You are on page 1of 2

Pwede Po Ba Kahit Naka Mask?

Ilang buwan na ang lumipas nang inaprubahan ni Pangulong President Ferdinand Marcos
Jr. na wakasan na ang pagsusuot ng face mask sa labas o pampublikong lugar dahil
sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19. Ngunit may mga tao pa rin na nagsusuot ng face
mask sa pampublikong lugar. Nag-iingat pa rin nga ba sila o naka sanayan na lang
ito dulot ng dalawang taon na pagkakasuot nito?

Sa pag lipas ng taon mula nang pandemya tayo'y unti unti ng nakaahon mula sa
pagkakalugmok sa bahay, dating inaaral mag-isa ang aralin, ngayon ay itinuturo na
mismo ng ating mga guro, kung saan ang mga estudyante ay nag aaral na muli sa
paaralan, at binalik muli ang dating nakasanayan na ang eskwelahan ay ating
nagiging pangalawang tahanan, pangalawang tahanan kung saan dapat komportable,
masaya, at higit sa lahat ay iisang pamilya. Kay sarap segurong maramdan na ako,
Ikaw, tayo ay iisa at matatawag na pamilya, Yan ang hinihiling at gustong maranasan
ng bawat studyante na nag aaral. Sinabi na dapat tayo komportable sapagkat tayo ay
iisang pamilya, subalit may mga studyante pa rin ang patuloy na hindi ito
maramdaman. Ito ang mga madalas nating nakikita, madalas iisa kayo ng eskwelahan,
kaibigan at kung minsan naman ay kaklase mo na ito, sila ang mga hindi nag
tatanggal ng mask dahil nahihiya. At Isa ako sakanila, kami ay hindi nahihiya lang,
kami ay may ibat ibang dahilan, Kung saan ang iba ay nahihiya, ang iba ay
nakasanayan na, ang iba ay takot mahusgahan at ang iba ay may personal na dahilan,
ibat iba tayo ng dahilan ngunit dapat pa rin itong igalang. Maraming studyante o
tao na pinipilit ang isang tao o studyante na tanggalin ito dahil ang init daw at
ang iba naman ay nag tatanggal bigla Ng mask ng kapwa nila studyanteng nahihiya at
kanila itong pagkakatuwaan, Kay sakit malaman ngunit totoo na hanggang ngayon ay
may mga ganito pa rin na pag uugali ng mga kabataan, Hindi nila alam at inaalam ang
dahilan sa likod nito. Ako bilang nabibilang dito, ang dahilan ko ay takot akong
mahusgahan at ito na rin ang aking nakasanayan kung saan dapat hindi ko na lang
naranasan. Kay hirap ng ganitong sitwasyon, halos noong unang pasukan ako'y hindi
na lang kumakain tuwing meryenda sa kadahilanang nahihiya ako mag tanggal ng mask,
umabot sa punto na umiiyak ako at sasabihing, "Kay dali lang naman mag tanggal ng
mask ngunit hindi ko ma gawa!", pupunta pa nga ako ng palikuran upang doon kumain,
uminom, at umiyak kahit hindi ito ganoon kalinis. Kay sakit at kay hirap ngunit ang
totoo, may mga tao at kapwa ko studyante na hindi kami maintindihan. Nagkakaroon
nga ng ibat ibang paligsahan sa paaralan kung saan may mga pagkakataon na kailangan
wala talagang mask at ito ang pinaka malaking hamon sa amin, Paano kami haharap?
Paano namin haharapin ang aming kinatatakutan? Kung sa silid aralan pa lamang ay
hindi na kami komportable.

Napakadali sa ibang studyante na gawin ang mga bagay na hindi namin na gagawa, at
napaka dali rin sabihin na dapat ganito Ang gawin namin, Ngunit kung ito man ay
madali sana matagal na namin itong na gawa. Hanggang ngayon kami pa rin ay patuloy
pa ring nahihirapan, Kay hirap pigilang isipin ang iisipin o iniisip ng ibang tao,
sana naging madali na lang nga ito para kaming nakikita niyo na madalas ay naka
mask kahit saang lugar ay makita niyong na may masayang mata at labing naka ngiti.
Hindi lahat ng Inyo o ating nakaka salamuha ay kilala at alam mo ang pagkatao at
nararamdaman nito, Gaya ng mga taong humaharap sa maraming tao sa kabila ng
kanilang takot na mahusgahan na sa kanilang pag kakamali ay tatatak na sa isipan ng
mga tao ang pagkakamaling na gawa o nasabi nito, at hindi maalala ang maraming tama
at mabuti nitong na gawa. Kay daming tao, kay dami ring opinyon at iba iba tayo ng
pagkakaintindi at paniniwala rito. Kaya ngayon, ako bilang studyante na nahihiya sa
maraming tao at mahusgahan ay nagsulat ngayon ng lathalain para inyong maintindihan
at intindihin ang aming mga kaniya kaniyang nararamdaman at naka sanayan. Alam
namin na balang araw ay kailangan namin itong harapin pero habang ito ay patuloy pa
naming hinaharao, nag iipon ng lakas ng loob at nag papa katatag dahil sa aming
nararanasan, Kami sana'y intindihin, huwag niyong isipin na pangit kami, mahiyain
lang kami, at higit sa lahat, hindi kami mahina dahil nagpapatalo kami sa sasabihin
at sinasabi ng iba.
Kay daming karanasan, kay daming sakit, at kay daming natutunan, na hindi lahat ng
mahina ay nagpapakahina, hindi lahat ng nasasaktan ay walang natutunan. Sa aming
mga naranasan ay may ibat iba kaming pinagdaanan at pagdaanan dahil patuloy pa rin
namin itong hinaharap. Alam namin na dapat mahalin at tanggapin namin kung sino
kami, sapagkat kami ay nilikhang perpekto sa mata ng Diyos, marami mang pagkakataon
na kami ay mahina ngunit hindi ito dahilan para kami ay laging mahina, Sa aming pag
harap sa aming mga kinakatakutan sana kami'y inyong igalang, Unti unti pa lamang
kaming kumikilos at wag niyong biglain. Ika nga, Igagalang ko ang gusto mo, Igalang
mo ang gusto ko. Lahat tayo ay may ibat ibang kahinaan pero lahat nang iyon ay may
solusyon. Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng suliranin na hindi natin kayang lagpasan
at lutasin.

You might also like