
pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain
ngkaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ngpagkain ang ama; ang
katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng
kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang
mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kungumuuwi itong
pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang
ingay na gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa
kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mgabata na
humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya
mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi
ang maririnig ng mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na
pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang
ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may pagkakataong ilalayo ng
mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay
madalas kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat
sakaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng
ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang
oras, habang siya aynakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama
ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at babae, na
malakas siyang irereklamo sa ina napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang
ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui
Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon
nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na satingin nito, sa kabuuan,
ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante sa kaniyang trabaho
sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang
pinakamatandang batagayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak
sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang kagalaw-
galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata
sapamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay isang kilometro ang layo
roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa
ama na buong arawna nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan
ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad ng ama na di-
kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito
ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki
imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitongsinabi bilang
pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna inulilang ama na
ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay
bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-
awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at
napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha
sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahalniya ang
bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.Mayroong siyang naisip.
Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa
asawa (na kiming iniabot namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko.
Isa mandito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya nalumabas siya ng
bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta
ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna may mas maliit na
supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon
ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit.
Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon satindahan ni Ho
Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni
Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa
pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang
mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi dumating ang


senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang
malaking supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila
nasana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig ng ama. "Tingnan natin
kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa
ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, perongayo'y nasa
isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod nakaniyang hinintuan.
Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,
"Pinakamamahal kong anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."

Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang


mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang
saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang
iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malakingbahagi
niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila
mararanasang muli.
Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdinand Pisigan Jarin
This essay won Second Prize for Sanaysay in the 2005 Palanca Awards

Beyblade, maraming-maraming beyblade. Isa, dalawa hanggang lima. Makukulay na Beyblade. Pula, itim,
asul, berde, pilak, ginto, dilaw – basta sari-saring kulay. Gawa man sa plastik o bakal, basta may
beyblade na mabibili ‘pag sabado. Inaasahan ko na ito tuwing sabadong magkikita kami ng aking
bunsong si Rebo. Tiyak na magpapabili siya ng paboritong laruang Beyblade. Kaya naman inihahanda ko
na ang aking bulsa. May halagang 30 hanggang 50, o higit pa. Depende sa ganda ng disenyo at yari.
Inihahanda ko na rin ang katawan ko dahil tiyak, mas karga ang gusto niya papunta sa paboritong
tindahan sa talipapa ng aming baranggay. Mga 500 metro rin ang layo mula sa bahay ng aking ina kung
saan kami nagkikita tuwing sabado. Magpapababa lang siya kapag mismong nasa harap na kami ng
tindahan at kaya na niyang ituro at hawakan ang paboritong laruan. Palapit pa lang kami ay sasalubong
ng nakangiti ang tindero. Kilala na kaming mag-ama. Alam na ang iskedyul ng aming pagpunta. Handa ng
magturo ng mga bagong labas na disenyo na maaaring magustuhan ni Rebo. Mas una kasing tinitingnan
ni Rebo ang kulay at disenyo. Pangalawa na lang kung plastik o bakal ang yari. Pero batay sa karanasan,
mas makiling si Rebo sa plastik.Kung ihahambing sa pagkahilig niya sa iba pang laruang umaandar, (trak-
trakan man o kotse-kotsehan), mas madalas niyang laruin ang Beyblade. Siguro’y dahil mas maliit itong di
hamak sa trak-trakan o kotse-kotsehan. At di tulad ng dalawa, maaari itong dalhin kahit saan. Huhugutin
lang sa bulsa. Kay Rebo, tiyak na may huhugutin kahit saang bulsa. Sa bulsa ko, kapag may hawak na
siyang Beyblade na “panlaban,” tiyak ding kamay na lang ang laman.Patagalan ng pag-ikot sa loob ng
platapormang bilog ang labanan ng Beyblade. Ang tumalsik palabas, talo. Ang unang huminto kahit nasa
loob pa ng plataporma, talo. Si Rebo, batay pa rin sa karanasan, madalas talsikan ng Beyblade. Subalit di
tulad ng ibang batang madalas mawalan ng gana dulot ng pagkatalo, patuloy ang paglaban ni Rebo. Lalo
niyang hihigpitan ang hawak sa matigas na pising may mala-lagareng mga ngipin. Tatatagan ang kapit sa
mala-baril na patungan ng Beyblade. At mabilis na hahatakin ang pisi palabas mula sa makipot na butas
ng patungan na magtatanggal at mabilis na magpapaikot sa mala-flying saucer na Beyblade pabagsak sa
plataporma upang muling makipaglaban.Apat na sabadong nakipaglaban ang aking bunso ng Beyblade
sa plataporma ng laro. Labing-isang buwan siyang nakipaglaban sa kanser sa kanyang dugo sa ospital ng
karamdaman. Sa katulad kong guro, bakasyon ang Abril. Sa katulad ng bunso kong mag-aapat na taon,
panahon ito ng mas maraming nakakatandang pinsang makakalaro. Huling linggo ng Marso taong 2003,
nang lagnatin siya ng isang linggo. Matapos ang lagnat, ilang araw na di nagkakain at tuluyang namutla,
pagsapit ng unang sabado ng Abril ng aming pagkikita, halos ayaw na niyang magpababa mula sa
pagkakakarga dulot ng madaling pagkapagod. Hanggang unti-unting lumitaw ang mga pasa. Una’y sa
binti, tapos sa braso, hanggang matagpuan na rin ito sa kanyang paa, dibdib at hita. Ang kanyang labi’y
parang ibinabad na sa suka. Klinika, ‘yung pinakamalapit na klinika ang agad na tinakbo ng isip ko.
“Meron akong limang daan, hahanap pa ako ng pandagdag kung kinakailangan, pangalanan niyo lang
ang mga sintomas na nararamdaman ng anak ko!” Ito ang mga eksaktong salitang gustong-gusto kong
sabihin sa unang doktor na titingin sa aking anak. Subalit umabot na sa tatlong libo, pakikiusap at
pangungutang, tatlong doktor at dalawang klinika, pagpapamanhid sa sarili upang di matinag sa palahaw
ng tinutusok na anak ay di pa rin namin nalaman ang pangalan ng kanyang karamdaman.Mabilis na tibok
ng puso na di normal sa kanyang edad. Kulang sa dugo. Mga tanging interpretasyon ng mga doktor. Mga
interpretasyong di tapos. Kailangan pa ng ibayong pagsusuri ng mas dalubhasa. Marami pang pagtusok
at palahaw. Kirot at nginig ng kalamnan. Dagdag na pagpapamanhid sa katauhan ng mga magulang at
iba pang nagmamahal.Mabigat, subalit pinatatag ko di lamang ang aking tuhod kundi pati dibdib sa
pagkakatayo sa loob ng ospital. Anuman ang maging resulta, kailangangg nakahanda ako. Palibhasa’y
pinakamalaking pampublikong ospital ng bansa, tila mahabang ahas ang pila ng mga taong
kinabibilangan ng kanyang ina. Mahabang pila ng “Hospital Card” na magsisilbing pasaporte upang
