You are on page 1of 24

Pilipino star ngayon

(balitang pambansa)

January 1, 2014
Baguio mas dadayuhin dahil sa TPLEX
Inaasahang lalong dadagsa ang turista sa lungsod na ito ngayong bukas na sa publiko ang Tarlac-
Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX)
Batang pulubi dumarami
Naalarma si dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas sa pagkalat ng mga namamalimos
sa kalsada, lalo na ang mga bata.
24 arestado sa illegal na paputok, 12 na biktima ng stray bullets
Umaabot na sa 24 katao ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa
pinalakas na kampanya sa Oplan Iwas Paputok/ Disgrasya habang 12 na ang nabiktima ng ligaw
na bala kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
2 testigo sa Zambo siege bantay sarado
Tiniyak ng Department of Justice (DoJ) ang seguridad ng dalawang miyembro ng Moro National
Liberation Front (MNLF) na testigo para sa kaso ng kanilang mga dating kasamahan na umatake
sa Zamboanga City noong Setyembre.
Chinese med na wa epek pinapa-recall ng FDA
Pinatatanggal ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga botika ang isang brand ng
antibiotic na nagmula sa China dahil sa ilang isyung pangkalusugan.
Pulis, iba pa na magpapaputok ng baril i-video, kunan ng litrato - PNP
Kunan ng video at litrato!
Ito ang ginawang paghikayat kahapon ng Philippine National Police (PNP) sa milyong Pinoy laban
sa kanilang mga tauhan at maging sa sinumang indibidwal na masasangkot sa indiscriminate
firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Holiday burial sa Tacloban, itutuloy
Tiniyak ng Department of Health (DoH) at National Bureau of Investigation (NBI) na babalik sila
sa Tacloban, Leyte kahit holiday para ipagpatuloy ang proseso ng paglilibing sa mga bangkay na
biktima ng bagyong Yolanda.
Simula 2014 Orasan isunod sa PhST - DOST
Hinikayat ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Pilipino na isabay ang mga
orasan sa Philippine Standard Time (PhST) ngayong 2014 upang makatulong sa paglago ng
ekonomiya sa pagsunod sa tamang oras sa trabaho at ibang transaksyon.
Oil price hike pasalubong sa Bagong Taon
Panibagong pasakit sa mga motorista ang isinalubong ng mga kumpanya ng langis sa Bagong
Taon sa pagtataas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo kahapon ng umaga.
January 2, 2014
Salceda, Team Albay paparangalan ng PAPI
Gagawaran ng parangal ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang tanyag na
Team Albay ng Most Outstanding Disaster Response Award at si Albay Gov. Joey Salceda bilang
2013 Filipino of the Year nito.
Sapat na label sa food products dapat isulong
Naghain si Senator Cynthia Villar ng panukalang batas upang ilagay sa label ng anumang
produktong pagkain ang mga nutrisyong makukuha rito para palawigin ang health consciousness
ng publiko. Partikular niyang tinukoy ang malawakang kakulangan ng nutrisyon sa mga bata at
mga buntis.
Uulan ng bulalakaw
Makaraan ang pag-ulan ng makukulay na firecrackers sa kalangitan nitong pagsalubong ng
bagong taon, makakakita naman ang taumbayan ng pag-ulan ng bulalakaw mula January 1
hanggang January 7 ngayong taon.
Prusisyon ng Nazareno inabot ng 7 oras
Kahit sa paligid lamang ng Quiapo o tradisyunal na dinaraanan sa prusisyon, umabot pa sa
mahigit pitong oras bago tuluyang naipasok sa Minor Basilica church ang Black Nazarene.
Myanmar visa free na simula ngayong Enero
Simula ngayong Enero, maaari nang makapunta ang mga Pinoy sa Myanmar nang walang
kaukulang visa.
TRO sa EPIRA hirit
Hinimok ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang mga consumer sa ibat ibang rehiyon ng
bansa na nakakaranas ng walang habas na pagtaas ng singil sa kanilang kuryente na mag-file ng
Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema at kuwestiyunin ang legalidad ng Electric
Power Industry Reform Act (EPIRA).
Lamig sa Baguio bumagsak sa 11 C
Bumagsak sa 11 degrees Celsius ang level ng temperature sa Baguio City sa pagpasok ng bagong
taon.
LPG nag-rolbak
Nagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga lokal na distributor bilang
pasalubong sa taong 2014.
Record ng naputukan tumaas ng 119%
Tumaas ng 119 porsiyento ang naitalang firecracker related injuries sa pagsalubong sa 2014.
Total ban vs paputok ipatupad na! - DOH
Muling ipinanawagan ng Department of Health (DOH) sa lahat ng local government units na
magpatupad na lang ng community-based fireworks display at tuluyang ipagbawal ang mga
paputok sa panahon ng kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon sa bansa.
January 3, 2014
Trader itinumba sa harap ng anak
Binaril ng malapitan at napatay sa harapan ng kaniyang 14-anyos na binatilyong anak ang 37-
anyos na negosyanteng misis ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Sto
Tomas South, bayan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa.
P14.6 B supplemental budget aprub na ni PNoy
Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang P14.6 bilyon na supplemental budget para sa rehabilitasyon
ng mga lugar na napinsala ng lindol at bagyong Yolanda sa Visayas gayundin sa Zamboanga
siege.
Power cartel binira sa blackmail
Binablakmeyl umano ng mga power generator ang mga electricity consumer para umano
tanggapin ng mga ito ang mas mataas na halaga ng kuryente at maiwasan ang mga blackout.
10 Pinay nasagip sa raid sa Malaysia
Sampung Pinay ang nasagip sa isinagawang mga pagsalakay sa tatlong massage centers na
pinaniniwalaang front ng prostitution sa Malaysia.
Seguridad sa pista ng Nazareno kasado
Matapos ang Pasko at Bagong Taon, nakatutok naman ngayon ang National Capital Regional
Police Office (NCRPO) sa pagbibigay ng seguridad sa darating na Pista ng Itim na Nazareno sa
Quiapo, Maynila sa Enero 9.
Taas contributions sa PhilHealth, SSS epektib na
Nagkabisa na nitong Enero 1, 2014 ang dagdag sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng
Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Social Security System (SSS).
Blood type pinalalagay sa govt IDs
Iminungkahi ni Las Pias Rep. Mark Villar ang paglalagay ng blood type ng isang tao sa lahat ng
ibinibigay na identification card at mga lisensya ng pamahalaan dahil maaaring maging napaka
makabuluhan nito sa pagtugon sa panahon ng pangangailangan.
4 pulis, 3 sundalo huli sa indiscriminate firing
Apat na pulis at tatlong sundalo ang naaresto sa indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong sa
Bagong Taon.
30 sapol ng stray bullets
Lumobo na sa 30 katao ang biktima ng ligaw na bala kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon sa
bansa.
January 4, 2014
Miriam ipinapatawag na ng ICC
Planong magreport ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa International Criminal Court (ICC) sa
sandaling umayos na ang kanyang pakiramdam sa kanyang chronic fatigue syndrome.
Pinay hulog sa ika-12 palapag ng gusali sa HK, patay!
Nakatakdang dumating ang mga labi ng isang Pinay domestic helper matapos na umanoy
aksidenteng mahulog sa ika-12 palapag ng gusali habang naglilinis sa Hong Kong.
Rebelde tuldukan na AFP
Tuldukan na ang lahat ng mga rebelde at mga armadong grupo na nagsisilbing banta sa
pambansang seguridad.
Sasakyan bumaliktad: 27 sugatan
Umaabot sa 27-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad ang sasakyang pampasahero sa
kahabaan ng highway sa Barangay Dao-angan, bayan ng Balbalan, Kalinga kamakalawa.
Arabo inireklamo ng rape ng Pinay
Arestado ang isang Arab national nang ireklamo ng 28-anyos na dalaga ng kasong rape matapos
umanong di makayanan ang pagiging sadista nito, sa loob ng lamang ng apat na araw na
pagsasama sa tinutuluyang hotel sa Malate, Maynila.
Naptalina masama sa kalusugan
Nanawagan ang isang environmental group sa pamahalaan na pag-aralan ang regulasyon sa
pagpapakalat ng napthalene mothballs matapos na ipag-utos ng bansang Europa na tanggalin
ito sa kanilang merkado.
Cha-cha di prayoridad - PNoy
Nanindigan ang Malacaang na hindi prayoridad ni Pangulong Aquino ang pag-amyenda sa
Konstitusyon.
700 pang bangkay sa Tacloban ililibing na
Pitong daan pang bangkay sa Tacloban City, Leyte na biktima ng super typhoon Yolanda ang
ililibing na sa mass grave.
Rate hike sa PhilHealth, SSS sisiyasatin ng Kamara
Iimbestigahan ng liderato ng Kamara ang dahilan kung bakit nagdagdag ng kontribusyon ang
Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Polusyon sa hangin lumala sa Bagong Taon
Lalong lumala ang polusyon sa hangin na naitala ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) sa kainitan ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa Metro Manila.
Tinamaan ng paputok 933 na
Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng paputok na pumalo na sa 933.
December bill balewalain - Meralco
Nanawagan ang Manila Electric Co. (Meralco) sa kanilang milyon-milyong kliyente na balewalain
ang natanggap na electric bill ngayong Disyembre na nagkaroon na ng pagtataas sa generation
charge.
