You are on page 1of 4

PAG-IBIG SA KAPWA

ANO NGA BA ANG PAG-IBIG SA KAPWA?

Pag-ibig sa kapwa, ito ung iibigin natin ang tao na kahit


hindi natin ito kaano-ano. Gagawa tayo ng paraan upang
makagawa ng mabuti sa ating kapwa. At kahit dito sa maliit
na pagtulong ay napapasaya natin sila at iniibig.Hindi porke
pag-ibig sa kapwa ay karelasyon agad sa isang tao kundi ito
ay isang pagbibigay ng pagmamahal sa ating kapwa tao.
Kadalasan sa mga tao ay nawawalan ng pag-asa sa buhay
dahil iniisp nila na ayaw na sa kanila ng mundo, na walang
nagmamahal sa kanila.Pero nandito tayo para iparamdam
na hindi sila nag iisa sa kanilang pagsubok na nandito tayo
na nagmamahal sa kanila. Ayon sa Biblia, ang PAG-IBIG ang
tanging sangkap para sa ating mga tao. Hindi tayo
mapapanatag kung hindi tayo magpapatawad o
magmamahal sa ating kapwa. Pero karamihan sa atin, mga
kaibigan ang ating nagiging sandigan at minamahal dahil
ditto natin nasasabi lahat ng ating problema. Napapasaya
nila tayo at gayon din naman na napapasaya natin
sila.Nalulungkot tayo kapag nagkakaaway away ang ating
mga kaibigan. Pero alam naman natin na hindi lang kaibigan
an gating mamahalin, syempre unang una dapat an gating
magulang. Hindi tayo mabubuhay kung wala an gating mga
magulang at hindi nila tayo minamahal. Na kahit manlang ay
makaganti o makapagsukli tayo ng pagmamahal sa kanila at
lahat ng sakripisyong ginawa nila sa atin.

BASAG NA ENTABLADO
Rarampa,iindak sa tunog ng musika,haharap sa madla at magpapanggap bilang ikaw na gusto ng lahat
kahit sa totoo ay hindi mo naman talaga ito gusto.

Hindi maaaring idikta ng iba ang dapat nating gawin sa buhay.Buhay natin 'to kaya hindi nila ito dapat
kontrolin.Tayo mismo ang makakaalam kung ano ang tama at mali sa atin.Ngunit sa mundong ito,mas
sa atin kaysa sa tama.Tayo mismo ang lalaban sa laro
lamang ang makikitang mali
ng kapalaran.Lilinlangin tayo ng lipunan na akala natin tama 'yung desisyon
natin pero sa totoo, 'yun pala ang mali.Marami sa atin ang nagpapanggap na
ibang tao para masabihan lamang na perpekto.Isasantabi ang sarili at
susubukan maging tao na gugustuhin ng lahat.Kailangan nating tumayo sa
ating sariling mga paa at ipakita kung sino talaga tayo.Huwag tayong
magpanggap sa laban ng buhay dahil pare-pareho lang tayo ng antas at
pantay-pantay tayo sa paningin ng Diyos.Ang aral sa buhay natin ay dapat
huwag tayong magpapaapekto sa kung ano ang sinasabi ng iba.Mas kilala
natin ang ating mga sarili kaysa sa kanila dahil tayo mismo ang may-ari
nito.Sabihin man nilang mahina ka o walang mararating sa buhay,mga salita
lang 'yan at walang magagawa sa atin 'yan kung hindi natin
papakinggan.Ilang beses man tayong bumagsak at matalo sa buhay,marami
namang pagkakataon ang dadating sa atin.Siguro hindi lang ito ang tamang
panahon para makuha natin iyon dahil may nakalaang oras ang Diyos para sa
atin.Manatili lang tayong nakatayo kahit gusto na ng katawan nating
bumagsak.Sa bawat pagbagsak natin,dito tayo tatayo.Dito tayo kukuha ng
lakas at pundasyon para gawin ang makakabuti sa pagsisimula natin ng
bago.Mababasag ang entablado at mahahati ito sa dalawa.Ang isang panig
ay para sa tagumpay at ang isa ay para sa pagsuko.Kung ako ang tatanungin,
doon ako pupunta sa panig ng tagumpay.Gagawa ako ng paraan para mabuo
ito sa susunod na laban ng ating buhay.Ipakita lang natin sa mundo na kahit
basag na ang entablado ng buhay natin at husgahan tayo ng mga taong
animo'y perpekto,gagawa tayo ng hakbang upang mabuo ang basag na
entablado.Sa pagkabuo ng isang bagay na nabasag,may matitirang bakas ng
pagkasira ngunit may tibay pa rin ito na pagkukunan ng lakas.Kahit nasira
ito,maaayos pa rin ito sa tulong ng sarili natin.Anumang humadlang sa buhay
natin o anumang balakid ang dumating,tandaan natin na tayo ang bida sa
enrabladong basag na maghahatid sa atin sa tugatog ng tagumpay.

Aking Bayani, Aking Guro


Paggising sa umaga,
Diwa’y inaantok pa
Ngunit tayo’y papasok na
Dapat palaging masaya at masigla

Aming mga guro ay sadyang masipag,


Sa kanilang pagtuturong kanilang hinaharap,
Sa mga estudyanteng kanilang tagapakinig;
Silang mga guro’y sadyang nakakabilib

Sa mga mag-aaral na sadyang makukulit,


Di maiwasang ang guro ay masungit,
Ngunit wag matakot, sila talaga’y mababait,
Hangga’t maaari sila’y magtiis….

Huwaran kung sila’y tawagin, Bayani talaga


Espesyal sila sa buhay natin
Sila ang dahilan ng ating tagumpay
Sila ang tumutulong at umaagapay

Salamat po ng madami aming pangalawang magulang


Kapag nawala kayo buhay naming sadyang kulang
Sa araw-araw nawa’y lagging patnubayan
Kahit kayo’y sadyang nahihirapan.

Salamat po talaga ng maraming marami


Dahil sa kaalama’y kami ay hindi nahuhuli,
Mahal po naming kayo walang magbabago
Kahit pa magbago ikot nitong mundo.

Anumang pagsubok kaya nating lampasan


Sa pagtuturo at pagmamahal sa kabayanihan
Kaya’t aking tagumpay para sa inyo
Guro ko, Bayani ka! Mahal naming kayo!

You might also like