You are on page 1of 2

BUHAY ESTUDYANTE

Para sa akin ang pagiging estudyante ay sadyang makabuluhan dahil


dito na halos umiikot ang ating buhay at nagsisilbing pangalawa nating
tahanan. Ito ay isang pagsubok na dapat natin harapin at may mga
tungkulin din tayong dapat gampanan. Ito ay isang malakingresponsibilidad
para sa atin.
Ang buhay ng estudyante, minsan masaya at minsan naman ay
malungkot. Ibat iba ang klase ng estudyante, merong mabait at meron din
namang matigas ang ulo. May estudyante na pagkagaling sa paaralan sa
bahay kaagad ang diretso. May estudyante namang kung saan-saan pa
pupunta. May pupunta sa mall, sa computer shop, at kung saan-saan pa.
May estudyante namang puro aral lang ang inaatupag. Pagkagaling sa
paaralan libro pa rin ang kaharap sa bahay, gumagawa ng assignment o
project at nag-aaral para sa quiz o exam o di kaya para sa susunod na
lesson
Masarap ang maging estudyante. Dahil dito hinuhubogpa lang tayo
para madagdagan ang ating kaalaman at upang malaman kung hanggan
saan ang ating kakayahan. Bukod pa rito ay makakakilala pa tayo ng mga
panibagong kaibigan na makakasama natin sa araw-araw at mga guro na
matiyagang nagtuturo sa atin na tinuturing natin pangalawang magulang sa
paaralan.
Minsan may kalokohan din naman nagagawa. Hindi naman natin
maiiwasan yun dahil bahagi na yun ng ating buhay bilang isang
estudyante. Kung minsan naman ay hindi natin inaalam kung hanggan
saan ang ating limitasyon. Marami na tayong nagagawa na hindi tama,
tulad ng pagcucuting klase para gumimik, mag-inom at ang iba naman ay
gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
Minsan nakakasawa rin maging estudyante kasi sa isang buong araw
sa paaralan lang umiikot ang buhay mo. Pagkagising sa umaga ay kakain
at malilgo lang at pagkatapos ay aalis na at pupunta na sa paaralan.
Pagdating ng hapon, pagkauwi mo gagawa ka na ng assignment at magaaral na naman. Minsan nga pagminalas-malas pa wala ka ng oras na
manoond ng paborito mong programa sa telebisyon, magcomputer at

maglibang. Dahil sa sandamakmak na iyong assignment na


pinapagawa ng iyong guro. Aba mahirap ata yon! Kailangan mo pang
magbasabasa kasi kinabukasan baka wala sa mood ang iyong guro at
biglang magpa-recitation. Kapag hindi ka nagbasa at natawag ka niya,
naku siguradong bagsak ka at mapapahiya ka pa sa harap ng iyong mga
kaklase.
Ganyan ang buhay estudyante pare-pareho lang lahat ang ginagawa
sa isang buong linggo. Hind ba pwedeng ilang taon lang na mag-aral at
makakakuha ka na kaagad ng magandang trabaho? Pero sa panahon
natin ngayon kinakailangan talagang mag-aral ng mabuti para sa darating
na panahon hindi ka maghihirap.
Pinag-aaral tayo ng ating mga magulang upang magkaroon tayo ng
magandang kinabukasan. Nagsusumikap sila na mapagtapos tayo kahit na
napakahirap kaya dapat din tayong magsumikap na abutin ang mga
pangarap nila sa atin bilang ganti sa kanila. Dapat din natin bigyan
pagpapahalaga ang ating mga guro na matiyagang nagtuturo sa atin,
irespeto natin sila katulad ng pagrespeto natin sa ating mga magulang.

You might also like