You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Ibon

Sa isang malayong lugar, merong isang bata na may kapansanan sa kanyang pag lalakad
at ang gamit niya lang sa kaniyang pag kilos ay ang isang upuan na may gulong, ang pangalan
niya ay Eboni. Si Eboni ay isang masiyahin at matulunging bata, bukod dito napakagaling niya
ring kumanta at ito ay kapag tuwing umaga. Isang araw, sa kanilang bintana ay nakasilip doon si
Eboni, pinapanood niya ang mga bata na naglalaro, ngunit alam niya na hindi siya pwede
makipag laro sa mga batang iyon dahil siya ay may kapansanan. Tinawag siya ng kaniyang ina
dahil kakain na sila. “Ina alam niyo po ba gusto kong makapunta sa ibat’ ibang lugar.” Sabi niya
sa kaniyang ina. “Sige na, sige na, kumain ka na lang.” sagot ng kaniyang ina. Pagkatapos nilang
kumain ay pumunta siya ulit sa kanilang bintana, habang siya ay nakaupo lang doon ay hindi
niya na mamalayan na siya ay napapakanta. Habang siya ay kumakanta ay napatigil na lang siya
dahil nakakita siya ng isang paru-paro, dumapo ito sa isang halaman at agad itong umalis.
Kumuha si Eboni ng isang papel at panulat, upang iguhit ang paru-parong iyon. Iginuhit niya
lang ang kaniyang mga naalala, ngunit ang kaniyang naalala lamang sa paru-paro ay mayroon
itong pak pak. Gumuhit lamang siya ng gumuhit, hanggang ay kaniyang maguhit ay isang hayop
na may pak pak matulis ang kaniyang bibig at ito ay may buntot. Isinulat niya sa ilalim ng
kaniyang iginuhit na “Gusto kong lumipad.” Sumapit na ang gabi at nakita ng kaniyang ina ang
iginuhit niyang larawan. “Anak ‘wag ka ng maniwala sa mga bagay na makakalipad ka pa dahil
imposible iyon.” Payo ng kaniyang ina. Nasaktan si Eboni sa sinabi ng kaniyang ina at dahil dun
ay mabilis lang siyang pumunta sa kaniyang kwarto at ito ay umiyak ng umiyak hanggang ito ay
makatulog. Narinig ng isang diwata ang kaniyang pag iyak, at pumunta ito sa kaniyang kwarto.
Nakita ng diwata ang iginuhit niyang larawan at sinabing “Dahil sa iyong kagustuhan na lumipad
at kagustuhang makapunta sa iba’t ibang lugar gagawin kitang isang hayop na may pak pak
upang lumipad at magaling kumanta na hayop.” Kinabukasan ay pumunta ay kaniyang ina sa
kaniyang kwarto ngunit wala dito si Eboni. Nakita lamang niya dito ang larawang kaniyang
iginuhit. Lumabas siya at sa harap ng kaniyang pinto siya ay nakakita ng isang hayop na
kamukha ng nasa larawan na iginuhit ni Eboni. Tumingin ito sa kaniya at humuni ito ng isang
napakagandang tono at ito’y agad lumipad papalayo. Naalala niya si Eboni dahil sa kagustuhan
nitong lumipad at makapunta sa ibat ibang lugar. Mula noon tuwing nakikita ng ina ni Eboni ang
kakaibang hayop na iyon ay naaalala niya si Eboni, kaya tinawag niya itong Eboni. At sa
kalauna’y tinawag na itong Ibon.

You might also like