You are on page 1of 4

KAREN ROJINE DC.

CAPIENDO
BEED ll

Mga Uri ng Pagpapahayag

May apat na pangunahing Paraan ng Pagpapahayag. Ito ang Pagsasalaysay,


Paglalarawan, Paglalahad at Pangangatwiran. Gamitin ang mga sumusunod
na paksa upang makabuo ng isang talata na malinaw na nagpapamalas ng
paraang hinahangad na mailahad.

PAGSASALAYSAY
A. Lakbay Aral
B. Reunion ng aming pamilya

PAGLALARAWAN
A. Mangrove at Orchard Garden
b. Face to Face Classes

PAGLALAHAD
A. Batas Militar
B. Pagpapatala sa Pagpasok sa Kolehiyo

PANGANGATWIRAN
A. Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo
B. Talino o Kayamanan ? 

Pagsasalaysay

A. Lakbay Aral

Sa ating buhay ay may mga pagsubok tayong masasagupa. Hindi biro kapag
kalungkutan na ang dumalaw sa atin. Ngunit hindi dapat tayo sumuko sapagkat
lahat naman ng tao'y dumadaan dito. Hindi lang palaging masaya kaya nararapat na
handa tayong harapin ang mga problema. Lumaban tayo sa ating buhay at ang mga
problema ay solusyunan. Sa pamamagitan ng Diyos ay ating ilapit lahat ng ating
hinaing. Kung ang kalungkutan ay dumating kapag tayo ay tumawag sa kaniya, ito
ay kaniyang papawiin. Lagi natin siyang tawagan kahit sa hirap man o saya. Siya
ang Diyos na andyan palagi sa atin at hinding hindi tayo iiwan at pababayaan.
B. Reunion ng aming Pamilya

Ang aming pamilya ay nagkaroon ng reuinion nuong nakaraang sabado.


Masaya ang lahat sapagkat muli kaming nagkita-kita. Sa tagal ng panahon ngayon
pa lamang umuwi ang aming lola at lolo ay galing sa ibang bansa kung kaya
kaming lahat ay nasasabik. Naghanda kami ng munting regalo upang ibigay sa
aming lola at lolo. Makikita ang saya sa kanilang mukha ng kanila itong buksan.
Kahit na maliit na bagay lamang sila ay natuwa marahil hindi ito kamahalan na
presyo ngunit makikita sa kanilang mukha ang kasiyahan sapagkat alam nila na ito
lamang ang aming kakayahan at galing sa puso ang aming bigay.

Paglalarawan

A. Mangrove at Orchard Garden

Ang tagalog ng Mangrove ay bakawan. Ito ay matatagpuan sa matubig na


lugar katulad ng ilog latian o sa iba pang baybaying-Dagat. Ito ay ginawang uling
ng iba. Ngunit para sa aking opinyon ay hindi ito dapat pinuputol o ginagawang
uling. Dahil malaki rin ang tulong nito sa ating kalikasan at nakakapigil sa
pagbaha. Maaring magkaroon ng Orchard Garden ang bawat isa sa atin. Ito ay isa
sa ginagawang hanap-buhay ng mga Pilipino ang pagtatanim. Ngunit kapag tayo
ay nagtanim ay hindi natin ito dapat pabayaan. Nararapat na ito ay ating alagaan,
araw-araw tingnan, at diligan upang mas lalong mapaganda at ito ay mapalago pa
ng husto.

B. Face to Face Classes

Nagsisimula na ang face to face classes sa iba't ibang sulok ng ating bansa.
Marami ang natuwa at ang iba naman ay hindi. Maaga na naman gigising ang mga
estudayante para pumasok sa paaralan. Nasasabik ang iba na makita ang kanilang
mga kaibigan, kamag-aral at guro. Marahil ay nasanay tayo sa ilang taon na
pandemya na nasa bahay lamang. Kung kaya ang iba ay masaya na muli silang
magbabalik sa paaralan. Marami na silang matututunan at kapag nahihirapan ay
maitatanong nila sa kanilang guro ang mga hindi nila maintindihan sa klase. Unti-
unti ng bumabangon ang ating bansa at ang pandemya ay naging malaking
pagsubok ngunit ito ay ating nalampasan.

