Professional Documents
Culture Documents
(KANLURANG KABISAYAAN)
MGA LALAWIGAN
• Ang lalawigan ng Palawan ay inilipat sa Rehiyon 6 noong Mayo 23, 2005 ayon sa
Executive Order 429.Ang pagsasakompleto ng paglilipat ay inihayag noong Hunyo 2005
Ng Kagawaran Ng Interyor at ng Pamahalaang Lokal, subalit binatikos ng mga
Palaweños dahil sa sinabing may kakulangan sa konsultasyon, at karamihan sa residente
ng lungsod ng Puerto Prinsesa at ang lahat ng mga bayang ito maliban sa isa ay nais
manatili sa Rehiyon 4-B. dahil dito, nagkaroon ng Kautusang Administratibo bilang 129
na inilabas noong Agosto 19, 2005 upang tugunan ang kaguluhan.
· Sicogon sa Iloilo
MAMAMAYAN
Ilongo- taga-kanlurang Visayas, Kilala sa pagiging matapat, malambing,
masayahin at malumanay magsalita.
Negrense - Negros
Ilongo - Iloilo
Aklanon -Aklan
Antiqueno - Antique
Hiligaynon - Katutubo ng panay
Capizeno o Capiznon - Capiz
PAMBANSANG KAUNLARAN
Sa pangisdaan ng rehiyon kumukuha ng panustos sa
pangangailangan ang mga kalapit rehiyon maging ang
kamaynilaan
Nililinang ang mga kulay na pagdidiriwang upang maging daan sa
pagkakakilanlan ng rehiyon
Ang pasyalan ng rehiyon ay malaki ang naitutulong sa ekonomiya
ng bansa dahil sa mga turistang dumarayo rito.
LIKAS NA YAMAN
Marmol
Tanso
Guano
Semento
INDUSTRIYA AT PRODUKTO
Negros Occidental- ang pangunahin at pinakamalaking lalawiganin na nagbibigay ng
asukal sa buong bansa
-Malawak ang taniman ng tubo, palay, mais, at niyog
Iloilo- malawak ang palayan at abaka, pastulan ng palaisdaan
Capiz- nag-aani ng niyog at abaka, pastulan ng hayop ang paanan ng bundok
Aklan- paghahabi ng telang pinya, jusi, at sinamay
Antique- kilala bilang pook pangisdaan
Guimaras- kilala sa kanilang malalaki at matatamis na mangga
Asukal
Hayop
Isda at
Mangga
Abaka
Sinamay
Jusi at
Pinya
INDUSTRIYA AT PRODUKTO
Pagsasaka
55.8% ng kalupaan
Nangunguna sa pangangani ng tubo
Pangatlo sa pag aani ng palay
Panay- Kamalig ng Palay sa Kanlurang Visayas
Pangingisda
Baybayin ng Antique, Negros Occidental, Estancia, Barotac Veijo at Conception
sa Iloilo
Kipot ng Guimaras, Kipot ng Tanon, Asuncion Pass, Dagat Visayas, Dagat Sulu
Festival
MGA KAPISTAHAN SA REHIYON VI
o Ati-atihan – sa Kalibo
o Dinagyang – sa Iloilo
o BInayran – sa Antique
o Halaran – sa Capiz
o Masskara- sa Bacolod
PANITIKAN
May anim na anyo ng panitikan ang sinaunang Ilonggo, ito ay ang mga sumusunod:
Ø Ambahan
Ø Balak
Ø Awit
Ø Driges o haya
Ø Sidy
Ø Bical
• AMBAHAN-ang pinakapayak na anyo ng talata.
• BALAK-ang makatang diskusyon sa pagitan ng lalaki at babae.
• SABI-karaniwang tawag sa tula at awit.
• BINALAYBAY-ang tula sa wikang Hiligaynon.
§ Relacion de Las Islas Filipinas-naisulat noong 1604 ni Padre Pedro Chirino,ito ay nagsasaad
ng pagkakaiba ng wikang Bisaya at wikang Haraya.
§ Hiliguena y Haraya de Las Isla de Panai-naisulat noong 1637 ni Alonso Mendrila ,ito ay
nagpapakilala sa Hiligaynon,ang ikatlong wika at nagpakita ng pagkakaroon ng panitikan sa
Panay noong unang bahagi ng pananakop ng Kastila.
