You are on page 1of 12

PAGSUSURI SA TULA

Pamagat ng Tula: ANG NAG – IISA


May-Akda: Juan Miguel Severo
Sanggunian: https://worldodpopstahreghz.wordpress.com/2016/02/15/ang-
nag-iisa/
Ang Nag – Iisa
ni Juan Miguel Severo
Noong unang panahon, noong ang mga bituin
ay alitaptap lang sa bukid,
Ang araw ay naninirahan sa pagitan ng mga
bundok,
Ang buwan ay dalagang lagalag sa gubat
Minsang tumingala ang nag-iisa sa langit,
Umawit ng isang hiling kay Bathala,
“Baguhin ninyo ako, tanggalin ang kadena sa aking mga
kamay, bigyan niyo ako ng gabi na hindi kasing dilim at
umaga na hindi kasing ginaw.”

At sinagot siya ni Bathala,


“Ibibigay ko sayo ay iyong hiling kung tatanggapin mo ang
alok kong sugal.
Kailangan mong languyin ang pinakamalalim na ilog ng
lungkot at hindi ka dapat lumubog.”
Kaya’t ang nag-iisa ay lumusong sa tubig,
Sinanay ang sarili sa hirap ng paghinga,
Lumangoy patungo sa dalampasigan ng saya
At ng umahon siya mula sa kanyang sugal,
Umahong kasama niya ang pag-ibig, ang
pagmamahal.
Sa unang pagkakataon ang nag-iisa ay nagmamahal.
Magkasama nilang nilakbay ang bawat burol,
Maligaya, may pangako ng walang hanggan,

Pero ang pag-ibig ay nagbago ng anyo.


Naging pagod, galit, sinungaling, mapagkimkim.
Muling bumigat ang kamay at paa ng nagmamahal.
Kasabay nito ay dumating ang malakas na unos na
nilunod ang lupa ng baha.
At sa gitna ng malakas na ulan ay hindi na matukoy ang mga
nasira.
At pagkatapos ng sigwa, kasama ang puso sa nasalanta;
kabilang ang pag-ibig sa nawala.
Ang nagmamahal ay muling nag-iisa.
Pero pagkatapos ng maraming gabing kay dilim,
umagang kay ginaw…
sa wakas, ngumiti muli siya.
Tinawag muli si Bathala,
lulusong muli sa tubig, susugal at susugal pa.
Dahil hindi ba’t sapat na kabayaran ang sakit para sa
pagmamahal?
Hindi ba’t mas tinataya natin ang lahat kapag hindi
tayo sumugal?
BUOD
Ang persona sa tula ay humiling kay bathala na magkaroon siya ng
kasama/minamahal, pinagkaloob ito sa kanya ngunit marami siyang
pinagdaanang pagsubok at nang kanya itong napagtagumpayan ay
ibinigay sa kanya ni Bathala ang pagmamahal upang hindi na siya mag-isa
pang muli.
Nangako sila ng walang hangganan, nagmahalan at masayang
namuhay ngunit biglang nagbago ang lahat, ang pag-ibig ay biglang nag-
iba kaya’t nahirapang muli si nag-iisa at di na siya nakakaramdam ng
kasiyahan.
Biglang may dumating na unos/pagsubok sa kanilang pagsasama
at ito’y tuluyang nagiba. Naging malungkot muli si nag-iisa ngunit sa
paglipas ng araw ng kalungkutan ay muli siyang humilIng kay bathala,
siya ay muling sumugal upang maramdamang muli ang pagmamahal.
Aral:
Pagbabahagi ng mga salita ng Tulang "ANG NAG-IISA.“ ay napakaganda
at nagbibigay ito ng pag-asa para sa mga nasaktan noon na mayroon
paring pag-ibig para sa lahat, basta’t hinding- hindi ka lang mapapagod
na magmahal muli.

Ika nga sabi sa Tula:

“Hindi ba’t mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?”

You might also like