makausap ang doktor na mas dalubhasa sa nararamdaman ng aking anak. Nung araw na iyon, ayaw
bumaba ni Rebo mula sa aking bisig. Kahit na maaari din naman siyang kargahin ng kanyang ina. Ang
gusto niya, si Taytay lang ang kakarga. Si Naynay ang pipila at hawakan ko ang kanyang Ate Kala gamit
ang libreng kamay. “Kasi sabado, di dapat agad matapos ang sabado. Di dapat mawala agad si Taytay
dahil maghihintay na naman ng panibagong sabado o araw na tatapatan ng kanyang suweldo bago siya
muling makita. Di bale nang mawalay kay Naynay ng ilang oras, kasama naman siya araw-araw. Basta si
Taytay lang muna ang kakarga, hahawak, kukuwentuhan, kakalaruin, pabibilhin ng “Ays Wis” (ice cream)
at “Babuygyam” (bubble gum) at hihigaan sa dibdib kasi sabado pa!” Alam ko, ito ang mga eksaktong
salitang nais niyang sabihin kung kaya lang idetalye ng kanyang murang isip at bigkasin ng kanyang bulol
na dila nung araw na iyon.Mag-iisa’t kalahating taon na kaming hiwalay ni Joida bilang mag-asawa nang
magkasakit si Rebo. Maraming di mapagkasunduan. Magkaiba ang direksiyong tinitingnan. Idagdag pa
ang madalas na kawalan ng pera. Resulta ng maaga at di handang pag-aasawa. Ayaw ko nang idetalye
pa kung paano kami naghiwalay. Basta magulo. Isa sa mga nakalipas na inilibing ko na sa lupalop ng
mga kinalimutang gunita. Gayunpaman, dumating ang puntong kailangan naming kalimutan ang di
pagkakasundo at maging sibilisado para sa mga bata. Ito na ‘yung panahon na mag-isa na akong
namumuhay sa ayaw-ipaalam-kahit-kanino na lugar. Ang mga anak ko ay itinira naman ni Joida sa bahay
ng kanyang Ina’t kapatid. Pinalad na akong makapagturo sa isang prestihiyoso at malaking pribadong
paaralan ng mayayaman at makaranas na ng paghugot ng sapat ng sahod sa ATM. At di tulad ng ibang
amang nag-iwan-ng-tae ang konsepto ng pakikipaghiwalay, siniguro kong mas malaking bahagi ng aking
“dalawang lingguhang yaman” ay mapupunta sa pagpapalaki ng aking dalawang anak at magtira na
lamang sa sarili ng sapat para mabuhay ng may konting inom ng alak. Mahal na mahal ko ang aking mga
anak. Kaya masakit ang malamang di pala sapat ang pagmamahal para ipananggalang sa pag-atake ng
malubhang sakit.“Acute Lymphocytic Leukemia”. Mas kilala sa tawag na “ALL”. Tipikal na uri ng Leukemia
sa mga edad na tulad ng kay Rebo. Chemo Theraphy ang tanging paraan ng panggagamot. Mahabang
panahon ng gamutan. Induction, Consolidation, Maintenance stage. Tatlong estado ng panggagamot.
Anim, apat, pababa sa isa na matatapang na droga ang dapat pumasok sa murang katawan ng aking
anak. Mga drogang papatay sa mga “Cancer Blast” na namumuo sa loob ng kanyang katawan. Mga
drogang walang mata at maaaring sirain maging ang mga walang sakit niyang laman-loob na
pagmumulan ng komplikasyon.Dalawang linggong singkad na kaming nasa ospital bago nagkaroon ng
pangalan ang kanyang karamdaman. Hindi na kami nakaalis mula sa unang araw na kami’y nagbalak
lang magpatingin at umasang sabihan na ang kailangan lang niya ay mga gamot na magdadagdag ng
kanyang dugo. O kaya’y magpapatibok ng normal sa kanyang puso.Nakakabingi ang pagragasa ng mga
eksakto ng detalye at interpretasyon. Subalit pinilit kong ipasok lahat sa aking utak na unti-unti na ring
namamanhid ng mga oras na iyon. Mabilis na humilera sa isip ko ang larawan ng mukha ni Rebo na
punompuno ng kirot mula sa araw-araw na pagtusok ng karayom tuwing kukuhanan at sasalinan ng dugo.
Tutusukin sa braso, paa, balakang, kamay, at kahit saan pang parte na mayroong ugat na di pa
namamaga at maaari pang daluyan ng dugo. Larawan ng puro pasang si Rebo. Maliit at malaking pasa,
mapupula at maiitim na pasa. Larawan ng nakakalbong si Rebo. Nang nalalagasan ng buhok na si Rebo.
Larawan ng mga lagas na buhok na nililipad ng hangin at di mo alam kung saan papadparin. (Sa
kalaunan, nangyari ang lahat ng ito.)Teorya ng radyasyon o kaya’y namanang sakit? Parehong di tiyak.
Pinakasimpleng paliwanag, di tumanda ang butong dapat lumikha ng sapat na dugo upang mabuhay ng
malusog ang aking anak. Hindi sumabay sa kanyang pagtanda. Buto, dugo, pesteng buto! Pesteng dugo!
Walang magulang ang nagnanais marinig ang lahat ng paliwanag na ito. Isa lang ang malinaw: hindi
pagtatae o lagnat ang nararamdaman ng aking anak, unti-unti na palang siyang namamatay.Naaalala ko
pa, di ko mapigilang maluha sa loob ng taxi habang ingat na ingat na hawak ko ang lalagyan ng dugong
ipasusuri sa isang malayo at malaking laboratoryo. Lubha akong nagmadali nung araw na iyon.
