You are on page 1of 27

Ang Ama

(di pinangalanang awtor)


(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng
ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking
supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang
iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubosniya nang mag-isa; pagkatapos
ay naroong magkagulo satira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng
ina namabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain,
sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta anglahat, at ni katiting ay walang
maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, doseanyos, at isang
babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa
lahat ng bagay kung wala ang ina, upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki,
kambal, na nuwebe anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad
ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama ng
kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na puno ng pansit
guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y
masayang nakiupo sa kanila't kumain ngkaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ngpagkain ang
ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi ito umuuwing lasing at
nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa
gabi ng ama, naninipat ang mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali
sa mga daliri nito. Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at
angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha
ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mgabata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at
kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang
maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga
batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas
na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may pagkakataong
ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at sakitin at palahalinghing na
parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng
langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong
pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya aynakaupo sa bangko sa isang sulok
ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang
pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina
napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote
ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila
na ang halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at
hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na
satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante sa kaniyang
trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at hindi mapatahan ng
dalawang pinakamatandang batagayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng
ama aybumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito
nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang
gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sapamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay isang
kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa sakiting bata ay
dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong nagmumukmok ay doble ang
kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang
babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay
madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng
kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti
nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at
marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki
ay napaiyakat kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna inulilang ama
na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at laman. Mula sa kaniyang
awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang
nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno
niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-
bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya
at iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.Mayroong siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niyasa bulsa ang perang ibinigay ng
kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang
niya ang papel-de-bangko. Isa mandito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay
ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila.
Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong
dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna may mas
maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang mga bata sa kanilang
nakita, pero iyon ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang
kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon
satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad
ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay.
Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman
niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama.
Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi dumating


ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-iinteresang yaman.
Kinuha nito ang malaking supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang
yaman na wari'y kanila nasana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi
silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at
ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila
nito at sisigawang bumalik sa bahay, perongayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man
lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod nakaniyang


hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahanginilapag sa puntod,
habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi
ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."

Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang


mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang
mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang
basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman.
Sinira ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad
sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
TAKIPSILIM SA DYAKARTA
Indonesia
ni Mochtar Lubis
(Salin ni Aurora E. Batnag)
ISINARA ni Raden Kaslan,
director ng Bumi Aju Corporation
at miyembro ng Indonesian
Party, ang pinto ng kanyang
opisina sa bahay at bumaling sa
kanyang bisita, si Huslin Limbara,
tagapangulo ng Indonesian Party.
“Hayan”, sabi niya, “wala
nang makaririnig ng usapan natin.
Maupo ka.”
Naupo si Husin Limbara sa isang
silyon na kulay tsokolate na gawa
sa balat, sumandal,
saka nagsabing,
“Aray, masakit pa rin ang
balikat ko. Wala pa ring doctor ang
nakapagpagaling nito.”
Kinuha ni Raden Kaslan ang
kahon ng tabako sa kanyang
mesa at may sinabing
pakikiramay sa sakit sa balikat ni
Husin Limbara. Kumuha ang bisita
ng isang ‘555’ na sinindihan
ni Raden Kaslan sa kanyang pilak
na layter na gawa ng Jogja
Silverworks.
Humithit nang malalim si Husin
Limbara, marahang nagbuga ng
usok habang matamang
nakatingin sa mukha ni Raden
Kaslan. Saglit na hindi mapalagay
si Raden Kaslan sa pagkakatingin
sa kanya, ngunit iwinaksi niya ang
pag-aalala matapos makapag-isip:
kailangan na naman ng partido
ng pera, at sa pagkakataong ito,
hindi na siya nag-abot ng hihigit pa
sa isa o dalawang libong rupiah.
Gumaan ang kanyang
pakiramdam nang mabuo ang
ganitong pasya. Sinabi niya kay
Huslin
Limbara.
“Ano ba’ng atin?”
Parang napaka-importante at
napakabigat ng problema noong
magkausap tayo sa telepono.”
May bahagyang ungol na umayos
ng upo si Husin Limbara bago
marahang nagsabi,
TAKIPSILIM SA DYAKARTA
Indonesia
ni Mochtar Lubis
(Salin ni Aurora E. Batnag)
ISINARA ni Raden Kaslan,
director ng Bumi Aju Corporation
at miyembro ng Indonesian
Party, ang pinto ng kanyang
opisina sa bahay at bumaling sa
kanyang bisita, si Huslin Limbara,
tagapangulo ng Indonesian Party.
“Hayan”, sabi niya, “wala
nang makaririnig ng usapan natin.
Maupo ka.”
Naupo si Husin Limbara sa isang
silyon na kulay tsokolate na gawa
sa balat, sumandal,
saka nagsabing,
“Aray, masakit pa rin ang
balikat ko. Wala pa ring doctor ang
nakapagpagaling nito.”
Kinuha ni Raden Kaslan ang
kahon ng tabako sa kanyang
mesa at may sinabing
pakikiramay sa sakit sa balikat ni
Husin Limbara. Kumuha ang bisita
ng isang ‘555’ na sinindihan
ni Raden Kaslan sa kanyang pilak
na layter na gawa ng Jogja
Silverworks.
Humithit nang malalim si Husin
Limbara, marahang nagbuga ng
usok habang matamang
nakatingin sa mukha ni Raden
Kaslan. Saglit na hindi mapalagay
si Raden Kaslan sa pagkakatingin
sa kanya, ngunit iwinaksi niya ang
pag-aalala matapos makapag-isip:
kailangan na naman ng partido
ng pera, at sa pagkakataong ito,
hindi na siya nag-abot ng hihigit pa
sa isa o dalawang libong rupiah.
Gumaan ang kanyang
pakiramdam nang mabuo ang
ganitong pasya. Sinabi niya kay
Huslin
Limbara.
“Ano ba’ng atin?”
Parang napaka-importante at
napakabigat ng problema noong
magkausap tayo sa telepono.”
May bahagyang ungol na umayos
ng upo si Husin Limbara bago
marahang nagsabi,
5