Ahente ng punerarya bawal gumala sa ospital
Mahigpit nang ipagbabawal ang paggala ng mga ahente ng punerarya sa mga ospital.
Magpabakuna vs tigdas - DOH
Bunsod na rin ng pagdami ng kaso ng tigdas, inoobliga na ng Department of Health (DOH) ang
mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga sanggol laban sa tigdas.
January 5, 2014
8 agnas, pugot na bangkay nakuha sa laot
Walong kalalakihan, lima rito ang halos pugot na ang ulo at naagnas na ang mga bangkay ang
natagpuan ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng seaborne patrol sa karagatan ng Bgy.
Manicahan, Zamboanga City nitong Biyernes ng hapon.
Cha-cha di pipigilan ni PNoy
Walang plano si Pangulong Aquino na pigilan ang kanyang mga kaalyado sa Kamara sa
pagsusulong nito ng Charter Change sa pagbubukas ng sesyon ngayong Enero.
2 fake volunteer nag-solicit para sa Yolanda victims, tiklo sa Thailand!
Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa mga Pinoy na mag-ingat sa mga
grupong nagso-solicit ng donasyon kasunod ng pagkakaaresto ng dalawang pekeng volunteer sa
Thailand na nangongolekta ng mga donasyon at cash para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Rerouting sa Nazareno nakalatag na
Magtutulungan ang ibat ibang puwersa at ahensiya ng gobyerno sa idaraos na kapistahan ng
Itim na Nazareno para sa seguridad ng mga debotong inaasahang mas mataas pa ang bilang
kumpara sa nakalipas na na taon.
Klase sa Maynila suspendido sa Enero 9
Idineklarang walang pasok ang lahat ng antas ng klase sa lungsod ng Maynila sa Enero 9, araw ng
pista ng Itim na Nazareno.
Tigdas outbreak dahil sa pagpapabaya ng ina
Ang mababang coverage ng mga nagpabakuna laban sa tigdas o pagbalewala ng mga ina na
pabakunahan ang mga anak ang siyang dahilan kung bakit maraming lugar ang nagkaroon ng
outbreak ng sakit.
Sept. opening ng klase desisyunan! - PNoy
Hihintayin ng Malacaang ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) at
Department of Education (DepEd) sa planong ilipat sa September ang pagbubukas ng klase sa
halip na June.
January 6, 2014
Dean Riano, magbibigay ng Bar review sa Remedial Law
Magbibigay ang Great Minds Bar Review Services ng advanced and comprehensive review in
Remedial Law para sa mga law graduating students, graduates at refreshers.
Palasyo dumepensa sa dagdag kontribusyon sa SSS, PhilHealth
Dinepensahan ng Malacaang ang pagpapatupad ng dagdag na kontribusyon ng mga miyembro
ng Social Security System (SSS) at PhilHealth.
Pautang sa OFWs itinulak
Isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang pagbibigay ng pautang bilang tulong sa gastusin ng
pamilyang maiiwan ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng unang tatlong buwan ng
kanyang pagkawala sa bansa.
Virus na sanhi ng tigdas outbreak inaalam na
Pinag-aaralan na ng Department of Health kung anong virus ang dahilan ng pagkakaroon ng
measles outbreak sa limang pangunahing lungsod sa Metro Manila.
Life sa looter pag may kalamidad
Isinusulong sa Kamara ang habambuhay na pagkakabilanggo sa mga magnanakaw sa panahon
ng kalamidad at sakuna.
PNoy walang balak bisitahin si GMA
Walang balak si Pangulong Aquino na bisitahin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na
nakapiit sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
CHED bumuo na ng TWG sa Sept. opening ng klase
Bumuo na ang Commission on Higher Education (CHED) ng technical working group (TWG) na
mag-aaral kung posibleng ilipat ang panahon ng pagbubukas ng klase para sa mga kolehiyo at
unibersidad, mula Hunyo patungong Setyembre.
Alyansang FVR, Erap, GMA suportado Ng religious leaders
Suportado umano ng mga religious leaders ang napapabalitang pag-aalyansa ng tatlong dating
pangulo ng bansa laban sa administrasyong Aquino na unang napabalita na Triple X.
January 7, 2014
Batang nasawi sa pinulot, sumabog na paputok, idinonate ang kidney
Bagamat ikinalungkot ng Department of Health (DOH) ang tuluyang pagkamatay ng 12-anyos na
batang lalaki na una nang idineklarang comatose matapos masabugan ng pinulot na paputok,
nagpasalamat naman ang kagawaran dahil sa pagdu-donate ng organs nito.
House arrest ni CGMA pinaboran ni Miriam
Pabor si Senator Miriam Defensor-Santiago sa paglalagay kay dating Pangulo at ngayon ay
Pampanga Cong-resswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa house arrest.
P4-M cash at mamahaling cellphones, natangay sa mag-asawang Tsinoy
Aabot sa P4 milyong halaga ng salapi at mamahaling cellular phones ang natangay sa mag-
asawang Tsinoy ng isang grupo ng lalaki na nagpakilalang mga tauhan ng Bureau of Customs
kamakailan sa Pasay City.
Rollback sa diesel at kerosene, ipinatupad
Nagpatupad ng maliit na rollback sa presyo ng diesel at kerosene ang ilang kompanya ng langis
sa bansa ngayong Martes ng umaga.
Tagbilaran at Zamboanga, niyanig ng 3.4 na lindol
Niyanig kahapon ng 3.4 magnitude na lindol ang Tagbilaran City at Zamboanga del Norte.
Panukalang ilipat ang pagbubukas ng klase, wag madaliin - Luistro
Naniniwala si Education Secretary Armin Luistro na hindi dapat na madaliin at sa halip ay dapat
na pag-aralan muna ang panukalang ilipat sa Agosto o Setyembre ang pagbubukas ng klase.
Pagsasaligal sa paggamit ng Marijuana, tinutulan ng Kongreso
Tutol ang liderato ng Kongreso sa ideya na gawing legal ang paggamit ng Marijuana kahit pa
para gamitin itong gamot.
Inquiry sa sabay-sabay na power generators shutdown isapubliko - Solon
Hinikayat ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang Malakanyang na ilabas na at isapubliko ang
resulta ng imbestigasyon sa umanoy sabwatan sa pagitan ng mga power generators para sabay-
sabay na mag-shutdown ng planta noong Nobyembre.
SSS sinugod ng mga manggagawa
Sinugod kahapon ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang gusali
ng main office ng Social Security System (SSS) sa East Avenue Quezon City, upang kondenahin
ang implementasyon ng 0.6% increase sa premium contributions ng mga miyembro
nationwide.
Overpricing sa Leyte, kakalkalin ng Kamara
Kakalkalin na rin ng Kamara ang ulat na overpriced at substandard ang construction materials na
ginagamit sa pagtatayo ng temporary shelters para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa
Eastern Visayas.
Vice Gov. Mark Leviste pinahaharap sa DOJ
Pinahaharap sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) si Batangas Vice Governor Mark
Leviste kaugnay ng nasamsam na 84 kilo ng iligal na droga sa isang rancho sa Batangas na pag-
aari ng pamilya Leviste.
Problema sa CPP-NPA tutuldukan bago magtapos ang term ni PNoy
Inihayag ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matutuldukan na ang
mahabang panahong problema ng gobyerno laban sa Communist Party of the Philippines-New
Peoples Army (CPP-NPA) bago magtapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III sa 2016.
Sec. Singson magbibitiw overpricing sa Leyte
Magbibitiw sa kanyang tungkulin si DPWH Sec. Rogelio Singson sa sandaling mapatunayan na
mayroong overpricing sa pagtatayo ng mga bunkhouses sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa
Leyte.
January 8, 2014
P43-M lotto jackpot kinubra ng solo winner
Isang 50-anyos na solong nanalo ng P43 milyon sa nakalipas na Dec. 27 6/45 lotto draw ang
kumubra ng kanyang panalo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
3 recruitment agencies, sinuspinde sa human trafficking
Tatlong recruitment agencies na sangkot umano sa human trafficking ang sinuspinde ng
Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Vendors sa Baclaran winalis
Nilinis kahapon ng pamahalaang lungsod ng Paraaque sa libu-libong illegal vendors ang buong
Baclaran matapos na mapaso na ang ibinigay na special permit nitong nakaraang Kapaskuhan.
Palma, Tandang Sora Awardee ng QC
Ginawaran si multi-awarded broadcast journa-list Maria Cristina Tina Monzon-Palma bilang
Tandang Sora Award nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice-Mayor Joy Belmonte sa isang
seremonya sa pagdiriwang sa ika-202 taong birth anniversary ng bayaning si Melchora Aquino
Tandang Sora National Shrine, Banlat Road, Quezon City kung saan dito siya ipinanganak.
MNLF leader sa Zambo siege inilibing na
Inilibing na umano sa isang lugar sa Sulu matapos mapaslang si Moro National Liberation Front
(MNLF) Commander Ustadz Habier Malik, isa sa limang lider ng grupo na namuno sa 300 MNLF
fighters na nasangkot sa madugong paglusob sa Zamboanga City noong Setyembre 2013.
Overspeeding sa expressways hahabulin na ng TRB
Hahabulin na ngayon ng mga elemento ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga pasaway sa
expressways.