Kailangang di mapanis ang dugo. Kakaiba ang dugo dahil kinuha pa sa likuran ni Rebo. “Cultured Blood”
ang tawag nila. Isipin ko pa lang ay parang baretang sumaksak sa dibdib ko ang sakit na tiniis ng aking
anak makuha lang ang pesteng dugo na tanging magpapakilala ng kanyang karamdaman. Apat na
kaming pumigil sa kanya maiporma lang ang katawan niya na tila hipon upang matusok at daluyan ng
dugo ang ugat niyang malapit sa buto ng kanyang likuran. Ako, ang kanyang ina, ang doktor at ang nars,
kung tutuusin ay kulang pa kami sa lakas ng kanyang piglas, animo’y kakataying baboy ang kanyang
palahaw. “Wa n’yo ko ‘awak! Wa n’yo ko ‘awak! Taytay! Naynay! Wa n’yo ko awak tabi!” ( ‘Wag n’yo ko
hawak! “Wag n’yo ko hawak! Tatay! Naynay! ‘Wag n’yo ko hawak sabi!) Wala na yatang pinakamasakit
pang pakiramdam ang maaaring maranasan ng mga nagmamahal sa tanawing pisikal na nasasaktan ang
iyong minamahal. Idagdag pa dito ang tila pagtulong mo upang lalo siyang masaktan. Subalit walang
ibang paraan. “Putang-inang sakit ‘yan! Putang-inang dugo ‘yan! Putang-ina n’yong lahat!” Gustong-gusto
kong isigaw ang mga ito subalit pinili ko na lang na itago sa aking utak at dibdib. Ayaw ko nang
magdagdag ng hirap. Ayaw ko nang magdagdag ng sakit. Dahil alam kong simula sa araw na iyon, di ko
na kailangang imbitahin pa ang hirap at sakit. Kusa na silang darating.Tatagal kami sa ospital. Isang
buwan, dalawa, apat, di ko alam kung gaano karami basta sigurado ko, tatagal kami. Paulit-ulit kong
isinaksak ang isiping ito sa aking utak. Nais kong makapaghanda, “gagaling si Rebo, lalakas si Rebo, di
mamamatay ang aking anak!” Kailangang maging handa. Kailangang laging handa. Kailangan dapat
handa!“Tapos po ako ng pagtuturo kaso wala pa ring mapasukan.” “Sabagay, kahit magtuturo ka ngayon,
di mo kakayanin.” “Oo nga po e.” “Di mo ba kaya kahit ‘yung tig-tatatlong daan lang na kuwarto isang
araw?” “Hindi po talaga kaya e.” “Sige, ipakita mo na itong papel sa opisina ng Social Services. Doon sa
bandang kanan.” “Salamat po! Maraming salamat!”Kailangang magpanggap, magsinungaling, mapunta
lang si Rebo sa Charity Ward ng ospital. Dito, kahit paano, kutson ang mahihigaan ni Rebo, di hamak na
mas mainam kesa higaang bakal na de gulong ng Emergency Room. May telebisyon pa. Suwertehan nga
lang kung ‘yung gusto niya ang palabas. Marami kasing nanonood. Mga maysakit (malubha hanggang sa
pinaka-malubha), taga-pagbantay ng may sakit (mula sa nagtatawanan, umiiyak o simpleng tulog), mga
dumadalaw sa maysakit (mula sa nagmamadali hanggang sa nagtatagal). Lugar ng mga sakit na kitang-
kita sa lahat ng aspekto ng pagkatao ng mga naroroon. Mga taong galing sa maralitang bahagi ng
lungsod. Sa pinakamalapit hanggang pinakamalayong probinsiya ng bansa. Lahat umaasang dito
gagaling. Lahat naghihintay ng tulong sa mga kilala at ayaw magpakilalang pilantropo na paminsan-
minsang dumadalaw. Lahat kapos sa pera kahit simpleng pambili man lang ng pinakamurang ineksiyon.
