You are on page 1of 20

MABANGIS NA LUNGSOD

ni Efren Reyes Abueg


Ang gabi ay mabilis na lumatag sa
mga gusali, lumagom sa malalakit
maliliit na lansangan, dumantay sa
mukha ng mga taong pagal, sa mga
taong sa araw-araw ay may bagong
lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi
ay waring maninipis na sutla lamang
ng dilim na walang lawak mula sa lupa
hanggang sa mga unang palapag ng
mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang
sa dilim sa kalangitan sapagkat ang
gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang
ng mabangis na liwanag ng mga ilawdagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng
lalabindalawang taong gulang na si
Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng
pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay
Adong, ang gabiy naroroon, hindi
dahil sa may layunin sa pagiging
naroon, kundi dahil sa naroroon,
katulad ng Quiapo. Sa walang
muwang na isipan ni Adong, walang
kabuluhan sa kanya kung naroon man
o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may
kabuluhan kay Adong sa Quiapo.
Alisin na ang nagtatayugang gusali
roon, alisin na ang bagong lagusan sa
ilalim ng lupa, alisin na ang mga
tindahang hanggang sa mga huling
oras ng gabiy mailaw at maingay.
Huwag lamang matitinag ang
simbahan at huwag lamang
mababawasan ang mga taong
pumapasok at lumalabas doon, dahil
sa isang bagay na hinahanap sa isang
marikit na altar. Sapagkat ang
simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing
naroroon at mga nagtitinda ng tiket
ng suwipistek, ng kandila, ng kung
anu-anong ugat ng punongkahoy at
halaman. At sa mga hanay na iyon ay
nakatunghay ang simbahan, naaawa,

nahahabag. At nakatingala naman ang


mga nasa hanay na iyon, kabilang si
Adong. Hindi sa simbahan kundi sa
mga taong may puso pa upang
dumukot sa bulsa at maglaglag ng
singko o diyes sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin
niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay
parang mga piraso ng apoy na
ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa
siyang tanghali sa loob ng marusing
na bakuran ng simbahan. Nagsawa na
ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng
kamay, ngunit ang mga sentimong
kumakalansing sa kanyang bulsa ay
wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus
ang naroon ay bahaw na tunog ng
babala. Babalang ipinararamdam ng
pangangalam ng kanyang sikmura at
sinasapian pa ng takot na waring
higad sa kanyang katawan.
Mama Ale, palimos na po.
Ang maraming mukhang nagdaraan
ay malalamig na parang bato, ang
imbay ng mga kamay ay hiwatig ng
pagwawalang-bahala, ang hakbang ay
nagpapahalata ng pagmamadali ng
pag-iwas.
Singko po lamang, Ale hindi pa po
ako nanananghali!
Kung may pumapansin man sa
panawagan ni Adong, ang nakikita
naman niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. Pinaghahanapbuhay
yan ng mga magulang para
maisugal, madalas naririnig ni Adong.
Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng
pangungusap na iyon ay untag sa
kanya ni Aling Ebeng, ang matandang
pilay na kanyang katabi sa dakong
liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang
napapaiyak, hindi lamang niya
ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni
kanino man sa naroroong

nagpapalimos. Alam niyang hindi


maiiwasan ang paghingi sa kanya nito
ng piso, sa lahat. Walang bawas.
May reklamo? ang nakasisindak na
tinig ni Bruno. Ang mga mata nitoy
nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik
siya sa pagbibigay.
At ang mga kamay ni Adong ay
manginginig pa habang inilalagay niya
sa masakim na palad ni Bruno ang
salapi, mga sentimong matagal ding
kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit
kailan man ay hindi nakarating sa
kanyang bituka.
Maawa na po kayo, Mama Ale
gutom na gutom na ako!
Ang mga daing ay walang halaga,
waring mga patak ng ulan sa
malalaking bitak ng lupa. Ang mga
taoy bantad na sa pagpapalimos ng
maraming pulubi. Ang mga taoy
naghihikahos na rin. Ang panahon ay
patuloy na ibinuburol ang karukhaan.
Ang kampana ay tumugtog at sa loob
ng simbahan, pagkaraan ng maikling
sandali, narinig ni Adong ang pagkilos
ng mga tao, papalabas, waring
nagmamadali na tila ba sa wala pang
isang oras na pagkakatigil sa
simbahan ay napapaso,
nakararamdam ng hapdi, hindi sa
katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa
si Adong. Pinagbuti niya ang
paglalahad ng kanyang palad at
pagtawag sa mga taong papalapit sa
kanyang kinaroroonan.
Malapit nang dumating si Bruno
ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapay para sa
lahat na maaaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni
Adong. Nilagom ng kanyang bituka
ang nararamdamang gutom. Ang
pangambang sumisigid na kilabot sa