Tuklasin
Handa ka na ba sa susunod
na
gawain?
Halika na! Basahin na natin
ang
nobelang “Takipsilim sa
Dyakarta”
na isinulat ni Mochtar Lubis at
isinalin naman sa Filipino ni
Aurora E.
Batnag.
Tuklasin mo, kaibigan kung
paano binigyan ng interpretasyon
ang
mga pahiwatig na ginamit ng may-
akda
at kung paano ipinapakita ang
katotohanan, kabutihan, at
kagandahan
ng nobela.
TAKIPSILIM SA DYAKARTA
Indonesia
ni Mochtar Lubis
(Salin ni Aurora E. Batnag)
ISINARA ni Raden Kaslan,
director ng Bumi Aju Corporation
at miyembro ng Indonesian
Party, ang pinto ng kanyang
opisina sa bahay at bumaling sa
kanyang bisita, si Huslin Limbara,
tagapangulo ng Indonesian Party.
“Hayan”, sabi niya, “wala
nang makaririnig ng usapan natin.
Maupo ka.”
Naupo si Husin Limbara sa isang
silyon na kulay tsokolate na gawa
sa balat, sumandal,
saka nagsabing,
“Aray, masakit pa rin ang
balikat ko. Wala pa ring doctor ang
nakapagpagaling nito.”
Kinuha ni Raden Kaslan ang
kahon ng tabako sa kanyang
mesa at may sinabing
pakikiramay sa sakit sa balikat ni
Husin Limbara. Kumuha ang bisita
ng isang ‘555’ na sinindihan
ni Raden Kaslan sa kanyang pilak
na layter na gawa ng Jogja
Silverworks.
Humithit nang malalim si Husin
Limbara, marahang nagbuga ng
usok habang matamang
nakatingin sa mukha ni Raden
Kaslan. Saglit na hindi mapalagay
si Raden Kaslan sa pagkakatingin
sa kanya, ngunit iwinaksi niya ang
pag-aalala matapos makapag-isip:
kailangan na naman ng partido
ng pera, at sa pagkakataong ito,
hindi na siya nag-abot ng hihigit pa
sa isa o dalawang libong rupiah.
Gumaan ang kanyang
pakiramdam nang mabuo ang
ganitong pasya. Sinabi niya kay
Huslin
Limbara.
“Ano ba’ng atin?”
Parang napaka-importante at
napakabigat ng problema noong
magkausap tayo sa telepono.”
May bahagyang ungol na umayos
ng upo si Husin Limbara bago
marahang nagsabi,
TATLONG MUKHA NG KASAMAAN
ni U Nu
(Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas)
May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: kasakiman,
galit/poot, at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan. Ang mga bagay na ito ay batas
ng kalikasan, kahit ang isang tao ay naniniwala sa mga aral ni Buddha, Muslim,
Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan ng daigdig ng
sinumang tao. Ito ay pagtanda, karamdaman, at kamatayan.

