You are on page 1of 28

Sanaysay

1. Pormal
• nakasentro ito sa isang paksang akademiko o
propesyonal.
• Kailangan itong suportahan ng mga pag-aaral o
saliksik upang lalong tumibay ang mga
impormasyong inilalahad.
• Seryoso ang tono nito at may distansiya ang may-
akda sa mga mambabása.
• Maingat ito sa paggamit ng wika.
• Kailangang tama ang baybay, bantas,
kapitalisasyon, pagbuo ng mga pangungusap, at iba
pa. Ilang halimbawa nito ang mga talakay sa mga
tesis, teksbuk, ensiklopidya, ulat at iba pang pag-
aaral.
Halimbawa:
Bawat mag-aaral ay may natatanging kalikasán.
Bunsod ito ng mga katangiang minana niya sa
kanyang mga magulang at paghubog na naranasan
niya sa kapaligirang kanyang kinalakhan. Idagdag pa
rito ang kultura ng kanyang pamayanan na
nagbibigay sa kanya ng tiyak na paraan ng
pamumuhay na naiiba sa ibang lahi o komunidad
(Zulueta, 2005)
2. Pamilyar o Palagayan
• nakasentro ito sa isang paksang personal.
• Malaya ang daloy ng pagbabahagi ng may-akda.
• Nakabatay lang sa sarili niyang kaalaman o
karanasan ang mga impormasyon.
• Magaan ang tono nito at parang nakikipag-usap sa
mga mambabása.
• Hindi ito mahigpit sa paggamit ng wika.
• Maaaring tumaliwas sa mga tuntunin ng wastong
kayariang pangwika.
• Katunayan, pinapayagan ditong maghalo ang mga
wika gaya ng Ingles at Filipino. Ilang halimbawa
nito ang mga travel blog, rebyu ng pelikula, kuwento
ng karanasan, at iba pang sanaysay na personal.
Halimbawa:

