You are on page 1of 2

PEÑONES, Donna Meriz E.

KAHIRAPAN

Walang taong gustong maging mahirap, dahil mahirap ang maging mahirap.
Ang antas ng tao sa buhay ay naayon sa sarili nitong pananaw. Ang bawat isa sa atin
ay mayroong pagpipilian kung anong uri ng buhay ang gusto natin maging balang araw.
Wika nga ng isang kanta, “kung gusto ay may paraan at kapag ayaw ay may dahilan.”
Para sa akin, walang taong ipinanganak na nakatadhanang maghihirap. Ginawa ng
dakilang Lumikha ang buhay na talagang mahirap. Walang bagay na madali. Lahat sa
mundong ito ay pinagpapaguran muna bago mo ito makamtan. Ngunit, karamihan sa
atin ay mayroong mga negatibong pananaw sa buhay.

Iwaksi at tigilan po natin ang ganitong gawain. Matuto tayong lumaban at pilit na
baguhin kung ano ang hindi maganda na kinasasadlakan natin. Gumawa po tayo ng
mga paraan upang huwag ng tahakin ang landas na alam nating tutungo lamang sa
kalunos-lunos na uri ng pamumuhay. Ang pagpupunyagi at sipag na lang po ang ating
kailangan na ipuhunan para tayo ay makaahon ng kahit konti sa hirap ng buhay.
Walang bagay na pilit na pinagsisikapan ang hindi natin makakamtan. Huwag nating
tuldukan ang ating mga pangarap dahil lamang sa pagiging kapos sa buhay.

Muli po at aking uulit-ulitin na ang kahirapan ay hindi kailanman nakatadhana.


Nasa inyo po ang desisyon kung saan ang daan na gusto ninyong tahakin sa buhay.
Dahil ang buhay ay parang sugal, matuto tayong dumiskarte at mag-isip.

Magandang umaga sa inyo at mabuhay tayong lahat.


Pangalan: Marka:
Oras: Petsa:

5 – Napakainam 4 – Mainam
3 – Katamtaman 2 – Kulang ang inam
1 – Hindi mainam

a. Pagsisimula at Pagwawakas

b. Lohikal at pagsasaayos ng nilalaman

c. Pagbibigay diin/emphasis

d. Kaangkupan at lakas ng tinig

e. Kalinawan at Kawastuhan ng bigkas

f. Kaangkupan ng kilos at kumpas

g. Tindig at postyur

h. Anyo at kasuotan

i. Panuunang Paningin

j. Tiwala sa sarili

Kabuuang Marka:

You might also like