You are on page 1of 4

KABANATA 10: MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT KOMUNIKASYON SA

AKADEMIKONG FILIPINO

NAME: JERALYN A. ESTRELLADO


LFSA111M010

PAGSASANAY #10
A. Sa paraang pagsulat, gawin ang mga mungkahing pagsasanay.

1. Ilahad ang direksiyon at mga kalyeng iyong daraanan mula saiyong bahay tungo sa
iyong paaralan. Ibigay ang mga sasakyan at palatandaan na tumutulong sa iyo upang
makarating sa iyong paaralan.
Magmula sa aming tahanan makakarating ako sa aking paaralan sa
pamamagitan ng pagsakay sa traysikel at jeep. Ako ay nakatira sa
Montalban Heights,San Jose, Rodriguez, Rizal ang unang hakbang na aking
gagawin ay maglalakad palabas sa aming tahanan pababa sa terminal ng
ROTODA na aking sasakyan at ibaba ako nito sa highway. Ang aking
palatandaan papunta rito ay dapat makadaan ako sa mga lugar na
tinatawag na PAMAHAY, TAGUMPAY, FORESTLAWN AT CROSSING.
Pagdating sa highway ay may makikita na agad ako na mga jeep na ang
daan ay papunta na sa aking paaralan ang aking mga palatandaan
papuntang ICCT San Mateo ay dapat makadaan ako sa gitnang bayan at
sementeryo.
2. Manood ng iang kilalang pelikulang Pilipino. Isalaysay ang buodng pelikulang iyong
napanood. Sa tonong pakuwento, kuhanan ang sarili habang isinasalaysay.
3. Talakayin ang isang napapanahong isyu sa bansa. Magsaliksk ngmga datos tungkol
dito. Sulatin ang iyong posisyon hinggil sa isyu at gamitin ang mga datos na
sumusuporta iyong opinyon.
KAHIRAPAN

Kahirapan ang isa sa mabigat na problema ng ating bansa. Ano nga ba ang
mga dahilan kung bakit natin nararanasan ito? Uupo na lamang ba tayo at
iintayin ang aksyon ng gobyerno o tayo na ba mismo ang aaksyon para
masolusyonan ito. Bilang isang mamamayan marapat na tayo ay kumilos upang
maiwasan ang kahirapan hindi lang para sa ating sarili kundi para sa ating bansa.
kaya maraming nakakaranas ng kahirapan ng dahil narin sa katamaran nila
choice natin ang maging mahirap kaya kung nakakaranas man tayo nito wala
tayong dapat sisihin kundi ang sarili natin.Sabi nga nila”daig ng maagap ang
masipag kaya dapat habang maaga pa lamang ay kumilos na tayo at gawin ang
nararapat. Halimbawa na lang may oportunidad na tayo hindi nadapat tayo
magdalawang isip na gawin ito o kunin ito lalo na kung malaki ang maitutulong
nito sa atin kasi minsan may mga tao talagang mapili o sabihin na natin na maarte
na kahit ang daming paraan para magkatrabaho ay winawalang bahala lang nila
ito o baka naman tinatamad lang sila. Edukasyon ang susi sa kahirapan kaya
dapat pinapagbuti natin ang ating pag-aaral dahil para rin ito sa ating
kinabukasan. Meron kasi diyan na kahit nuknukan ng yaman nuknukan din naman
ng tamad kaya ayon sa yaman ng magulang umaasa. Alam nating mali iyon kaya
dapat huwag nating tularan iyon. Maraming paraan para maiwasan natin ang
kahirapan pero na satin ang problema gaya nga ng sabi ko kanina choice natin
ang maging mahirap. Maraming mga kabataan ang hindi nakakapag-aral ng dahil
sa kahirapan o dahil sa kakulangan ng pera pero hindi nila ito kasalanan dahil
responsibilidad ng mga magulang natin na pagaralin tayo pero pwede din maging
kasalanan ng kabataan ito lalo na kung tamad ito. Iyan ang mga ilan lang sa mga
dahilan kung bakit nakararanas ng kahirapan ang mga Pilipino sa Pilipinas. Isa
rin sa dahilan kung bakit tayo nakararanas ng kahirapan ay dahil hindi
nakakapagtapos ng pag-aaral.Pero para maiwasan ang kahirapan nangingibang
bansa ang ibang mga Pilipino para matustusanang pangangailangan ng kanilang
pamilya kahit na labag sa kalooban nila ay nangingibang bansa rin sila dahil para
maiwasan ang kahirapan at para rin naman ito sa ikabubuti ng kanilang pamilya.
Gaya ng sabi ko kanina huwag na natin antayin pa ang aksiyon ng mga gobyerno
tayo na dapat ang kumilos para hindi tayo napagiiwanan ng iba. Kung ayaw natin
maranasan ang kahirapan gumawa tayo kumilos hindi yung puro na lang tayo
salita kulang naman tayo sa gawa. Talamak sa Pilipinas ang kahirapan pero
simula ng naging Presidente natin si Pangulong Duterte may nagbago ba, umunti
ba ang mahihirap sa Pilipinas marami rin ba ang isang kayod isang tuka? Ang
hirap sagutin di ba kasi ang lagi lang naman binabalita ay puro tungkol sa droga.
Umaasa ako na dahil bago na ang ating pangulo ay magbabago na rin ang ating
bansa, na mas magiging maunlad na ang ating bansa.

ICCT Colleges Foundation Inc.


VV. Soliven Avenue II, Cainta Rizal Page 1

You might also like