You are on page 1of 35

V.

Pagsulat ng komposisyon
• Kahulugan

• Pagsalin sa papel o anumang kasangkapan upang maihayag sa ibang tao.

• Pagtala ng mga pahayag o iniisip, nadarama, ideya at sariling nalalaman

mula sa manunulat.

• Kapwa pisikal at mental na aktibiti

• Pisikal –dahil ginamit dito ang mata at kamay sa pagsulat o pagpindot ng

keyboard ng type writer o computer o anumang materyales na

pagsusulatan.

• ( basahin ang nasa aklat)


Ang komposisyon
• Ang komposisyon ay itinuturing na pinakapay
ak na paraan ng pagsulat.
• Ang simpleng pagsulat ng mga natatanging
karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga
nabasang akda o napanood na pagtatanghal
ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng
komposisyon.
Mga Teorya sa Pagsulat
• Walang pag-aalinlangang masabi na ang
pagsulat ay isang aktibong gawain.

• Hindi ito basta na lamang nangyayari.

• Nagsasangkot ito ng intens na partisipasyon at


imersyon sa proseso.

• Ang imersyong ito sa pagsulat ay kadalasang:


a. Solitsri at Kolaboratib
b. Pisikal at Mental
c. Konsyus at Sab-konsyus

Ipinaliwanag ni W. Rose Winterruod, ang


mga lebel na ito, ay ang proseso sa pagsulat
ay kinasasangkotan ngilang lebel o gawain na
nagaganap nang daglian at maaaring
kaugnay o kasalungat ng bawat isa.
• Ayon kay Donald Murray , ang pagsulat ay
eksplorasyon – pagtuklas sa
kahulugan,pagtuklas sa porma, - at ang
manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-
balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang
kasanayan sa bawat panahon nang kanyang
matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at
kung paano niya iyon maipapahayag ng
Ang Talata

Ang Komposisyon -ay binubuo ng mga talata.

Ang Talata- ay binubuo ng mga pangungusap o


lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng
isang bahagi ng pagkukuro, palagay o paksang –
diwa. Ang talata ay maaaring may iisahing
pangungusap tulad ng balita, may talata naman
na nagtataglay ng mga pangungusap isa na dito
ay ang editoryal at mga sanaysay.
Ang isang talata ay mauuri ayon sa lokasyong
katatagpuan nito sa loob ng komposisyon
• Apat (4) na uri ng Talata:
1. Panimulang talata. -Ito ang una at kung minsan aabot
ito ng dalawang talata ng kmposisyon. Layunin nitong
ilahad ang paksa ng komposisyon.Sinasabi rito kung
ano ang ipapaliwanag, ang isasalaysay, ang ilalarawan
o bibigyang katuwiran.
2. Talatang Ganap – ang gitnang bahagi ng komposisyon.
Tungkulin nito ang idevelop ang pangunahing paksa.
Binubuo ito ng paksang pangungusap at mga
pangungusap na tumutulong upang matalakay nang
ganap ang bahagi ng pangunahing paksa ng
komposisyon na nililinaw ng talata.
3. Talata ng Paglilipat –diwa- Mahalaga ito upang
magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga
pahayag sa mga talataan ng komposiyon. Ginagamit
ang talatang ito upang ugnayin ang diwa ng
dalawang magkasunod ng talata. Sinasalungat ba ng
unang talata 0 dinaragdagan nito ang isipan niyon?
Ipinapahiwatig din nito ang development ng
paksang tinalakay.
4. Talatang Pabuod- ito ang pangwakas na talata o
mga talata ng komposisyon. Inilalagay rito ang
mahahalagang kaisipan o pahayag na tinalakay sa
gitna ng komposisyon o bigyang linaw ang layunin
ng awtor ng isang komposisyon.
“MAHALIN AT IGALANG ANG IYONG
MGA MAGULANG”
Panimulang talata:
Ang mga magulang ang nagbibigay-buhay sa kanilang mga
anak. Bilang ganti, tungkulin ng bawat anak na mahalin at
igalang ang kanilang mga magulang.

Maraming paraan upang maipamalas ang iyong


pagmamahal sa Iyong mga magulang.

Maipamalas mo ang iyong pagmamahal sa iyong mga


magulang sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na alam
mong ikalulugod nila.
Talatang-ganap
Halimbawa, mahilig ba sa mga awiting kundiman
ang iyong Ina? Bakit hindi mo itigil minsan ang
pakikinig sa mga awiting uso na gustong-gusto mo at
hayaan mong makinig sila sa mga awiting gusto nila?
Mahilig bang magbasa ng mga aklat ang iyong ama?
Kung gayon, bakit hindi mo siya bilihan ng isang
pocketbook o kahit anong babasahin mula sa iyong
naipong pera
Talatan ng paglilipat -diwa

Subalit magawa o maipamamalas mo kaya ito?