Sa lugar na ito, libre man ang higaan at pagkain, kailangang mong bilhin ang lahat ng gamot at
kagamitang kakailanganin sa gamutan. Ako, totoong may trabaho, subalit kailangang nandito kami upang
makatipid. Walo, pito, anim na libo ang halaga ng gamot ni Rebo lingo-linggo. Di pa kasama ang halaga
ng mga ineksiyon, dextrose, mga tubo, espesyal na pagkaing malimit niyang hilingin, bayad sa
laboratoryong wala sa loob ng ospital na nagsusuri sa kanyang dugo hanggang sa pamasahe. Mapurol ka
man sa matematikal na kaalaman, dito, tiyak na tatalas ka, lalo na sa pagkukuwenta ng pera at malalim
na buntong-hininga. Matututo ka ring mang-uri ng tao. Tahimik at maiingay na katabi, palabigay at
palahingi. Masusungit at masayahing nars. Suplado at madaling lapitang doktor. Matalino at tangang
intern ( na nakawalong tusok na sa anak ko ay di pa rin makagpalabas ng dugo. Madalas kong mamura
ang ganito ) Mga walang pusong Laboratory Technician na ayaw tumanggap ng konting dugo kahit na
aprubado ng doktor ang dami, ( “Anong akala n’yo sa dugo ng anak ko? Tinatabo sa balde?! Tang-ina
n’yong lahat!” ) at kalma at halos masisiraan ng ulong kapamilya dulot ng depresyon. Ang mga maysakit,
konsistent sa pag-iingay. Pagsigaw man o palahaw, halong bata at matanda, kung meron mang tahimik
sa kanila. ‘yun ‘yong mga may pasak ng tubo sa bibig. Si Rebo, basta’t nakalagpas na ang ritwal ng
pagtusok at pagkuha ng dugo, ang pinakamalikot at makulit. “Alisin na ang dextrose sa pagkakasabit!
Mamamasyal na ako sa mga kutsong kalapit!” Kaya’t madalas, binibiro siya ng mga naroroon, “’wag ka na
dito, wala ka naming sakit, e!” Madalas din niyang gantihan ang birong ito ng pag-irap, pagdila at ibayo
pang pangungulit. Kaya’t wala pang isang buwan, wala ng di nakakakilala sa Charity Ward kay Rebo bulol
at kulit.Tulong. Laksa-laksang tulong. Kahit anong uri ng tulong ang kinailangan ko para mabuhay ang
aking anak. “Ma, nagpadala na ba ang Tita Naida? E, ang Lola Conching?” “Kap, salamat sa pera ha!”
“Kagawad, paano nga uli pumunta ng Sweepstakes office? Salamat nga pala uli dun sa mga koleksiyon
sa mga zone leader. Napaiyak pa pala si mama sa harap.” “Tita Marylyn, bayaran ko na lang ‘pag
nakaraos” “Ano?! Galing ‘to sa koleksiyon ni Tita Jean sa mga estudyante?” “Tita Vic, dito muna si Kala
ha! Di puwedeng umalis si Joida sa ospital, e” “Kala, ‘wag malikot ha! Behave ka dito!”“Tol, nasabihan mo
na ba ang tropa? Konting dugo lang naman ang kukunin para pamalit.” “Mga P’re, salamat ha! Inom na
lang tayo next time. Kain na muna kayo ng ampalaya.” “Mam, sir, absent po ulit ako ngayon, kailangan po
kasi ako sa ospital. Salamat po pala sa tulong ng Faculty Club at iba pang department.” “Sige po. Okay
lang I-pray over si Rebo sa ospital. Hintayin namin kayo.”Di kami nabigo, maraming nagmamahal at
dumamay. Di man ako magtanong, laging maraming tugon ng pagtulong. Paraiso sa gitna ng ilang,
tubigan sa gitna ng disyerto.Umabot pa kami ng limang buwan sa loob ng ospital bago narating ni Rebo
ang pinakahuling estado ng gamutan, ang “Maintenance stage.” Setyembre na noon. Ibig sabihin, minsan
isang buwan na lang siya babalik sa ospital para magpa-chemo. Tatlong taon ang itatagal ng estadong
ito. Sa panahong ito, nakapagdiwang na ang aking anak ng kanyang ikaapat na taon at unti-unti nang
tumutubong muli ang buhok sa kalbo niyang ulo. Lubusang gagaling ang anak ko pagsapit niya ng ika-
pitong taong gulang. Tamang-tamang edad sa pag-aaral. Tiyak kong hindi na siya bulol sa panahong
ito.Sa labas ng ospital nagmistulang batang walang sakit ang aking si Rebo. Laro dito, laro doon. Kain
dito, kain doon. Maliban na lamang sa pagkakataong kailangan naming bumalik sa ospital para sa sesyon
ng Chemo Therapy. Tuwing matatapos ang sesyon, tatlong araw na lantang-gulay ang anak ko. Walang
gustong lunukin kundi malamig na tubig. Walang gustong kagatin kundi yelo. “An ini ‘tay nan aawan o!”
