You are on page 1of 1

Tungkol sa mga Hayop at Insekto

1- Madulas at di-mahawakan, sa abo ang damit nito ay nahuhubaran.

2- Heto na si ingkong, paikot-ikot at bubulong-bulong.

3- Napakaliit man tignan, sa pag-iimpok ay uliran.

4- Anong itlog ang may buntot?

5- Mahilig maglambitin, paghahabi ng sinulid ang habilin.

6- Sakdal liit, ngunit kung humuni’y walang patid.

7- Nakapalupot na lubid kung turingan, mapanganib na hawakan.

8- Sa madaling-araw laging sumisigaw, siya ay matapang daw.

9- Sa maghapon ay nahihimbing, sa magdamag ay gising.

10- Kung kumilos ay paika-ika, laging sunong ang kaniyang dampa.

11- Hayop na mapangahas, sa ilawan ay nagdiringas.

12- Wala anumang kagamitan, nakakagawa ng kabahayan.

13- Ale-ale na may pakislap, ang lampara mo’y maliwanag.

14- Ibong kong itim; nang putulan ng dila, ay saka nakapagsalita.

15- Ang huni mo’y namimilipit, sakdal ka namang kay liit.

Mga sagot:  1. Igat ,  2. Bubuyog,  3. Langgam,  4. Lisa, 5. Gagamba, 6. Kuliglig,   


                    7. Ahas,  8. Tandang na manok,  9. Kabag-kabag o paniki, 10. Pagong,   
                    11. Gamugamo,  12. Gagamba,  13. Alitaptap, 14. Martines,  15. Pipit

You might also like