You are on page 1of 8

“Tekstong Naratibo”

Ang Aking Sarili

Ako ay si Angelie Joy D. Cabilin. Mahilig akong kumain nang sisig, siomai at iba
pa.Napakamasiyahin ko din na tao.Sa DCCS ako nag-aaral noong elementary at sa RMIDCI
naman ngayong Highscool na ako. Ang hindi ko talaga makakalimutan noong tumuntong ako
nang highschool ay yung mga panahon na tatakas kami at pupunta sa bahay ng kaibigan namin
para manuod ng tv at kumain kasi dati ayaw naming pumasok sa paaralan dahil boring ang mga
subjects sa hapon amin noon. Mahilig akong gumagala kasam ang aking mga matalik na
kaibigan tuwing sasapit na ang gabi. Mahilig din akong mag ‘joy ride” kasama aking dalawang
kaibigan. Mahilig din akong manood nang Korean Dramas. Mahilig din akong making sa mga
paborito kong kanta na mga Kpop na kinatanta nang aking mga idolo. Isa sa mga paborito kung
grupo na mga koreano ay ang “EXO”.

Ang Aking Pamilya

Ang aking pamilya ang pinakamahalgang tao sa buhay ko. Si tatay ay isang guro sa isang
paaralan sa Kauswagan, Dapitan City. Si tatay ang nagbibigay nang lahat nang aming
pangangailangan sa buhay bilang isang tao, anak, at estudyante mula sa aming mga damit
hanggang sa aming makakain sa pang araw-araw. Ang aking ina naman ay tagbantay nang bata o
tinatawag din na “babysitter”. Siya ang gumagawa ng halos lahat nang gawaing bagay. Mayroon
akong tatlong kapatid. Isa lalaki at dalawa naman ay babae. Napakalapit naming sa isat-isa kahit
na minsan ay nag-aaway nagbabati naman kahit papaano. Ang paborito naming gawin sa bahay
ay ang panonod nang telebesyon nang sabay-sabay. Masaya ako kapag kasama ko at kompleto
kaming magkakapamilya. Nagpapasalamat ako sa panginoon na ibinigay niya ako sa isang
pamilyang kahit may mga problemang dumating ay kinakaya at kakayin ang lahat nang ito.Sa
ngayon ay wala na akong maihihiling a kundi ang kalusugan at kaligtasan ng bawat myembro
nang aking pamilya.
“Tekstong Deskriptibo”
Ang Aking mga Inspirasyon sa Buhay

Ang panginoon ang una kong inspirasyon sa buhay. Mapagmahal ang Panginoon dahil
pinahahalagahan niya ang lahat ng tao. Pantay ang kanyang pagtingin sa mga tao, mayaman man
ito o mahirap. Nagawa din ng Panginoon na ibigay sa mga tao ang kaisa-isa nyang anak para
mawala ang mga kasalanan nating mga tao. Marunong magpatawad ang Panginoon kahit gaano
kalaki na ang kasalanan ng mga tao, pinapatawad niya pa rin ito at binibigyan ng pagkakataon na
magbago. Kapakanan lang ng mga tao ang lagging iniisip ng Panginoon. Higit sa lahat hindi
mang-iiwan ang Panginoon. Tiyak na hinding-hindi ka niya pababayaan sabi pa sa bibliya pag
malapit ka sa Diyos mas maiiwasan mo ang kamalasan o kamatayan. Magpakatotoo ka sa iyong
sarili at harapin ang mga pagsubok sa iyong buhay at manalig sa Diyos walang mangyayaring
masama kung magtiwala ka lang.

Ang pangalawa kong inspirasyon sa buhay ayang aking pamilya. Sila ang nagsisilbi kong
gabaysa aking buhay. Sila ang nag turo sa akin kung saan ang tama at mali sa isang bagay .Lagi
nilang sinasabi sa akin na uunahin ko raw ang aking pag_aaral dahil iyan lang daw ang
maipapamana nila sa amin Masayahin an gang pamilya. Lahat ng pagod ko sa pag-aaral
mawawala talaga sa oras na ngumiti ang aking pamilya.Ang aking pamilya ay maalaga at
mapagbigay sa iba. Ang pagiging mabuti at may respeto sa kapwa ang higit na dapat tularan
kaya iniidolo ko ang magulang ko simula pa sa pagkabata ko hanggang ngayon at hinding hindi
ito magbabago. Mawala man ang lahat ng ito pero ang pagmamahal ko sa kanila ay hindi
mawawala sa puso ko.
“Tekstong Impormatibo”
Ang Bansang Indonesia

Nasa kahabaan ng ekwador sa pagitan ng Australia at kontinente ng Asia. Ito ang


bansang may pinakamaraming isla. Karamihan sa mahigit 17,500 isla nito ay bulubundukin at
may makakapal na kagubatan. Dahil sa mahigit 100 aktibong bulkan, ito ang rehiyong may
pinakamaraming pagsabog ng bulkan.