EPIKO
Ang Hinilawod ay literal na nangangahulugang "tales from the mouth of the Halawod
River" (Jocano 2000: 3) ay nirekord 50 taon na ang nakalipas. Isang bahagi lamang ito sa
narekord na epiko na sinasabing isa sa pinakamahabang epiko sa Sulod, "mga grupo ng tao sa
kabundukan ng Gitnang Panay" (1). Dagdag pa ni Jocano, hindi lamang ito isang piyesang
pampanitikan kundi ibahagi ng ritwal pangrelihiyon ng mga Sulod. Kapansin-pansin sa
pagbabasa ng teksto ang mga bahaging nagtataglay ng mga sagrado at bahagi ng kanilang ritwal
sa panggagamot.
Binubuo ito ng 8340 na taludtod na may apat na episodyo o sugidanon: (1) pangayaw o
paglalakbay, (2) tarangban o yungib, (3) bihag, at (4) pagbawi o muling pagkabuhay.
Nakatutulog si Buyong Humadapnon sa kaniyang duyan nang nagpakita sa kaniyang
panaginip sina Taghuy at Duwindi, ang mga kaibigan niyang espirito. Sinabi ng dalawa na
marapat nang hanapin ng datu ang kaniyang babaeng mapapangasawa, na kapantay niya ng uri.
Ibig sabihin, anak-maharlika rin, may kapangyarihan, bulawan ang buhok, may alam sa
panggagamot. Ang babae'y si Nagmalitong Yawa, anak nina Buyong Labaw Donggon at Uwa
Matan-ayon.
Humiling si Humadapnon ng permiso sa magulang na maglakbay para hanapin ang
kaniyang mapapangasawa. Sa tulong ng mag-anak, pinagsama-sama nila ang kanilang mga dugo
mula sa daliri at nakalikha sila ng isang datung kapamilya na si Buyong Dumalapdap. Si
Dumalapdap ang makakasama ni Humadapnon sa kaniyang adbentura, sakay ng ginintuang
biday o barangay na pamana pa ng magulang sa binata.
Sumulong na ang ginintuang biday ni Humadapnon. May ritwal muna bago ito isulong sa dagat:
pinausukan ng kamanyang at dinasalan para sa maayos na paglalakbay. Pinaalalahanan ang
binata ng kaniyang magulang na mag-ingat sa engkantadong isla ng Tarangban. May puwersa
itong bumubura sa konsepto ng pinagmulan. Hindi naman natinag si
Humadapnon. Hanggang sa narating nila ito at kaniyang narinig ang paanyaya ng yuta-
yutang binukot. Napakaganda ng mga tinig. At nahalina ang binata. Pinigil naman siya ni
Dumalapdap at laging pinapaalala na marapat nilang puntahan.
Ang Tarangban ay isla ng mga binukot (well-kept maidens). Sa una, ayaw pagbigyan ni
Humadapnon ang paanyaya ngunit nang lumitaw ang pinakabunso, pinakabatang binukot na si
Malubay Hanginon, naakit ang binata at umibis ng kaniyang sinasakyan. Tinanggap niya ang
inaalok na nganga ng binukot. Doo'y siya'y nakapagtalik sa yuta-yutang mga dalaga. Itinuring ng
binata na kalaro at laruan lamang ang mga binukot. Inabot ng pitong taon ang pakikipagtalik niya
ang mga binukot sa isla.
Nang natauhan si Humadapnon at nagtangkang umalis, nagsara ang yungib ng Tarangban.
Naging bihag ang binata. Nagluksa naman si Dumalapdap sa kapalaran ng nilang magkapatid.
Hindi sila nagtagumpay sa paghahanap ng tamang binibini at sa pagpapatnubay sa isa't isa sa
tama.