Maipamamalas mo rin ang iyong pagmamahal ng
iyong mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa
kanila upang mapagaan ang kanilang mga gawain.
Isang halimbawa nito ay ang pagkukusa sa mga
gawaing-bahay.
Marami ring paraan ng pagpapamalas ng
paggalang sa iyong mga magulang.
Maipamamalas mo naman ang iyong paggalang
sa iyong mga magulang hindi lamang sa paggamit ng
po at opo. Higit mong maipapakita ang iyong
paggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang
mg payo.
Halimbawa, dapat mong sundin ang kanilang
mga payo hinggil sa maingat na pagpili ng mga
kasama at kaibigan, ang kanilang kagustuhang
magsisikap ka ng iyong pag-aaral.
Higit sa lahat, dapat mong ikarangal ang
iyong mga magulang kahit kanino man, maging
sino o ano man sila. Tandaan, utang mo sa kanila
ang iyong buhay. Isipin mo na lang ang madarama
kung sila’y ikahihiya mo.
May kasabihan nga tayo na walang magulang
ang hindi naghangad ng ikabubuti ng kanyang
anak. Kaya’t mga anak, mahalin at igalang ang
inyong mga magulang.
Talatang pabuod

May kasabihan nga tayo na walang


magulang ang hindi naghangad ng ikabubuti
ng kanyang anak. Kaya’t mga anak, mahalin
at igalang ang inyong mga magulang.
• Halimbawa ng Paggawa ng Balangkas
Paggawa ng balangkas
I. Panimula: Tungkulin ng mga anak sa Kanilang Magulang
II. Paraan ng Pagpapamalas ng Pagmamahal sa Magulang
A. Paggawa ng mga Bagay na Ikalulugod ng mga
Magulang
1. Pagpapaprinig ng mga awiting magugus-
tuhan nila
a. Mga kundiman
2. Pagpili ng mga Bagay ng Kanilang Kinagigiliwan
a. Mga aklat
B. Pagtulong sa Kanilang mga Gawain
1. Pagkusa sa mga Gawaing –Bahay
III. Paraan ng Pagpapamalas ng Paggalang sa mga
Magulang
A. Paggamit ng Po at OPO
B. Pagsunod sa Kanilang Payo
1. Hinggil sa maingat na Pagpili ng Kaibigan
at Kasama
2. Hinggil sa Pagsisiskap sa Pag-aaral
C. Paddangal sa mga Magulang
IV. Konglusyon: Pagmamahal at Paggalang sa mga
Magulang
• Ang balangkas- ay nahahati sa 3 kategorya:
1. divisyon ( Bilang Romano I, II, III, IV )
2. subdivisyon ( malaking titik na alpabeto
A, B, C, D atbp.)
3. seksyon ( Bilang arabiko 1. 2. 3. 4. atbp.)

Minsan may balangkas na gumamit lamang ng bilang


Arabiko upang mahiwalay ang divisyon, subdivisyon at
ang seksyon. Hal.
1.
1.1.
1.1.1
2.
1.2.
2.3.
2.1.1.
2.1.2.

Sa halimbawa na nasa itaas ginamitan siya ng


ika-4 na kategorya,
4. subseksyon ( maliit na titik alpabeto
a, b, c, )
IV. ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA
KOMPOSISYON

Ang makrong kasanayang pasalita at pasulat ay


napakahalaga sa buhay ng isang tao.

Kaiba sa pakikinig at pagbabasa na mga kasanayang


reseptib, ang pagsasalita at pagsulat ay kasanayang
ekspresib at produktib o mga kasanayang ginamit sa
pagpapahayag ng ideya o kaalaman at damdamin o
emosyon.
KAISAHAN
Ito ang tawag sa pangangailangan ng iisang
paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang
komposisyon.

Subalit may mga paksa na lubhang


malawak at may maraming saklaw
hal. Pag-iibig
kailangan ang paglilimita.
• Buhat sa isang limitadong paksa, maaari ngayong
bumuo ng isang paksang pangungusap na maaaring
matatagpuan sa alin mang bahagi ng talaan.

• Ito ang nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga


suportang detalye.

• Upang magkaroon ng kaisahan sa loob ng isang


kompasisyon, kailangang magkaroon din ng
kaisahan sa ideya, layunin at tono sa pagsulat upang
makapagdugtong-dugtong ng mga kaisipang
nang malinaw at maayos sa pamamagitang ng mga
hiblang tagapag-ugnay.

PAGKAKAUGNAY-UGNAY O KOHIRENS
Tumutukoy ito sa pagkakaugnay ng salita sa loob
ng pangungusap; sa mga pangungusap saloob ng
talataan; sa mga talata sa loob ng komposisyon.
Maituturing na may ugnayan ang mga
pangungusap sa isang komposisyon kung mahusay
ang pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring
tinalakay dito.
Ginamit upang magkaroon o kaya’y mapanaliti
Sa pamamagitan nito, magiging tuly-tuloy ang
daloy ng diwa ng komposisyon.

