You are on page 1of 9

Kwentong Bayan at

Karunungang Bayan sa CAR


Kwentong bayan
-mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip ng mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan, Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain.
Sina Adlaw at Bulan
Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan
• Noong unang panahon ay may mag-asawang may
mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y
sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming
bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa
kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.
Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na
pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang
lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni Bulan ang
mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit
nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang
bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila
Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang
makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni
Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na
makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni
Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa
kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumisikat si
Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw
si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin.
Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay
lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya
hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.
Karunungang bayan
• - Isang sangay ng panitkan kung saan
nagiging daan upang maipahayag ang
mga kaisipan na napapabilang sa bawat
kultura ng isang tribo

• SALAWIKAIN, SAWIKAIN, BUGTONG,


SALAWIKAIN
• -Isang patalinghagang pahayag na ginagamit
ng mga matatanda noong unang panahon
upang mangaral at akayin ang mga kabataan
sa mabuting asal.
SAWIKAIN- Patalinghagang pananalita, ito ay
isag paraan ng pagpukaw sa kaisipan ng tao

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma:


1.kapilas ng buhay - asawa

2.alilang-kanin -utusang walang bayad, pakain


lang, pabahay at pakain ngunit
walang suweldo.

3. basag ang pula -luko-luko


Bugtong- pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan

You might also like