You are on page 1of 1

“Pananaliksik sa Gitna ng Pandemya”

Alam natin na ang pananaliksik ay isang proseso ng paghahanap ng kasagutan


sa ating mga katanungan o problema. Isa rin itong pamamaraan ng pagpapaunlad ng
mga inobasyon at teknolohiya. Ito rin ay ginagamit sa pagtuklas ng mga bagay na
maaaring maging kapaki-pakinabang sa lahat. Kung ang pagsasagawa ng pananaliksik
ay nakapagdudulot na malaking ambag sa mga mamamayan, hindi ba’t dapat na mas
lalo itong pag-igtingin ng ating gobyerno? Hindi ba’t higit na mas magiging kapaki-
pakinabang ang talino at galing na mga Pilipino kung ito ay magagamit sa pagdiskubre
ng iba’t-ibang bagay at solusyon?
Sa ating panahon ngayon kung saan mayroong lumalaganap na pandemya, sa
tingin ko ay mas lalong dapat na pag-igtingin ang pananaliksik upang matuklasan ang
posibleng bakuna para rito. Ang mga malalaking bansa gaya ng Russia, America, at
China ay pawang kumikilos upang madiskubre ang bakunang kokontra sa COVID-19
ngunit bakit tila ang Pilipinas ay naghihintay lamang sa kung anumang matuklasan ng
ibang mga bansa? Sa aking mga napapansin, ang ating bansa ay sinusubukan lamang
na pigilan pa ang pagkalat ng sakit ngunit hindi pinagbubuti ang pagtuklas para sa
bakuna. Sa pagkakataong ito ay marapat na makita ng ating gobyerno kung gaano
kahalaga ang pananaliksik sa panahon ng pandemya. Kung mas pag-iigtingin ito ay
hindi malabong makatuklas din tayo ng posibleng bakuna laban sa COVID-19 na siyang
tatapos sa paghihirap ng buong mundo. Bukod sa pagtuklas ng bakuna, mahalaga ring
patuloy na saliksikin ang mga datos hingil sa bilang ng mga tinatamaan ng sakit, mga
gumaling dito, at mga nasawi. Ito ay mahalaga upang mas maging alerto ang mga
mamamayan sa kung ano na ba ang kalagayan ng bansa. Mahalaga rin ang
pananaliksik sa estado ng ating ekonomiya upang malaman kung gaano na kalala ang
naidulot ng pandemya. Ito ay nagagamit upang malaman ng gobyerno kung gaano ba
karami ang nawalan ng trabaho, naghihirap, at nangangailangan ng pinansyal na
tulong. Sa tulong rin ng pananaliksik ay malalaman nila ang mga maaaring gawin upang
masolusyunan ang mga problemang ito sa abot ng makakaya habang wala pa ang
inaasahang bakuna. Kung sa huli ay makatutuklas tayo ng bakuna sa sakit ay sa tingin
ko ay mas magiging produktibo at sisiglang mula ang ekonomiya ng ating bansa na
siyang magreresulta sa mas magagandang proyekto na nais isagawa ng mga ahensya
ng pamahalaan. Halimbawa na lamang ay ang “Build, Build, Build Program”. Mas
makakakilos ang mga manggagawa at mga inhinyero kung walang sakit na kumakalat
at mas mapagbubuti ang ginagawang proyekto.
Tunay na mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik dahil sa magandang
dulot nito hindi lamang sa bawat indibidwal kung hindi pati na sa buong lipunan. Kung
kaya’t hindi natin dapat itong iwaksi at mas dapat na gawing priyoridad. Kung tayo ay
magiging masipag at matiyaga, siguradong makapagbibigay tayo ng magandang bunga
ng ating pananaliksik. Sana lamang ay huwag itong kaligtaan ng ating pamahalaan
dahil alam ko na may malaking maiaambag ang pananaliksik para sa kaunlaran ng
ating bayan.

You might also like