You are on page 1of 1

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang tungkulin sa buhay.

Ang

Tadhana’y may inilalaang landas sa bawat isa. Hindi maaaring magkasama-sama ang

Lahat sa isang landas na patungo sa pagyaman, sa pagkadakila o sa pagkabantog.

Ngunit ang mahalaga’y ang tayo’y tumalunton at patuloy na lumakad sa landas na

Nakalaan para sa atin. Habang tayo’y humahakbang, habang ang ating mga paa’y

Kumikilos, ang bawat isa sa atin ay tumutupad ng tungkulin at sa gayo’y nagiging

Tagumpay.

Ang mga mag-aaral sa paaralan, bagamat bago pa lamang sa daigdig, ay

maituturing na ring mga tagumpay kung sa kanilang pag-aaral ay iniuukol ang

pagsisikap na kinakailangan. Maging ang mga bata- kung ganap na tutupad sa papel

ng pagiging bata- ay maituturing na tagumpay. Kaya naman, yaong mga

matatandang nagpipilit na maging bata, ay itinuturing na mga bigo sa buhay na ito,

sapagkat lumalabag sila sa kanilang tungkulin- ang pagiging matanda- at sila'y

kakatwa.

Sa pamamagitan ng sukatang iyan ang tagumpay- na pansarili ko lamang at

hindi ipinaaangkin sa iba pa- ay walang dapat ikainggit ang sino man sa kaniyang

kapwa. Kung tayo lamang ay magtataglay ng ganyang pagkaunawa sa tagumpay,

hindi magaganap ang pang-araw-araw na pagtutunggalian ng marami at pagsisikap

na ang isa'y makahigitsa isa.At kung mawala na nga ang palaluan na siyang sanhi ng

maraming sigalot at katiwalian sa ating lipunan, ay saka pa lamang natin masasabing

ang tagumpay ay hindi isang salitang iniuukol sa ilan kundi sa isang katawagang

maiuukolsa lahat, na gaya ng hangin, at liwanag ng araw at buwan.

You might also like