You are on page 1of 26

ESP

Name of Teacher
Panimulang
Panalangin
Sa gitna ng Pandemya
Mahal naming Panginoon,
Salamat po sa panibagong
araw na ito.
Salamat po sa pagkakataong
kami ay matuto sa sa kabila
ng kinakaharap namin na
pandemya.
Salamat po sa pag-gabay sa
amin
at sa aming mga mahal sa
buhay.
Patuloy po ninyo kaming
ingatan
ganun din ang aming pamilya.
Iligtas po ninyo sa
kapahamakan
ang aming mga kamag-aral at
guro.
Gabayan po ninyo ang aming
mga isipan
upang maunawaan ng lubos
ang aming mga aralin.
Dalangin po namin na
malampasan ang mga
pagsubok na ito.
AMEN.
Yunit 4 Aralin 2
Pagpapahalaga sa Kapwa, Pagmamahal sa Maylikha
Ang buhay na handog sa atin ang siyang
pinakasagrado. Ibig ng Diyos na ihandog
natin ito sa ating kapwa o sa ibang buhay
na Kaniyang nilikha. Ibig ng Diyos na ating
padaluyin ang buhay para sa ibang tao.
Kung gayon, pananagutan nating mahalin,
igalang at pahalagahan ang buhay nating
kapwa tulad ng pagpapahalaga natin sa
ating buhay. Paano nating gagawin?
Alamin Natin
1. Paano mo
ipapakita ang
pagpapahalaga sa
kanila? Patunayan.
2. Bakit dapat mong
pahalagahan ang
mga likha ng Diyos
tulad ng nasa
larawan?
Isagawa Natin:

Gawain 1: Sa iyong kwaderno, sagutin ang mga sumusunod sa


pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa angkop na hanay.

Ako ba ay… Madalas Minsan Hindi


1. Nanunukso sa aking kaklase?
2. Namimintas sa pananamit ng iba?
3. Nakikinig kapag nagsasalita?
4. Nagtatakip ng aking bibig kapag
inuubo, bumabahing o naghihikab?
Ako ba ay… Madalas Minsan Hindi
5. Nagpapasalamat sa taong pumuri sa
aking pagbati sa bagi kong kamag-
aral?
6. Humihingi ng tawas kapag
nakakasakit sa iba?
7. Nagbibigay ng aking upuan sa
nakatatanda?
8. Nakikinig sa nagsasalita?
9. Nakikipag-unahan sa pila?
10. Tinatawag ang kapwa tao ang
kanilang pangalan?
Isagawa Natin:

Gawain 2: Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay


magpapakita ng palabas kung paano igalang at pahalagahan ang
sumusunod na likha ng Diyos. Magsagawa ng pagpaplano sa loob
ng limang minuto at ipakita ang palabas sa loob lamang ng
tatlong minuto.

Pangkat Mga Gagawin


1. Mahal Mga may kapansanan (jazz chant)
2. Kapwa Mga nawalan ng bahay (awit)
3. Handog Mga may sakit (rap)
4. Likha Mga biktima ng kalamidad (tula)
Isapuso Natin:

Gumupit ng puso sa bond


paper. Magbaliw-tanaw ka.
Isipin ang mga taong
nakasalamuha mo na iyong
iginalang o pinahalagahan.
Isulat sa isang bahagi ng puso
na iyong ginupit. Sa kabilang
bahagi naman isulat kung ano
ang ginawa mo upang ipakita
ang paggalang at
pagpapahalaga sa taong ito.
Tandaan Natin:
Sagrado ang buhay!
Ito ay pinakadakilang
kaloob ng Diyos sa atin.
Mahalaga na maunawaan natin ang layunin sa buhay. Ang
ating buhay ay hindi natin sarili. Diyos na ihandog natin ito sa
ating kapwa o sa ibang buhay ng Kanyang nilikha. Ibig ng
Diyos na ating padaluyin ang buhay para sa ibang tao. Kung
gayon, pananagutan nating mahalin, igalang at
pahagalagahan ang ating kapwa.

Maraming paraan upang pahalagahan ang ating kapwa


tao. Karaniwang sa mga ito ay ang pagtugon sa kanilang
pangngailangan sa panahon ng kahirapan. Madalas na
nagyayari ito sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, baha
at lindol. Huwag din nating kaligtaan ang mga pagkakataong
kailangan nila ang ating tulong o kalinga sa panahon ng
kahirapan at problemang kainasusuungan.
Naipapakita rin ang pagpapahalaga sa iba sa
paglutas ng mga suliranin para sa kapakanan ng
higit na nakakarami.

Ang pagpapahalaga sa ibang tao ay


maipapamalas sa pamamagitan ng pagdamay sa
panahon ng kalungkutan, sa kanilang pag-iisa, sa
mga panahong nangangailangan sila ng karamay.
Sa kabila ng paghihirap at pagdurusa, makasisilip
tayo ng pag-asa dahil sa kapwang handang
dumamay, tumulong at kumalinga.
Isabuhay Natin:

A. Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon


kung ikaw ang tauhan dito? Itala ang dahilan kung
bakit ito dapat gawin. Gawin ito sa iyong
kwaderno.
1. Napanood mo sa
telebisyon ang lawak ng
pinsalang dulong bagyo sa
Tacloban. Marami ang
nangangailangan ng
pagkain, gamot at damit.

Gagawin:

Dahilan:
2. Si Lola Amanda na 78
taong gulang ay mag-isang
naninirahan sa kanyang
bahay sa Brgy. San Pedro,
Vigan City. Nasa Sultan
Kudarat ang kanyang
kaanak. Napansin mong lagi
siyang malungkot at
nakatingin sa malayo.

Gagawin:

Dahilan:
3. Nasira ang bahay ng
pamilyang Santos dahil sa
malakas na lindol. Wala
silang matuluyan.

Gagawin:

Dahilan:
Isabuhay Natin:

B. Sumulat ng isang panalangin ng pasasalamat


sa buhay na kaloob ng Diyos sa iyo. Idagdag ang
iyong pangakong gagawin upang maipakita ang
pagpapahalaga sa buhay na kaloob sa iyo.
Subukin Natin:
Pag-aralan ang editorial
cartoon. Gamitin ito
bilang gabay sa pagsulat
ng isang maikling
sanaysay tungkol sa
paksang, “Buhay ng
Kapwa tao, Pahalagahan
kong Lubos.”

 Isulat ang iyong


sanaysay sa isang
bondpaper.

You might also like