You are on page 1of 2

Ang tekstong ito ay tungkol sa kahalagahan para sa Edukasyon.

Pag-aaral ng bawat kabataan tungkol sa tagumpay para matupad and mga pangarap
kailangang mag aral ng mabuti at sikaping makatapos.Sa pagsisikap na makatapos ng
pag-aaral ay may kapalit kahit na mahurap hanggat kaya pa ay hindi dapat
sumuko,dahil alam nating lahat ng paghihirap o pagsubok na dumarating sating
Buhay ay may kapalit kung kayat huwag tayong panghinaan ng loob na harapin lahat
ng pagsubok na dumarating satin.

Ang pag-aaral ay Isa sa mga pagsubok na kinahaharap ng bawat kabataan ngayon


itoy mahurap lagpasan pero alam nating ito rin ang susi sa tagumpay sa buhay kaya
dapat ipaglaban natin ang tagumpay hanggat kaya pa ng ating Sarili.

Ang tekstong ito ay may kahalagahan sa mga sumusunod:

Ito ay may kahalagahan sa aking Sarili:sapagkat nakikita ko dito ang aking


sarili,mailalarawan ko sa tekstong ito ang aking sarili dahil isa rin akong mag aaral at
bilang isang mag aaral ay may mga pagsubok din akong nararanasan sa aking pag
aaral at hindi ito madali para sa akin ngunit kahit na hindi ito madali para sa
akin,pinagsisikapan ko pa ring malampasan dahil alam Kong sa lahat ng paghihirap
na aking nararanasan ay may kapalit na diko kailanman malilimutan.

Ito rin ay may kahalagahan sa aking pamilya:dahil alam kong sa pamamagitan ng pag
aaral maraming magbabago sa buhay ko,kapag makatapos ako ng pag aaral ay
maiaahon ko sa kahirapan ang aking pamilya,malaking tulong ito para sa aking
pamilya at upang magkaroon ng kabuluhan ang lahat ng paghihirap na ginawa ng
mga magulang ko para lamang mapaaral ako,masuklian ko lamang yung mga
paghihirap na ginawa nila para sa akin,kaya kailangan kong makapagtapos ng pag
aaral hindi lang para sa aking sarili kundi para na rin sa aking pamilya.

May kahalagahan din ito sa komunidad:sapagkat nagbibigay ito nang kaluwalhatian


sa isang komunidad.Ang isang komunidad kapag maraming nga bata na nakikitang
nagsusumikap sa pag-aaral kahit na malayo ang paaralan ay hindi nila iniintindi kung
gaano man ito kalayo para lang makapasok sila.Kay sayang pagmasdan ang mga
batang interesado sa pag aaral hindi nila iniintindi ang pagod para lang makapasok
sila at lalo na para makapagtapos sila ng pag aaral.

May kahalagahan din sa Bansa ang pag aaral:dahil ang pag-aaral ng bawat bata ay
makabuluhan para sa sangkatauhan ito ay tunay na pagkilala sa sarili,pamilya,kapwa
at sa bayan.

Sinasabing "Ang kabataan ang Pag asa ng Bayan"dahil sa katagang ito marami ang
nagpapatunay na kabataan ang pag asa ng Bayan,kahit na mahirap ang kinkaharap
ay pinaglalaban pa rin para sa tagumpay ng bawat Isa dahil ang pag aaral ang susi sa
tagumpay at dapat natin itong isa-isip at isapuso dahil sa pagsugod sa mga pagsubok
may kapalit na tagumpay para sa sarili.

At para sa daigdig:ito ay may kahalagahan sapagkat sa pag aaral maraming tao ang
nagtatagumpay kahit na ito ay mahirap at matagal.

Ang kahalagahan nito para sa daigdig ay ang pagbutihin natin ang lahat ng bagay lalo
na sa pag-aaral dahil ito ay napakalaking tulong para sa atin at dapat na pahalagahan
para sa ikabubuti ng Sarili at pamilya.

You might also like