You are on page 1of 4

Lahat ng late sa pagpapasa ng Gawain ay bibigyan ko ng minus 5 para maging patas sa mga

mag-aaral na nagpapasa ng tama sa oras. Maging organisado sa pagpapasa ng gawain lagyan


ng pangalan, section at pamagat ng Gawain. Sundin ang pormat

Pangalan: Cassandra Margaret S. Garong


Section: 9-St. Robert Bellarmine
Pamagat ng Gawain:

MODULE 1

 Tula Ko, Basahin Mo!


Sumulat ng isang tanka at isang Haiku gamit ang tamang anyo at sukat.

Sagot: Haiku

Aking kaibigan na
tinuring ko na
parang kapatid

Masaya ako
dahil dumating Ka sa
buhay ko't piling

Kung maghahanap
kaibigang kausap
narito't Lang ako

Tanka

Malayo kaman sa'king


tabi Hindi hadlang
sa akin para ika'y
haharanahin
ng taos puso

Mananatiling ikaw
ang paksa sa mga
isinulat Kong tula't
hindi magsasawa
hanggang sa pag tanda
 Pagsulat ng Journal
Ano ang ibinubunga ng pagiging maingat sa pagpapahayag ng saloobin?

Sagot: Mahalaga na tayo ay dapat na maging maingat at marahan sa pagpili ng mga ating
sasabihin at sa tono ng ating boses sa pagpapahayag ng saloobin para maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan at hindi magkakaintindihan na maaaring magdulot ng away. Importante na sa
bawat salitang ating binibitawan ay maging maingat tayo dahil ito ay hindi na mababawi
pa.Maaaring makahingi pa tayo ng paumanhin subalit hindi na nito mababago ang mga oras na
nakasakit tayo ng damdamin ng iba dahil lang sa maling pagpapahayag ng damdamin.

  Maging maingat sa bawat salitang bibitawan at siguraduhin munang kalmado ang sarili at
isipin ang kalagayan ng taong pagsasabihan nang sa gayon ay maiwasan ang magkasakitan .
-

MODULE 2

 Baguhin Natin!
Isulat mo muli ang pabulang “Ang Mag-inang Palaka sa Puno” sa paraang babaguhin mo ang
karakter ng isa sa mga tauhan nito. Alalahanin sa pagsulat ang mahalagang aral na taglay ng
pabula na maaaring gamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pagsulat gamitin ang iba’t
ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

Isaalang-alang ang sumusunod sa pagsulat ng pabula kung saan babaguhin mo ang katangian
ng isanmg tauhan.

1. Isulat ang tauhang napili mong baguhin ang mga katangian.


2. Ilahad din ang pangyayaring nais mong baguhin

Sagot: Sa isang sapa may mag inang berdeng palaka ang naninirahan. Ang anak na palaka ay
napakasunurin at mabuti sa Inang palaka. Ang mabait at masunurin na batang palaka ay palaging
napapasaya ang Inang palaka dahil palagi siyang tinutulungan nito. Ilang taong lumipas at ang dating
masunurin at mabait na palaka ay ngayon may magandang buhay na maraming nagmamahal at
sumosuporta sa kanyang paligid dahil sa kanyang busilak na puso.

1. Ginawa kong kaaya aya ang ugali ng batang palaka


2. Ibinaliktad ko ang pangyayari na sa orihinal ay sya ay nagpasaway at nagsisi sa dulo iniba ko ito
sa sya ay masunurin sa kanyang Ina at may magandang kinabukasan.

 Pagsulat ng Journal
Bakit mahalagang nakikinig at marunong sumunod ang anak sa kanyang magulang?

Sagot:

 Ang pagsunod sa magulang ng isang anak ay nagpapakita ng pagrespeto sa kanila.


 Ang pagsunod sa magulang ay tanda ng paggalang sa kanilang mga desisyon para sa kanyang
anak.
 Ang mga tagubilin, utos at paalala ng magulang ay para sa mas ikabubuti ng anak.
 Ang pagsunod sa magulang ay mahalaga sapagkat nagiging gabay ng mga anak ang mga
paalala ng kanilang mga magulang upang maging maganda at maayos ang magiging buhay sa
hinaharap.  
 Ang pagsunod sa magulang ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at importansya
sa mga ito.
Bilang mga anak, mahalagang sumunod tayo sa mga utos, tagubilin at paalala ng ating mga
magulang dahil ang lahat ng ito ay para sa mas ikabubuti natin. Palagi nating isaisip at isapuso ang
mga ito upang maging gabay natin sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Iwasan natin ang maging
pasaway upang walang maging problema ang ating mga magulang. Iparamdam natin ang ating
pagmamahal sa pamamagitan ng paggalang, pagrespeto sa kanilang mga desisyon at lalo't higit ay
ang pagsunod sa kanilang mga utos at paalala.