Nag-aangkin din ang isang nilalang ng limang katangian mula sa kanyang


pagsilang.
1. kakayahang magpahalaga sa nakikita niyang kagandahan sa
kapaligiran,
2. magpahalaga sa musika at awitin,
3. magpahalaga sa pagkaing kanyang naiibigan,
4. makapag-uri ng iba’t ibang halimuyak at sa
5. kagandahan ng sining ayon sa kanyang pamantayan.
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao ay hindi panghabang panahong mapapanaligan
ng tao, sapagkat ang mga ito ay katulad ng panahong lumilipas.
Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala,
sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng
isang tao sa kanyang libingan, kaya lamang, may iba’t ibang pananaw ang mga tao sa materyal
na yamang angkin nila habang sila ay nabubuhay. Ang hindi alam ng marami, kahit sia ang
pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay ni wala sa isang milyong bahagi sa
paniniwala ni
Samsara The Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil
sa kasakiman.

Sinasabi rin na ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng


sobrang kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa
sangkatauhan. Sa batas na makatao ay sinasabi na ang lahat ng yamang materyal ay dapat
gamitin ng sinumang tao sa kanilang pangangailangan. Ngunit nang makilala ng tao ang
kanyang pagkamakasaril, ginagamit ang materyal na yaman sa sariling
kapakanan na siyang nagdulot sa lipunan ng maraming bagay na:

1. Nahahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mahirap at mayaman.

2. Ang mahihirap ay lagging umaasa sa mayayamang may puhunan, sapagkat


kalimitan ang isang negosyanteng nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung
papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi iniisip ang
kalagayan ng maliliit.

3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap ay laging


napagsasamantalahan, samantalang sila ay nagkakamal ng yaman. Bunga ng
ganitong pamamaraan ang mahihirap ay natutong magnakaw, pumatay, at ang
kababaihan ay nagbebenta ng sariling katawan.

4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang
nilalang ay maagang namamatay. Ito ay ang karma, labis na pag-iisip dahil sa
kahirapan, kakulangan sa pagkain at kakulangan sa buhay na isa sa
pangunahimng kailangan ng tao. Totoo, ang paniniwalang ito ni Buddha,
sapagkat abala ang mayayaman sa kanilang pagbubuhay hari, dahil sa
pagsasamantala nila sa maliliit? Ganito ba ang batas na makatao, samantalang
ang nagsasamantala ay nagpapasasa sa pawis ng maliliit, silang mga biktima ay
laging api? Dahil sa apat na dahilan ay hindi maiiwasan ng maliliit ng magkaroon
ng karamdaman.

5. Paanong ang maliit ay makapagtatamo ng wastong edukasyon na siyang


makapagpapaunlad sa kanilang buhay? Ang hindi pagkamit ng wastong
kaalamaan ay siyang dahilan ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami
ang mga uri ng napagsasamantalahan.

6. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang mamamayan
ay mangmang? Anong kaisipang bago ang iaambag ng mga mangmang sa
kaunlaran?

Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng


tao kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan.
May natatandaan ba kayong alamat na ikinuwento sa inyo ng mga Lolo at Lola ninyo?
Ganito ang isang alamat tungkol sa punongkahoy na may pangalang Padaythabin
(punongkahoy na pinagmumulan ng pangangailangan ng tao).
Sang-ayon sa alamat noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng tao ay
nakukuha sa naturang puno, kaya walang suliranin ang mga mamamayan sa pagkain,
damit, at tahanan. Dahil sa bagay na iyon mistulang nasa paraiso ang mga tao,
sapagkat ang punong Padaythabin ay balon ng kayamanan. Ngunit nakilala ng mga tao,ang
kasakiman. Inabuso nila ang mahiwagang puno. Biglang naglaho ang puno.

Mula noon, maraming tao ang nagutom, dahil sa pagkawala ng mahiwaagang puno. Nakilala ng
mga tao ang krimen. Natuto silang pumatay at magnakaw.