Ang Indonesia ang ikaapat sa may pinakamalaking populasyon sa daigdig (kasunod ng


China, India, at Estados Unidos). May mahigit 300 etnikong grupo rito.Mahigit kalahati ng
populasyon ay Javanese at Sundanese.Halos 90 porsiyento ng mga taga-Indonesia ay Muslim.
Ang natitirang mga 10 porsiyento ay Hindu, Budista, o tinatawag na Kristiyano. Marami rin ang
sumusunod sa katutubong relihiyosong kaugalian. Mahigit 700 ang wika sa buong bansa.
Indonesian, na halaw sa Malay, ang karaniwang wika. Pero karamihan ay may sarili ring
diyalekto.

Marami ay magsasaka o nagnenegosyo. Mayaman ang bansa sa mineral, kahoy, langis, at


natural gas. Isa rin itong pangunahing supplier ng goma at palm oil.Kanin ang pangunahing
pagkain. Popular ang mga putaheng nasi goréng (sinangag at itlog na may gulay), satay (inihaw
na karneng nakatuhog), at gado-gado (salad na may peanut sauce). Mainit at maalinsangan.
Dahil sa hanging habagat at amihan, may dalawang panahon—tag-ulan at tag-init. Karaniwan
ang malalakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.
“Tekstong Prosedyural”
Prosedyur sa Paggawa ng Chocolate Cake

1 tasa cocoa powder 1 kutsarita baking powder

2 kutsara instant coffee 2 ½ tasang asukal

1 tasa ng mainit na tubig 4 piraso itlog

1 tasa ng gatas na ebaporada 1 kutsarita vanilla

3 tasa ng arina 1 tasa ng mantikilya

2 kutsaritang baking soda

Paraan ng pagluto:

Painitin ang oven sa 350°F.

1. Pahiran ng kaunting shortening o mantika ang isang 13 x 9 x 2" na rectangular pan at


pagkatapos ay sapinan ng wax paper.
2. Tunawin ang cocoa powder at kape sa mainit na tubig.
3. Ihalo ang gatas.
4. Itabi.
5. Sa isang mangkok, paghaluin ang arina, baking powder at baking soda.
6. Sa ibang mangkok, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
7. Ihalo ang asukal at batihing maigi.
8. Isa-isang idagdag ang itlog.
9. Batihing maigi bago ihalo ang vanilla.
10. Salitan na ihalo ang arina at pinaghalong gatas at cocoa, simulan sa arina.
11. Haluin ng mabuti bago isalin sa baking pan.
12. Lutuin sa oven ng mga 45 minuto o hanggang malinis nang lumabas ang toothpick na
tinusok sa gitna ng cake.
13. Palamigin sa wire rack ng 10 minuto bago baligtarin.
14. Hiwain sa nais na laki.
“Tekstong Perswuysib”
Huling Mga Araw

Tawag ng mundo ay pagbabago. Ang mga tao ay ginawa hindi para sa kasamaan kun’di
para sa kabutihan. Ngunit ang nangyayari ngayon ay taliwas sa ating inaasahan. Patayan doon
patayan dito, ito ang kasalukuyang nangyayari sa ating mundo. Ako ay isa ring tao, may mata,
may damdamin, may puso at isipan. Hindi ako bulag, alam kong ikaw din, ngunit sadyang may
mga taong nagbubulag-bulagan sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Mga bagyong
nagpapalakasan at bahang nagpapataasan, normal pa ba ito? O tao sabihin mo, normal pa ba ito?
Subukan mong ikumpara ang mga pangyayari noon at ngayon, hindi ba’t ito’y patuloy na
lumalala? Sikat ng araw noon ay pilit mong nilalapitan, ngunit bakit ngayo’y tila ba nilalayuan?
Ang mga pangyayaring ito ay lantad na sa iyong harapan. Ngunit bakit ika’y nagbubulag-
bulagan? Hindi mo ba naririnig ang ang yabag ng papalapit na malaking kaguluhan? Malapit na,
malapit na! Buksan mo ang iyong mga mata.