Travel tax ng 32M pasahero gamitin para ayusin ang NAIA
Walang makitang dahilan si Senator Ralph Recto para hindi mapaganda at maging maayos ang
seguridad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lalo pat nasa 32 milyon pasahero ang
nagbayad ng travel tax at umabot sa P16.5 bilyon ang kinita ng tatlong ahensiyang
nangangasiwa sa paliparan.
Kaso vs 22 PNP men sa Atimonan rubout handa na
Handa ng isapubliko ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng kasong administratibo
laban sa 22 mga opisyal at tauhan ng pulisya na nasangkot sa Atimonan rubout na ikinasawi ng
13 katao noong Enero 6, 2013 sa Bgy. Lumutan, Atimonan, Quezon.
Dayuhang deboto dumarami
Halos taun-taon ay nadadagdagan ang mga dayuhang deboto ng Itim na Nazareno.
Tigdas outbreak hanggang summer
Tatagal pa hanggang summer ang outbreak ng tigdas sa bansa.
Yolanda donors madidismaya sa bunkhouse overpricing
Aminado si House Speaker Feliciano Belmonte na posibleng mawalan ng gana ang mga
tumutulong sa pagpapatayo ng bunkhouses sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda dahil
sa overpricing at substandard issue.
No second chance sa dawit sa overpricing - Ping
Tiniyak kahapon ni Presidential Assistance for Rehabilitation and Recovery Sec. Panfilo Lacson na
walang second chance sa mga sangkot sa overpricing sa pagpapatayo ng bunkhouses para sa
mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Maagang pahalik sa Itim na Nazareno
Tiniyak ng Manila Police District ang seguridad sa Luneta kasabay ng maagang pagsisimula ng
pahalik sa Poong Nazareno kahapon na susundan ng traslacion bukas.
January 9, 2014
Unang Santa Run para sa Yolanda survivors tagumpay
Tagumpay ang kauna-unahang Santa Fun Run sa Pasay City na nakapagpadala ng malaking
halaga ng relief goods, laruan at damit sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Lady trader patay sa ambus
Isang negosyanteng babae ang patay makaraang barilin habang sakay ng kanyang sasak-yan sa
lungsod Quezon, kahapon ng hapon.
Mabibigat na bagahe sa LRT iwasan muna
Pinayuhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mga pasahero nito na kung planong
sumakay sa LRT Line 1 ngayong araw ay iwasan muna ang pagdadala ng malalaki at mabibigat na
bagahe, maging ang pagsasama ng mga paslit.
LPA nagbabanta
Nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low pressure area
bukas.
Legalisasyon ng marijuana kinontra
Hindi pabor si Senate Deputy Minority Leader Vicente Sotto III na gawing legal ang paggamit ng
marijuana sa bansa bilang gamot.
P15 umento sa NCR workers
Ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P15 dagdag sa minimum wage
ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila na bahagi ng umiiral na P30 cost of
living allowance (COLA).
PNP bumuo ng probe team vs overpricing ng bunkhouses
Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng 6-man investigating team upang imbestigahan
ang kontrobersyal na anomalya sa umanoy overpricing ng mga bunkhouses na itinayo sa mga
survivors ng super bagyong Yolanda sa Samar at Leyte.
Backpack, paputok bawal
Aarestuhin ang sinumang indibidwal na magpapaputok o gagamit ng pyrotechnics sa prusisyon
ng Black Nazarene ngayon.
Bagong re-routing sa Nazarene
Nagpalabas ng bagong traffic re-routing ang Manila District Traffic Enforcement Unit sa
gagawing traslacion o prusisyon ng Poong Itim na Nazareno.
Tigdas kakalat sa prusisyon ng Black Nazarene
Nagbabala ang Department of Health sa posibleng pagkalat ng sakit na tigdas sa isasagawang
prusisyon ng Pista ng Itim na Nazareno sa lungsod ng Maynila ngayon.
January 10, 2014
House probe sa CCT iginiit
Dahil milyon-milyong piso ang nasayang sa Conditional Cash Transfer (CCT) program sa mga
ghost beneficiaries batay na rin sa report ng Commission on Audit (COA), muling nanawagan si
Gabriela Rep. Emmi de Jesus sa Kongreso na repasuhin ang kontrobersiyal na poverty alleviation
measure.
Evacuees ng Tent City uuwi na
Nakatakdang umuwi na sa kani-kanilang lalawigan sa Eastern Visayas ang mga evacuees na
nasalanta ng bagyong Yolanda at nanatili ng higit isang buwan sa tent city sa Pasay City.
Sekyu magbabantay sa gate ng Camp Crame
Tuloy na ang pagkuha ng Philippine National Police (PNP) sa serbisyo ng mga security guards
para magbantay sa mga gate ng Camp Crame.
Contractor ng bunkhouses sibakin
Sibakin na lang ang contractor ng mga bunkhouses ng mga biktma ng super typhoon Yolanda sa
Leyte at Samar at bigyan ng mga materyales sa paggawa ng bahay ang mga residente dito upang
sila mismo ang gumawa ng sarili nilang tirahan at mabuhay muli ang Bayanihan sa mga
biktima ng naturang bagyo.
Fishing permit ng China sa West Phl Sea pinalagan
Pinalagan kahapon ng Department of National Defense ang plano ng China na palakasin pa ang
puwersa nito sa pamamagitan pagpapatupad ng fishing permit sa pinagtatalunang teritoryo sa
West Philippine Sea (South China Sea).
7 power producers isama sa kaso - SC
Pinasasama ng Korte Suprema sa petisyon ng mga petitioners laban sa Meralco ang pitong
power producers kaugnay ng tinututulang pagtaas ng singil sa kuryente.
Libo sugatan sa Traslacion ng Nazareno
Umabot sa 1,000 deboto ng Itim na Nazareno ang nasugatan sa Traslacion nito na dinaluhan ng
mahigit 3 milyong deboto, kahapon ng umaga.
January 11, 2014
3 sakristan, nalunod
Tatlong sakristan ng Saint Jude Parish Church sa Tangalan, Aklan ang pawang nasawi makaraang
malunod sa isang post Christmas party na ginanap sa isang resort, sa Brgy. Tawili, Tangalan,
Aklan nitong Enero 6.
Lolo nagbigti dahil sa selos
Sa sobrang pagsusupetsa na may ibang umaangkin sa kanyang asawang OFW sa Hong Kong,
kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 60-anyos na lolo matapos itong magbigti sa kanyang
bahay sa Barangay Namboongan, bayan ng Sto. Tomas, La Union kamakalawa.
Mga nagwagi sa ika-12 Gawad Tanglaw
PRINT: Best Magazine Star Studio (ABS-CBN Publishing Inc.); Best Newspaper (Tabloid) Pilipino
Star Ngayon (PhilStar Daily, Inc.); Special Award: NATATANGING GAWAD TANGLAW SA SINING
NG PANULAT (Lualhati Bautista)
Lola pisak sa backhoe
Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 55-anyos na lola matapos itong magulungan ng
backhoe habang tumatawid sa kahabaan ng Benigno Aquino Avenue sa Iloilo City, Iloilo
kamakalawa. Sa ulat ng Iloilo City PNP na nakarating sa Camp Crame, ihahatid ng biktimang si
Teresita Jaravilla ang kaniyang apong lalaki sa eskuwelahan nang masagasaan.
Pagtugis kay Reynald Lim, tututukan ng PNP-CIDG
Ipaprayoridad ng bagong liderato ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-
CIDG) ang pagtugis kay Reynald Lim, ang kapatid ng kontrobersyal na si Janet Lim Napoles na
itinurong utak ng P10 bilyong pork barrel scam.
LPA namataang papasok sa PAR
Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR)
at kapag itoy naging ganap na bagyo ay tatawaging Agaton.
Gobyerno hindi papabayaan ang mamamayan
Inihayag kahapon ng Malacaang na hindi papabayaan ng gobyerno ang mamamayan sa gitna
ng bantang rotational brownout ng Meralco sa Luzon dahil sa kakapusan umano ng supply ng
kuryente.
Presyo ng bilihin bababa sa pag-amyenda sa Cabotage Law
Isa sa mga nakikitang susi sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin ang pag-repaso sa Cabotage Law
at ang pagtulak ng mga reporma sa shipping industry.
Debosyon ng Black Nazarene, hirap isapuso ng mga kabataan - CBCP
Inamin ng Simbahang Katolika na malaking hamon sa kanila na hikayatin ang mga kabataan na
isapuso at isabuhay ang tunay na debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.
PDAF issue Rep. Barzaga, hinamon si Sen. Escudero
Hinamon ni Dasmarias Rep. Elpidio Barzaga si Sen. Francis Escudero na ibulgar ang ilang
mambabatas na nag-realign ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork
barrel sa Local Government Units (LGUs) bilang isang assistance fund.
Mga bansang tumulong sa mga biktima ni Yolanda, pinasalamatan ni PNoy
Pinasalamatan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng bansang tumulong sa mga
biktima ng bagyong Yolanda at naging kaagapay ng Pilipinas sa pagkakamit ng mga layunin nito
para sa sambayanang Filipino.
Norway handa pa ring mamagitan sa peace talks
Nakahanda pa rin ang bansang Norway upang mamagitan o bilang facilitator sa peace talks ng
Pilipinas at Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa bantang brownouts Meralco nananakot Senators
Hindi natinag ang ilang senador sa banta ng Manila Electric Company (Meralco) na magkakaroon
ng rotating brownouts lalo na sa darating na summer matapos pigilin ng Supreme Court ang
pagpapatupad ng singil sa kuryente.