Ngayon ay maihahambing natin ang punong Padaythabin sa kayamanang likas sa


ating bansa, sa ating paligid, at ilalim ng lupain. Kung ang bawat likas na yaman ng
ating bansa ay gagamitin sa kapakanan ng mga nakararaming mamamayang
nangangailangan siguro’y walang taong magugutom, pumapatay o mababawasan ang
kasamaan ng sangkatauhan.

Ngayon ay hindi ganito ang larawan ng sangkatauhan. Ang dahilan, nakilala ng mga
tao ang kasakiman. Ang maraming mahihirap ay nangangarap na yumaman. Ang
maraming mayayaman, patuloy at patuloy pa ring nangangarap na magkamal nang
katakot-takot na yaman na walang katapusan.
Ganito ang batas ng tao sa kanyang sarili dahil sa kasakiman sa pagkakamal ng materyal na
bagay, kahit para silang lintang sumisipsip ng dugo sa kanilang
pinagsasamantalahan. Ang mga dahilang ito marahil ang sanhi kung bakit may
mayayaman sa kasalukuyan na hindi kayang ubusin ang naipong mga yaman kahit
sampung ulit silang mamumuhay sa daigdig. Samantalang ang mga biktima ng tatlong
mukha ng kasamaan ay mistulang basahan ang saplogt sa kanilang katawan.

Ang may-akda nito ay dating Prime Minister ng Burma. Nais niyang bigyang-aral ang mga taga-
Burma ukol sa kalagayang panlipunan ng kanilang bayan.
TAKIPSILIM SA DYAKARTA Indonesia ni Mochtar Lubis (Salin ni Aurora E. Batnag ) ISINARA ni Raden
Kaslan, director ng Bumi Aju Corporation at miyembro ng Indonesian Party, ang pinto ng kanyang
opisina sa bahay at bumaling sa kanyang bisita, si Huslin Limbara, tagapangulo ng Indonesian Party.
“Hayan”, sabi niya, “wala nang makaririnig ng usapan natin. Maupo ka.” Naupo si Husin Limbara sa
isang silyon na kulay tsokolate na gawa sa balat, sumandal, saka nagsabing, “Aray, masakit pa rin ang
balikat ko. Wala pa ring doctor ang nakapagpagaling nito.” Kinuha ni Raden Kaslan ang kahon ng
tabako sa kanyang mesa at may sinabing pakikiramay sa sakit sa balikat ni Husin Limbara. Kumuha ang
bisita ng isang ‘555’ na sinindihan ni Raden Kaslan sa kanyang pilak na layter na gawa ng Jogja
Silverworks. Humithit nang malalim si Husin Limbara, marahang nagbuga ng usok habang matamang
nakatingin sa mukha ni Raden Kaslan. Saglit na hindi mapalagay si Raden Kaslan sa pagkakatingin sa
kanya, ngunit iwinaksi niya ang pag-aalala matapos makapag-isip: kailangan na naman ng partido ng
pera, at sa pagkakataong ito, hindi na siya nag-abot ng hihigit pa sa isa o dalawang libong rupiah.
Gumaan ang kanyang pakiramdam nang mabuo ang ganitong pasya. Sinabi niya kay Huslin Limbara.
“Ano ba’ng atin?” Parang napaka-importante at napakabigat ng problema noong magkausap tayo sa
telepono.” May bahagyang ungol na umayos ng upo si Husin Limbara bago marahang nagsabi,

