You are on page 1of 2

Gawain 2: Tunay na Buhay

Sa totoong buhay hindi madali ang magtrabaho o gumawa ng gawain na


produktibo. Ito ay nangangailangan ng pagitityaga, pagpupunyagi at kasipagan.
Halimbawa na lamang ang sitwasyon mo ngayon na distance/modular learning.
Kailangan mong aralin ang iyong mga asignatura at gawin ang mga gawain sa modyul
na wala ang guro sa tabi mo. Lalong nagiging mahirap kung walang miyembro ng
pamilya ang gagabay sa iyo.

Gumagawa ng dyornal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa


pamantayan at motibasyon sa paggawa. Ikuwento sa iyong journal ang mga ginagawa
mong paghahanda sa iyong gawain na may kaugnayan sa iyong pag-aaral at paano
mo nalalampasan ang mga paghihirap at pagsubok sa mga paggawa ng iyong mga
gawain. Magbigay din ng mga tips kung paano mo natatapos ang iyong mga gawain.

DYORNAL NG GAWAIN

Ngayon ay ika-22 ng Marso, taong 2022. Ito ay masasabi kong isang produktibong araw
para sa akin sapagkat ako ay nakakapagtaas ng kamay sa mga katanungan ng aking mga
guro, at nakapag-ulat din para sa aming pangkatang gawain. Bukod doon, natutuwa ako para
sa aking sarili dahil natapos ko na ang gawin sa asignaturang Agham, Ingles, at Biochem. Tila
ba naginhawaan ako nang matapos ko ang mga gawain na aking isinumite.

Lahat naman tayo ay nahihirapan at tinatamad nang mag-aral- lalo na’t sa ganitong uri
ng pamamalakad nang pagtuturo- online class. Magdadalawang taon na nga pal ana ganito
ang ating sistema. Para bang kailan lang noong inanunsyo na magkakaroon ng lockdown sa
Pilipinas na sa pagkakaintindi ko sa maikling panahon lamang. Gayunpaman, kahit na
mahirap ang ganitong uri ng pag-aaral, kailangan nating tatagan ang ating loob at
magsumikap, alang-alang sa ating sarili at kinabukasan, at para na rin mapasaya natin ang
ating mga magulang at masuklian ang kanilang mga sakripisyong inilaan para sa atin.

Sa halip na tumanganga at maging tamad, kailangan nating magsipag at maghanda sa


ating pag-aaral, gawain, at pagsusulit. Ang aking pamamaraan nang paghahanda sa darating
na pagsusulit at gawain ay: ang pagbabasa ng takdang-aralin, paggawa ng sariling reviewer at
buod nito, at pagtulog nang maaga, maging na rin ang pag-iidlip sa tuwing ako ay inaantok
habang gumagawa ng mga gawin upang ang aking utak ay gumana at makapag-isip nang
maayos.

Hindi natin maiiwasan na tamarin minsan, ngunit huwag tayong magpadala sa tukso
dahil ito ay maaaring maapektuhan at masira ang ating kinabukasan. Kung ipagpapatuloy ito,
maaaring makasanayan ito ng isang indibidwal at puwede niyang gawin ito palagi. Sa halip,
magkaroon tayo ng inspirasyon o motibasyon sa buhay na magpapalakas sa ating loob na
gawin ang ating mga gawain na nagreresulta sa pag-iwas sa mga tukso. Maliban pa roon, ikaw
ay magkakaroon ng determinasyon, pasensya, at kasipagan dahil mayroon kang isang bagay
na pinanghahawakan. Halimbawa: ang iyong pangarap at mapasaya ang iyong mga magulang.

Ang maipapayo ko sa mga estudyante na nahihirapan din katulad ko ay dapat


magkaroon sila ng time management para maisakatuparan kaagad nila ang kanilang mga
gawain. Ito ay mahalaga para mayroong magko-control o magdidikta sa iyong oras. Sa
pamamagitan nito, magagawa mo lahat ng mga gawain sa itinakdang oras at hindi ka
mapupuyat. Pangalawa, huwag kang magpadala sa tukso. Kalabanin mo ang iyong sarili sa
tuwing ikaw ay natutukso o nais mo munang unahin ang isang bagay bago ang iyong gawain.
Mas mahalaga na gawin mo muna ang iyong mga takdang-aralin bago ang mga ibang bagay
upang wala ka nang iisipin mamaya. Pangatlo, mag-aral sa isang malinis at tahimik na walang
lugar upang ikaw ay makapag-aral nang maayos nang hindi naaabala. At ang panghuli,

1
magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili, at tigilan natin ang pagkukumpara sa ating sarili sa
ibang tao. Sabihin mo palagi na kaya mo at huwag magpapadala sa sinasabi ng iba dahil
naniniwala ako na magaling ka. Ikaw iyan at nag-iisa ka. Hindi mo kailangang maging ibang
tao nang dahil lang sa sinasabi ng iba. Magpakatotoo ka at magtiwala sa sarili, tatagan mo
ang iyong loob. O kung maaari, gayahin mo ang pamamaraan ng kanilang pag-aaral upang
makasabay ka rin sa kanila. O hindi kaya, ikaw ay makipagkaibigan sa mga matatalinong tao
para magaya mo sila, at walang masama roon.

You might also like