You are on page 1of 2

“Sa Likod ng Matarik na Hagdanan”

Sa haba ng ginugol mo sa mundong ibabaw, naranasan mo na bang mapagod?


Marahil ang sagot mo ay oo. Parte ng buhay ang mapagod, parte ng paglalakbay tungo sa
pangarap ang mapagod, bawat daan ay nakakapagod, patag man o matarik. Ilang balde pa ba
ng pawis ang papatak sa pag-akyat mo sa hagdan? sa makapigil hiningang hagdanan ng iyong
inang paaralan.

Araw-araw ay tinatahak ng mga sianong at sianang ang malagubat na paaralan at


inaakyat ang matarik at makapigil hiningang hagdanan. “Anyametten! Makapabannog nga
taltalaga!” “Kayat kon ti agtayab!” mga katagang binibitawan ng bawat estudyante na umaakyat
para makapasok sa klase. Ilang taon din tayong hindi naka-akyat sa hagdanang ito kaya
nilulubos na mula Lunes hanggang Biyernes. Ang bawat hakbang ay may kontribusyon sa ating
matatamong tagumpay, bawat tagaktak ng pawis ay may kapalit na magandang balita at bawat
hinaing ay may kasagutan.

Kahit pa na sandamakmak na hinaing ang naririnig sa bawat sianong, makikita ang


kanilang tagumpay. May natatamong tagumpay dahil sa huling hakbang sa hagdanan ay
makikita ang mga silid-aralan na nag-aantay na tayo’y pumasok, nag-aantay na ang mga
sianong ay matututo ng mga bagong kaalaman sa bawat araw na sila’y lalahok sa diskusyon at
mga aktibidad. Sa likod ng mga reklamo na may kalakip na aksiyon ay makikita ang tagumpay
sa buhay. Ilang taon nang inaakyat ng mga estudyante ang hagdanang ito at karamihan sa
kanila’y propesyonal, kilalang tao na, at lahat ay alam ang magmalasakit sa kapwa.

Hindi lamang mga estudyante ang tumatahak nito bagkus ay maging ang mga guro.
Araw-araw ay inaakyat nila ito upang tumungo sa mga silid-aralan at turuan ang mga mag-
aarala. Araw-araw ay balde baldeng tubig ang kailangan dahil sa pabalik balik na pagtaas at
pagbaba. Bawat oras ay bababa at aakyat upang maibahagi sa mga mag-aaral ang kanilang
kaalaman at mahulma ang mg estudyante. Nagmimistulang mga trumpo na at nagiging si flash
ang mga guro upang maihatid ang kanilang mga estudyante sa kanilang hagdan ng pangarap.

“Bababa ba?” tanong ng isang estudyanteng laging nakikita ang guro na bawat klase ay
bumababa. Bababa ang mga guro upang tulungang umakyat ang mga estudyante, tulungang
makaakyat sa kanilang pangarap. Hindi iniinda ang sakit ng kalamnan sa pagtahak ng daan
kahit pa ito’y matarik at tila walang katapusan. Ang makapigil hiningang hagdanan ng Southern
Isabela Academy, INC. ay simbolo ng mga proseso, mga dahilang pumipigil, at nagiging
motibasyon din ito upang ituloy ang paghakbang tungo sa rurok at lasapin ang tagumpay.
“Akyat na!” hiyaw ng kapwa mag-aaral, sasama ka ba? Halika na at umakyat sa
hagdanan ni inang paaralan. Umakyat ka kasama ng iyong mga kaklase at kaibigan sa tulong
ng iyong guro’t mga magulang. Sa likod ng matarik na hagdanan ay nakakasilaw na tagumpay.
Pagbaba mo sa hagdan ay isa ka ng ganap na propesyonal, susunod na maghahatid sa mga
kabataan, salamat sa hagdan ni Inang paaralan.

You might also like