January 12, 2014
Drug den owner, tiklo sa PDEA at PNP
Tiklo sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police
(PNP) ang isang suspected drug den owner at kanyang dalawang bisita sa bisa ng isang search
warrant sa Vigan City, Ilocos Sur
Bunkhouses iinspeksiyunin ni Marcos
Iinspeksiyunin ni Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr., chairman ng Senate Committee on
Public Works sa susunod na linggo ang kontrobersiyal na mga bunkhouses na itinayo ng
Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Bunkhouses tatapusin ng DPWH ngayong Enero
Tatapusin ngayong buwan ng Enero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang
pagtatayo ng bunkhouses na gagamitin ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
Palasyo nagpaliwanag sa hindi pag-veto sa pork barrel ni Jinggoy
Nagpaliwanag kahapon ang Malacaang na hindi kasama sa mga na-veto ng Pangulong Benigno
Aquino III ang pork barrel funds ni Senator Jose Jinggoy Estrada na naging kontrobersiyal dahil
naglagay ito ng P100 milyong pondo sa Maynila kung saan ay Mayor ang kanyang ama na si
dating Pangulong Joseph Estrada.
Paglaganap ng tigdas, ikinabahala na rin ng DepEd
Maging ang Department of Education (DepEd) ay labis na ring nababahala dahil sa pagkakaroon
ng outbreak ng nakahahawang sakit na tigdas, na karaniwang biktima ay mga batang
estudyante.
Naistranded na dugong na-rescue ng DENR
Nailigtas ng isang team mula sa Biodiversity Management Bureau ng Department of
Environment and Natural Resources (BMB-DENR) ang isang dugong o seacow na napadpad sa
baybaying dagat ng Barangay Binulasan sa Infanta, Quezon.
Pinakamalamig na temperatura sa Baguio, nadama
Nadama ang pinaka- malamig na temperature sa Baguio City kahapon ng umaga nang bumagsak
sa 10.3 degrees Celsius ang lamig sa lungsod.
Villareal muling itinalaga sa MTRCB
Mananatili bilang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si
Atty. Eugene H. Villareal matapos itong italagang muli sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino
III.
NPA lalansagin na ng AFP!
Target ng pamunuan ng Armed Force of the Philippines (AFP) na lansagin na ngayong 2014 ang
nasa 3,000 pang puwersa ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na nagkukuta sa Eastern
Mindanao, Bicol Region at ilang bahagi ng Timog Katagalugan.
January 13, 2014
Lumang bus ibawal na sa kalye - solon
Panahon na umano upang ipagbawal ang mga imported at lumang bus na pinagmumulan ng
malalagim na aksidente sa lansangan.
Exercise vs tabatsoy sa PNP hahataw
Upang mapanatili ang magandang pangangatawan at maalis ang pagiging Tabatsoy ng mga
kapulisan, muling ibinalik ng Philippine National Police ang pag-ehersisyo sa buong unit nito.
2 gambling kolektor ginagamit ang PNP-CIDG, ipinapaaresto
Ipinaaaresto ng isang top brass official ng Philippine National Police sa kanyang mga tauhan ang
dalawang illegal gambling kolektor dahil ginagamit ng mga ito ang pangalan ng una para
magkamal ng malaking halaga ng salapi.
Rolbak naman
Magbibigay ng rolbak sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa
umpisa ng madaling araw ngayong Lunes.
Pekeng kasal ng mga dayuhan bistado ng BI
Nabuking ng Bureau of Immigration (BI) ang umanoy pekeng pagpapakasal ng mga Indian
nationals sa mga Filipina sa bansa.
Casino tambayan ng assassins
Nababahala si Valenzuela Rep.Sherwin Gatchalian dahil sa nagiging tambayan na umano ng mga
assassins ang mega-casinos kaya patuloy ang pagtaas ng transnational crimes sa bansa.
Natl Day of Prayer sa Enero 20
Hinihikayat ng Palasyo ang mga mamamayang Pinoy na makiisa sa National Day of Prayer sa
darating na Enero 20 sa gitna na rin ng sunud-sunod na trahedya na dumating sa bansa.
5 probinsiya lumubog 4-libo inilikas sa baha dahil sa LPA
Pumalo na sa 4,253 ang mga inilikas na residente sa limang lalawigan sa Mindanao dahil sa
pagbahang dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA).
January 14, 2014
Unang Cardinal sa Mindanao, itatalaga ng Santo Papa
Nakatakdang italaga ng Santo Papa bilang Cardinal si Cotobato Archbishop Orlando Quevado na
kauna-unahang magiging Cardinal na mula sa Mindanao.
Palpak na doktor, maari ng kasuhan ng PMA
Maaaari nang magsampa ng kaukulang kaso at magbigay parusa ang Philippine Medical
Association (PMA) laban sa mga palpak na doktor na miyembro nito.
Utang na loob sa power generators itinanggi ng Palasyo
Itinanggi ng Malacaang ang paratang ni Sen. Antonio Trillanes IV na kaya hindi maipagtanggol
ng gobyerno ang mga electric consumers sa nakaambang mataas na singil sa kuryente ay dahil
sa utang na loob sa mga power generators.
No ID, no entry ipapatupad sa Camp Crame
Ultimo heneral, no ID, no entry sa Camp Crame!
Klase sa ilang lalawigan sa Mindanao, sinuspinde
Suspendido ang klase ng mga estudyante sa ilang lalawigan sa Mindanao na apektado ng Low
Pressure Area (LPA).
Performance ratings ni Drilon bumaba
Katulad ni Pangulong Benigno Aquino III, bumaba rin ang performance at trust ratings ni Senate
President Franklin Drilon sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia.
LPA, patuloy na mananalasa sa Mindanao - PAGASA
Lalo pang tumindi ang buhos ng ulan sa hilagang bahagi ng Mindanao dahil sa umiiral na Low
Pressure Area (LPA).
PNoy sa NDRRMC: tulungan ang mga biktima ng baha
Pinakikilos ni Pangulong Benigno Aquino III ang National Disaster Risk Reduction and
Management Council (NDRRMC) upang tulungan ang mga biktima ng pagbaha sa Mindanao.
Baha na, landslide pa Delubyo sa Mindanao 14 patay
Matapos tamaan ng super bagyong Yolanda ang area ng Visayas noong nakaraang taon, ay
delubyo naman ng baha at landslide na dala ng Low Pressure Area (LPA) ang nanalasa sa
Mindanao, kung saan ay 14 na katao ang iniulat na nasawi at 13 pa nawawala.
Yolanda death toll: 6,201 na
Patuloy pang lumalaki ang bilang ng mga nasawi mula sa bagyong Yolanda, higit dalawang
buwan na ang nakararaan.
Early registration ng DepEd sa Enero 25 na
Inanunsyo ng Department of Education ngayong Martes na sisimulan sa Enero 25 ang early
registration sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Umano'y 'David Tan' nakipagkita kay De Lima
Nakipagkita ang umanoy rice smuggling king mula Davao na si David Tan kay Justice Secretary
Leila de Lima ngayong Martes ng umaga.
Pagkabawi ng 'Malacaang Collection,' isang tagumpay ng mga Pinoy - PCGG
Isang panalong maituturing ng pinuno ng Presidential Commission on Good Government (PCGG)
ang desisyon ng Sandiganbayan na bawiin ang mga alahas ni dating first lady Imelda Marcos.
'David Tan' dinakip ng NBI
Matapos makipagkita kay Justice Secretary Leila de Lima, inaresto ng National Bureau of
Investigation (NBI) ngayong Martes si Davidson Bangayan ang umanoy nasa likod ng talamak na
rice smuggling sa bansa.
Emergency powers 'di kailangan - PNoy
Hindi na kailangan pang gumamit ng emergency powers upang maresolba ang isyu sa singil sa
kuryente, ayon sa Pangulo ngayong Martes.
'Yolanda' sinisisi ni Noy sa mataas na poverty incidence
Itinuturo ni Pangulong Benigno Aquino III ang hagupit ng bagyong Yolanda na dahilan kung bakit
tumaas ang poverty incidence sa bansa.
January 15, 2014
Pagkuha ng SSS ID 10 days na lang
Bibilang na lamang ngayon ng 10 araw at hindi na mahigit isang buwan bago makuha ang SSS ID.
NPA sa Pampanga nalipol na
Insurgency free na ang Pampanga matapos malipol na ng tropa ng militar ang mga rebeldeng
New Peoples Army (NPA) na namumugad sa lalawigan.
Bgy. chairman arestado sa raid ng 30 armado
Inaresto ang isang kapitan ng barangay makaraang pamunuan umano ang may 30 armadong
lalaki sa pagsalakay sa isang security outpost ng isang land developer sa Sitio Balukbok, Bgy.
Hacienda Dolores, Porac, Pampanga.
Kaalyado ni PNoy asang idedeklarang legal ang DAP
Umaasa ang ilang kaalyado ni Pangulong Aquino sa Kamara na ide-deklarang constitutional ng
Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program (DAP).
E-powers kay PNoy inihain sa Senado
Inihain na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng emergency powers si
Pangulong Aquino sa gitna na rin ng bantang rotating blackouts ng Manila Electric Company
(Merlaco).
