You are on page 1of 3

NAME: DONNA MAE P.

SUPLAGIO DATE: MAY 4, 2022


YEAR&SECTION: BEED-2 SUBJECT: EED 105

EED 105: (FINALS)


REAKSYONG PAPEL
DIREKSYON: Sumulat ng isang reaksyong papel patungkol sa artistikong
pagtatanghal ng deklamasyon.
- Note: Marapat na naglalaman ng 500-salita
- Ipahayag ng klaro at maigi ang iyong saloobin patungkol sa paksa.
- Ihayag rin ang kahalagahan ng pagdedeklamasyon at ang mga
kakayahang nalilinang sa pamamagitan ng pagtatanghal nito.
- Pamantayan: Nilalaman: 50%, Organisasyon 20%, Kaangkupan 20%
Balarila 10%

PAMAGAT: "Huwag paalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay igapang upang ito


ay mawakasan".

Kakaiba at derekta. Ito ang aking masasabi sa deklamasyon na ito. Tunay nga namang
napakaganda ng pagkakatanghal nito at madaling maintindihan ng mga mambabasa dahil
derekta sa punto. Kapansin-pansin din ang pagkakatulad ng tunog ng mga huling salita.
Isang mahusay na pagkakasulat na siyang nagbibigay-aral at paalala sa mga kabataang tulad
ko.
Pag-aaral. Anim na taon sa elementarya, apat na taon sa sekondarya, dalawang taon sa
Senior High School, at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo ngayon. Mahigit labing-dalawang
taon na akong nag-aaral at masasabi kong ang deklamasyong ito ay totoo. Ang buhay ng
isang mag-aaral ay sadyang mahirap. Mahirap hindi dahil sa pinapahirapan ka ng mga guro
o ng sino man ngunit mahirap sapagkat ang buhay mag-aaral ay dumadaan sa maraming
pagsubok at isa na sa mga ito ang kahirapan at kamangmangan. Isa ang kahirapan sa
dahilan ng iilang mga kabataan kung bakit hindi sila makapag-aral. Ito ay hindi na bagong
usapin sa atin dahil noon pa man ay talagang matunog na ang salitang ito. Sa aking sarili,

“Huwag paaalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay


igapang upang ito ay mawakasan”.
hindi ko itatangging lumaki ako sa mahirap na pamilya. Tatay ko ay isang drayber ng
sasakyan at nanay ko naman ay nagtitinda ng kangkong. Anim kaming magkakapatid at nag-
aaral ng sabay ang lima sa amin. Ngunit kailan man ay hindi namin naranasan na huminto sa
pag-aaral dahil sa kahirapan. Sabi nga ng tatay ko "hangga't hindi pa bumibigay ang aking
katawan sa pagtatrabaho, hinding hindi ko kayo pababayaan sa inyong pag-aaral". Sobrang
nakakaiyak ang mga salita niya ngunit mas nagbibigay ito ng inspirasyon sa aming
magkakapatid upang mag-aral ng mas maigi upang matulungan namin sila ni nanay
pagdating ng panahon. Sa aking palagay ay yun din ang nais iparating sa atin ng
deklamasyong ito. Huwag tayong padadala sa dahilang ang kahirapan ang humihila sa atin
upang hindi makapag-aral dahil ang isang taong nagsisikap at nagpupursige ay magagawa
kung ano ang nais niya sa buhay. Maraming pwedeng gawin upang matustusan ang ating
pangangailangan lalo na sa pag-aaral. Kung hindi kayang magpa-aral ng ating mga magulang
ay tayo ang gumawa ng paraan upang makamit ang nais natin sa buhay. Hindi madali ngunit
kung ating susubukan ay walang imposible. Ang tingin naman ng iilan sa kamangmangan ay
isa sa nagpapahirap sa mga mag-aaral. Sa aking palagay hindi ang kamangmangan ang
problema ngunit ang estudyante. Sa deklamasyon ay mababasa natin na igapang natin ang
ating pag-aaral, ibig sabihin kahit na hindi tayo gaanong katalino o katalentado,
magsumikap tayong mag-aral upang kahit papaano ay maintindihan natin ang mga itinuturo
sa atin. Dahil ang lahat ay kayang matutunan kung ang isang tao ay gustong matuto at
madagdagan ang kanyang kaalaman. Dahil maraming espasyo ang tao para sa bagong
kaalaman at maraming silid upang mas palaguin ang ating mga kakayahan at abilidad.
Ang aral ng artistikong paglalahad ng deklamasyong ito ay kahit na maraming hadlang sa
ating buhay bilang isang mag-aaral ay huwag tayong padadala sa kahirapan at
kamangmangan at marami pang iba. Sapagkat ang mga ito ay pagsubok sa atin upang tayo
ay mas maging handa pagdating ng panahon. Nais nitong ipahiwatig na ang mga pagsubok
ay parte ng ating pag-aaral at kahit na tayo ay nahihiran at nais na lamang huminto ay
huwag tayong magpadaig sa mga ito. Dahil magbubunga din ang ating mga paghihirap
kapag ating nakamit ang ating mga layunin. Kaya naman palagi nating tatandaan ang
deklamasyong ito at magsilbing paalala sa atin upang mawakasan ang ating mga pag-aalala
at bahala. Magtiwala tayo sa ating sarili at ating mga kakayahan at abilidad. Makakamit din
natin ang magandang bukas na ating tinatamasa.

“Huwag paaalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay


igapang upang ito ay mawakasan”.
“Huwag paaalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay
igapang upang ito ay mawakasan”.

You might also like