You are on page 1of 2

REGALO SA PASKO.

Ilang buwan nalang pasko na nanaman, kaya malapit


na rin ang araw ng bigayan at kasiyahan. Ang araw upang ang
buong pamilya ang muling magsama at balikan ang mga
nakaraan. Nandiyan na rn ang mga nangangaroling at patay sindi
ang mga ilaw sa bawat tahanan.Handa na rin ang regalo nila
ninong at ninang.Pero ano nga ba ang tunay na kahalagahan ng
bigayan ng regalo?
Ang pagbibigay ng regalo tuwing pasko ay
napakahalaga dahil ito ay isa sa mga sumisimbolo ng ating tunay
na pagmamahalan. Ang pagmamahalan na hindi lamang para sa
iyong iniirog kundi lalong lalo na sa ating pamilya at kapwa.
Nasabi kong regalo ang simbolo ng ating pagmamahalan dahil
ang pagbibigay ng regalo sa ating minamahal ay isa sa mga
paraan upang ipakita at iparamdam sa kanila na sa kabila ng
hirap at ginhawa may isang bagay pa rin tayong maibigay sa
kanila na siyang simbolo ng ating pagmamahal sa kanila.Ang
pagbibigay ng regalo ay nagpapaligaya sa kapuwa sa nagbibigay
at sa tumatanggap dahil ang pagbibigay ng regalo ay isa sa
pinakamahalagang aspekto ng pasko. Pero hindi lamang ang
isang bagay ang masasabi nating isang regalo kundi pati na rin
ang pagpapakita ng pagmamahal at ibayong pagmamahal para sa
mga mahal sa buhay. Kaya madami ang klase ng regalo ngunit
mayroon lamang itong isang makabuluhang kahulugan ang tunay
na pagmamahal at kasiyahan sa mga taong mahal mo na siyang
dahilan upang mapagtibay ang pagmamahalan sa bawat isa.Wala
sa halaga ng regalong ibigay o matanggap ng isang tao. Ang tunay
na halaga nito ay ang kasiyahang maibibigay mo sa tao.Ang
pagbibigay ng oras at pagmamahal ang tunay na sangkap ng
maligayang pasko.
Ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagmamahalan at
pagbibigayan sa bawat isa. Hindi matutumbasan ng isang bagay
ang tunay na pagmamahalan ng bawat isa dahil ang
pagmamahalan ang siyang tunay na dahilan ng ating pagiging
matatag sa bawat pagsubok na ating kinakaharap. Tandaan natin
na ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang pagbibigayan. Kaya’t
magbigayan tayo kahit hindi pasko dahil ang pagbibigayan ay
hindi lamang tuwing pasko isinasagawa.

You might also like