You are on page 1of 3

Labaw Donggon

Buod
Isa sa tatlong anak ni Diwata Abyang Alunsina at Buyung Panabari si Labaw Donggon .
Kagila-gilalas ang kanyang katauhan dahil pagkasilang pa lamang niya ay agad na
siyang lumaki.Siya’y natuto na ring magsalita, naging matalino at lumaking
napakalakas. Minsan, nagpaalam si Labaw Donggon Ina upang hanapin ang isang
dalagang nagngangalang Anggoy Ginbitinan. Madali niyang natutnton ang kinaroronan
ng dalaga at nakamit niya ang pagsang-ayon nito upang sila’y makasal. Hiindi pa
nagtatagal ang kanilang pagsasama, miling umalis si Labaw Donggon upang suyuin
naman ang dalagang si Anggoy Doroonan na kanyang napangasawa rin. Hindi
kalaunan,napamalita ang kagandahan ng babaeng si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata kung kaya’y umalis si Labaw Donggon upang suyuin ang ikatlong babae. Ngunit
si nagmalitong Yawa ay may asawa na. si buyong Saragnayan. Hindi pumayag si
buyong na ibigay ang kanyang asawa kay Labaw kung kaya’t naglaban ang dalawang
lalaki. Tumagal ng maraming taon ang kanilang paglalaban sapagkat kapwa sila
nagtaglay ng pambihirang lakas. Inilublon ni Labaw si buyong sa tubig at ito’y tumagal
ng pitong taon sa ilalim ng tubig. Pinaghahampas ni Labaw si Buyong ng mga puno
ngunit nagkalasug-lasog ang mga punong hinampas niya.Hinawakan niya sa paa ang
kanyang kalaban at kanyang pinaikut-ikot sa hangin ngunit buhay parin si Buyong.
Nang mapagod si Labaw,siya naman ang itinali ni Buyong na parang babaoy at
ikinulong sa silong ng kanyang bahay
Samantala, nagkaanak si Anggoy Doroonon, Si Baranugan. Si Anggoy Ginbitinan ay
nagkaanak din kay Asu Mangga. Ang dalawang bata ay nagpaalam sa kani-kanilang
ina upang hanapin ang kanilan ama. Nagkita ang magkapatid sa kanilang paghahanap
at ipinasya nilang magsama upang palayain ang kanilang ana sa kamay ni Buyong.
Nang marating nila ang lugar ni Buyong hinamon ni Baranugan si Buyong sa isang
labanan. Hindi nagapi ni Buyong ang binata, ngunit agad siyang humingi ng tulong sa
impakto. Isang kawan ng mga impakto ang dumating.Nilabanan ng magkapatid ang
impakto at sila’y nagtagumpay. Ngunit hindi mamatay-matay si Buyong. Agad na
humingi ng tulong si Baranugan sa kanyang Baranugan sa kanyang lolang si Alunsina.
Ayon sa matanda kailangang pumatay ng isang baboy-ramo upang mapatay nila si
Buyong, Nang makatagpo ang magkapatid ng baboy- ramo ay agad nila iyong
pinatay.Lumindol at dumilim nang mapatay ng magkapatid si Buyong.
Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang ama ngunit hindi nila
natagpuan ang ama sa silong ng bahay ni Buyong. Maging sina Humadapnon at
Dumalapdap, mga kapatid ni Labaw ay tumulong na rin sa paghahanap. Nang
matagpuan nila si Labaw ay isa ng sintu-sinto.Ginamot nina Anggoy Doroonan at
Anggoy Ginbitinan ang kanilang asawa.Nang bumalik ang katinuan ni Labaw,
ipinagtapat niya sa kanyang dalawang anak na lalaki na si Nagmalitong Yawa ay may
dalawa pang kapatid na babae. Noon din ay umalis sila Baranugan at Asu Mangga
upang hanapin ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.
Unibersidad ng Mindanao
Matina Campus, Matina Davao City

Kolehiyo ng Edukasyong Pagtuturo

___________________________________________________

Para sa Pinal na Proyekto


__________________________________________________

Banghay Aralin
Fil 214

Professor Elliene Rose Oliva

Farrah M. Huerta

You might also like