Early registration sa public Elem., HS sa Enero 25 na
Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Enero 25, 2014 ang early registration para sa
lahat ng public elementary at secondary schools sa buong bansa.
NBI clearance dapat 10 minuto lang - Recto
Ipinaalala kahapon ni Senator Ralph Recto ang naging pangako ng National Bureau of
Investigation (NBI) na 10 minuto lamang ang itatagal ng pagpo-proseso ng NBI clearance ng mga
mamamayan na nangangailangan nito.
Habang maraming jobless Pinoy DOLE naglaan ng trabaho sa mga dayuhan, binatikos
Mariing kinondena ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pahayag ni Labor Secretary Rosalinda
Baldoz na ang pamahalaan ay magbubukas ng trabaho para sa mga dayuhan na nakatira sa
Pilipinas.
David Tan inaresto
Tuluyan nang inaresto ang hinihinalang rice smuggler na si David Tan ilang oras makaraang ito ay
lumutang sa DOJ kahapon ng umaga.
VAT sa kuryente rerebyuhin
Rerebisahin na rin ng Kamara ang buwis na ipinapataw sa kuryente na nagiging dahilan ng
pagtaas ng presyo nito at naipapasa naman sa mga consumers.
Kuryente sa summer pinaghahandaan
Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Energy (DOE) ang magiging sitwasyon sa suplay ng
enerhiya sa Visayas pagsapit ng summer kung kailan pinakamalakas ang pangangailangan sa
kuryente.
24 patay, 12 nawawala sa patuloy na pag-ulan sa Mindanao
Umakyat na sa 24 ang nasawi dahil sa walang tigil na ulan sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon
sa disaster response agency.
Cashless Purchase Card ipagagamit sa ilang gov't agencies
Sa patuloy na kampanya kontra korapsyon, inilunsad ngayong Miyerkules ang Cashless Purchase
Card (CPC) program kung saan hindi na kinakailangan pang gumamit ng cash o ng mga tseke sa
transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
'David Tan' pansamantalang laya - De Lima
Inilagay ng National Bureau of Investigation sa look-out bulletin ang negosyanteng si Davidson
Bangayan, ang itinuturong David Tan na nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling sa bansa.
January 16, 2014
Fisheries law ng China di kikilalanin - DFA
Nanindigan kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kikilalanin ng Pilipinas ang
bagong fisheries law na ipinatutupad ngayon ng China sa Hainan province, na sakop ng West
Philippine Sea (WPS).
15 trabaho na mahirap punan inilabas ng DOLE
Nagpalabas ng talaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa 15 uri ng trabaho na
itinuturing na hard to fill o mahirap punan sa Pilipinas, na maari ding gamiting gabay ng mga
papasok sa kolehiyo o pipili ng kurso.
Chlorox sa tubig na inumin, pwede - DOH
Upang mas makatiyak na ligtas inumin ang tubig, partikular sa mga lugar na binaha,
pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga residente ng lugar na haluan ng chlorox
o household bleach ang tubig. Itoy dahil sa maaring makakuha ng sakit sa mga kontaminadong
tubig na iinumin, bukod sa mga sakit na dengue at leptospirosis.
Napoles nag-50th b-day sa kulungan
Matapos ang ilang taong tila piyesta at magagarbong handaan, mga bisitang buena pamilya at
mga VIPs na mga opisyal, ordinaryo na lamang ang naging pagdiriwang ng ika-50 taong
kaarawan ng tinaguriang P10B pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles sa kaniyang
kulungan sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna kahapon.
Ban vs naptalina sa QC isusulong
Isusulong ni Quezon City councilor Karl Castelo ang pagbabawal sa pagbenta at paggamit ng
mothballs o naptalina sa naturang lungsod dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga
mamamayan.
LPA posibleng maging bagyo
May tsansa na maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na patuloy na nananalasa sa
Mindanao.
Davidson Bangayan ilalagay sa lookout bulletin ng BI
Ilalagay ng Department of Justice (DOJ) sa look-out bulletin ng Bureau of Immigration (BI)
ang negosyanteng si Davidson Bangayan, na pinaniniwalaang siya rin ang David Tan na
inaakusahang big time rice smuggler sa bansa.
Pinay caregiver wagi sa X-Factor Israel
Muling pinatunayan ang galing ng mga Pinoy matapos itanghal na first winner sa X-Factor Israel
ang 47-anyos na pambato ng Pilipinas sa kilalang international talent competition na X-Factor
Israel.
Prangkisa ng iba pang bus kanselahin din!
Dapat isunod na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang
pagkansela sa prangkisa ng iba pang mga bus company na madalas ng nasasangkot sa vehicular
accident kung saan maraming mga pasahero ang nasasawi at nasusugatan.
Patay sa walang tigil na ulan sa Mindanao tumaas pa
Lumobo pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa, ayon sa
disaster response agency.
Ika-50 kaarawan ni Napoles, normal na araw lang sa selda
Naging payak na araw lamang ang selebrasyon ng ika-50 kaarawan ng itinuturong utak sa likod
ng bilyung-bilyong pork barrel scam Janet Lim-Napoles kahapon sa kanyang kulungan.
Pagtanggal ng VAT sa kuryente suportado ng 4 senador
Sang-ayon ang apat na senador sa mungkahing tanggalin na ang 12 percent Value Added Tax
(VAT) sa singil sa kuryente.
Palasyo: Naniniwala sa kampanya vs katiwalian marami pa rin
Bagamat maraming negosyante ang naniniwalang lumalala ang korapsyon sa bansa, pasalamat
ang Palasyo sa mas mataas na bilang ng mga Pilipinong naniniwalang may epekto ang ginagawa
ng gobyerno laban dito.
Korean #1 sa mga dayuhang kriminal sa bansa - Immigration
Nangunguna ang mga Korean sa bilang ng mga turista sa bansa, ngunit sila rin ang may
pinakamataas na bilang ng mga kriminal na naaresto sa Pilipinas.
Kampo ni Bangayan may hinalang sinusuhulan ang DOJ
Naniniwala ang kampo ng negosyanteng si Davidson Bangayan na sinusuhulan ng sindikato ang
Department of Justice upang siya ang iturong David Tan na umanoy nasa likod ng rice
smuggling sa bansa.
January 17, 2014
Mendez bagong NBI chief
Itinalaga na si Deputy Director for Regional Services Virgilio Mendez bilang bagong hepe ng
National Bureau of Investigation (NBI).
Patas na imbestigasyon sa tax evasion ng tabako hingi
Nanawagan si Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa gobyerno na magsagawa ng patas na
imbestigasyon kaugnay sa mga akusasyon ng tax evasion, smuggling at hindi tamang
deklarasyon sa lahat ng kumpanya ng tabako.
Bidding sa MCIA gawing transparent
Nanawagan si Citizen Battle Against Corruption partylist Rep. Sherwin Tugna sa Department of
Transportation and Communication (DOTC) na siguruhing tama ang proseso sa bidding ng
Mactan Cebu International Airport.
FPA ipapatawag sa rice smuggling
Ipatatawag ng National Bureau of Investigation si Jesus Arranza, presidente ng Federation of the
Philippine Authorities, para makuhanan ng salaysay kaugnay ng kanyang nalalaman sa talamak
na smuggling ng bigas sa bansa.
Paglusaw sa VAT sa kuryente pag-aaralan pa - Palasyo
Malamig ang pagtanggap ng Palasyo sa panukala ng ilang mambabatas na alisin ang Value
Added Tax (VAT) sa kuryente.
15 lugar nasa state of calamity dahil sa LPA
Isinailalim na sa state of calamity ang 15 lugar dahil sa Low Pressure Area (LPA) na nagdulot na
ng landslide at flashflood sa ilang bahagi ng Mindanao.
Mahistrado hinamon sa paggamit ng savings
Hinikayat ni Dasmarias City Cong. Elpidio Barzaga, Jr., ang mga mahistrado ng Korte Suprema
na bigyan pansin ang gawain ng mga nagdaang Punong Mahistrado sa paggamit ng kanilang
savings.
Ping binalaan sa cheap na bakal sa rehab work
Binalaan ng mga eksperto sa industriya ng bakal sa Pilipinas si rehabilitation czar, Panfilo Ping
Lacson sa pakikipag-negosasyon sa mga nag-aalok ng mga produktong bakal na gamit sa
pagpapatatag ng mga gusali na bagamat mas mura ay hindi naman nakasunod sa pamantayan
ng Department of Trade and Industry (DTI).
Agenda ng Palasyo sa DAP ibinuking ng LP solon
Binatikos kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) Secretary-General Toby Tiangco ang
pagkokondisyon ng administrasyon sa isip ng publiko para tanggapin nito ang ligalidad ng
Disbursement Acceleration Program.
Mass arrest vs illegal Pinoys sa Malaysia
Uumpisahan na ng Malaysian government ang malawakang crackdown na tinawag na Ops
Bersepadu laban sa mga dayuhan kabilang na ang mga Pinoy na illegal na nananatili at
nagtatrabaho sa Malaysia sa Enero 21.
34 na patay sa Mindanao flashfloods, landslides
Umabot na sa 34 ang mga nasawi dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Mindanao, ayon sa state
disaster response agency ngayong Biyernes.