May mga salitang ginamit upang magkaroon o


kaya’y mapanaliti ang ugnayan ng mga salita o
pangungusap sa komposisyon.

a. Paggamit ng Panghalip na panao at panghalip


na pamatlig.
Isa sa mga mahahalagang gagampanin ng tao
ay ang paggalang, kung mawawala ito para na ring
nawalan tayo ng paggalang sa ating sarili.
b. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng
karagdagan

hal. At, isa pa/pang, pati, saka,


Iyan ang ngiti- pampalakas-loob, pamawi ng
lungkot, pang-alis ng alinlangan at pamuno ng
pagmamahal.
Kaaya-ayang tingnan ang mga tanawin sa
Davao, isa pa sa kinagigilawan ay ang pagkain ng
Durian.
c. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng
pagsalungat.
hal. Subalit, ngunit, , datapwat.
d. Paggamit ng salitang naghahayag ng sinundan
hal. Dahil sa, Bunga nito,

Nagkasakit ang sanggol dahil sa kapabayaan ng


ina.
Nagsikap siya ng husto, bunga nito siya ay
nagtagumpay.

e. Paggamit ng salitang naghahayag ng


pagkakasunod-sunod ayon sa panahon.
hal. Samantala, Pagkatapos,

Ang kabataan noon ay hubog sa mga


pangaral, samantalatang ang kabataan ngayon ay
may katigasan na ng ulo.

Pagkatapos ng limang taong siya ay


nakapagtrabaho na sa isang sikat na kompanya sa
kanilang lungsod.
f. Bukod sa mga nabanggit, makakatulong din sa
pagpapanatili ng ugnayan ang paggamit ng mga
salitang magkasingkahulugan at maging sa pag-
uulit ng mga salita.
hal. “Ilang singkong bagol ang malaglag sa
kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag.
sapagkat ang mga palad na nagbibigay at
nandidiring mapadikit sa maruruming palad na
wari bang ang maninipis na kamay lamang ang
malilinis.
Maraming siga-siga sa Sapang Nabao. Ngunit
pawang basta-basta lamang ang mga ito kung
ihahambing sa pagkasiga ni Kleto. Si kleto ang siga
ng mga siga sa Sapang Nabao.

C. Diin o empasis
1. Diin sa pamamagitan ng posisyon
2. Diin sa pamamagitan ng proporsyon
dito binibigyan ng proporsyunal na diin ayon sa
laki,halaga, ganda, atbp sukatan.
Mga katangian ng Mabuting Talata
Upang maging epektibo ang isang talata
bilang bahagi ng komposisyon, kailangan taglayin
ang mga ss. Na katangian:

a. May isang paksang –diwa- may isang paksang –


diwa ang isang talata kapag ito ay nagtataglay
ng isa lamang paksang pangungusap, ito ay
buod ng nilalaman, at patnubay upang hindi
malihis sa paksang isususlat.
b. May kaisahan ng diwa- may kaisahan ng diwa
ang isang talata kapag ang bawat pngungusap
ay nauugnay sa pamaksang niyon.
hal. Nakilala si Quezon sa larangan ng politika.

kapag nasundan ito ng pahayag na hindi walang


kinalaman sa pamaksang pangungusap , wala
itong kaisahan ng diwa ang isang talata.
c. May wastong paglilipat-diwa- nagiging
malinaw ang mga pangungusapng talata
kapag may wastong paglilipat-diwa .

may mga salita at pariralang ginagamit sa


paglilipat-diwa.
Pansinin ang mga ss. Na halimbawa:

1. pagdaragdag- at,saka,gayon din.


2. Pagsalungat- ngunit,
subalit,datapwat,bagaman,sa kabilang dako.
3. Paghahambing- katulad ng, kawangii ng,
animo’y anaki’y.
4.Pagbubuod- sa madaling sabi, kaya nga.
5. Pagkokongklud- samakatuwid, kung gayon.
d. May kaayusan - mabuting ayusin ang mga
pangungusap sa talata sa paraang
pagpapaunlad ang galaw ng mga pangyayari
o ang kaisipang tinalakay.

Kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang


talata bago lumipat o gumawa ng bagong
talata.
• Maaring maging ganitoang gawing
pagsasaayos ng mga pangungusap sa loob ng
talata.

1. Ayusin nang kronolohokal ayon sa


pagkakaganap ng mga pangyayari.
2. Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o
pangyayari tulad ng malapit- palayo o
kabaliktaran loob-palabas , kaliwa- pakanan.
3. Iayos mula sa masaklaw patungo sa
espesipiko.
PROSESO NG PAGSULAT
• Pre-writing activity
• Writing Stage/ paggawa ng burador
pagsisimula , pagsasaayos ng nilalaman at
pagwawakas.
• Revising Techniques
• Editing

You might also like