You are on page 1of 5

Aralin 1 - WIKA : Magagalang na Pananalita

PAGTUKLAS
Ngayon,suriin naman natin ang mga sumusunod na pahayag.

1. Magandang umaga po, Tiyo Lino.

2. Ibig ko po sanang magpaalam.Maglalaro po lamang ako sandali sa bakuran

3. Paumanhin po, hindi ko po uulitin ang aking ginawa.

Ano ang ipinahihiwatig ng mga pahayag sa itaas? Ang mga pahayag ay tungkol sa mga Magagalang na
Pananalita.

Anu-anong salita ang nagpapahayag ng paggalang? Ang mga salitang po, opo, ho, oho at iba pa ay mga
salitang paggalang. Ang mga salitang ito ay nagpapahayag ng antas ng paggalang, pagrespeto o
pagmamahal sa ating kapwa.

PAGLINANG

GNgayon susubukan ko naman ang inyong kaalaman sa paggamit ng magagalang na salita sa iba’t ibang
pahayag

A. Isulat ang iyong itutugon sa mga sumusunod na pahayag.

1. Tao po! Tuloy po kayo.

2. Kumusta ka na? Mabuti naman po.

3. Ikinalulungkot ko ,hindi ako sang-ayon sa plano mo. Nirerespeto ko po ang iyong desisyon.

4. Maligayang pagdating sa inyong lahat! Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap.


5. Sang-ayon ako sa sinabi mo. Ganyan din ang nasa isip ko. Maraming salamat po sa pagsang ayon sa
aking pasya.

B. Isulat ang iyong sasabihin batay sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Pinadalhan ka ng regalo ng iyong ninong at ninang para sa iyong kaarawan. Maraming salamat po
ninong at ninang sa inyong munti regalo para sa aking kaarawan.

2. Isang kilalang kolumnista ang sinusundan mo sa Twitter. Nais mong mag-tweet sa kanya para ipaabot
ang pagsang-ayon sa kanyang tweet tungkol sa #basura mo tapon mo. Malugod ko pong ipinaaabot ang
aking pagsuporta sa iyong tweet tungkol sa tamang pagtapon ng basura.

Prosesong Tanong:

a. Base sa iyong pang-unawa, kailan ginagamit ang magagalang na pananalita? Ginagamit ang
magagalang na pananalita kapag ang kausap mo ay ang mas nakakatanda sayo. Ginagamit din
ito bilang tugon o respeto sa kapwa natin maging ito man ay pang sang ayon o pagsalungat sa
isa’t isa.
b. Bakit mahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita sa pakikipagtalastasan? Mahalaga
ito bilang paghubog sa kagandahang asal na itinuturo ng ating mga magulang. Ito rin ay tanda
ng paggalang sa kabila ng edad at katayuan sa buhay. Sa paggamit ng mga magagalang na
salita naipapahayag mo ang iyong saloobin sa maayos na pamamaraan, dahil dito mas maging
kaaya-aya ang pakikipagkapwa tao.
c. Sa iyong palagay mahalaga rin bang banggitin ng may tamang intonasyon o tono ang mga
magagalang na salita sa pakikipag-usap?Bakit? Mahalaga ang tamang intonasyon o tono ang
mga magagalang na salita sa pakikipag usap upang lalong maipadama ang emosyon o
kababaang loob sa pakikipag usap.

D. Base sa mga pahayag at mga tanong, bumuo ng konsepto ng magagalang na pananalita

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa paghingi ng pahintulot sa angkop na sitwasyon


pagbibigay ng komento o reaksyon. Ito ay nagpapakita ng pasasalamat sa kakayahan o talino na bigay
ng Panginoon sa pamamagitan ng magalang na pakikipag usap. Pagbubuklod-buklurin nito ang mga
tao sa komunidad. Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang
paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.

PAGPAPALALIM
Ngayon naman ,ikaw ang magbahagi ng iyong natutunan sa ating unang aralin sa pamamagitan ng
pagtatapos sa mga pangungusap.

1.Natutunan ko na ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan


ng mga pangungusap at talata ay binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at
kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa.

2.Ang pinakamahalagang natutunan ko sa kwentong binasa ay ang tamang pakiki angkop sa


kapaligiran. Mahalaga ito dahil ang pagkakataong tumira at masaksihan ang pambihirang tagpo sa
kapaligiran at biyaya ng Diyos sa atin. Binigyan niya tayo ng kapaligirang kaaya aya sa ating paningin
at masayang tirahan. Malayo sa magulo, maingay at mabahong kapaligiran. Ang tanawing malaya,
masaya at tahimik ang siyang humuhubog sa batang kagaya ko upang mamuhay ng simple at
malayang mamuhay ng masagana at masaya.

3. Ang tamang paggamit ng magagalang na salita ay nakatutulong sa paghubog ng kagandahang asal


ng isang tao na maaari niyang natutunan mula sa kinagisnang lugar at pamamaraan ng pagpapalaki ng
mga magulang. Ito ay mahalaga dahil ito ay makakatulong sa kanya na mapagtagumpayan ang
pakikipagkapwa tao.

PAGTATAPOS NG ARALIN

Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang diwa nito.

Ang aralin ngayon ay tungkol sa Magagalang na Pananalita. Isa sa mga susing ideya
nito ay mahalaga. Ito ay mahalaga dahil nahubog sa kagandahang asal na itinuturo
ng ating mga magulang. Ito rin ay tanda ng paggalang sa kabila ng edad at katayuan sa buhay. Bilang
paglalahat, ang aralin ay tungkol sa Magagalang na Pananalita na nagpapahayag ng saloobin sa
maayos na pamamaraan sa pakikipagkapwa tao.

Pangwakas na Pagsusulit.

I. A. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Biboy 1. Ang anak ng magsasaka.


Obet 2. Ang batang taga-lungsod.

Magkapatid 3. Ang ugnayan ng magulang nina Obet at Biboy.

Nektar 4. Ito ang nagbibigay lakas o enerhiya sa bubuyog

Polen 5. Ito ang pinagkukunan ng protina at sustansiya ng bubuyog.

II. Kulayan ang magagalang na pananalitang ginamait sa sitwasyon.

( Bumibili sa kantina si Marko)

Manang: Ano ang bibilhin mo?

Marko: Gusto ko sanang bumili ng palabok. Magkano po ito?

Manang:Tatlumpo’t limang piso.

Marko: Ganoon po ba? Kulang po ang pera ko. Ito na lamang pong tinapay ang bibilhin ko.

Salamat po.

Manang: Walang anuman.

TALASALITAAN:

Binansagan-binigyan ng ibang tawag

Dumungaw- sumilip

Kinagisnan-kinalakihan

Lalawigan- probinsiya

Lungsod - siyudad
TALASANGGUNIAN at WEBSAYT NA GINAMIT:

Gloria,Tsarisma et.al.PINTIG NG LAHING PILIPINO 6.SIBS Pub.House,Quezon City,2018

https://www.scribd.com/document/353062361/Ang-Kasaysayan-Ng-Maikling-Kwento

You might also like