You are on page 1of 1

Name: James Andrew Labtic Date: February 4, 2021

Grade and Section: 11–Humility Teacher: Ms. Christy Marie C. Lagarit


Pagbasa (8:50-10:10 AM) MWF

"Gaano/Bakit mahalaga ang PAGBASA"


Ano nga ba ang pagbasa? Ang pagbasa ay proseso sa pagkilala at pagkuha ng
mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Paminsan-minsan ang mga tao
ay nagtaka kung bakit mahalaga ang pagbasa. Bakit nga ba?
Ang pagbasa ay isa sa mga importanti na dapat matutunan, ito ang dahilan ng
iyong pagkatuto sa iba’t ibang bagay o paraan ng pagkuha ng impormasyon. Sa
pamamagitan ng pagbabasa nakakatulong ito para magkaroon ng kaalaman sa ating
paligid. Ang mga hindi natin alam ay maaaring natutuhan sa pamamagitan ng patuloy
na pagbasa. Isa rin itong paraan para umonlad and ating pag iisip, dahil sa pagbasa ng
mga teksto mapabuti natin ang ating bokabularyo. Ang pagbasa ay parang nagbibigay
ng pagkain sa utak.
Kaya mahalaga ang pagbasa dahil ito ang tulay para malaman ang iba’t ibang
bagay. Dapat natin gawing espesyal ang pagbabasa kasi dahil nito nakakarating tayo
sa kung ano tayo ngayon. At sa pamamagitan nito matutupad natin ang ating pangarap.

You might also like