“Isang mahalagang desisyon ang binuo ng lupong tagapagpaganap. Gaya ng alam mo na, malapit na
naman ang eleksiyon. Kailangan ng ating partido ng maraming pera. Kailangan magtayo tayo ng
organisasyong pangkalakalan para makalikom ng malaking pera. Sa lahat, ikaw ang napili para
maghanda ng plano dahil mahaba na ang karanasan mo sa negosyo. Gusto naming maghanda ka ng
malawakang plano, nasasaklaw sa lahat ng gawaing pang-ekonomiya. Huwag kang mag-alala tungkol
sa pera mo. Hindi natin intensyong magnegosyo. Pero kung magiging pangmatagalan ang ilang
kasunduan, mas mabuti may tagubilin na sa mga miyembrong may mataas na puwesto para
suportahan ang mga gawain ng partido. Anong palagay mo?” Pinagmasdan ni Raden Kaslan si Husin
Limbara. Nakabalita na siya tungkol sa plano ng partido na lumikom ng pondo; matagal niyang
hinintay na maimbitahan siyang sumali sa paglikom na ito. Nakapasok na ang pangalan niya sa mga
piling miyembro, ngunit hinihingi pa rin niya ang suporta ng mga kaibigan niyang miyembro ng
konseho para makasiguro at nagkagasta na siya ng ilang libong rupiah para rito. “Kung susuporta ang
mga miyembro ng partido na nasa puwesto, walang problema.” Sabi ni Raden Kaslan. “Sa lahat ng
sektor ng ekonomiya, pinakamadaling hingan ng pera ang mga nag- iimport. Ang ibang sektor ay
hihingi pa ng palugit na panahon, hihingi ng organisasyon, ng tauhan – tulad ng transportasyon,
eksport o industriya – pero walang hinihinging ano man ang mga nagiimport.” “Ang kakailanganin
lamang ay pangalan ng isang korporasyon, ‘yon lang. Ibebenta lang namin ang mga makukuha naming
lisensiya sa pag-import. Maghanda tayo ng dalawang plano. Ang isa’y para sa mabilisang resulta, sa
pamamagitan ng mga nag-iimport. Ang isa pa, na pangmatagalan, ay para sa pagbubukas ng mga
bangko, industriya, at iba.” “A, hindi nagkamali ang marami sa pagsasabing eksperto si Raden Kaslan
sa ekonomiya,” natatawang sabi ni Husin Limbara. “Madali lang ‘yon,” sabi ni Raden Kaslan. “Handang
bumili ng lisensiya ang mga importer, lalo na kung para sa mga ordinaryong bagay na kailangang bilhin
ng tao, kahit patungan natin ng dos siyentos porsiyento. Kaya, halimbawang sandaang libong rupiah
ang halaga ng bawat lisensiya, mabebenta ang mga ito ng tatlong daang libong rupiah. Kikita tayo ng
buong-buong tatlong daang libong rupiah nang walang puhunan kahit sampera.” “Okey!” sabi ni Husin
Limbara at natutuwang tinapik ang mesa. “Sa kalkulasyon ng ating partido, kailangan natin ng hindi
kukulangin sa tatlong milyon para manalo sa darating na eleksiyon. Palagay mo ba, kaya nating likumin
ito sa loob ng anim na buwan?” Sandaling di kumibo si Raden Kaslan habang nagkukuwenta. “Walang
problema” sabi niya. “Okey,” ulit ni Husin Limbara. “Ikaw na’ng bahalang maghanda ng plano.” “Pero
may isa pang bagay na kailangang ayusin,” sabi ni Raden Kaslan. “Ilang porsiyento ang mapupunta sa
partido, at ilan sa mga gagamiting taong magpapatupad ng plano? May peligro ‘to kahit pa’no, kaya …”
“A, tungkol sa peligro, bahala ang mga ministro natin.” “Hindi iyon ang sinasabi ko.” Mahinang sabi ni
Raden Kaslan. “Kahit huwad ang mga korporasyong itatayo natin, meron pa rin pagkakagastuhan,
tulad ng buwis, mga sertipiko, at marami pang iba.” “Ano ang marapat sa opinyon mo, Bung Raden
Kaslan?”

“Okey na ang tigsisingkwenta porsiyento, singkuwenta sa partido at singkuwenta sa mga taong


gagamitin natin ang pangalan.” “Di ba sobra naman yata ‘yan?” nagsususpetsang tanong ni Husin
Limbara. “Bakit naman sobra? Sigurado namang makukuha ng partido ang kuwarta sa loob ng anim na
buwan,” tugon ni Raden Kaslan. “Bung Raden Kaslan, alam mo naman, siyempre, na kailangang lihim
na lihim ito,” sabi ni Husin Limbara. “Siyempre pa! Magiging maingat na maingat ako. ‘Ba, hindi ba
nakataya rin ang reputasyon