Ang pagpunta sa Jerusalem na lang ang hindi ko nagagawa sa


sampung ultimate bucketlist ko. Tapos na akong 1. makakita ng
Northern lights, 2. makapagpalipad ng sky lantern (na pinagsisisihan
ko ngayon dahil sa panganib sa kalikasan), 3. makapunta sa
Santorini, 4. makapunta sa Paris, 5. makapunta sa London, 6.
makapunta sa New York City, 7. makadalo sa misa sa Vatican, 8.
makapunta sa Maldives, at 9. makapunta sa Venice. Maliban sa no. 7,
lahat ng bucketlist na ito ay for fun. Sulit na sulit naman dahil walang
halagang makakatumbas sa pagkakataong aktuwal na makita ang
mga lugar na sa pelikula, wallpaper, o magazine lang karaniwang
makikita.
Karaniwang mga bahagi ng isang sanaysay:
1. Panimula – ito ang bahaging pumupukaw ng
interes ng mga mambabása.
• Isang bagay na kapansin-pansin – Hal: Ang
mga bundok sa amin ay nakakalbo na.
• Pagtatanong – Hali: Bakit kaya unti-unting
lumalala ang mga sakunang ating nararanasan.
• Pangunahing punto na nais mong iparating sa
iyong sanaysay. Ano iyong paninindigan sa isyu.
Hal: Ang paniniwala ko ay ang pagkasira ng
kalikasan ay kasalanan ng bawat isa kaya dapat ang
bawat isa rin sa atin ay mananagot at gagawa ng
solusyon.
• Quotation o isang maiksi pero malamang
pangungusap mula sa isang kilalang tao o opisyal
na may alam tungkol sa paksa.
Hal: Sinabi ng Pangulong Aquino, “
Kailangan nnating pigilan ang unti-unting
pagkawala ng ating mga gubat,”
• Kasabihan - Ayon sa kasabihan ,” hindi natin
minamana ang mundo mula sa ating mga magulang;
ito’y hinihiram lang natin mula sa ating mga anak.”
• Anumang pangungusap hango sa kanta,
tula, sikat na babasahin kagaya ng Biblia o Quran.
Halimbawa: Iniutos ng Diyos kina Adan at
Eba na pagmasdan at alagaan ang kalikasan.
2. Katawan – narito ang malaking bahagi ng
pagtalakay. Dito inilalahad ang pangunahin at mga
suportang kaisipan. Ipinaliliwanag ang mga ito nang
husto at pinatitibay ng mga halimbawa.
• Bigyan ng laman at palawakin ang iyong
punto o paninidigan. Gawing batayan ang iyong
gabay o essay guide gamit ang tanong – tanong 0
dugtong-dugtong
• Isang ideya isang talata lamang.
• Ang huling pangungusap ng isang talata ay
maaaring magsilbing transisyon. Maaari ding
tumayo ang isang pangungusap na talatang
transisyon.
• Ang mga sumusuportang ideya ay maaaring
ihiwalay bilang talatang pangungusap. Dapat lamang
tiyajing ang sumusunod na talata pagkatapos nito ay
talatang nagpapaiwanag sa ideya ng sinundang
talatang pangungusap
3. Kongklusyon – sa bahaging ito nagsasara ang
talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.
• hindi lamng paglalagom ng kabuuan ng sanaysay.
• Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang
mensahe ng buong sanaysay
• Muling ulitin ang pangunahing punto ng sanaysay
• Maaari ding magbigay ng maiksing payo o
opinyon. Isipin na ito ang “pabaon” mo sa
mambabasa bago mo tapusin ang sanaysay.
• Sinasagot ng pagtatapos ang tanong – Paano na
ngayon? Ano na ang gagawin.
Mga Paraan ng Pagpapahayag
Ang disenyong pangretorika ay isang paraan sa pagsasaayos
ng impormasyon at ideya sa isang teksto o parapo. Maraming
paraan para sa pagsasaayos ng iyong ideya at impormasyon
1. Paglalahad
Paraan ito ng pagpapahayag ng ang layunin ay
magtalakay at magpaliwanag.
a. Pakahulugan
pagbanggit ng grupo kung saan ito nabibilang at sa kung
paano ito nahahalintulad at naiiba sa miyembro ng grupo.
Halimbawa:
Nabibilang ang shitzu sa grupo ng aso. Naiba ang hitsura
nito sa ibang aso dahil sa maliit at mabalahibong
pangangatawan nito.
b. Pagbaba ng kahalagahan
pagsasabi ng impormasyon, sa ayos ng kahalagahan, mula
sa pinakamahalaga hanggang sa hindi gaanong mahalaga.
Halimbawa:
Ang aking pangunahing katangian ay kinabibilangan ng
pagiging positibo sa pagpapahayag, makatuwiran. Palakaibigan ,
at mature. May mga pagkakataon na masaya din akong kasama.
2. Paglalarawan
Layunin nito ay magbigay lamang ng kabatiran
tungkol sa isang bagay. Walang kinalaman ang kuro-kuro at
damdmain ng naglalarawan
a. Sanhi at Epekto
sa pagsasaayos ng panretorika, ang pagsasabi ng nangyari
(resulta) kasama ang mga (sanhi) kung bakit ito nangyari ay
isang paraan ng pagsasaayos ng mgaideya
Halimbawa:
Marami ang isinusugod sa ospital sa panahong ito sapagkat
mainit ang panahon at marami ang nagkakaroon ng pagtaas ng
altapresyon
b. Pag-unlad sa pamamagitan ng mga halimbawa
paglalarawan tungkol sa iyong isinusulat sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa
Halimbawa:
Ang hygiene ay nangangahulugang kalinisan sa iyong katawan
at kapaligiran. Halimbawa ng mga gawaing pangkalinisan ang
regular na paliligo at paglilinis ng bahay araw-araw.
3, Pagsasalaysay
- Paraan ng pahayag na nais magkuwento
Halimbawa:
Noong bata pa ako, napakulit ko at madalas
nasasangkot ako sa gulo. Sa ngayon, masasabi kong mabuting
tao ako at hindi na nagkaroon ng problema sa ibang tao.
4. Pangangatwiran
Ito ay may layuning makahikayat ng iba na pumanig sa
isang opinyon o paniniwala.

a. 3. Paghahalintulad
ito ay isang pamamaraan kung saan inilalarawan ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bagay
Halimbawa:
Kami ay kambal, ngunit ang aking kapatid na babae ay
higit na mabigat ang timbang kaysa sa akin.
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isang napapanahong isyu.
Mga Paksang Pagpipilian
1. Korupsiyon
2. Kahirapan
3. Pananamantala ng mga Maykapangyarihan
4. Pang-aabuso sa Karaparatang Pantao
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sanaysay
1. Pumili ng isang napapanahong paksa.
2. Mangalap ng mga ideya.
3. Palawakain ang mga kaisipang kaugnay ng paksa.
4. Gumamit ng makatawag-pansi na simula at wakas.
5. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.
6. Ihandang ipresenta ito sa harap ng klase.

You might also like