(ang init ‘tay ng katawan ko!) Suka ng suka at todong bugnutin. Ayaw ng maingay. Ayaw ng magulo.
Iritado. Pero pagdating ng ikaapat na araw. Balik na sa normal ang lahat. Gigising ng maaga, sasamang
maghatid at susundo sa kanyang Ate Kala sa eskuwelahan. Makikipaglaro sa kanyang Ate Kala pagkauwi
nito galing sa pag-eeskuwela. Subalit ang pinakagusto niyang gawin, ang humiga lamang sa sofa at
manood ng manood ng pambatang palabas sa telebisyon.Bukod sa pagkikita tuwing sabado at sa mga
araw ng suweldo, pagtawag araw-araw, umaga at hapon ang komunikasyon ko sa aking mga anak. At
madalas na hintayin ito ni Rebo. Maliban na lang sa tuwing dumarating ang “tatlong araw na pasakit” ng
Chemo Therapy. Tsamba na lang kung nais niya akong kausapin. Madalas kong itanong sa kanya kung
magaling na siya at sasagutin niya ito ng malakas na “Magaying na!” (magaling na!) Pinapangako ko rin
siya na ‘wag kaming iiwan ng kanyang Ate Kala na sinasagot niyang madalas ng “ayoo na!” (ayoko nga!)
Subalit minsan, pabiro siyang sisigaw sa kabilang linya ng “ Us-o o na! “ ( gusto ko nga! ) Sabay kakanta
ng anumang kanta na natutuhan niya sa telebisyon, kung alam lang niya ang tindi ng panghihina ko sa
“us-o o na!” Kung gaano ako nililiyo ng kaba.Tulad ng ibang bata, sabik na hinintay ni Rebo ang pasko.
Kapapasok pa lang ng Disyembre’y madami na siyang pinabibiling damit at laruang bago. Subalit bago pa
man dumating ang mga bago. Kalagitnaan pa lang ng buwan ng pasko. Tumambad na sa amin ang
resulta ng huling pagsusuri sa kanyang dugo. “Cancer Relapse”. Muling paglitaw ng mga “Cancer Blast.”
Sa madaling salita, malubha uli ang Leukemia ng aking anak. Kailangan muling ulitin ang proseso ng
gamutan. Basura na ang dati. Bagong pag-aalala, hirap, pagod, paghingi ng tulong at gastos. Ang
pinakamasakit, bagong kirot ng katawan at pangwawasak ng kaluluwa ang paulit-ulit na mararanasan ng
aking anak. Subalit di na siya pumayag.Tatlong araw bago matapos ang Enero nang sundin ko ang
kahilingan ng aking anak. “ Uwi na ‘ayo ‘tay! Ayaw o na a uspi-al. Di o na aya.” ( Uwi na tayo Tay. Ayaw
ko na sa ospital. Di ko na kaya.) Mabigat sa dibdib. Ang totoo, ang kanyang ina, pati na ang ilang
kapamilya ay nagsabi na sa akin na ipaubaya na lang sa Panginoon ang kapalaran ng aking anak.
Disyembre pa lang nang malamang malubha uli ang kanyang karamdaman. Natatandaan kong nagwala
ako sa ganito kababaw na argumento. Pinakatanga at palasukong argumento ang tingin ko sa ganito.
Sinigawan ko sila. Inaway. Subalit sumunod ako nang si Rebo na ang nagsalita. Gusto ko mang ituloy pa
ang laban, kahit marami pang damdaming masagasaan, pinatigil ko na ang gamutan dahil hindi na niya
kaya. Pinatunayan na ito nang paglitaw ng pantal sa buo niyang katawan di pa man tapos ang muling
kauumpisang sesyon ng Chemo Therapy. Labing-apat na sesyon at Labing-isang buwan ng gamutan ang
pinilit na nilabanan bago sumuko ang aking mandirigma.May pag-asa pa. Dasal, milagro, alternatibong
medesina, kahit anong di makakasakit at makapanghihina, gagawin ko. Bibilhin ko. Mabuhay lang ang
aking anak. Ang aking si Rebo. Ang pinakamamahal kong bunso. “Anong gusto mo anak? Bertdey mo na
bukas? Limang buwan pa a! Pero sige, gusto mo e! Yellow Balloons ? Lahat Yellow? Sige, magpapagawa
ako. Maghahanda tayo dahil bertdey mo na bukas! Yipee!”Unang sabado ng paglabas niya ng hilingin na
niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling
‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw
na ito. Dapat pinakamasaya ang sabadong ito sa lahat ng sabado. Maraming –maraming laruan. Stuffed
Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang
Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito
at marami pang iba sa kanyang kaarawan. Sa kanyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit
hindi pa araw.Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng Beyblade
kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong sabado, sorpresa ko siyang dinalaw.
Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang Beyblade
bagamat ayaw niya itong bitawan sa loob ng kanyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang nakapangagalit, unti-
unti na namang nalalagas ang kanyang buhok. ( “ Putang-inang Chemo Therapy, di na nga tinapos,
nakuha pang kalbuhin uli ang anak ko!” ) Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang
di na kaya ng kanyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakakadukot na rin siya ng mga
matitigas na butil ng dugo sa loob ng kanyang gilagid. Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos
kong ikinagulat ng tanungin niya ako ng; “ Tay, may peya a?” ( Tay, may pera ka ? ) Dali-dali kong hinugot
at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang meron itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais
niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong
nakabili ng mga kending kanyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting
bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nagpabili siya kasi nais maglambing ng
aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalangam na ang nakabukas ngunit di
nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong sabado.
Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kanyang muling pagka-irita, sinabunutan niya ang
kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong
kasama sa trabaho ang isang Mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo ng walang bayad.
Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kanyang
mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.Di na maikakaila ang mabilis na
pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang
pisi ng Beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya’t
kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na
Helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas,
hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang
umuwi. At pagkauwi’y humiga ng humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.Huling sabado ng Pebrero
ang ikalimang sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking
anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kanyang mga mata at pagtirik ng mata,
ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang
niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.
Isa’t kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at
naghabol nang naghabol ng hininga. “ Hindi nangyayari ito! Walang nagyayaring ganito.Mabubuhay ang
anak ko! Sabi niya hindi niya kami iiwan ng Ate Kala niya! Nasaan ang mapayapang paraan ng
pagkamatay na sinasabi n’yo!” Nais kong isigaw ito sa lahat ng kapamilyang nakapaligid sa amin subalit
walang lumabas sa aking bibig. Pinipi ako ng malakas nilang pag-iyak. At bilang isang nagnanais maging
mabuting ama, nang alam kong di na kaya pang lumaban ng aking anak, pinabaunan ko siya ng halik at
hinayaan ko na siyang lumisan. “ Sige na ‘Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” At
saka ako umiyak nang umiyak.Hindi ko man lang naranasang ihatid siya sa eskuwelahan. Di na namin
nagawang makapag-usap nang masinsinan bilang mag-ama. Magkuwentuhan tungkol sa panliligaw
habang nagtatagayan.Magtalo, magdebate, magsama sa lakaran. Nakuha kaya niyang mangarap kahit
apat na taon lang ang kanyang naging buhay? Paano na si Kala? Sila lamang ang magkakampi mula
nang maghiwalay kami ng kanilang ina. Paano ko sasabihin sa aking panganay na kailanma’y di na niya
makikita ang kanyang kapatid? Na ang pagkawala ni Rebo ay ang pagkawala din ng taong naghahatid at
naghihintay sa kanyang pag-eeskuwela. Mangungulila ang kanyang mga damit, sapatos, libro at laruan,
kapatid at kaming mga magulang. Subalit di ko pinayagang mangulila ang Beyblade.Nakapaloob sa
puting supot na binuhol nang maayos. Ang maraming-maraming Beyblade ay ipinatong ko sa malamig at
matigas ng kamay ng may-ari bago tuluyang ibaba at tabunan ng lupa ang kabaong. Ikaanim na sabado
nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang
Beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo
sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang
maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng
pagkalungkot.
Suyuan sa Tubigan

ni: Macario Pineda

Naging kultura na ng mga taga-tubigan ang pista ng mga magsasaka. Tuwing pista ng mga magsasaka
ay nagaganap ang isang paligsahan sa pagitan ng mga alaga nilang kalakian o kalabaw. Sa paligsahang
ito, dito makikilala kung gaano kagilas at kakisig ang kanilang mga alagang kalakian. Ang kwentong ito ay
naganap sa tubigan.