ko?” Tumayo si Husin Limbara, bahagyang yumuko upang di sumakit ang balikat, humakbang
patungong pinto, bago nagtanong kay Raden Kaslan, “Kailan mo kaya madadala sa akin ang plano?”
“Sa loob ng isang linggo,” sagot ni Raden Kaslan. “Sige, isang linggo. Tawagan mo na lang ako.” Sa
beranda sa harapan, nakita nila si Fatma na nakaupo at nagbabasa, at sa harap ng piyano sa sulok ay
naroon si Suryono, parang tinatamad na humihimig ng ilang tono. “Aalis na ba kayo?” tanong ni
Fatma. “Hindi ba muna kayo iinom ng kahit ano?” “Salamat. Saka na lang. Sobrang dami ng trabaho.”
“Suryono, halika rito sandali. Ito si Park Husin Limbara, tagapangulo ng Indonesian Party. Ito ang anak
kong si Suryono. Kararating lang niya mula sa ibang bansa. Sa Ministri ng Ugnayang Panlabas siya
pumapasok.” “Kumusta, hijo? Miyembro ka na rin ba ng partido?” tanong ni Husin Limbara habang
kinakamayan si Suryono. “Tama na ho ang isa sa partido – si Bapak na lang,” sagot ni Saryono.
Malakas silang nagtawanan. Pagkaraan, inihatid ni Raden Kaslan si Husin Limbara sa kotse ng huli na
nakaparada sa bakuran. Nang bumalik sa bahay si Raden Kaslan, isinara niya ang pinto, pinagkiskis ang
mga kamay, at pinaglipat ang tingin kina Saryono at Fatma. Pagkaraan, tumawa siya nang malakas.
“Pasok na tayo!” bulalas niya sa wikang Dutch. “Ayos na tayo,” dugtong pa. Naupo si Raden Kaslan sa
tabi ni Fatma, saka pinalapit si Saryono at nagsalitang parang may ibubunyag na lihim. “Sikreto ito,
atin-atin lang. Malaking pagkakakuwartahan ito!” At mabilis niyang ipinaliwanag sa asawa’t anak ang
mga plano sa paglikom ng pera para sa partido. Matapos magpaliwanag, sinabi ni Raden Kaslan,
“Balak kong magtayo ng iba’t ibang korporasyon, at ilalagay ko si Fatma, at ikaw, Saryono, na direktor
ng mga ito. At sa bawat korporasyon. Kahati tayo sa tubo, kaya sa hatian, mapapasakamay natin ang
pinakamalaking kita.” “A, hindi ako puwede,” sagot ni Suryono. “Empleyado ako ng gobyerno.”
“Walang problema, magbitiw ka o magbakasyon nang matagal. Sasabihin ko sa partido. Maaayos natin
‘yan.”
4

Matagal na nag-usap ang tatlo at marami silang nabuong plano. May kung anong naramdaman si
Suryono, na minsan ma’y di niya inaakalang mararamdaman, ang galak sa pagkakaroon ng
pagkakataong makahawak ng ganoong kalaking pera. “A,” sabi niya, “bakit nga hindi?” Nagpasya na
akong gusto ko ‘yon. ‘Pag nagsawa ako, di magbabago ako ng isip, iba naman ang gugustuhin ko.”
Nang matapos silang mag-usap, nakumbinse na ni Saryono ang sarili na walang masama sa kanilang
gagawin. Ganyan din naman ang ginawa ng ibang partido, naisip niya. Bakit hindi rin ako gumawa ng
gayon? Nakahiga si Pak Idjo sa madilim na kuwarto sa kanyang dampa. Mula nang bumangga ang
kanyang kalesa sa kotse, nilagnat na siya at hindi na nakabangon. Laging sumasakit ang kanyang mga
pigsa, at bawat sandali’y bumubulong siya, “La illa haillallah – la illa haillallah”, kasabay ng mga daing;
wala siyang kinakain at humihingi lamang ng tubig na maiinom. Kapag mataas na mataas ang kanyang
lagnat, nagdidiliryo siya at sumisigaw, “Naku, sasagasaan ako ng kotse. Maawa po kayo sa matandang
kabayo. Saklolo!” Halos magkasakit na rin si Ibu Idjo, ang asawa ni Pak Idjo, sa pag-aalaga sa kanyang
asawa. “Ang kabayo?” tanong ni Pak Idjo na nag-aalala. “Bahala si Amat. Naghahanap nga siya ng
damo.” “Sampung taon na si Amat. Pahanapin mo na siya ng trabaho,” sabi ni Pak Idjo. “Sayang nga at
napakabata pa niya. Kung hindi’y pwede ng siya ang maglabas ng kalesa,” sabi ng babae. “Oo nga,
puwede lang siya sa mga magagaang trabaho. Sabihin mong kahit anong trabaho. May pera pa ba
tayo?” “Nagbayad na sa kuwarto sina Saimun at Itam. May natira pang kaunti.” “Tipirin mo. Hindi
natin alam kung kailan ako gagaling.” Lumabas si Ibu Idjo at tinawag si Amat. “Mat, sabi ng tatay mo,
maghanap ka na raw ng trabaho para makatulong. May sakit pa si tatay.” Malalim ang iniisip ni Sugeng
habang nakasalampak sa silya. Ninenerbiyos siya at namumutla. Nagkukulong si Hasnah, ang kanyang
asawa sa kuwarto. Nag-away na naman sila. Iyon pa ring dati. Ang tungkol sa paglipat ng bahay.
Umaalingawngaw pa sa kanyang tainga ang mga tili ni Hasnah. “Puro pangakong napako. Buwan-
buwan, pangako. Malaki na’ng tiyan ko. Malapit na ‘kong manganak. Gusto mong gumawa ng bata,
hindi mo naman mabigyan ng disenteng tirahan. Patayin mo na lang ang batang ‘to!” Hindi nagtagal
ang kanilang galak sa pagkakataas ng puwesto ni Sugeng. Ang bagong puwesto ni Sugeng ay naghatid
ng bagong pag-asang magkakabahay na sila, ngunit wala pa ring nangyari. “Gusto mo bang maging
masama ako, gaya ng iba?” sigaw ni Sugeng. Pabalik-balik sa kanyang pandinig ang sigaw niyang iyon.