LPA patuloy na makakaapekto sa VisMin - PAGASA
Inaasahang uulanin pa rin Mindanao at ilang bahagi ng Visayas, partikular sa Eastern Visayas
dahil sa patuloy na epekto ng low pressure area (LPA).
Ahensya vs terorista isinusulong ng mga Arroyo
Nais ng mga kongresistang Arroyo na magkaroon ng ahensyang nakatutok kontra sa mga
terorista sa bansa.
Unang bagyo ngayong 2014 nabuo sa Eastern Samar
Ganap nang naging bagyo ang low pressure area sa Visayas at Mindanao, ayon sa state weather
bureau ngayong Biyernes.
New Year's resolution ni PNoy mananatili - Palasyo
Walang balak makipag-ayos si Pangulong Benigno Aquino III sa mga nanira sa pagtugon ng
gobyerno sa mga pangangailangan ng mga hinagupit ng bagyong Yolanda.
January 18, 2014
Oil tanker tumagilid sa kalye, langis tumagas
Isang oil tanker na naglalaman ng higit sa 10,000 litro ng langis ang tumagilid sa Payatas Road,
Quezon City kahapon.
Palaro athletes sasailalim sa tigdas screening
Upang matiyak na ligtas sa sakit na tigdas ang isang batang atleta, pinapasailalim sa medical
screening ang mga batang atleta na lalahok sa isang linggong Palaro sa NCR.
P8 M pondo para sa kidney patients ng QC
Mula sa halagang P5 milyon, itinaas na ng QC government sa P8 milyon ang laang pondo para
libreng makapagpagamot ang mga kidney patient ng National Kidney and Transplant Institute
(NKTI) na taga QC at para sa mga empleyado ng QC hall.
9 probinsiya signal no. 1 Agaton unang bagyo ng 2014
Ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) sa silangan ng bansa at ito ay tinawag na
Agaton, ang kauna-unahang bagyo ngayong 2014.
Walang pressure sa DAP solon
Walang anumang pressure na ibinibigay ang administrasyon sa Korte Suprema para
magdesisyon ito ng pabor sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
NPA banta pa rin sa seguridad AFP
Sa loob ng mahabang dekada, nananatili pa ring nangunguna ang mga rebeldeng New Peoples
Army (NPA) sa hanay ng mga armadong grupo na banta sa pambansang seguridad.
Substandard na bakal di palulusutin - Palasyo
Siniguro ng Malacanang na hindi gagamitan ng mga substandard na bakal ang itinatayong mga
gusali sa mga lugar na sinalanta ni bagyong Yolanda.
RH Law sinisi sa paglala ng pornography
Isinisi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Public Affairs
chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa Reproductive Health Law ang laganap na
pornograpiya sa Pilipinas.
Denmark maglalagay ng Embahada sa Pinas
Inianunsyo kahapon ng pamahalaan ng Denmark ang plano ng muling pagbubukas ng Danish
Embassy sa Pilipinas sa Agosto kasunod ng pag-aalis ng kanilang operasyon noong 2002.
US Embassy sarado sa Enero 20
Sarado ang US Embassy sa Maynila sa darating na Enero 20 dahil sa paggunita ng Dr. Martin
Luther King Jr. Day.
Gobyerno kasabwat ng rice smugglers - CBCP
Naniniwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magkasabwat ang ilang
tiwaling opisyal ng gobyerno at rice smugglers sa bansa.
9 probinsiya signal no. 1 Agaton unang bagyo ng 2014
Ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) sa silangan ng bansa at ito ay tinawag na
Agaton, ang kauna-unahang bagyo ngayong 2014.
Child pornography sa Pinas malala na PNP
Dahil sa kahirapan, patuloy na lumalala ang problema ng cybercrime partikular na ang child
pornography sa internet o ang kontrobersyal na isyu ng mga kabataang biktima ng pedophile
ring sa bansa.
January 19, 2014
Blackout Protest sa Enero 21 lalarga
Idineklara ng labor group Kilusang Mayo Uno (KMU) sa darating na Enero 21 ang Blackout
protest bilang pambansang pagkondena ng mga manggagawa sa taas singil sa kuryente na nais
na maipatupad ng Meralco.
Dayalogo ng China sa fishing rules oks sa Palasyo
Welcome sa Malacaang ang kahandaan ng China na makipag-dayalogo upang pag-usapan ang
fishing rules sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Magulang mananagot sa child prostitution
Nagbabala kahapon ang Malacaang sa mga magulang na sila pa mismo ang nagtutulak sa
kanilang mga anak sa child prostitution na may pananagutan sila sa batas.
Suhulan sa BOC sa rice smuggling bubusisiin
Tiniyak kahapon ni Senator Cynthia Villar na isasama ng kanyang komite sa gagawing
imbestigasyon sa Enero 22 ang sinasabing suhulan sa Bureau of Customs kaya talamak pa rin ang
rice smuggling.
Nagbabanta sa N. Mindanao: Agaton lumihis
Lumihis ng direksyon ang bagyong Agaton at nagbabanta ito ngayon sa mga lalawigan ng
Northern Mindanao makaraang tumaas ng bahagya ang tinutumbok na direksyon ng naturang
bagyo.
DOJ kinalampag ng BIR sa tax cases
Pinareresolba na ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares sa Department of Justice ang
mga naisampa nitong kaso sa ahensiya dahil ang anumang pagbagal sa pagkilos sa mga kaso ay
nangangahulugan ng malamyang anti-tax evasion drive ng pamahalaan.
Toxic-free schools target ng DepEd
Desidido ang Department of Education (DepEd) na gawing toxic-free ang mga paaralan sa
bansa sa paglulunsad ng information campaign laban sa mga nakalalasong kemikal na
matatagpuan sa mga gamit at school supplies ng mga estudyante.
37 na patay sa walang tigil na ulan!
Pumalo na sa 37 ang death toll matapos na ang nararanasang Low Pressure Area (LPA) sa
Visayas at Mindanao may ilang araw na ay maging ganap na bagyong Agaton na nakaapekto na
rin sa halos 500,000 katao.
January 20, 2014
Natl Day of Prayer idaraos ngayon
Ngayong hapon pangungunahan ni Pangulong Aquino ang national day of prayer sa Malacaang
na may temang isang bansa, isang panalangin na gaganapin sa Malacaang Grounds.
Tax exempt sa X-Factor winner giit
Umapela sa Bureau of Internal Revenue (BIR) si OFW partylist Rep. Roy Seeres na huwag pilitin
ang caregiver sa Israel na si Rose Fostanes na magbayad ng buwis mula sa napanalunan nitong
talent contest.
Processed foods mula Japan kontaminado ng malathion
Pinababawi ng Food and Drugs Administration (FDA) sa mga merkado ang mga processed food
products na mula sa Japan upang matiyak na hindi ito maipagbibili sa bansa.
Baguio lumamig pa, 8.1 C naitala
Lalong tumindi ang lamig sa Baguio City matapos maitala ang pinakamababang temperatura sa
lungsod sa 8.1 degrees celcius.
Revilla magsasalita ngayon sa pork scam
Magsasalita na ngayon sa pamamagitan ng privilege speech sa Senado si Sen. Ramon Bong
Revilla Jr. matapos siyang idawit sa pork barrel scam noong nakaraang taon.
10-M aso babakunahan ng DOH
Tinitiyak ng Department of Health na magiging ligtas sa kamandag ng aso ang Pilipinas.
Bagyo lumakas kahit bumagal Patay kay Agaton, 40 na
Umakyat na sa 40 katao ang bilang ng nasasawi, habang nanatili sa lima ang nawawala sa
pananalasa ng bagyong Agaton.
Smuggling, no way sa DA!
Malamang nagagamit umano ng rice smuggling syndicate si Atty. Argee Guevarra, abugado at
lider ng militanteng Sanlakas party-list na ang sinasabing utak ng rice smuggling na si David Tan
ay phantom o gawa-gawa lamang ng mga gustong pagtakpan ang isyu.
Daan-libong pamilya apektado kay 'Agaton'
Higit 153,000 pamilya na ang naapektuhan ng bagyong Agaton sa ilang bahagi ng Mindanao,
ayon sa state disaster response agency.
FOI bill puwedeng pumasa sa Senado sa Marso
Target ng Senado na maipasa sa Marso ang kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) bill
sa pagsisimula ng plenary debates ngayong Enero.
Duterte kay De Lima: Mahina kayo, mahiya naman kayo!
Dismayado si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa aniyay kapalpakan ni Justice Secretary Leila
de Lima na mapanagot ang negosyante at itinuturong rice smuggling king David Bangayan.
'Agaton' balik LPA, magdadala pa rin ng malakas na ulan
Inaasahang uulanin pa rin ang ilang bahagi ng Mindanao kahit bumalik na sa pagiging low
pressure area (LPA) ang bagyong Agaton ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Huwag n'yo sana akong husgahan Sen. Bong Revilla
Nakiusap ang kontrobersiyal na senador Bong Revilla Jr. sa publiko na bigyan siya ng
pagkakataong makapagpaliwanag mula sa kabi-kabilang batikos na ibinabato sa kaniya kaugnay
ng bilyung-bilyong pork barrel scam.
Bong kay Noy: 'Ito ba ang daang matuwid?'
Binanatan ni Senador Bong Revilla Jr. ngayong Lunes ang administrasyong Aquino at sinabing
pakitang-tao lamang ang kanilang ginagawa.
