You are on page 1of 1

"PAGSUBOK SA BUHAY"

May mga pagkakataon sa buhay natin na tila gusto na nating sumuko.


Yung tipong gusto munang bumitaw, kasi hirap na hirap kana. Pagod na pagod
kaya’t naiisip mo na gusto munang magpahinga, dahil sa mga problema at
pagsubok na iyong kinakaharap.Ang buhay ng tao ay sadyang napakahiwaga, hindi
ito masasabi na kung kaylan ito hihinto, lalo na sa larangan ng pagsubok.

Ang ating buhay ay nagsimula sa ating kamusmusan, kung saan ito ay


payak at simple lamang ang lahat.Buhay na walang kapaguran at puno ng
kalayaan sa anumang bagay na gusto nating gawin. Ngunit ang panahon ay
lumilipas at kasabay nito, tayo ay tumatanda.Dumadaan tayo sa iba’t-ibang yugto
ng ating pagkatao.Kaakibat ng ating pagtanda ay ang mga malalaking
responsibilidad at mga obligasyon na dapat nating harapin sa ating araw-araw na
pamumuhay.Kung ang pagkakaroon ng buhay ay nangangahulugan ng paulit-ulit
na pagkakadapa mo na halos hindi ka na makabangon sa sakit ng tumba. Kung
ang pagkakaroon ng buhay ay parang paglusong mo sa rumaragasang baha na
walang kasiguraduhan kung saan ka mapupunta at madadala.

Mga pagkakataon sa buhay natin na tila gusto na nating sumuko.


Sadyang puno ng pagsubok ang buhay, sa bawat pagsubok tayo minsan ay
nadadapa ngunit pilit pa ring tumatayo. Nagkakamali ngunit natututo. Umiiyak
ngunit natutumbasan rin ng kaligayahan.Hindi nating puweding sabihin na hindi
kita kaylangan, layuan mo ako pagsubok.Pagsubok,Problema, ay kaakibat ng ating
pagkatao. Kaylangan lang natin itong maunawaan at higit sa lahat paano mo ito
malulusutan.Ang mga pagasubok na ating nararanasan ang siyang nagsasanay sa
atin, para mas maging matatag sa buhay.

You might also like