You are on page 1of 1

Sina Adlaw at Bulan

Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting


pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak
sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang
bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan
at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang
lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw
at ito ang naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang
katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila.
Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na
lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw
na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak
na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw
at sa gabi naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na
bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang
poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng
eclipse.

You might also like