You are on page 1of 1

MAKABANSA

Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran


Iisang bansa, iisang lahi, dapat ay iisang layunin. Ang layuning
umunlad ang bawat mamamayang namamalagi sa pitong libo't isang
daan at pitong isla sa Pilipinas. Ang layuning umunlad ang bawat isang
nananalaytay ang dugong Filipino. Nilalang tayo ng Diyos ng may lahi,
grupo at lipunang kinabibilangan. Sa tulong ng bawat isa'y
makakamtan natin ang layuning ito.
Bilang mamamayan ng bansang Pilipinas,isa ka ba sa taong tumutulong
upang mapaunlad ang iyong bansang Sinilangan? Nakikiisa ka ba sa
pagkilos para sa pambansang kaunlaran?
Bilang mapanagutan at makabansang mag-aaral,isa tayo sa may
malaking responsibilidad sa ating bansa.Laging pakaisipin na hindi
uunlad ang isang bansa kung walang pagtutulungan.Lahat tayo ay may
mabigat na gampanin sa pag-unlad ng bansa.Mapa-pansariling
pagsisikap o pakikiisa sa sama-samang pagtutulungan pa iyan,lahat
tayo'y makapagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng ating bansang
minamahal.Sama-samang pagkilos lamang iyan.Tayo'y magkaisa para
sa kaunlaran.Isang estratehiya ang pagiging MAKABANSA upang
makatulong sa pag-unlad ng bansa.Ang mga halimbawa nito ay:
👉 Pakikilahok sa pamamahala ng bansa.Bilang mamamayang
responsable sa pambansang kaunlaran,kinakailangang maging aktibo sa
paglahok sa iba't ibang aktibidad ang bawat isa o sa pamamahala ng
gobyernong lokal,pambansang pamahalaan at barangay nang sa ganoon
ay maisulong/maisakatuparan ang mga adhikain ng Pilipino upang
umunlad ang bansa.
👉 Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.Ika nga 'tangkilikin ang
sariling atin' nais iparating ng pahayag na ito na mas bigyang pansin
ang produktong gawang Pinoy sapagkat sa tuwing tinatangkilik natin
ang produkto ng mga dayuhan ang yaman ng bansa ay
nawawala.Kaya't muli,tangkilin ang sariling atin.
Bilang mamamayang naghahangad ng pambansang
kaunlaran,magtutulong-tulong tayo.Kapit-bisig para sa ikauunlad ng
ating bansa 👉. Mahalin at paunlarin ang bansang Pilipinas

You might also like