You are on page 1of 2

KALIKASAN AY DAPAT PANGALAGAAN

(Tekstong Impormatibo)

Ang kalikasan ang nagbibigay kula sa ating kapaligiran na sadyang pinagkaloob ng ating
panginoon. Dapat natin itong ingatan at alagaan. Pahalagahan natin ang kalikasan, dahil
pinagkukunan ito ng pagkain, malinis na hangin at pangsangga sa anumang kalamidad na
darating. At ito ay mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa
kapakanan sa susunod na henerasyon.
Ang kalikasan ay pinagmulan ng iba't-ibang pinagkukunang yaman. Ang mga yamang ito ay
maaring renewable at non-renewable. Ano nga ba ang renewable at non-renewable? Ang
renewable energy ay mga energy na napapalitan ng mabilis, hindi katulad ng non-renewable
energy na aabutin pa ng milyong taon. Ibig sabihin ang renewable energy ay isang bagay na
mabilis lamang itong palitan at halimbawa nito ay tulad ng tubig, hangin, at solar energy.
Kabaliktaran naman nito ang non-renewable , dahil ang non-renewable ay matagal na mawala o
maglaho. Halimbawa nito ay carbon-based, organic na nagmula sa gasolina at oil o gas. Dito rin
nagmula ang materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't-ibang mga gusali. Ang kalikasan ay
tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng produksiyon at
pagkonsumo.
Ngunit anong ginawa natin? Ito ay unti-unting winasak at inabuso na kung saan-saan natin
tinatapon ang basura sa dagat na kung saan nilalason natin ang mga isda at manira pa. Dapat na
hindi natin ito ginawa. Sa una pa lang dapat nating pinangalagaan ang kalikasan dahil tayo rin
naman ang makikinabang nito. Kung ikukumpara mo ang kalikasan noon at ngayon, ay ang dami
na itong pinagbago.
Kung mas lalo natin itong pababayaan. Dahil magkakaroon ito ng maraming epekto sa
kalikasan. Tulad ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, Flashfloods at marami pang iba na
makakasama sa ating kalikasan. Halimbawa nito ay katulad ng bagyong Yolanda, nagkaroon ito
ng pagbaha at pagFlashFlood, Ang tanong, Ano ang sanhi nito? Isa na dito ay ang pagpapabaya
sa ating kalikasan.
Ayon kay Bernie sa komento nya sa isang Blog Post, "Tunay nga na mahalaga ang kalikasan
sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ito, nakadepende ang bawat tao sa kung ano ang
maibibigay sa kanya ng kapaligiran. Minsan sobra, minsan naman kulang, subalit hindi ito sapat
na dsahilan upang tayo ay umabuso at dapat simulan natin ang pagbabago ng ating mga sarili".
Ang kanyang pahayag ay makahulugan pero marami parin ang pwedeng gawin para hindi
ito mangyari ulit. Na kailangan gawin ang mga wastong gawain, tulad ng wastong pagtapon ng
basura, upang mabawasan ang pagbaha. At alagaan ito ng may pagmamahal sa ating kalikasan.
SIYA AY AKO
(Tekstong Deskriptibo)

Hindi ko siya maintindihan minsan pero alam ko kung ano ang kanyang iniisip. Hindi niya
masyadong pinapakita ang emosyon pero pagnakilala mo na, makikita na ang makulay nitong
pagkatao. Nararamdaman ko kung kailan siya malungkot o masaya. Alam ko kung anong gusto
niyang sabihin ngunit hirap siyang bigkasin. Masipag siya ngunit isang dakilang tamad rin. Siya ay
maraming nagawang mali sa buhay pero tanggap ko siya. Marami siyang kahinaan at
kinatatakutan pero nandito ako sa tabi niya dahil mahal ko siya. Madalas man siyang panghinaan
ng loob, alam kong marami siyang pinagkukunan ng lakas at isa na ako dun. Alam ko rin kung
kailan siya nagkulong sa dilim ng makarinig ng panghuhusga sa iba. Marunong ding siyang
magsabi ng hindi totoo at magtago ng katotohanan ng dahil sa mga pangyayari. Nung una ayaw
niya pa akong tanggapin dahil duda siya sakin. Kaya naman tinuruan ko siyang magbago, na
tanggapin niya ako, na mahalin niya ako pabalik kasi nandito lang ako palagi para sa kanya.
Minahal ko ang taong ito ng buong puso at natutunan rin naman niya akong mahalin. Habang
tinuturuan ko siya ay nakikilalako rin ang sarili ko dahil ang taong ito ay Siya; at Siya ay Ako.

Matapos na makapagnilay-nilay, nalaman kong walang mababago sa paligid ko kung hindi


ako magbabago. Ang sarili ko na mismo ang nagsasabi na palayain ko siya sa ginawa ko ring hawla.
Isa lang ibig sabihin nito na mas tinanggap, minahal at pinangalagaan ko ang sarili ko. Dahil
walang ibang gagawa nito kung hindi ako lang. Oo nandyan ang aking mga magulang pero hindi
nila alam ang lahat sa akin at dadating sa puntong papakawalan narin nila ako at papatayuin sa
sarili kong mga paa. Kaya naman nagpakatatag ako, tinanggap ang lahat ng kanilang mga
komento at gawang-kwento, naging totoo ako sa sarili ko para makamit ang kapayapaan na
inaasam ko. Mahirap magkulong ng sarili dahil walang naniniwala sayo maski sarili ko hindi ko
maintindihan, kaya naman sa tulong narin ng nasa Itaas kumapit ako sa kanya at nakita ko rin ang
daan na nagbalik sakin sa liwanag. Sa huwisyo na nagpagising sakin na tama na ang
pangpapanggap, tama na ang inggit, tama na ang magmukmok. Mahalin ang sarili para sa aking
ikabubuti. Kapag may kapayapaan ka sa sarili mo, kaginhawaan din ang maibabahagi mo. Ang
kasunod na niyan ay paniniwala, pagtanggap at pagmamahal ng iba para sa’yo na nakararanas
din ng tulad ng sa akin.

You might also like