Sumisilip pa lang ang araw ay nagtungo na sina Ka Albina sa bukid, kasama niya ang kanyang anak na si
Nati at pamangkin na si Pilang upang magdala ng pagkain. Kasama din nila si Ore at nagpapatihuli
naman ito sa paglakad at tila baga may malalim na iniisip. Pagdating nila sa bukid ay may mga
kasamahan na silang nagtatrabaho. Makikita dito ang pagtutulungan at bayanihan ng mga taga-bukid.
Habang abala sa pag-aayos sina Nati at Pilang ay nagpupumilit naman si Pastor na tulungan si Pilang na
tinatanggihan naman ng dalaga. Inabutan ni Pilang ng kape si Pastor at habang inaabot niya ang kape sa
binata ay sinapupo nito ang  daliri ng dalaga na may ibig ipahiwatig kaya namula ang pisngi ni Pilang.

Habang sila ay kumakain at pinagsasaluhan ang kanilang mga dalang pagkain ay pasulyap-sulyap ng
tingin si Pastor kay Pilang at nang mapansin ng dalaga na  nakatitig ito ay namula ang pisngi ng dalaga at
ibinaba ang kaniyang saya.

Pagkatapos ng kainan ay sinimulan na nila ang paligsahan sa pagitan ng kani-kanilang kalakian. Sa


tubigang ito ay mayroon silang ipinagdiriwang na isang tradisyon o kultura na kung tawagin ay pista ng
mga magsasaka. Bawat kalakian ay nagpapakitang gilas na tila baga nakasanayan na rin ng mga
kalakian ang ganitong paligsahan.

Tuwing pista sa tubigan  ay maririnig sa mga taga-bukid ang mga katuwaan, hiyawan, ingay, palitan ng
sutsut sa kanilang mga kalakian at pilantik ng mga kani-kanilang kalabaw ang maririnig sa tubigan. Sa
gitna ng kanilang mga katuwaan ay sumigaw si Ka Albina para sa oras ng kanilang minandal.
Pinagsaluhan nila ang kanilang mga dalang pagkain.

Habang sila ay nagkakainan ng kanilang minandal ay napasin nilang wala pa sina Pastor, Ore at Tinong.
Sa kanilang paghahanap ay namataan nilang patuloy pa rin pala ang mga binatang ito sa
pagpapaligsahan at kasalukuyang nagsusubukan sa takaran sa ikatlong pitak. Napagmasdan nilang
nakatuon ang lakas at kaisipan ni Ore sa kaniyang kalabaw. Si Nati naman ay napatunganga sa
ginagawang paligsahan ng mga binata samantalang si Pilang ay nakatungong naglilinis ng pinggan.
Naiwan na sa huli si Tinong. Sina Pastor at Ore ay dikit naman ang laban dahil umaabot ang kalabaw ni
Ore sa pagpilantik nito ng dalawang beses sa kaniyang kalabaw. Nang makita ni Pastor na malapit na sa
kaniya si Ore saka naman siya pumilantik at sinutsutan ang kaniyang kalabaw. Sa kanilang napagmasdan
ay nagkahiyawan sila. Sa gitna ng katuwaan nila ay bigla namang tumigil ang kalabaw ni Ore kaya nanalo
ang kalabaw ni Pastor. Bigla namang sumigaw si Ka Punso na magkalang muna sila at  tumigil na din si
Pastor. Matindi na ang sikat ng araw ng matapos ito at nasiyahan ang lahat sa paligsahan ng dalawang
binata.

Masaya at nakangiti silang lumapit sa kanilang mga kasamahan samantalang si Ore naman ay hinihimas
sa batok ang kaniyang kalabaw dahil sa matinding pagod na naranasan nito. Inabutan ni Pilang ng
pagkain si Pastor at ito ay naupo sa tabi ng dalawang dalaga. Si Ore naman ay naupo ng   bahagya,
malayo sa kanilang kinauupuan at ilang hakbang ang pagitan sa kanila. Nang kumakain na sila ay lumapit
si Pilang sa kinauupuan ni Ore at doon niya ito dinulutan ng pagkain. Kumislap ang mga ngipin ni Pilang
at naibsan ang pagod ni Ore.  Bagamat natalo ni Pastor si Ore sa isang paligsahan ay natalo naman ni
Ore si Pastor sa pag-ibig kay Pilang dahil siya ang nagwagi sa puso ni Pilang.

You might also like