You are on page 1of 4

PANGKATANG GAWAIN #3

DON’T BE AFRAID TO FLY

Filipino 1
Pollux – II

D/Cdt Blastique, Christian Paul


D/Cdt Dela Rosa, John Louie B.
D/Cdt Hidalgo, Cleanard S.
D/Cdt Magaling, Joshua F.
D/Cdt Patron, Alfred Clark G.
D/Cdt Rendora, Ramil Reigh R.

Ms Jocely Miclat
Guro sa Fil1

JULY 2021
1.ANO ANG REAKSYON NG PANGKAT SA MUSIC VIDEO NA PINAKINGGAN?
Base sa music video, ang pangkat namin ay nagkaroon ng bagong pag-uunawa. Ang buhay ay

isang byahe kung saan hindi lang tuwad ang daan kundi may paliko-liko din. Ganyan ang binibigay

mensahe ng kanta kung saan ang ibang tak ay takot na simulan ang kanilang sariling byahe. Takot

mabunggo. Takot makasaga. Takot maubusan ng gasolina. Pero kagaya din ng kanta meron mga taong

tahimik na sumusuporta sa atin kahit di natin alam. Maaring pamilya o kaibigan pero isa lang ang tiyak,

mahal at masaya sila sa ating mga paglalakbay. Marahil ang tatahaking landas ay hindi madali. May mag

aabang sa bawat paglalakbay natin ang maghihintay na magkakamali tayo pero hindi iyon ang mahalaga.

Ang mahalaga ay hindi ka nagpaapekto sa mga balakid na ito bagkus buong tapang mong kinaharap ang

mga bundok na ito, inakyat at masayang pinagpatuloy ang iyong paglalakbay.

2.ANO ANG MAHALAGANG MENSAHE NITO PARA SA MGA MEMBRO NG PANGKAT?

Hindi masamang sumubok ng mga bagay na mahirap gawin dahil bawat isa sa atin ay may mga

kaibigan at pamilya na susuporta para maabot ang mga pangarap mo so huwag matakot abutin ang mga

pangarap at marmaing naniniwala na maaabot mo ang gusto mo. Gawin mo lang ang lahat ng makakaya

dahil pagdating ng ara makikita mo kung ano ang mga pagsubok na kinaharap mo dahil lahat ng to ay

may magandang bunga sa pag abot ng pangarap dahil sa bawat tahak mo ng landas doon ka lalakas at

titibay at magiging sandata ito sa mga pagsubok na haharapin balang araw.

3.ANO ANG KAHALAGAHAN NITO SA ARALIN?

Batay sa aming napanood na music video, ang lirikong “Don’t be afraid to fly” ay tila pabalik

balik sa aming kaisipan at nagbigay sa amin ng pag-asa sa bawat pagsubok na kinakaharap naming sa

pangaraw-araw. Napatagtanto naming na dapat hindi agad tayo sumuko sa anumang problema at

pagkabigo na ating nararanasan dahil pansamantala lamang ito at ito ay malalampasan din natin kalaunan.

Lagi nating isipin na ang buhay ay hindi lamang umiikot sayo, ilagay din natin sa ating isipan na nariyan

ang ating mga pamilya na handing sumuporta at gabayan tayo.


Napakahalaga din ng aral at ideyang nakuha sa music video na aming napanood dahil

nakatutulong din ito sa aming aralin. Ang kahalagahan nito sa aming aralin ay makabuluhan sapagkat

kung tayo man ay nahihirapan sa ating aralin na tinatalakay, tandaan natin na nariyan lagi ang ating guro

na handang gumabay sa atin upang tayo ay matuto pati na rin sa ating mga kamalian. Nariyan din ang

ating mga kaklase upang tumulong sa atin kung tayo man ay nahihirapan. Sa huli, napakalaking tulong

ng aral na aming nakuha sapagkat mas naliwanagan kami na kahit sa tagumpay at kabiguan, lagi tayong

magpakatatag lalo na sa ating aralin sa klase araw araw. Dahil darating din ang araw na kapag tayo ay

magtatrabaho na, handa na tayo harapin ang mga panibagong pagsubok sa buhay natin.

4. ANO ANG MAITUTULONG SA INYONG PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY?

Sa buong bahagi kanta, inihahayag lang nito na naroroon ang taong handang tumulong sa

kanyang mahal sa buhay upang patatagin. Bilang isang indibidwal, araw-araw tayong makararanas ng

mga taong may pinagdadaanan sa buhay dahil parating nariyan lang ang pagsubok. Pati na rin ang ating

mga sarili ay maaaring madanas ang anumang pagsubok sa buhay. Ngunit sa tulong ng kantang ito,

nagbibigay paalala ito na tayo ay maging matatag laban as anumang dumaan sa ating buhay. Kaya't

sinasabi rin sa kanta na "palalakasin kita kapag ikaw ay nanghihina".

Bukod pa rito, dahil araw-araw ay may pinagdadaanan ang bawat isa, ito rin ang pinagmumulan

ng pag-unlad sa sarili. Nagiging mas malakas tayo kesa sa kahapon dahil sa dalang aral at hirap na siyang

dahilan ng ating pag-usad. Kaya't sa paglipas ng maraming panahon, dapat lamang tayo ay magpakatatag

dahil makikita rin natin na hindi na tayo tulad ng dati. Ang dating mahina at walang alam ay matatag at

maalam na ngayon.

5. ANO ANG MGA ARAL NAPULOT SA VIDEO? -MAGALING

Ang bidyo na aking napanuod ay napakaraming aral na kapupulutan. Kagaya na lamang ng

pagbibigay suporta sa kanyang anak hanggang sa paglaki. Sa pamamaraang ito, tinuturuan ang indibidwal

na matutong tumayo sa sariling mga paa at matatag sa mga hamon ng buhay. Ipinakita din sa bidyo ang
pagkakadapa habang nasa proseso ng pagkatuto. Walang sinuman ang hindi nadapa o nabigo habang

patungo sa ating kinatatayuan. Ngunit habang tayo ay nasa paglalakbay, nandiyan palagi ang ating mga

mahal sa buhay na sumusuporta at gumagabay upang tayo ay tulungan bumangon at magpatuloy. Isa sa

mga tumatak sa aking isipan ay ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Makikita at madidinig

ang pagsuporta ng magulang sa kanyang anak habang ito ay naglalakbay upang matuto tumayo. Sa

paraang ito, naipapamalas kung paano mag mahal ang mga magulang para sa kanilang mga anak.

6. PAANO ISASABUHAY ANG MGA ARAL NA NAPULOT NINYO?

Maaari naming maisabuhay ang mga aral na napulot naming mula si vidyo sa paraang ipapamalas

namin ang aming pagtanggap, pagsuporta, at pagtulong sa aming mga kapwa kadete/mag-aaral. Ipinahatid

ng vidyo na ang ang buhay ay isang proseso kung saan kinakailangan ng lakas ng loob upang

magpatuloy na umunlad sa at maging pinakamahusay na bersyon namin. Mahalaga na may mga taong

gumagabay at sumusuporta sa iyo at sila ay parte ng byahe ng pagtutuklas sa ating sarili.

You might also like