De Lima kay Duterte: Nagtatrabaho po kami
Sinagot ni Justice Secretary Leila de Lima ang pambabatikos sakanya ni Davao City Mayor
Rodrigo Duterte tungkol sa isyu ng rice smuggling sa bansa.
January 21, 2014
133 sundalo positibo sa droga
Umaabot sa 133 sundalo ang positibo sa paggamit ng illegal na droga kaugnay ng isinagawang
random drug testing sa mga opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Purisima di-pabor sa national ID
Hindi pabor si Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima na muling isulong
ang pagbuhay sa kontrobersyal na national Identification (ID) system para sa bawat
mamamayang Pilipino.
44 NPA landmine nasamsam
Umiskor ang tropa ng militar kasunod ng pagkakasamsam sa 44 landmine ng mga rebeldeng
New Peoples Army sa isinagawang operasyon sa liblib na bahagi ng Barangay Mansanitas,
Agusan del Sur kamakalawa.
Umawat sa away kinatay
Patay ang isang mister matapos pagsasaksakin ng dalawang lasing na inawat ng una sa isang
kaguluhan na naganap sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
720,000 katao apektado ng kalamidad sa Mindanao
Lumobo pa sa 720,000-katao ang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan sa ilang rehiyon ng
Mindanao habang nasa P328, 814,336.92 halaga ng ari-arian ang napinsala sa kalamidad.
Panuntunan para sa anti-drunk at drugged driving law, hinihintay pa rin
Patuloy na naghihintay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang
law enforcement agency sa implementing rules and guidelines para sa Anti-Drunk and
Drugged Driving Act na layong mawalis ang mga lasenggo at adik na motorista sa bansa.
2 Diocese sa Surigao, nagpapasaklolo
Nagpapasaklolo sa publiko ang Social Action Center ng Diocese of Tandag at Diocese of Mati sa
Surigao Del Sur sa tulong na pagkain, tubig at gamot na kailangang-kailangan nila para sa libu-
libong residente na kinakalinga ngayon sa mga evacuation center bunsod ng patuloy na
nararanasang malakas na ulan na dala ng bagyong Agaton.
Masigasig ngayon ang Kamara - SB
Siniguro ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na masigasig ngayon ang Kamara sa
pagsisimula ng sesyon ng Kongreso kahit na wala na silang pork barrel.
Ekonomiya ng bansa, bumagsak - Pulse Asia
Isa sa dalawang Pinoy ang naniniwalang bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 12
buwan.
Agaton humina, LPA na lamang ngayon
Humina na ang bagyong Agaton at ito ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA).
Magsasaka nagpasaklolo kay Villar Piso-piso vs rice smugglers
Naglunsad ang mga maliliit na magsasaka na karamihan ay nagmula sa Northern at Central
Luzon ng Piso-piso campaign upang magkaroon ng pondo na magagamit bilang reward sa
sinumang tetestigo sa imbestigasyon ng Senate Committee on Agriculture at magtuturo ng mga
big time smugglers ng bigas sa bansa.
Im not afraid, lalaban ako: PNoy inupakan ni Bong
Matapos ang ilang buwang pananahimik, nagsalita na rin kahapon si Senator Ramon Bong
Revilla Jr., tungkol sa isyu ng pork barrel scam kung saan ay inupakan niya ng batikos si
Pangulong Benigno Aquino III at tahasang inakusahan ng pakikialam sa impeachment trial ni
dating Chief Justice Renato Corona.
Higit 100 sundalo adik!
Higit 100 sundalo ang nagpositibo sa random drug test nitong nakaraang taon, ayon sa
tagapagsalita ng militar.
Metro Manila at Baguio bahagyang uminit
Bahagyang tumaas ang temperatura sa Metro Manila at Baguio City ngayong Martes ng umaga,
ayon sa state weather bureau.
Pulong nina PNoy at Revilla, hindi dapat nangyari - legal expert
Mali ang pakikipagpulong ni Senador Bong Revilla Jr. kay Pangulong Benigno Aquino III habang
gumugulong ang impeachment trial sa nooy Chief Justice Renato Corona, ayon sa isang
dalubhasa sa batas.
'Pork scam' whistleblowers: Malakas ang ebidesnya kay Revilla
Nagtataka ang kampo ng pork barrel scam whistleblowers kung bakit biglang itinanggi ni
Senador Ramon Bong Revilla Jr., ang kanyang mga pirma at sinabing professional forgers ang
mga testigo.
800K katao apektado kay 'Agaton'
Lumobo na sa 800,000 katao ang apektado sa bagyong Agaton ayon sa state disaster response
agency ngayong Martes.
PNoy, Abad kinasuhan ng pandarambong dahil sa Malampaya
Nahaharap sa kasong pandarambong sina Pangulong Benigno Aquino III, Budget Secretary
Florencio Abad at Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes kaugnay sa maanomalyang
P125-million Malampaya Funds.
Sen. Miriam: Walang mali sa pulong ni Noy at Revilla
Walang nakikitang mali ang beteranang senadora Miriam Defensor-Santiago sa pakikipagpulong
ni Pangulong Benigno Aquino III kay Senador Ramon Revilla Jr. habang nililitis ang nooy Chief
Justice Renato Corona noong 2012.
Davidson Bangayan at 'David Tan' iisa lang
Idiniin pa ang negosyanteng si Davidson Bangayan na nasa likod ng bilyung-bilyong rice
smuggling sa bansa matapos maghain ng ebidensya ang pinuno ng Federation of the Philippine
Industries.
January 22, 2014
Allowance, bonuses ng GOCCs sasailalim sa House inquiry
Magsasagawa ang Kamara ng pagdinig sa umanoy hindi awtorisa- do at sobra-sobrang al-
lowances ng mga opisyal ng government-owned and controlled corpora- tions (GOCC).
Pinay X-Factor ok na bilang singer sa Israel
Pinayagan na ng Israeli government ang Pinay X-Factor Israel winner na magtrabaho bilang
singer kasunod ng kanyang kahilingang mabigyan ng visa bilang isang artist o entertainer sa
nasabing bansa.
Paghabol sa rice smugglers nauuwi sa extortion sa mga lehitimong Fil-Chinese
Nagbabala ang consumer group sa ginagawang aksyon ng mga awtoridad na humahabol sa
tunay na mga rice smugglers sa bansa dahil naghahatid ito sa mga lehitimong negosyanteng Fil-
Chi nese sa extortion, panlilibak at atake.
Caloocan to Manila, 20-30 minuto na lang sa Expressway link project
Mula sa kasalukuyang 2 oras, aabu- tin na lamang ng 20 minuto hanggang 30 minuto ang
magiging biyahe ng mga motorista na magmumula sa Caloocan papuntang Maynila at vice versa.
Dokumento na iisa si Davidson Bangayan at David Tan hawak ng DOJ
Hawak na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang dokumentong magpapatunay na umamin
si Davidson Bangayan na alyas niya ang David Tan.
Cha-cha malabo na
Malabo nang maisulong pa ang Charter change o Cha-cha sa nalalabing panahon ng
administrasyong Aquino.
Koneksiyon ni Justice Ong kay Napoles imbestigahan! - SC
Inutos ng Korte Suprema na isailalim sa imbestigasyon si Sandiganbayan Associate Justice Gre-
gory Ong kaugnay sa koneksyon nito sa itinuturong pork barrel scam queen na si Janet Lim
Napoles.
Hindi impeachable
Hindi maituturing na impeachable offense ang ginawang pakikipag-meeting ni Pangulong
Aquino kay Sen. Bong Revilla upang pag-usapan ang impeachment ni dating Chief Justice Renato
Corona.
Pulitikong dawit sa PDAF, DAP matatalo sa 2016 - Miriam
Sigurado si Senator Miriam Defensor-Santiago na matatalo sa eleksiyon sa 2016 ang sinumang
pulitiko na tatakbo sa national public office na nadawit sa PDAF (priority development assistance
fund) at DAP (disbursement acceleration program) scam.
Payo kay Revilla Magsampa ng impeachment complaint
Pinayuhan ni House Majority leader Neptali Gonzales si Sen. Bong Revilla na magsampa ng
impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino dahil sa umanoy isiniwalat nitong pang-
iimpluwensiya sa Corona impeachment.
PNoy umaming kinausap ang senators
Inamin kahapon ni Pangulong Aquino na bukod kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ay may ilang
senator-judges pa ang kanyang kinausap para sa impeachment trial noon ni dating SC Chief
Justice Renato Corona sa Senado.
Pangangalaga sa karapatang pantao, palpak - grupo
Umabot na sa 26 ang bilang ng mga nasasawing mamamahayag mula nang umupo sa puwesto si
Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa Human Rights Watch (HRW).
PNoy posibleng masibak sa puwesto
"If you can impeach some guy for not filling in his SALN completely, you can surely impeach
someone for trying to distort the outcome of the case, improperly."
PNoy pinatutsadahan si Revilla, 'Ito po ang daang matuwid'
Hindi pinanday ng pantasya, at mas lalong hindi gawa-gawa na parang eksena sa isang
pelikulatotoo at kongkretong mga proyekto ang hatid ng ating tuwid at mabuting
pamamahala para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
'David Tan' humarap sa Senado
Itinanggi pa rin ng negosyanteng si Davidson Bangayan na siya at si David Tan ang itinuturong
nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling sa bansa ay iisa.