kanyang mga laman at nagpapatindig


sa kanyang balahibo ay waring
dinaklot at itinapon sa malayo ng
isang mahiwagang kamay. Habang
nagdaraan sa kanyang harap ang tao malamig walang awa, walang
pakiramdam - nakadarama siya ng
kung anong bagay na apoy sa kanyang
gutom at pangamba. Kung ilang araw
na niyang nadarama iyon, at
hanggang sa ngayon ay naroroon pat
waring umuuntag sa kanya na
gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa
kanyang palad, hindi inilagay kundi
inilaglag, sapagkat ang mga palad na
nagbigay ay nandidiring mapadikit sa
marurusing na palad na wari bang
mga kamay lamang na maninipis ang
malinis. Dali-daling inilagay ni Adong
ang mga bagol sa kanyang bulsa.
Lumikha iyon ng bahaw na tunog
nang tumama sa iba pang sentimong
nasa kanyang lukbutan. Ilan pang
bagol ang nalaglag sa kanyang palad
at sa kaabalahan niyay hindi niya
napansing kakaunti na ang taong
lumalabas mula sa simbahan. Nakita
na naman ni Adong ang mga mukhang
malamig, ang imbay ng mga kamay na
nagpapahiwatig ng pagwawalangbahala, ang mga hakbang ng
pagmamadaling pag-iwas.

Diyan na kayo, Aling Ebeng sabihin


ninyo kay Bruno na wala ako! mabilis
niyang sabi sa matanda.
Ano? Naloloko ka ba, Adong?
Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni
Bruno!
Narinig man ni Adong ang sinabi ng
matanda, nagpatuloy pa rin sa
paglakad, sa simulay marahan,
ngunit nang makubli siya sa kabila ng
bakod ng simbahan ay pumulas siya
ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng
mga dyipni na mabagal sa pagtakbo.
Sumiksik siya sa kakapalan ng mga
taong salu-salubong sa paglakad. At
akala niyay nawala na siya sa loob ng
sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilawdagitab. Dinama niya ang tigas niyon
sa pamamagitan ng kanyang likod. At
sa murang isipang iyon ni Adong ay
tumindig ang tagumpay ng isang
musmos sa paghihimagsik, ng paglayo
kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng
paglayo sa gutom, sa malalamig na
mukha, sa nakatunghay na simbahan,
na kabangisang sa mulat mula pay
nakilala niya at kinasuklaman. Muling
dinama niya ang mga bagol sa
kanyang bulsa. At iyon ay matagal din
niyang pinakalansing.

Adong ayun na si Bruno, narinig


niyang wika ni Aling Ebeng.

Adong! Sinundan iyon ng papalapit


na mga yabag.

Tinanaw ni Adong ang inginuso sa


kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga.
Ang malapad na katawan. Ang
namumutok na mga bisig. Ang maliit
na ulong pinapangit ng suot na gora.
Napadukot si Adong sa kanyang bulsa.
Dinama niya ang mga bagol. Malamig.
At ang lamig na iyon ay hindi
nakasapat upang ang apoy na
nararamdaman niya kangina pa ay
mamatay. Mahigpit niyang kinulong
sa kanyang palad ang mga bagol.

Napahindik si Adong. Ang basag na


tinig ay naghatid sa kanya ng lagim.
Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang
ipagpatuloy ang kanyang paglaya.
Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay
parang bakal na nakahawak na sa
kanyang bisig, niluluray ang munting
lakas na nagkaroon ng
kapangyarihang maghimagsik laban sa
gutom, sa pangamba at sa
kabangisan.
Bitiwan mo ako, Bruno! Bitiwan mo

ako! naisigaw na lamang ni Adong.


Ngunit hindi na niya muling narinig
ang basag na tinig. Naramdaman na
lamang niya ang malulupit na palad ni
Bruno. Natulig siya. Nahilo. At
pagkaraan ng ilang sandali, hindi na
niya naramdaman ang kabangisan sa
kapayapaang biglang kumandong sa
kanya.

