You are on page 1of 1

ANG AKING BUHAY

Ang bawat nilalang na may buhay ay minsan lang dadaan sa mundong ibabaw. Ang
pinakamahalagang biyaya na natanggap natin mula sa ating dakilang lumikha ay ang
ating buhay. Tayo ay ginawa ng Diyos ng pantay-pantay sa kaniyang paningin. Magkaiba
man ang ating kulay, anyo, at hubog ng pangangatawan, lahat tayo ay pare-pareho
lamang.

Sa lahat ng nilalang na may buhay sa mundo, tao ang bukod tangi na may pinakamataas
na antas kaisipan at damdamin. Makulay, mahirap at puno ng pagsubok ang buhay. Ang
bawat isa sa atin ay kanya-kanyang uri ng buhay na tinatahak. Ang ating buhay ay
nagsimula sa kamusmusan, kung saan ito ay payak at simple lamang lahat para sa atin.

Buhay na walang kapaguran at puro kalaayan sa anumang bagay na gusto nating gawin.
Ngunit ang panahon ay lumilipas at kasabat nito, tayo ay tumatanda. Dumadaan tayo sa
iba’t-ibang yugto ng ating pagkatao.

Kaakibat ng ating pagtanda ay ang mga malalaking responsibilidad at mga obligasyon na


dapat nating harapin sa ating araw-araw na pamumuhay. Ang buhay ay parang hagdan,
ang bawat hakbang ay may katumbas na yugto na dapat nating pagdaanan.

Habang tumataas ang ating mga hakbang ay lalo tayong nangangailangan ng tibay ng
ating pagkatao upang makaakyat natin ang ating gustong makamtam sa buhay. Hindi
madali ang buhay. Para itong gulong ng sasakyan na paikot-ikot lamang.

Ang aking ikukuwento sa inyo ngayon ay ang aking buhay.

Ako si Elisa Magpantay na apat na put-anim na taong gulang, ako ay naninirahan sa


Brgy. Malabanan. Ako ay may tatlong anak na sina Avejay Magpantay na dalawampu’t
apat na taong gulang at sinundan ito ng aking anak na si April Magpantay na
dalawampung taong gulang, at aking bunso na si Yvette Abegail Magpantay na labing
limang taong gulang na nag-aaral sa Bulacnin National High School. Sa tulong ng aking
asawa na si Roberto Magpantay ay nakapagpatapos ako ng isang anak mula sa Kolehiyo
sa kursong Edukasyon , siya ang gabay, katulong at kakampi ko sa lahat na dumadaan na
mga problema. Ang PANTAWID PAMILYA ay isa din sa nakakatulong sa aking pamilya na
ito ay karagdagan ding gastusin. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa programang ito
dahil sa daming nitong natutulungan.

Sa daloy ng panahon, marami na ang aking nakamit sa buhay ko. Ang oras natin ay
mahalaga dahil hindi natin alam kung hanggang saan lamang tayo makakarating. Ang
buhay ay maikli lamang, dapat natin itong bigyang pansin. Tayo na maraming karanasan
kung saan tayo ay masaya o malungkot. Sa panahon ngayon, ang isang Segundo ay
parang ginto.

“Habang tayo ay nabubuhay ay gawin nating makabuluhan ang bawat araw na


dumadaan. Huwag natin itong sayangin dahil hinding-hindi na ito babalik pang muli.”

You might also like