You are on page 1of 5

12 Uri ng Sanaysay:

1. Pasalaysay–Ang sanaysay na ito ay katulad din ng pormal na sanaysay dahil ito aysasanay na gumagamit ng mga
salitang pormal.
2. Naglalarawan–Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari sa buhay,inilalarawan nya lahat ng
detalye.
3. Mapang-isip o Di praktikal–Ang sanaysay na ito ay naghahayag ng mga salita nanagbibigay sa mga mambabasa na
mapag-isipan ang kanilang binabasang sanaysay.
4. Kritikal o Mapanuri-kritikal sanaysay ay isang papel na nangangailangan ng isangmalalim na pag-aaral ng isang
paksa at inilalantad nito malakas at mahina tampok. Iyonay kung bakit ang may-akda ay hindi kinakailangan
pangangailangan na pumuna. Angkanyang gawain ay ang evaluat ea paksa ng pag-aaral at magpasya kung
pumuna ito osinusuportahan
5. Didaktiko o Nangangaral–Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng kanyang sarilingkaranasan na nagbibigay
pangaral o inspirasyon sa mga mambabasa.
6. Nagpapaalala–Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng kanyang sariling opinyonupang makapag-paalala sa mga
mambabasa ng kanyang mga naiispan.
7. Editoryal–Ang sanaysay na ito ay ginagamit sa mga balita at may mga paksa tungkol sa mga nangyayari na
trahedya sa kapaigiran.
8. Maka-siyentipiko–Sa sanaysay na ito ay sinasanaysay ang mga maka-agham na mgapangyayari o nglalahad ng
tungkol sa kalusugan.
9. Sosyo-politikal–Ang sanaysay na ito ay nagpapatungkol sa mga politika na mgagawain tulad ng paksa sa mga
tauhan ng gobyerno o kaya naman ay naglalahad ng mgapangyayari sa loob ng politika.
10. Sanaysay na pangkalikasan–Ang sanaysay na ito ay tungkol sa mga kalikasan,pumapaksa sa kapaligiran tulad ng
paksa patungkol sa kagubatan.
11. Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan–Ang sanaysay na bumabalangkas saisang tauhan ay nagsasanaysay na
nakapokus lamang sa isang tauhan, inilalahad nitoang paksa tungkol sa tauhang ito.
12. Mapangdilidili o Replektibo -Isang masining na pagsulat na may kauganayan sapansariling pananaw at damdamin sa isang
partikular na pangyayari

2 Uri ng Sanaysay
Ito ay may dalawang uri: ang pormal at di-pormal.
1. Pormal
Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat. Kadalasan itong
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at walang
halong biro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon ng sumulat sa mga
maiinit na balita.
2. Di-pormal
Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na nagbibigay-lugod o
mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa isang
paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang
kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan.
Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng di-pormal na sanaysay.

Mga Bahagi ng Sanaysay


Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.
1. Simula/Panimula
Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang
binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.
2. Gitna/Katawan
Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda. Malaman ang
bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.
3. Wakas
Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay. Dito rin nahahamon ang
pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang pinag-usapan.
Ang Mga Katangian Hinahanap ko sa Isang KaibiganGaling sa Millionmiler.com

Ang bawat isa sa atin ay may natatanging kaibigan ito’y nakakagalak sa ating buhay, nagpapasya sa atin kapag
tayo’y nalulungkot. Matatakbohan mo at tutulong pag may problema tayo nagbibigay ng mga payo.Minsa’y
maituturing na mas higit pa sa kapatid ang isang kaibigan.

Ang gusto ko sa isang kaibigan ay tapat at matulungin hindi lamang sa katuwaan.Ito’y maghikayat sa akin tungo
sa tamang landas at gagabay sa kabutihan sa tamang kaugalian.At magbibigayan ano man mayroon sa isa’t-isa.
At ibahagi ang ating talento sa mga kaibigan makatututlong sa kabuhayan ang bawat isa ay may asinso sa buhay.

Nawa’y ito ang gawin natin para maibsan ang kahirapan sa ating bansa ang lahat ng problema ay hidi natin iaasa
sa ating bagong pangulo. May magagawa din tayo mga simpleng bagay pero laking kaginhawaan sa lahat.
Salamat sa Poong Maykapal sa mga gabay sa lahat.