Bumalik sa kanilang tahanan si Dumalapdap. Ipinaalam niya ito sa kaniyang magulang. Nangako
naman ang magulang na gagawin ang makakaya. Hindi nagtagumpay ang mag-anak. Nangako
sila ng pabuyang kayamanan (para sa lalaking tagapagligtas) at kasal (para sa babae). Hindi
nagtagumpay ang kalalakihan, gayundin ang mga dalagang babaylan. Nanangis sa harap ng
Tarangban si Dumalapdap hanggang sa makaisip ang kaniyang mga kaibigang espiritong sina
Duwindi, Taghuy, at Hangin na pakiusapan ang binibining talaga naman nilang pakay sa
paglalakbay. Mangyari, siya lamang ang maaaring makapagligtas sa nakulong na binata dahil
magkasinlakas sila. Sa paanyaya, pang-uudyok, at pananakot ng mga espirito, napapayag na rin
si Nagmalitong Yawa. Una, sinabi nilang kapatid ang nakulong. Ngunit ipinagtapat nilang iyon
ang binatang ang diwata ang pakay. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang lalaki (buyong,
datu). Ang hindi lamang siya maitago ay ang kaniyang matamis na amoy ng isang binukot.
Pagdating nila sa Tarangban, naakit muli ang mga binukot. Binuksan nila ang Tarangban sa galak
na makakitang muli ng makisig na binata.
Tulad ng iba pang panitikang-bayan sa anyong prosa, nasa naratibo ng pagkamalay o coming-of-
age ang teksto. Ipinapakita rito ang pagkagulang ng isang bayani (Humadapnon) sa paghahanap
ng mapapangasawa at ang adbentura sa bagong yugto ng buhay. Malinaw rin ang moral sa epiko:
makinig sa payo ng magulang, huwag lilihis ng landas, at huwag magpapaakit sa tukso dahil ito
ang magiging sanhi ng kabiguan.
MGA AWITING BAYAN
I.
Dandansoy bayan ta ikaw
Pauli takon sa payaw
Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang payaw, imo lang lantawon
II.
Dandansoy kon imo apason
Bisan tubig dili ka magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubunbubon
ANG ALAMAT NG PATAY NA
SAPA SA SAN NICOLAS
Kwentong-bayan
“ANG MAHIWAGANG BABAE”
EPIKO
“LABAW DONGGON”
Fray Botod
“Graciano Lopez Jaena”
MGA KILALANG TAO
• Melchor F. Cichon - isang makatang Aklanon na tubong Lezo,Aklan. Kilala siya hindi
lamang sa kanyang husay bilang makata kundi maging sa kanyang pagpupunyaging
itaguyod ang panulaang Aklanon.
• -Noong 1995 ay tinanggap niya ang isang writing grant para sa larangan ng panulaang
Aklanon mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Noong 2001,tinanggap niya ang
Gawad Balagtas mula sa Unyon ng mga manunulat sa Pilipinas.
• · Conrado Saquian Norada - isinilang sa Iloilo noong Mayo 19,1921. Siya ay
isang intelihadong opisyal ng ikaanim na distrito ng military sa panahon ng World War
II at naging gobernador sa Iloilo noong 1969 hanggang 1986. Naging president Nasyonal
ng Sumakwelan ng Ilonggo Organization. Noong 1990,ang UMPIL,ay gumawad sa
kanya bilang Pambansang Alagad ni Balagtas para sa Ilonggo fiction.
• · Mariano Perfecto - ang unang sumulat ng Pasyon sa Hiligaynon noong 1884.
Dahil ditto nabahiran ng Kristyanismo ang panitikang Hiligaynon.
• · Eriberto Gumban – kinikilalang ama ng panitikang Bisaya.
• · Magdalena Jalandoni – ang nag-uso ng tulang may malayang taludturan.
• · Vicente Cristobal – sumulat ng unang sarswela na may pamagat na Kapitan noong
1903.
• · Jose M. Lay – ay napatangi sa tula at maikling kwento.
• · Angel Mangahum – sumulat ng unang nobela na pinamagatang Benjamin noong
1907. Siya’y tinagurian na batikang mandudula at nobelista.
• · Vicente Sotto – ang may pinakamatunog na pangalan. Siya ay natanyag sa sinulat
niyang kauna-unahang operang Bisaya “Mactong” .Sumulat din siya ng marami sa kastila
at isang manlalabang peryodista sa WARAY-WARAY.
• · Norberto Rumualdez – nagging mahistrado ng Korte Suprema ang nagging
pinakamaningning na pangalan. Siya ay sumulat ng maraming dula,sanaysay na sosyo-
pulitiko at hinggil sa pilipinolohiya ng Pilipino.Waray-waray at Kastila ang ginamit niya.
• · Pinakababasahing Nobelista:
• § Magdalena Jalandoni
• § Ramon Musones
• § Conrad