You are on page 1of 4

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ni: Therese Jubelle B. Perez

Nakakasabik na bang makakita ng mga punong napapalibutan ng mga


nagliliparan at nagkikislapang mga alitaptap na animo’y Christmas lights? Bihira ka na
bang makarinig at makakita ng mga ibong walang sawa sa paghuni at paglipad sa
himpapawid? Sariwa pa ba ang hangin na iyong nalalanghap? Nakakakita ka na ba ng
mga plastik at bakanteng bote na pinaglagyan ng tubig na lumulutang sa karagatan?
Ang mga sagot sa mga katanungang ito ang magpapatunay at magpapahiwatig kung
mayroon nga bang malaking pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran o
kalikasan. Ang awiting ”Masdan Mo Ang Kapaligiran” ng Asin ay isang magandang
awitin na may koneksiyon sa pagbabaong nagaganap sa ating kapaligiran.

”Lahat ng bagay na narito sa lupa, biyayang galing sa diyos kahit noong ika'y
wala pa. Ingatan natin at 'wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi, tayo'y
mawawala na.” Isa ito sa mga linyang nakapukaw sa aking atensyon sapagkat
ipinaparating nito ang kahalagahan ng pag-aalaga at pag-iingat sa biyayang
ipinagkaloob sa ating ng Diyos, ang kapaligiran o kalikasan, sa kadahilanang dito
nakadepende tayong mga tao at kung ito ay mawawala at masisira ay maaaring ganito
din ang mangyari sa atin. Pinapaalala din nito na tungkulin nating mga tao ang
pahalagahan at alagaan ang ating Inang kalikasan.

“Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran? Kay dumi na ng hangin, pati na


ang mga ilog natin.” Nakakapandurog ng puso ang mga linyang ito sa kanta sapagkat
inilalarawan nito sa aking isip kung gaano kalaki ang naging pagbabago ng ating
kapaligiran. Habang binabasa ito ay may kirot akong naramdaman sa aking puso
sapagkat pumasok sa aking isipan kung paano natin nagawang abusuhin at sirain ang
napakagandang biyaya ng Panginoon.

“Bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran? Hindi na masama


ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Darating ang panahon mga ibong
gala ay wala nang madadapuan. Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan.” Huwag na nating hintayin ang panahon
na wala ng matitira sa kalikasan. Kung patuloy ang paggawa natin ng hindi karapat
dapat sa ating kalikasan at pag abuso dito ay di malayong mangyaring mawalan tayo
ng tirahan. Isipin din natin ang mga susunod pang henerasyon, kailangan natin itong
pangalagaan ng sa gayon ay may maabutan pa sila sa kanilang panahon.

Masakit isipin na tayong mga tao din ang nagiging dahilan at responsable sa
unti-unti at patuloy na pagbabago at pagkasira ng ating kapaligiran. Ang kakulangan
natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit nito, kawalan ng
disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon
ng basura, mali paraan ng pangingisda ang ilang halimbawa na nagpapakita na tayong
mga tao ang nasa likod ng unti-unti at patuloy na pagbabago at pagkasira ng ating
kapaligiran.

Ang awiting “Masdan Mo Ang Kapaligiran” ng Asin ay nagsisilbing wake-up call,


paalala o panawagan sa ating lahat na hindi lamang pagmasdan ang ating kapaligiran o
kalikasan kundi bigyang solusyon ang unti-unti at tuluyang pagkasira nito. Ang
kalikasan ay kinakailangang pahalagahan at pangalgaan kahit sa maliit na paraan
lamang ngunit parang salungat naman ang ginagawa natin. Nakabubuting pag-isipan
natin ang mga aksyon at desisyon natin upang malaman kung ito ba ay nakabubuti o
nakasasama sa ating kapaligiran. May ginagawa ka ba upang pigilan at solusyunan ang
pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran? Katulad ka rin ba ng mga taong walang
pakialam at walang disiplina sa paggamit ng ating kalikasan?
ISANG REPLEKTIBONG SANAYSAY HINGGIL SA

DAAN TUNGO SA PAGKAMIT NG PANGARAP

Ang pagkamit sa pangarap ay parang isang paglalakbay.Napakahabang daan ang


lalakbayin ng isang taong nangangarap para makamtan niya ang kanyang ninanais.Maraming
pasikot-sikot na mararaanan bago makarating sa tamang paroroonan.Sa paglalakbay
mararanasan ng isang tao ang mga pagsubok na susukatin kung gaano siya katatag.Mga
pagsubok na hahamunin ang kanyang kakayahan na magpatuloy kahit anumang pagsubok ang
kaharapin.

Bilang isang mag-aaral ako ay parang isang manlalakbay na patuloy na tinatahak ang
direksyon tungo sa pagkamit ng pangarap . Sa aking paglalakbay may mga pagsubok akong
kinakaharap . Napakarami kong pangarap na gustong makamit para sa aking sarili at lalong
higit para sa aking pamilya, ngunit di ko maiwasan na magkaroon ng agam-agam sa aking
sarili. Nariyan ang puntong matatanong ko sa aking sarili na kaya ko ba talaga abutin ang aking
pangarap? Nagdududa ako sa sarili kong kakayahan at bumababa ang kumpiyansa ko sa aking
sarili. Nariyan din na napapaisip akong sumuko. Natatalo ng aking agam-agam ang positibo
kong pananaw tungo sa pag-abot ko ng aking pangarap.Minsan ay nawawalan at di ako
makahanap ng inspirasyon at motibasyon para magpatuloy.Ngunit sa kabila ng lahat ng
ito,iniisip ko ang kagustuhan na magkaroon ng magandang buhay para sa aking sarili at ang
kagustuhan kong tumulong sa aking pamilya.Napakahalaga rin kung lagi tayong may
positibong pananaw sapagkat ito ang makakatulong upang lumakas at tumatag ang ating loob
na magtagumpay. Itinatatak ko sa aking isipan na kailangan ang sipag at tiyaga upang
makamtan ko ang aking pangarap. Ang pinakamahalaga ay ang pananalig sa Poong Maykapal
upang magabayan at magkaroon ng kaliwanagan ang puso sa lahat ng bagay na gagawin
tungo sa daan ng tagumpay.

Parte ng pagtupad natin ng ating mga pangarap ang mga pagsubok.Tunay nga na ang
daan tungo sa tagumpay ay hindi madali. Nariyan ang panahon na makakaranas tayong
dumaan sa malubak na daan at mararanasang madapa. Kahit madapa man ang mahalaga ay
ang matuto, ang patuloy na pagbangon at ipagpatuloy ang pagtahak sa daan tungo sa
tagumpay.Malayo pa ang aking lalakbayin bago ko maabot at mapagtagumpayan ang aking
pangarap. Alam kong hindi magiging madali ang paglalakbay na aking kinakaharap, ngunit
darating rin ang panahon na makakararating ako sa aking patutunguhan. Babaunin ko ang mga
sandata na aking kakailanganin at makakatulong upang maging matagumpay at maabot ang
aking pangarap.
Aimarie Avila

12-Staff of Moses (ABM)

You might also like