You are on page 1of 3

ALAMAT NG KULOG

Noong unang panahon, ang mga tao, diyos at mga diyosa ay magkakasama sa iisang mundo na
punong-puno ng pagmamahalan. Masaya ang pamumuhay ng bawat isa kabilang na rito ang mag-asawa
na sina Bulog at Puring. Si Puring ay may taglay na kaka-ibang kagandahan na talaga namang kahit sino
ay mapapa-ibig, samantalng si Bulog naman ang pinaka-matikas na lalaki na iyong makikita. Sila ay may
isang perketong relasyon sa isa’t-isa, makikita mo sa kanila ang depinisyon ng tunay na pag mamahalan.
Ngunit kahit gaano kaperpekto ang isang relasyon, mayroon padin silang mga problemang kinakaharap.
Silang dalawa ay hindi pa nabibiyayaan ng anak, at lahat ay handa nilang subukin gawin upang sila ay
mapagbigyan na magkaanak. Halos lahat na ng ritwal, dasal, at pag-aalay ay kanilang ginawa subalit wala
pa ring nangyayari. Si Puring ay unti-unti nang nawawalan ng pag-asa at nasambit na lamang niya sa
kanyang asawa na baka nga hindi na talaga magkakaanak o di naman kaya ay may galit sa kanila si
Jupiter, ang pinakamakapangyarihan, pinakamataas o supremong Diyos sa buong daigdig.

Isang araw, naisipan ng mag-asawa na pumunta kay Jupiter, nais nilang magtanong kung ano
ang maaari nilang gawin upang magkaroon na sila ng anak.

“Panginoon, kami po ay naririto sa inyong tahanan upang humingi ng tulong na magkaroon na


kami ng anak. Nais na talaga naming magkaroon ng isang lalaking anak upang may magbibitbit ng aking
apelyido”, sambit ni Bulog

, “Sa loob po ng 10 taon naming pagsasama ay hindi pa rin po kami nabibiyayaan ng sanggol, hihingi
po sana kami sa inyo ng tulong upang magkaroon na po kami ng anak dahil alam po namin na kayo ang
diyos na may kakayahan na magbigay ng biyayang sanggol sa mga kababaihan”, aniya naman ni Puring.

Napangiti si Jupiter sa mag-asawa at para bang may maitim siyang iniisip. Dahil sa katangi-
tanging kagandahan na taglay ni Puring, pati ang sumpremong diyos ay nabighani sa kanya at naisip nito
na ito na ang pagkakataon para mapasakanya ang binibini. Nag-isip si Jupiter ng paraan para mapalayo si
Bulong sa kanyang asawa. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakaisip na siya ng isang magandang ideya.

“Gagantimpalaan ko kayo ng isang anak kapag nagawa mo ang lahat ng hamon na ibibigay ko
sa’yo”, naka-ngiting sambit niya kay Bulog.

“Ano po iyon na mga kailangan kong gawin?” nagagalak na tanong ng lalaki sapagkat nabuhayan
siya ng loob na maaari na silang magkaanak ni Puring.

“Una, kailangan mong akyatin bundok ng Apo at kunin mo roon ang isang gintong hibla ng buhok
ni Balyas, ang kapreng tagabantay ng lagusan. Ikalawa, pumunta ka sa Lawa ng Lanoa, sisirin mo ang
pusod nito at kunin ang natatanging perlas na nasa pagmamay-ari ni Agatha, isang sirena na may kulay
bahagharing buntot. At ang huli, kunin mo ang balaraw na binabantayan ng isang higante na si Lakas na
matatagpuan sa Sierra Madre Kapag nakumpleto mo ang tatlong ninanais ko at at nakabalik ka dito sa
looban ng tatlong araw, bibiyayaan ko kaya ng isang anak na lalaki” naka-ngising sambit ni Jupiter.

Lubos ang kagalakan na naramdaman ng magasawa sapagkat mabibigyan na sila ng pagkakataon


upang sa wakas ay magkaroon ng isang anak na lalaki.
” Panginoon, paano naman po ang aking asawa na si puring? Maaari ko po bas yang isama sa aking
paglalakbay?” Nag-aalalang tanong ni Bulog.

“Hindi mo maaaring isama si Puring, sapagkat kailangan nyang ipahinga ang kanyang katawan
upang mapaghandaan niya ang kanyang pagbubuntis. Habang wala ka, dito mananatili sa aking kaharian
si Puring.” Nakampante naman si Bulog sa nabanggit ng diyos at binigay niya ang buo niyang tiwala rito.

Agad namang inihinanda ni Puring ang mga kagamitan na maaaring magamit ng kanyang asawa
sa paglalakbay. Kinabuksan, maagang gumising si Bulog upang masimulan nya na ang kanyang
paglalalkbay.

“Magiingat ka mahal ko” sambit ni Puring habang pinapanuod na umalis si Bulog patungo sa una
nyang destinasyon, ang bundok Apo.