January 23, 2014
Nagtutulak ng child cybersex bitayin! -- Karl
Dapat nang ipatupad ang cybercrime law sa bansa upang tuluyan nang malabanan ang cybersex
na bumibiktima sa mga batang Pilipino.
Salceda, 2013 Filipino of the Year ng PAPI
Napili at pararangalan ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) si Albay Gov. Joey
S. Salceda bilang 2013 Filipino of the Year sa gaganaping 18th National Press Congress nito sa
Pebrero 21-22, 2014 sa Isabela Hotel, Cauayan City Isabela.
UST may grand reunion
Isang Grand Reunion ang idaraos ng alumni ng University of Santo Tomas-Faculty of Arts and
Letters (UST-Artlets) Batch 1981 sa Enero 25, 2014 na sesentro sa paglulunsad ng kanilang social
assistance program na tinawag na TARALETS Help Project sa Manila Yacht Club (MYC), Roxas
blvd. sa Manila.
Isda sa Taal Lake nauubos na!
Malamang na magkulang ang bansa sa suplay ng mga isdang tabang tulad ng bangus at tilapia
dahil sa pagkamatay ng naturang mga isda sa Taal Lake partikular sa apat na barangay sa Talisay,
Batangas.
Rep. Marcos dinalaw si CGMA
Binisita na rin ni Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos sa Veterans Memorial Medical
Center (VMMC) si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Patrol ships ikakalat ng China sa WPS
Sa kabila ng pagkondena at babala ng Pilipinas, magpapadala na ang China ng kanilang
malalaking civilian patrol ships sa pinag-aagawang teritoryo na layuning tuluyang kontrolin at
sakupin ang South China Sea o West Philippine Sea (WPS).
Gulo sisiklab sa Mindanao! MNLF
Nagbabala kahapon ang Moro National Libe-ration Front (MNLF) sa nakaambang pagsiklab muli
ng giyera sa Min-danao kapag naisapinal na ang peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at
Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Malaysia.
PNoy pinagso-sorry
Dapat mag-sorry sa publiko si Pangulong Aquino dahil sa umanoy pang-iimpluwensiya nito sa
mga Senator Judges noong Corona impeachment trial.
Davidson Bangayan idiniing si David Tan
Sa kabila nang pagtanggi ni Davidson Bangayan na siya si David Tan na sinasa-bing sangkot sa
smuggling ng bigas sa bansa, nanindigan si Justice Sec. Leila de Lima na may mga ebidensiyang
hawak ang National Bureau of Investigation na si Bangayan at Tan ay iisang tao.
Trapik sa MM gagaan sa 2017
Inaasahang tuluyan nang gagaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila sa taong 2017 sa
sandaling matapos na ang P27 bilyong Metro Manila Skyway Stage 3 (MMS) project na mula
Buendia sa Makati City hanggang sa Balintawak, Quezon City.
Solon kay Bong: Harapin si Luy
Nanawagan si Iloilo City Congressman Jerry Trenas kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. na itigil
ang paninisi kay Pangulong Aquino sa mga kasong kinakarahap ng senador.
Panday ng pantasya, resbak ni PNoy kay Bong
Hindi pinanday na pantasya at gawa-gawa na parang eksena sa pelikula ang narating na
tagumpay ng daang matuwid ng gobyernong Aquino.
49 na patay kay 'Agaton'
Umakyat na sa 59 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong "Agaton" sa Mindanao,
ayon sa state disaster response agency.
NBI clearance online na!
Hindi na kailangang pumila pa upang makakuha ng clearance mula sa National Bureau of
Investigation (NBI) dahil magagawa na ito online simula sa Biyernes.
Enero 23 dapat gawing national holiday - Chief Justice Sereno
Naniniwala si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat gawing national
holiday ang Enero 23 kung saan ginugunita ang First Philippine Republic Day.
January 24, 2014
Pinoy na maaaresto sa crackdown sa Malaysia, kulong ng 2-6 buwan
Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa mga undocumented Pinoy lalo na sa
mga overseas Filipino workers na agad na makipag-ugnayan sa kanila upang makaiwas sa
posibleng pagkakakulong ng dalawa hanggang anim buwan kapag naaresto sa isinagawang
crackdown ng Malaysian authorities.
Bakuna sa tigdas puwede sa higit 3-anyos
Maaari pa ring makapagpabakuna nang libre kahit ang mga batang lagpas 3 taong gulang
bagamat inilaan para sa mga batang edad anim na buwan hanggang tatlong taon ang measles
vaccine.
Paglilinaw
Nilinaw kahapon ng imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, na mali ang
nakuhang address sa napatay na pedicab driver noong Enero 19 ng madaling araw at napaulat
sa mga pahayagan.
58 death toll sa LPA
Umaabot na sa 58 katao ang death toll, 69 ang nasugatan habang 10 pa ang nawawala sa
mahigit dalawang linggong pananalasa ng Low Pressure Area (LPA) sa rehiyon ng Mindanao.
Mukha ng mga pulitiko sa bansa palitan na!
Panahon na para palitan ang mukha ng mga pulitiko sa bansa.
Tiangco: Ginawa kay Corona, ginagawa rin sa SC justices
Nais malaman ni United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco kung itinigil
na ng administrasyong Aquino ang pagpepresyur umano sa mga mahistrado ng Supreme Court
sa pagdedesisyon sa ligalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Bagong LPA binabantayan
Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang panibagong low pressure area (LPA) sa labas ng
Philippine area of responsibility.
Bagong car plates ilalabas sa Pebrero
Plano ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na ilabas na sa Pebrero
ang bagong license plates na may taglay na advanced security features at bagong alphanumeric
design.
Alert level 2 sa Thailand
Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa crisis alert level 2 ang sitwasyon sa Thailand
bilang seguridad sa libu-libong Pinoy na naapektuhan sa matinding karahasan sa nasabing bansa.
CCTV sa mga bus vs holdap
Hinikayat ni Dasmarias Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) na obligahin ang mga bus operators na maglagay ng closed circuit
television (CCTV) upang maiwasan ang mga holdapan at iba pang krimen sa loob ng public utility
buses (PUBs).
ERC binalaan ng Senado sa power hike
Binalaan kahapon ni Senator Antonio Trillanes ang Energy Regulatory Commission na matindi na
ang galit ng publiko kaya dapat pag-isipang mabuti ang posibleng paghirit na naman ng dagdag
na singil sa kuryente.
Tatay ni Bong sisiyasatin sa pork scam
Posibleng isama sa imbestigasyon sa pork barrel scam ang ama ni Senator Bong Revilla na si
Ramon Revilla, Sr.
'Agaton' death toll 56 na
Umakyat na sa 56 ang patay sa pananalasa ng bagyong "Agaton" ayon sa state disaster response
agency.
Duterte kay De Lima: Out of delicadeza umalis ka na dyan
Pinagbibitiw sa puwesto ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Justice Secretary Leila de Lima
kaugnay ng rice smuggling sa bansa.
UP grad top-notcher ng architecture licensure exam
Pinangunahan ng University of the Philippines-Diliman graduate ang Architect Licensure
Examination, ayon sa Professional Regulation Commission ngayong Biyernes.
Miyembro ng Mexican drug cartel ipapapatay ng mga kasama - De Lima
Nagpadala ng dalawang assassin ang Mexican drug cartel sa Pilipinas upang ipaligpit ang
kanilang mga miyembrong nadakip ng awtoridad, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.
January 25, 2014
Voters registration ng OFWs ikinakasa na
Pinaghahandaan na ngayon ng Comelec ang muling pagpapatuloy ng pagtatala ng mga overseas
Filipino voters sa Mayo para sa susunod na halalan sa bansa.
Albay, napili ng ECCP na susunod na industrial center
Napili ang Albay ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) na magkaroon ng
makabagong Special Economic Zone (SEZ) kung saan balak nitong magtatag ng mga low-cost
and labor-intensive manufacturing industries. Mababa ang labor costs sa lalawigan at buong
Bicol kung ihahambing sa Gitnang Luzon at Cebu.
PCSO 2 taon walang bonus
The only bonus we got was the joy of reaching out and helping the poor Filipinos, pahayag ni
Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chair Margie Juico, bilang sagot sa umanoy P54.8
million bonuses ng ahensiya at allowances para sa taong 2012 na kamakailay naiulat ng media.
Unlimited surf sa Sun Broadband
Inilunsad kamakailan ng Sun Broadband ang bago nitong Unlimited Surf loads upang higit na
mabigyan ng kakayahan ang mga subscribers na makapag-Internet ng walang limitasyon.
Deployment ng OFWs sa Bangkok, sinuspinde
Pansamantalang sinuspinde ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga newly-hired Pinoy workers
sa mga piling lugar sa Thailand kasunod ng pagdedeklara ng Department of Foreign Affairs (DFA)
ng crisis alert level 2 sa Bangkok.
Napoles ibalik sa Makati jail!
Iginiit ng isang kongresista na ibalik sa Makati City Jail ang tinaguriang pork barrel queen na si
Janet Lim Napoles.
6-oras na trabaho sa teachers
Isinusulong ng mag-inang Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo na
gawing anim na oras na lamang ang trabaho ng mga pampublikong guro kada araw mula sa
kasalukuyang walong oras.

You might also like