Mayroon tayong banal na kasulatan, nabasa mo na ba ito? Mga propesiya ay nakapaloob


na rito. Kung hindi mo pa ito nasubukang buklasin, payo ko sa iyo’y simulan mo na itong
basahin. O baka nama’y inaalikabok na ito sa apat na sulok ng iyong kwarto? Hindi mo ba alam
na ilan sa mga nakasulat dito ay natupad na? At sinasabi ko sa’yo na habang unti-unti na itong
nangyayari, unti-unti naring lumalapit sa atin ang katapusan ng mundo. Tawag sa atin ay
pagbabago. Ipikit mo ang iyong mga mata at pagnilay-nilayan mo ang mga sinabi ko. Nawa’y
iyong pakinggan ang ihip ng hangin at bugso ng mga alon. Subalit hindi mo ito makikita kung
patuloy kang magbubulag-bulagan sa katotohanan. Pumunta ka sa isang sulok at pakinggan mo
ang pintig nga iyong puso. Naririnig mo ba ang tinig na kumakatok dito? Papasukin mo Siya at
hayaan mong baguhin Niya ang iyong buhay.Nasa huling mga araw na tayo, nawa’y maunawaan
mo ito. Talikuran mo na ang iyong dating buhay at magbalik loob ka na sa Kanya.

Dalawang libong taon na ang nakalipas nang may tumubas sa ating mga kasalanan. Siya
ay si HESUS. Mahal ka Niya, alam mo ba? Gaano man karami o kalaki ang ating pagkakasala
sa Kanya, hindi sapat iyon upang ikumpara sa mga sakripisyo Niya. Sabi niya sa Krus “tapos
na!”.Tayo ay binigyan pa ng pagkakataon upang magbago. Kaya’t kung ikaw ay namumuhay sa
baluktot na pamamaraan, simulan mo na ang magbago. Huwag na nating hintayin na ibuhos Niya
ang Kanyang galit sa sangkatauhan. Ihihiwalay Niya ang tupa sa mga kambing, ikaw ba, ano
ka? Kaya’t yakapin mo ang pagbabago sa buhay mo. Inuulit ko, nasa huling mga araw na tayo,
kaya nama’y ‘wag mo ng sayangin pa ang nalalabing mga oras mo. Ang mga yabag ng Kanyang
mga paa’y palakas nang palakas. Ito’y nagsasabi lamang ng malapit na katapusan. Tinatawag ka
Niya, nawa’y pakinggan mo Siya.Mahal ka Niya, nawa’y tugunan mo Siya. Malapit na, manalig
ka.
“Tekstong Argumentatibo”
Ang Paninigarilyo ay Nakamamatay

Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng
sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo.
May malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong ito, "Ano nga bang
ikinaganda ng panininigarilyo?".

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay buga ng
usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga
rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay
nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan
namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na
pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang
masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa sigarilyo tungkol sa
maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa
mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69
dito ay maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang mga
naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari pa ring maapektohan ang mga
taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa bingit
ng kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila humithit ng sigarilyo.

Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa paggamit ng


sigarilyo at hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat sana'y modelo ng bansa.
Nakikita naman nating may aksyong ginagawa ang pamahalaan ngunit parang kulang pa ang
pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan nilang mas pag-igihin ang pagmungkahi ng mga
solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang supilin ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo.
Kailangan nilang mas maghigpit para makasigurong ligtas ang mamamayang Pilipino mula sa
mga negatibong epekto ng paninigarilyo.

Walang anumang kapaki-pakinabang sa paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro ang


pagkilos at kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa pamahalaan ang
paghahanap ng solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas mapapabilis ang pagwakas sa
masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng mga "smokers" ang pagbabago at pag-
eensayo ng kontrol sa sarili.
Proyekto
sa
Komunikasyon at
Pananaliksik I

Ipinasa ni:

Angelie Joy D. Cabilin

XI – GAS B

Ipinasa kay :

Gng. Merlyn Viadnes

You might also like