MODULE 3

 Argumento Ko!
Sumulat ng isang argumento na naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa headline na
makikita sa ibaba. Gumamit ng mga angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi.
Sagot: Sa aking tingin ay naghihirap ang ating bansa dahil sa corruption, at pagnanakaw ng ating
gobyerno pero nakakatawa lang dahil ang gampanin nila ay tulungan ang mga taong bayan
makakaahon  sa hirap simulan na nila ang kanilang tungkulin sa pagtanggal na tao na nagnanakaw ng
perang bayan sa upuan nila sa gobyerno ito unang kong sinabi dahil kung walang corruption at may
sapat na disiplina sila ay makakatulong sa atin mag contribute tumulong magbigay ng pagkain sa
mahihirap mga gamot sa may sakit may matitirahan at mga kagamitan damit at kung kaya'y may
pagnanakaw na nagaganap dahil sa kahirapan o kawalan ng disiplina ito ay nasa tao narin.

 Pagsulat ng Journal
Bakit mahalagang tanggapin, igalang at matuto sa pagkakaiba-iba ng kultura’t tradisyon ng iba’t
ibang lahi at pagyakap sa mga kaugaliang nakabubuti at pagwawaksi sa mga kaugaliang
nakasasama.

Sagot: Mahalagang tanggapin, igalang at matuto sa pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon


dahil dapat maintindihan natin na magkakaiba-iba ang ating pinanggalingan. Lahat tayo ay may
pagkakaiba at dapat matuto tayong irespeto and kultura ng isa’t isa. Dahil kung hindi natin
igagalang ang ating mga pagkakaiba hindi magiging payapa ang mundo. 

Ang isa sa katangian nating mga tao ay ang pagkakaroon ng ibat-ibang katangian. Nilikha ang
tao bilang isang pinakamataas dahil may puso at may isipan. Ang pagkakaiba natin  sa ibang
mga lahi, kultura, kulay, kaanyuan, tradisyon at iba pa ay paraan ng Diyos upang kilalanin ang
isat-isa. Ang  pagkakaiba ito ay magbibigay turing kung sino ka at ano ang misyon mo sa
mundo. Ang pagiging kakaiba ng mga tao ay ang magbubuklod sa kanila sa pamamagitan ng
idinidikta ng kanilang puso at isipan para maging daan upang tanggapin kung ano at mayroon
sila.

MODULE 4

 Kultura Ko, Ikukuwento Ko!


Sumulat ng isang maikling kuwentong may uring katutubong kulay na nagsasalaysay ng sariling
karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento. Sa pagsulat
gumamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at
pagtatapos ng isang kuwento
Sagot:
Noong bata pa ako, marami akong mga pangarap sa buhay. May doctor, meron ding
FA, at meron ding Business Woman. Noong bata din ako, ako ay madamot at mapag
angkin.

Umapak na ang batang ako sa ikatatlong baitang. Nagsalita ang aking Guro “Mga anak,
bukas ay magbihis kayo ng gusto nyong maging paglaki nyo”. Paguwi ko, naguguluhan
ako kung ano ang pipiliin ko Doctor ba? Flight Attendant ba? Business Woman ba?.
Nanood ako sa Youtube ng mga buhay ng doctor, flight attendant, at business woman
at sa huli ang aking nagustuhan ay maging doctor.

Nalaman ko na ang mga trabahong ito ay hindi para sa lahat. Natutunan ko din na
maging kuntento sa sa isang pangarap at pagpupursige ko ito.

 Pagsulat ng Journal

Bilang kabataan, paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang mga katangian at


kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?

Sagot: Ang kailangan mo lang gawin ay gamitin sa mabuting paraan ang mga katangian at
kakayahang ipinagkaloob sayo ng Dyos. Sa ganitong paraan maipapakita mo sa kanya na ginagamit
mo ang biyaya nya at pinapasalamatan mo siya. Ang isa ko pang gagawin ay pahahalagahan ko ang
aking katangian pinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pag aalaga ko sa aking sarili, pag
iingat,,bukod doon, lalo ko itong pagyayamanin at pauunlarin,, ibabahagi ko rin ang aking kakayahan
o talento sa aking kapwa bilang tulong.

You might also like