Itaboy ang Kahirapan, Hindi ang MahihirapAkda ni Gregorio V. Bituin Jr.


(Taliba ng Maralita, Oktubre-Disyembre 2003)

Ayon sa gobyerno, kailangang labanan ang kahirapan. Pero ang solusyon nila para labanan ang kahirapan ay
itaboy ang mga mahihirap. Ang pananaw na ito ng gobyerno, pati na rin ng mga kapitalista at naghaharing iilan
sa lipunan, ay makikita sa sumusunod na kwentong bayan:

“Bibisita ang isang hari sa probinsyang kanyang nasasakupan, at ipinabatid niya ito sa mga namumuno sa bayang
yaon. Dahil dito, naghanda ang gobernador ng lalawigan at inatasan ang lahat ng kanyang mga kabig na
kailangang matuwa ang hari sa pagdalaw nito sa kanilang bayan. Ngunit sa dadaanan ng hari ay may mga
barung-barong na pawang mga mahihirap ang nangakatira. Hindi nila maitaboy agad-agad ang mga tao dahil
tiyak na lalaban ang mga ito. Kaya ang ginawa ng gobernador ay pinatayuan ang paligid nito ng mahabang
pader upang sa pagdaan ng hari, ay hindi nito makita ang karumal-dumal na kalagayan ng mga mahihirap.”

Hindi ko maalala kung saan ko nabasa ang kwentong ito, pero ang aral ng kwentong ito’y nahalukay ko pa sa
aking memorya. Sa esensya, karima-rimarim sa mga mata ng naghaharing uri sa lipunan ang mga mahihirap dahil
ang mga ito’y “nanlilimahid, mababaho, mga patay-gutom at mababang uri”. Kaya nararapat lamang na ang mga
mahihirap na ito’y itago sa mata ng hari, at palayasin o itaboy na parang mga daga sa malalayong lugar.

Kaya naman pala patuloy ang demolisyon sa panahong ito. Demolisyon ng barung-barong ng mga mahihirap
dahil sila’y masakit sa mata ng gobyerno’t kapitalista. Demolisyong ang pinag-uusapan lamang ay maitaboy sa
malalayong lugar ang mga mahihirap. Demolisyong hindi pinag-uusapan ang kahihinatnan ng mga mahihirap sa
lugar ng relokasyon at pagkalayo nila sa lugar ng kanilang hanapbuhay.

Kung ganoon, para sa gobyerno’t kapitalista, para labanan ang kahirapan, itaboy ang mahihirap. Ito ang esensya
ng demolisyon.

Pero para sa mahihirap, para labanan ang kahirapan, itaboy ang nagpapahirap. Ito ang esensya ng rebolusyon.

Teka, hindi pa tapos ang kwento: “Nang dumating ang hari sa bayang nasabi, ipinagbunyi siya ng mga tao at
nakita ang kaayusan at kaunlaran ng lugar. Kaya ang sabi ng hari ay gagantimpalaan niya ang gobernador dahil
sa malaking nagawa niya sa lalawigan. Sa pag-uwi ng hari mula sa maghapong pagdalaw sa probinsya, napansin
niya ang mahabang pader na agarang ipinatayo ng gobernador. Hiniling niyang makita ang nasa kabila nito.
Walang nagawa ang gobernador. Dito’y agad nakita ng hari ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga nakatirang
mahihirap sa kabila ng pader. Itinatago pala ng gobernador ang tunay na kalagayan ng lalawigan. Bumaba ang
hari’t nakitang maraming namamayat at ang iba’y halos mamatay sa gutom, marami ang nagkakasakit at walang
nag-aasikaso. Dahil dito, binawi ng hari ang gantimpalang sana’y ibibigay niya sa gobrnador.”