Paglalahad
A. Batas Militar

Ang batas militar ay isang kapangyarihan ng estado na ipinapatupad ng


pamahalaan kapag ang pamahalaang sibilyan ay hindi nakagaganap sa tungkuling
gaya ng pagpapanatili ng kaayusan ng lugar, hindi makontrol ang kaguluhan at
protesta, nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas, o may giyera at pananakop.
Ayon sa ating Konstitusyon, maaaring gamitin ng Pangulo ang kanyang
kapangyarihan bilang Commander-in-Chief ng sandatahang lakas ng Pilipinas para
protektahan at siguraduhin ang kaligtasan ng mga Pilipino. 
Ang kapangyarihang ito ay ipinagkaloob sa Pangulo para gamitin sa mga
panahong talagang kailangan tulad na lamang kapag nanganganib na ang buhay ng
mga tao at kinakailangan ang mga kapangyarihan na ito para siguraduhing ligtas
sila. Malaki ang parte ng kagawarang tagapagbatas o lehislatibo at kagawarang
panghukuman sa pagprotekta ng ating mga karapatan. Sa pamamagitan ng
paglimita sa mga dahilan para ideklara, ipatupad, at pahabain ang batas militar,
binibigyan sila ng kapangyarihan para pigilan ang mga maaaring paglabag ng
Pangulo sa totoong layunin ng batas militar. Makikita dito na ang pagdedeklara ng
batas militar ay isang legal na aksyon na maaaring gawin ng Pangulo.

B. Pagpapatala sa Pagpasok sa Kolehiyo

Sa panahon ng pagpapatala sa pagpasok sa kolehiyo marapat lamang natin


sundin ang tuntunin ng paaralan na ating papasukan. Ang kanilang mga
pinagbabawal ay marapat nating sundin. Huwag tayong gagawa ng mga labag na
gawain upang hindi tayo magkaroon ng problema. Bigyan natin respeto ang mga
guro sapagkat hindi madali ang kanilang ginagawa. Kung tayo ay magpapatala
sundin ang mga hakbang na ibinigay nila at huwag itong madaliin. Tandaan na
gampanin nating mga estudyante na sundin ang palatuntunin at huwag itong
labagin.

PANGANGATWIRAN

A. Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo

Pagtuturo sa mga bata ang aking napiling kurso sa kolehiyo kahit na may mga
kursong mas malaki ang kita o mas maayos sa mata ng iba sapagkat gusto kong
madagdagan ang nga guro na magtuturo at gagabay sa mga mag-aaral. Naniniwala
ako na walng kahit na ano mang propesyon ngayon kung wala ang mga guro. Dahil ang
guro ay ang ating pangalawang magulang sa ating buhay. Sila ang nagtuturo sa atin ng
tamang pakikipagkapwa tao, pagbabasa, pagsusulat at kung paano mangarap at
maabot ang lahat ng ating mithiin sa buhay. Hindi man kalakihan ang sweldo ng isang
guro, ngunit ito ay ang pinaka mahalagang propesyon para sa akin na malaki ang
matutulong upang magkaroon tayo ng mga kabataang magiging pag-asa ng ating
bayan sa hinaharap.

B. Talino o Kayamanan ? 

Kung ikaw ay papapiliin sa talino o kayamanan ano nga ba ang iyong gugustuhin?
Bilang isang tao kung may pagkakataon man na pumili, ang pipiliin ko ay talino dahil
hindi ito basta-basta mananakaw ninuman. At sa panahon ng mga pangangailangan at
kahirapan ang isip ang pagaganahin upang sa gayon ay masolusyunan ang problema.
Ang kayamanan ay marahil nauubos o nawawala pero ating tatandaan ang talino ng
isang tao ay hindi. Ikaw ay maaaring yumaman gamit ang iyong natatanging talino.
Kailangan paghirapan ang lahat bago ka yumaman kung kaya't isip ang aking
pagaganahin.

You might also like