Lumipas ang kalhating araw bago niya marating at matagpuan ang puno na punong-puno ng
kulay kung saan nakatira si Balyas. Naabutan niyang mahimbing na natutulog ang kapre kung kaya’t
naisipan niya na ito na ang magandang pagkakataon para makakuha ng isang gintong hibla nito. Nang
malapit na nyang makuha ang gintong hibla, bigla itong nagmulat ng kanyang mata. Agad naming
nagtago si Bulog sa likod ng isang sanga at naisipan nitong umawit para makatulog muli ito. Gamit ang
natatanging boses na taglay nya, agad nyang napatulog muli ang kapre at nakuha niya ang gintong hibla
ng buhok. Nagtagumpay nga si Bulog na makuha ang hibla ng buhok ng kapre at agad siyang bumaba sa
puno at nagtungo naman siya sa sunod niyang destinasyon.

Lingit sa kaalaman ni bulong na sa kaharian ni Jupiter, naka-kulong si Puring sa isang kwarto,


hindi binibigyan ng pagkain at tubig hanggat di sya pumayag na maging asawa si Jupiter.

“Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa magtaksil sa aking asawa!” Galit na sigaw ni Puring kay
Jupiter nang muli itong sumilip sa kanyang kwarto.

“Kung hindi ka lang din papaya sa aking kagustuhan ay mas mabuti pang mamatay ka na nga
lamang sa gutom!” Inis na sambit ni Jupiter.

Muling sinaraduhan ni Jupiter ang kwarto na tinutuluyan ni Puring at nilagyan ito ng kandado
upang hindi makalabas ng kwarto ang magandang binibini.

Sa kabilang banda naman, naka abot na si Balog sa lawa ng Lanoa. Doon ay nakikipag
tunggali sya ng bunong sa sirenang si Agatha upang makuha ang perlas nito mula sa kanya. Matapos
nyang matalo si Agtha ng tatlong bese sa larong ito ay ibinigay na sa kanya ang perlas na kanyang
iniingatan.

“Sabihin mo sa akin, bakit handa kang gawin ang lahat upang makuha ang perlas na ito?” tanong sa
kaniya ni Agatha

“Sapagkat ibibigay ko ito kay Diyos Jupiter upang mabiyayaan nya kami ng asawa ko ng isang anak.”,
sagot naman ni Balog

“Kung ganun, mag-iingat ka sa iyong paglalakbay.”, sambit sa kanya ni Agatha. Agad namang
umahon si Balog upang puntahan ang huling destinasyon nya.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa Sierra Madre, kung saan makikita ang higante na
pagkukunan nya ng balaraw. Nang makita sya ng higante ay agad syang sinugod nito, dahilan kaya sya
napatalsik at tumama sa isang malaking kahoy. Gamit ang taglay nyang lakas ay binuhat nya ang kahoy
at hinampas sa ulo ang higante. Ito ay natumba at nawalan ng malay, agad naman nyang kinuha ang
balaraw upang makauwi na sya kay Puring.

Habang naglalakbay na si Bulog pabalik, si Puring naman ay nakagawa ng paraan upang


makalaya sa kwarto sa pinagkulungan sa kanya. Dahan-dahan siyang lumabas sa silid at hinanap ang
pintuan palabas, ngunit nang malapit na syang makalabas ay nakita siya ng isang katulong ni Jupiter at
agad syang dinakip nito. Dinali ng katulong si Puring kay Jupiter at sinabing nakita nyang tumatakas ang
binibini. Labis na nagalit si Jupiter sa kanyang narinig at agad nyang pinaslang si Puring. Napuno ng dugo
ang sahig at labis ding nagulat si Jupiter sa kanyang nagawa. Napatulala sa gulat ang diyos at unti-unting
pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

BIglang bumukas ang pinto at naroon si Bulog, labis syang nagulat sa nakita nya; ang patay na
katawan ni Puring sa harap ni Jupiter. Napuno ng galit at sakit ang puso ni Bulog.

“Paano mo ito nagawa?! Pinagkatiwalaan ka naming nang lubos!” galit na sambit niya.

Hindi makasagot si Jupiter sa tanong ni Bulog sapagkat hindi rin niya inaasahan na magagawa
nyang paslangin ang pinamamahal nyang binibi. Nang hindi sumagot si Jupiter, agad namang nilabas ni
Bulog ang balaraw na nakuha niya mula sa higante. Iyon ang ginamit nya upang sugurin at saksakin sa
puso si Jupiter. Nang mamatay si Jupiter ay dumilim ang langit at ito ay napuno ng kidlat, tanging sigaw
lamang ni Bulog ang maririnig mo. Simbolo ng sakit ang pighati ang sigaw niya. Tiningnan nya ang
kanyang asawa at sya ay napaluhod, tuloy-tuloy ang daloy ng luha sa kanyang mata habang sinisigaw
padin nya ang sakit na nararamdaman nya. Ang sigaw nya ang narinig sa buong kaharian.

Di nagtagal ay tinamaan sya ng kidlat at namatay sa tabi ng kanyang asawa, hangang sa huling
hininga nya ay sinisigaw padin nya ang sakit at galit na kanyang naramdaman. Simula noon, tuwing
dumidilim ang langit at kimikidlat, maririnig mo ang sigaw ng sakit at galit ni Bulog. Kung kaya’t tinawag
nila itong Kulog, upang mapaalala sa kanilang lahat na minsan nang may tinaksil na isang taong ginawa
ang lahat para sa kanila ng kanyang minamahal. Tunay na hindi sa kalaban ang pinakmasakit na
pagtataksil, kundi galling sa taong lubos mong pinagkatiwaalan.

You might also like