Allah, sa loob-loob niya, nilalabanan ko nang husto ang lahat ng tukso. Pero kung kailangan mabigyan
ng buhay si Hasnah, at pagpapakasama lamang ang tanging paraan para makuha ang buhay na ‘yon,
sige, magiging masama na rin ako. Para kay Hasnah, para sa kanyang isisilang, para sa beybi ko.
Nangalumbaba siya. Walang katarungan sa mundong ito. Hindi binibigyan ng pagkakataong manatiling
tapat ang mga taong gustong maging tapat. Isang munting bahay, iyon lang, at hindi na kailangang
isugal pa ang karangalan. Hindi, ayoko, ayoko. Eh ano kung magalit si Hasnah, hamo siya! Pero alam
niya, susuko rin siya sa gusto ni Hasnah. Hindi niya kayang makipag-away kay Hasnah bawat minuto
tungkol sa bahay. Tumayo siya at nagtuloy sa kuwarto, sa kamang kinahihigaan ng umiiyak pang si
Hasnah. Niyakap ni Sugeng ang asawa at bumulong, “Sorry, Has, ako’ng mali. Pero pangako, ngayon ay
totoo na. Magkakabahay na tayo.” Nadama ni Hasnah ang katapatan sa kanyang pagsasalita kaya
yumakap din ito sa asawa. Matagal silang nagyakap. Naglalakad si Dahlia sa harap ng mga tindahan sa
Pasar Baru. Hindi na niya mabilang kung ilang tindahan na ang napasok niya. Sa bawat tindahan,
tinitingnan niya ang lahat ng paninda ngunit wala pa siyang nabibili. Nawawalan na siya ng pag-asa.
Kamuntik na sana sa isang tindahan. Habang tumitingin siya ng tela, nakatabi niya ang isang lalaki na
mukhang mapera. Tinapunan niya ang lalaki ng mapang-akit na sulyap at nakita niya ang sagot sa mga
mata nito. Pero hindi malaman ni Dahlia kung bakit hindi kumagat ang lalaki sa kanyang pasimula, at
habang kunwari’y nakikipagtawaran si Dahlia, biglang lumabas ang lalaki. Baka walang pera, naisaloob
ni Dahlia. Hindi nagtagal at lumabas na rin si Dahlia. Tinitingnan siya ng halos lahat ng lalaking
nagdaraan, ngunit ni isa ma’y walang naakit sa kanya. Mabagal na naglakad si Dahlia, pahintuhinto sa
bawat bintana para ayusin ang sarili at tumingin sa mga panindang nakadispley, habang abala sa mga
iniisip. Dalawang linggong wala ang kanyang asawa, at dalawang lingo siyang mapag -iisa, at libre.
Walang ano-ano, nagulat siya at napatili nang mabangga ng isang lalaki na nagsabing, “Sori, Donya,
hindi ko kayo napansin.” Nang tingnan ni Dahlia ang nagsalita, ang nakita niya ay isang kabataang
lalaki, ismarteng magdamit, at may dalang pakete. Nagtama ang kanilang mga tingin at kapwa sila
napangiti. “Ihahatid na kita,” walang pag-aalinlangang sabi ng lalaki. “Salamat, kung hindi makaaabala
…” “Hindi naman. Hayun lang ang kotse ko sa kabilang kalye.” Hinawakan ng lalaki si Dahlia sa siko,
tumawid sila at lumapit sa isang Dodge sedan Binuksan ng lalaki ang unahang pinto para kay Dahlia
bago ito naupo sa harap ng manibela. Matapos paandarin ang kotse, tiningnan nito si Dahlia at
natatawang nagsabi, “Teka, hindi pa nga pala tayo magkakilala. Ako si Suryono.” “Ako si Dahlia.”
Napangiting sagot ng babae. “Kaygandang pangalan, singganda ng bulaklak na dahlia ang may-ari,”
gumigiring sabi ni Suryono.