SA BAGONG PARAISO
ni Efren Reyes Abueg
Nilisan ng batang lalaki at batang babae ang
kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang
handog ng itinuturing nilang Bagong Paraiso.
Sa simulay mga bata silang walong taong
gulang - isang lalaki at isang babae. At ang
kanilang daigdig ay isang malawak na loobang
tinitirikan ng dalawang tablat yerong bahay, na
ang isay nasa Silangan at ang isay nasa
Kanluran: at sa pagitan niyon ay walang bakod
na nakapagitan.
Ang malawak na looban ay mapuno,
mahalaman, maibon, at makulisap at may
landas na humahawi sa dawagan at tumutugpa
sa dalampasigang malamig ang buhangin kung
umaga, ngunit nakapapaso sa tanghalian.
Ang kanilang daigdig ay tahimik; ang kanilang
kabuhayan ay hindi suliranin; ang kanilang mga
magulang ay hindi nag-aaway ang mga itoy
maka-Diyos at walang araw ng Linggo o araw ng
pangilin na hindi makikita ang mga ito sa
kanilang bisita sa dakong hilaga ng nayon.
Ang mga itoy may rosaryo sa kanilang mga
palad at may mga usal ng dalangin sa mga labi.
At silang dalawa - ang batang lalaki at ang
batang babae - ay nagsisipag-aral, kasama pa
ng ibang bata sa maliit na gusaling may tatlong
silid sa dakong timog ng nayon. Silay may mga
pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw sa
hangganan ng nayong iyon, ng bayang iyon, at
ng lalawigang kinaroroonan niyon.
Wala silang pasok kung araw ng Sabado at
Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang
dalaway naglalaro sa loob ng bakurang iyon,
mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat
sila sa mga punong santol, sa punong bayabas,
sa marurupok na sanga ng sinigwelas,
maaligasgas at malulutong na sanga ng punong
mangga. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod,
nababakbak ang kanilang mukha at kung
minsan ay nalilinsaran sila ng buto kung
nahuhulog ngunit ang lahat na iyon ay hindi
nila iniinda, patuloy sila sa paglalaro.
Malamig sa ilalim ng punong mangga. Makapal
ang damo sa sakop ng lilim niyon kung umaga
at doon silang dalawa naghahabulan,
nagsisirko, nagpapatiran at kung silay
humihingal na ay hihiga sila sa damuhang iyon,
titingalain nila ang malalabay na sanga ng puno,
sisilip sila sa pagitan ng masinsing mga dahon at
magkukunwaring aaninawin sa langit ang
kanilang mukha.
Loko mo makikita mo ba ang mukha mo sa

langit? minsan ay sabi ng batang babae.


Bakit hindi? Ang langit ay isang malaking
salamin, sabi ni Tatay ko. sagot naman ng
batang lalaki.
Ang batang babae ay makikisilip din sa pagitan
ng masinsing mga dahon, na waring ibig
patunayan ng sariling paningin ang sinabi ng
kalaro. At pagkaraang tumingin sa langit nang
matagal, silay lalagumin ng katahimikan ang
kanilang katawan ay nakalatag na parang mga
kumot, hanggang sa silay makatulog at gisingin
sila ng tawag mula sa kanilang bahay.
Kung minsan, ang batang lalaki ang unang
magigising: kung minsan naman ay ang batang
babae. Ngunit sino man sa kanila ang unang
magising, kukuha ito ng kaputol na damo at
kikilitiin ang taynga ng natutulog. At ang
natutulog ay mapupukaw, mababalikwas at
pagkarinig na siyay pinagtatawanan ay
magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at
anyong tatakbo at silay maghahabulan sa
damuhang iyon, magpapa- ikut-ikot haggang sa
ang isay mahapo at silay muling bumagsak sa
kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila
pinapansin ang pagkaka - dantay ng kanilang
mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang
mga katawan.
Kung silay nagsasawa na sa loobang iyon, silay
nagtutungo sa dalampasigan kung malamig na
ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi.
Inilalagay ng batang lalaki sa bulsa ng kayang
putot na pantalon ang nakukuha niyang kabibi,
at ang nadarampot naman ng batang babae ay
inilalagay nito sa sinupot na laylayan ng suot
niyang damit. Kung hindi naman kabibi ang
pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan,
naghuhukay sila ng halamis sa talpukan, o
kayay gumagawa ng kastilyong buhangin, o
kayay nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi
nangungubli sa kanilang malalalim na lungga ay
lumulusong sa talpukan at bumabaon sa
masigay na buhangin.
ii
Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang
ginagawa: Nagtutudyuhan din sila,
naghahabulan at kapag nahahapo na, mahihiga
rin sila sa buhangin, tulad ng ginagawa nila sa
damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi,
nagkakangitian sila. Minsan ay itinatanong ng
batang lalaki sa batang babae:
Naririnig mo ba na may tumutunog sa aking
dibdib?
At ang batang babae ay nagtaka. Bumangon ito
at tumingin sa nakatihayang kalaro.
Pakinggan ko nga, anang batang babae.