Sa pinakasimple, para itaboy ang kahirapan, dapat resolbahin ito ng pamahalaan pagkat sila ang namumuno at
nasa poder ng kapangyarihan. Hindi nararapat na basta na lamang itaboy ang mahihirap pagkat sila’y biktima
lamang ng kahirapan, biktima ng bulok na sistemang nag-anak sa kahirapang kanilang nararanasan. Walang silbi
ang isang gobyernong hindi kayang lutasin ang problema ng kanyang mga nasasakupan. Dahil doon, nararapat
lamang silang mawala sa poder.
Kahirapan na walang katapusan(Pang-Masa, Marso 30, 2015. Galing sa Philstar.com)

Maganda ang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2015. Maaari raw umangat ng 6-7 percent ang
kabuhayan. Nakikita na umano ang mga palatandaan. Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6
percent. Tuwang-tuwa si President Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya ito. Sabi, ang pag-
angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na pamamahala” ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang nakapagtataka, sa kabila na umaangat ang ekonomiya, bakit marami pa rin ang naghihirap at nagugutom.
Bakit marami pa rin ang walang trabaho? Bakit marami pa ring palaboy?

Sa latest Pulse Asia survey, 40 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila satisfied sa ginagawa ng
gobyerno kung paano malulutas ang kahirapan ng buhay. Wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga dukha at
lalo pa umanong nalulubog sa kumunoy ng kahirapan. May ginagawang paraan ang gobyerno gaya ng
pagbibigay ng financial na tulong sa mga mahihirap na pamilya pero ito ay hindi garantiya na magpapabago sa
buhay ng mga dukha, sa halip tinuturuan lamang na umasa at maging depende sa pamahalaan. Hindi na
nagnanais magsikap at bagkus naghihintay na lamang ng babagsak sa kanilang bunganga.

Hindi magawa ng gobyerno na mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap. Kahit na maraming beses nang nag-
rollback ang petroleum products, ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nananatili pa ring mataas. Walang
makitang pagsisikap ang pamahalaan para mabigyan ng kagaanan ang maraming Pinoy na isang kahig, isang
tuka.

Marami sanang mapagkukunan ng ikabubuhay sa bansang ito pero kulang ang pagsisikap ng gobyerno. Ang
agricultural sector na maraming pagkukunan ng pagkakakitaan ay nakakaligtaan. Sa halip na tulungan ang mga
magsasaka na kumita mula sa inaani, mas pinapaboran pa ang pag-iimport ng produkto – halimbawa ang bigas
at sibuyas.

Hindi matatakasan ang kahirapan at kagutuman, dahil walang sistema ang gobyeno kung paano lulutasin ang
problema. Nababaluktot ang daang matuwid.

Global Warming sa PilipinasHalimbawa ng Pormal na Sanaysay – galing sa Sanaysay-


Filipino.blogspot.com

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na
maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran.
Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating
kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito
sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang
magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature
ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto
na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n
gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag
na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari
sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga
mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng
ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan,
malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan
natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod
ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng
ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran.
Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang
na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa
pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy
ang pagsira sa ating kapaligiran.
Ang Magagawa kong Kabutihan para sa ating KalikasanGaling sa Millionmiler.com

Ang Kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang ipinagkaloob nang ating Panginoon.Dapat
natin itong ingatan at aalagaan .Mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa
kapakanan ng sumusunod na henerasyon.

Para sa akin ang dapat kong gawin ay tutulong ako kahit sariling sikap lamang para mapangalagaan ko ang
kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa bukirin at lugar na walang puno na itinanim dahil sa pagtotroso at
pagkakaingin.Bakit kaya nila ito ginawa at seguro alam naman nila ang magiging epekto kapag wala ng mga
puno?Ang gagawin ko para masugpo ang mga masasamang gawain na ito ay isusumbong ko sa awtoridad ang
maling ginagawa ng tao.Dapat tayong magtulungan upang maibalik ang dating sagana sa kalikasan nang may
magagamit pa ang ating mga anak,mga apo sa susunod na henerasyon.

Ipaparating ko po sa mga tao na sa halip na ating sirain ang kalikasan ay tutulong tayo sa paglilinis, pagbabawas
ng basura,pagtittipsa koryente at tubig,ayusin ang mga sirang sasakyan o di kaya’y maglalakad kung malapit lang
at pag-iwas sa mga gawain na makakadagdag ng butas sa ozone layer.
“Kultura: Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis,  pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan


paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang  maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at  marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng  pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela,  pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting ng lahing  kapuri-puri ng lahing marangal.

You might also like