You are on page 1of 2

EPIKO NG ILOILO

BUOD NG LABAW DONGGGON


Si Labaw ay isa sa tatlong anak nina Abyang Alusina at Buyung Panbari.
Kakaiba si Labaw dahil nang ipinanganak ito, lumaki ito kaagad. Matalino,
malakas at natuto agad itong magsalit.

Nagpaalam si Labaw upang mapakasalan si Anggoy Ginbitan. Pinayagan siya


nito at agad naman silang nakapagpakasal si Anggoy Ginbitan. Sunod naman,
ay pinakasalan niya si Anggoy Doroonan. Mayroon na naman siyang
nabalitaan isa pang magandang babae, si Magmalitong Yawa Sigmaling
Diwata, na nais niyang pakasalan ngunit nang dumating siya roon ay kasal na
pala ito kay Buyung Saragnayan. Dahil hindi pumayag si Buyung sa pakiusap
ni Labaw, naglaban sila nito. Nagtagal ang laba. Parehong malakas si Buyung
at Labaw. Nang mapagod si Labaw, tinali agad ito ni Buyung. Sinabit siya
nang parang baboy sa ilalim ng kanilang bahay.

Nang nabalitaan ito ng mga anak ni Labaw na sina Baranugan anak ni


Anggoy Doroonan, at Asu Mangga, anak ni Anggot Ginbitinan, agad silang
nagpaaalam upang iligtas ang kanilang ama. Pinayag sila at agad nagtungo
kay Buyung. Nakipaglaban sila kay Buyung ngunit dahil sa angking lakas ni
Buyung, nahirapan sila. Kaya naman, humingi sila ng tulong, una sa mga
impakto ngunit hindi pa rin matalo-talo si Buyung, pangalawa naman, sa
kanilang lola na si Abyang Alusina. Ayon sa kanilang lola, matatalo lang si
Buyung kapag pumatay ng isang baby ramo. Agad namang nilang ginawa to
at agad namatay si Buyung.

Nang mahanap na nila Asu Mangga at Baranugan si Labaw ay nabaliw na ito.


Ginamot ito ng kanyang mga asawa pag-uwi nila. Nang gumaling na si
Labaw, inutusan niya ang kanyang mga anak na magenta kung saan
naroroon si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata dahil nabalitaan niya na
mayroong dalawa pang kapatid na babae si Nagmalitong Yawa a nais niyang
ipahanap ang mga ito. Agad namang umalis ang kanyang anak upang sundin
ang utos niya.

You might also like