You are on page 1of 2

Hindi maitatangging ang Pilipinas ay mayaman din sa mga mitolohiya o

kwento tungkol sa pakikipagsapalaran at ugnayan ng diyos at mga tao.


Mababasa mo sa ibaba ang buod ng “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at
Bugan”, isang mito na nagmula sa Ifugao.

MGA TAUHAN:

Wigan

Ang asawa ni Bugan ang sumangayon kay Bugan na maglalakbay ito patungo sa mga diyos dahil hindi
nga sila magkaanak.

Bugan

Ang napakagandang babae na asawa ni Wigan ngunit hindi nagkakanak, kaya naman naglakbay siya
patungo sa tahanan ng mga diyos.

Igat

Isang hayop na naunang nakita ni Wigan sa lawa sa kanyang paglalakbay siya ay nagtanong kay Bugan
kung saan ito patungo ngunit ayon kay Bugan ay naghahanap siya ng kakain sa kanya sapagkat hindi sila
magkaanak ni Wigan.Ngunit ayon kay Igat ay huwag dapat malungkot si Bugan at inutusan na siya nito
na maglakbay at makipagkita sa mga diyos.

Buwaya

Siya naman ang pangalawang hayop na nakita ni Bugan sa Lagud. Siya ang nagwika at nagtanong kay
Bugan na Tao san ka pupunta? Pero sinagot parin siya ni Bugan ng kapareho ng sinabi niya kay Igat na
naghahanap siya ng lalamon sa kanya sapagkat hindi sila magkaanak ng kanyang asawa na si
Wigan.Ngunit ayon naman kay Buwaya ay hindi niya pwedeng kainin si Bugan sapagkat napakaganda
nito.

Pating

Ang pangatlong hayop na nakita ni Bugan na sa totoo lamang ay kanyang kinatatakutan,ngunit


matapang niya itong hinarap at sabi niya Pating kainin mo na ako sapagkat di naman kami nagkakaanak
ng aking asawa, Ngunit ayon sa Pating ay isang malaking kahihiyan daw kung kakainin niya si Bugan dahil
ito ay napaka ganda, sa halip ay pinatuloy muna niya si Bugan sa kanyang tahanan at pinagpahinga at
pinakain.
Bumabakker

Ang unang diyos na nakausap ni Bugan ang unang nakakita sa kanya ng nakaupo siya sa isang lusong na
nasa labas ng bahay ng mga diyos, siya ay nagwika kay Bummabakker na nais na niyang masawi dahil
hindi nga sila nagkakaroon ng anak ni Wigan, Ngunit ayon kay Bumabakker ay isa iyong kahibangan
inaya niya si Bugan na hanapin pa ang ibang diyos na sina Ngilin at Bolang upang siya ay matulungan.

Ngilin at Bolang

Sila ang mga Diyos na nag turo kay Bugan at Wigan ng mga ritwal upang mag kaanak ang mga ito, at
hindi nga nabigo ang mag asawa sapagkat natupad ang nais nila na sila ay magkaanak.

You might also like