“Bola!” sagot ni Dahlia. “Hindi ka ba nagtatrabaho? Pa’no ka nakapamimili sa katanghalian?”


“Pumapasok ako sa Ministri ng Ugnayang Panlabas pero nagbabakasyon ako nang matagal.
Nagnenegosyo muna. Sa Import N.V. Timur Besar ang opisina ko sa lunsod.” Paglampas sa Pasar Beru
Street tumuloy ang kotse papuntang Gunung Sahari Avenue. “Kung hindi ka nagmamadali, mamasyal
muna tayo sa Tandjong Priok,” sagot ni Suryono. “Nagmamadali ka ba, Dahlia?” tanong ni Suryono.
“Bakit mo naman naitanong?” tugon ni Dahlia. “Nasa probinsiya ang asawa ko. Dalawang lingo siyang
mawawala. Pareho lang, magmadali man ako o hindi.” “Okey, ah, eh di mamasyal muna tayo.
Negosyante rin ba ang mister mo?” “Ay, naku, kung negosyante siya, ‘di laking tuwa ko sana.” Sagot ni
Dahlia. “Empleyado siya sa gobyerno, mataas na opisyal sa P.P. & K. Napakahirap maging empleyado
ng gobyerno ngayon. Alam mo na siguro, Tuan, kasya lang sa sanlinggong gastos ang sambuwang
suweldo.” “Totoo ‘yan,” ayon si Suryono. “Hangal na lang ang magkakagustong magtrabaho sa
gobyerno sa panahong ito. Pero kung marunong siya, makakaraos din kung tatanggap ng suhol.” “Yan
na nga ang lagi kong sinasabi sa mister ko. Pero sabi niya, kung magiging masama ang lahat ng opisyal
ng gobyerno, saan patutungo ang bayan natin? Sa kapahamakan.” “Pambihira ang mister mo,” sagot ni
Suryono. “Masyadong mabait. Hindi niya nakikita ang katotohanan sa mundong ito – na ang matapat
ang siya pang napapahamak. Ang iba’y sumisige lang.” “Ayaw niyang tanggapin na ganyan ang
kalakaran.” Nang maparaan sila sa electric power station sa Antjol, hinawakan ni Suryono ang kamay
ni Dahlia. “Kay lambot ng kamay mo. At kay ganda mo, bagay na bagay sa iyo’ng pangalan mo.
Napakaganda mo.” “Bola,” sabi ni Dahlia na malanding sumulyap kay Suryono. “Bakit pa tayo pupunta
sa Priok, di ba mas mainam kung ihatid na lang kita sa inyo, wala rin lang ang mister mo?” “Sa bahay?
Huwag,” tugon ni Dahlia. “Hindi puwede! Dadalawa ang kuwarto roon. Baka may makakita.” “Sa hotel
na lang sa lunsod?” tanong ni Suryono. “Takot ako sa hotel,” sabi ni Dahlia. “Hindi pa ‘ko nakapapasok
sa hotel.” “Ow, totoo?” “Totoo. Doon na lang tayo sa bahay ni Tante Bep sa Petodjo.” Iniliko ni Suryono
ang kotse pabalik sa Dyakarta. Walang katarungan sa mundong ito. Hindi binibigyan ng pagkakataong
manatiling tapat ang mga taong gustong maging tapat. Isang munting bahay, iyon lang, at hindi na
kailangang isugal pa ang karangalan. Hindi, ayoko, ayoko, E, ano kung magalit si Hasnah, hamo siya!
Pero alam niya, susuko rin siya sa gusto ni Hasnah. Hindi niya kayang makipag-away kay Hasnah bawat minuto tungkol sa bahay.

You might also like