Inilapit ng batang babae ang kanyang taynga sa


dibdib ng batang lalaki,dumadaiti ang katawan
niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap
naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang
buhok.
Ang bango mo pala! ang batang lalaki ay
nakangiti.
Aba hindi naman ako nagpapabango,
anang batang babae na lumupasay sa tabi ng
nakahigang kalaro. Paglaki ko raw ay saka na
ako magpapabango, sabi ng nanay ko.
Teka nga pala, narinig mo ba ang tunog sa
dibdib ko? usisa ng batang lalaki.
Oo ano kaya ang ibig sabihin niyon?
Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang
unang nagbawi ng tingin. Malay ko tena na
nga.
Bumangon ang batang lalaki, pinagpag ang
buhanging dumikit sa kanyang bisig at sa
kanyang pantalon at nagsimula nang lumakad.
Sinabayan ito ng batang babae at habang
isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa
buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila
sa paglubog na araw.
Ang ganda, ano naibulalas ng batang lalaki.
Parang may pintang dugo ang langit.
Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw
kapag palubog na? sagot naman ng batang
babae.
Hindi sumagot ang batang lalaki. Nakatanaw ito
sa mapulang latay ng liwanag ng araw sa
kanluran.
iii
Puring-puri ang dalawang bata ng kanilang mga
magulang at ng kanilang mga kanayon. At
kinaiinggitan naman sila ng ibang mga batang
hindi nagkaroon ng pagkakataong makihalubilo
sa kanila.
Siguro, paglaki ng mga batang yan silang
dalawa ang magkakapangasawahan.
Narinig ng dalawang bata ang salitang iyon at
silay nagtataka. Hindi nila madalumat ang
kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa
isang hula sa hinaharap. Higit pang nakakaabala
sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga
kaklase na silang dalaway parang tuko magkakapit.
At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang
batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa

kanya ang isang araw na pauwi na sila ay


humarang sa kanilang dinaraanan at silay
tinudyo nang tinudyo.
Kapit-tuko! Kapit-tuko!
Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang
lalaki. Ibinalibag nito sa paanan ng
nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga
aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulonggulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo
ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang
kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro
at silay inawat at silay pinabalik sa silid-aralan
at pinadapa sa magkatabing desk at
tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa
puwit.
Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan
ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At silay
nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa
kanilang kawalang-malay.
iv
Namulaklak ang mga mangga, namunga,
nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang
mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid
sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang
mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang
bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang
unang sumungkit sa mga unang hinog.
Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas,
namulaklak at dumaan ang mahabang tagaraw, at ang damuhan ay natuyo at ang
kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan
at madalas man sila roon ay hindi nila masagutsagot ang bugtong kung bakit kulay dugo ang
silahis ng araw kung dapit- hapon. At sa wakas
ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot
na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw
sa asin ay kanilang tinikman at silay naasiman
at idinalangin nila ang maagang pag-ulan
sapagkat sabi ng kanilang lolay madaling
bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas
kapag naulanan. Silay naniwala at hinintay nila
ang ulan, at nang pumatak iyon nang
kalagitnaan ng Mayo, silang dalaway
naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban
at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na
waring bangkay ng isang panahong
hinahalinhanan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang
araw, nadungawan nilang hinog na nga ang
sinigwelas . Nagmamadali silang nanaog at ang
batang lalakiy umakyat sa puno at ang batang
babae naman ay naghanap ng sungkit.
At ang pamumulaklak at pamumunga ng
mangga, santol at sinigwelas at ng iba pang
punongkahoy o halaman sa loobang iyon ay
nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling
sinibulan ng bagong supling: ang araw ay
lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago
ang kulay ng silahis niyon kung dapit - hapon.

Ang paaralan sa nayon ay malapit nang


magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang
palatuntunan; ang mga magulang ay walang
pinag-uusapan kundi ang katalinuhan ng
kanilang mga anak.
v
Nang dumating ang pasukan, ang batang lalaki
at ang batang babae ay sakay ng kalesa
patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng
haiskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang
batang lalakiy hindi na nakapantalong maikli putot: siyay nakalargo na at pantay na ang hati
ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid ng
pomada. Samantala, ang batang babae ay may
laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang
suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita
ng batang lalaki ang alak-alakan nito.
Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang
pagbabago, na hindi nila napigil at siyang
nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin
ang paraisong kanilang kinaroroonan.
Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang
lalakiy hindi na sa batang babae lamang
nakikipaglaro siyay nakahalubilo na rin ng
maraming batang lalaking pumapasok sa
nagagapok nang gusaling iyon ng paaralan.
Nakikipagharutan siya sa mga ito,
nakikipagbuno, nakikipagsuntukan at higit sa
lahat, nakikipagtuklasan ng lihim sa isat isa.
Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat
ng batang lalaki ang nakapabilog sa isang
batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na
natuklasan niyang kailangang mangyari sa
kanya.
Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon
at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Naupo
siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip
hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama.

Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae,


ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya.
Ngayon lamang iyon. Kayat kahit patuloy pa rin
silang nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala
silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay
nakabawas sa sigla ng batang lalaki.
At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya
ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng
ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas,
pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa,
siyay itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog.
Ang damuho pagkalaki-lakiy parang hindi
lalaki.
Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot
ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay
natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki
sa lamat sa kanyang kawalang malay.
vi
Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya
kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam.
Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang
umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, hindi pa
rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan
siya kung nakikipaglaro sa batang babae.
Nangingimi siyang tumabi rito kung itoy
nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan.
Hanggang isang araw ay napansin niyang
mapupula ang mga mata ng batang babae nang
dumating ito sa isang dapit - hapon sa tabingdagat.
Bakit? usisa niya.
Wa wala wala!

Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito


sa balikat.

Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang


baka ang kawalang sigla niya sa pakikkipaglaro
rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang
babae, kiniliti, napahabol dito hanggang sa
mahawa ito at silay naghabulan sa buhanginan.
Sumisigaw sila sa katuwaan hanggang sa
manigas ang kanilang mga binti at
kinakailangang humiga naman sila sa
buhanginan. Humagikgik pa sila nang mapatong
ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at
nadama niyang lalong malakas ang pintig doon.

Kailangan yon upang ikaw ay maging ganap na


lalaki! sagot ng kanyang ama.

Tingnan mo pakinggan mo ang tunog sa


dibdib ko, anyaya ng batang lalaki.

Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng


kanyang mga matay naghiwatig ng
pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang
malay.

Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang batang


babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang
mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki.
Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang
kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito.

Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa


paaralan at itinanong niya rito kung bakit
kailangang gawin pa iyon.

Hayaan mo dugtong ng kanyang ama.


Isang araw, isasama kita kay Ba Aryo. Maging
matapang ka lamang sana

Bakit?
Saka lamang tumigin ang batang babae sa

batang lalaki. At itoy umiyak at ang luhang


tumulo sa pisngiy pinahid ng palad na iyong
ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng
buhangin.
Hindi na pala tayo maaaring maglaro ng
tulad ng dati, anang batang babae sa basag na
tinig.
Hindi na? Parang sasabog sa kawalang-malay
ang katauhan ng batang lalaki.
Malalaki na raw tayo malalaki nang tao.
Hindi raw maglalaon, tayoy magiging dalaga
at binata.

x
At buwan-buwan, ang dalagita ay may
kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng
kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba
ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa
silong at ikukula sa kubling bahagi ng likod
bahay.
Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa
paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: Hindi
mo na kailangang dito pa labhan yan
viii

Kangina sinabi sayo ng Nanay mo?

Nagtapos sila ng haiskul. Nagkamay sila


pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma.
At nang magsayawan nang gabing iyon,
magkatambal sila. Gayong hindi naman sila
nahapo, ang tibok sa kanyang dibdib ay mabilis
at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng
binatilyo. Nagsayaw sila, nag-usap ang kanilang
mga mata ngunit ang kanilang mga labiy tikom
at kung gumagalaw man upang pawiin ang
panunuyo o paglalamat niyon.

Tumango ang batang babae Ngayon daw


hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na at
ikaw raw ay binatilyo!

At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon


ay isa pang pangyayaring nagpalaki sa lamat a
kanilang kawalang - malay.

At waring ang batang lalakiy nagising,


napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang
kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro
ay naunawaan niyang totoo ang sinabi nito.

ix

Sinabi yon ng Nanay mo?


Oo, sinabi niya na hindi na tayo maaaring
maghabulan, o kayay umakyat sa punongkahoy
o kayay pagabi sa tabing dagat, sabi pa ng
batang babae.

Iyon lamang at minsang dalawin siya ng binata


sa dormitoryo, natuklasan nila sa isat isa na
mataas na ang dingding sa kanilang pagitan.
Matatag iyon, makapal, at waring hindi nila
maibubuwal.
Huwag na muna tayong magkita, Ariel, sabi
niya sa binata. Napatitig sa kanya si Ariel at
nakita niya ang pamamantal ng noo nito at
pagtataka sa damdaming unti-unting
nasasaktan.
Ba-bakit dati naman tayong
At si Ariel ang kanyang kababata ay lumisang
larawan ng isang bilanggong hindi nakaigpaw sa
isang mataas na pader.
xi
Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan.
Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna
agad iyon ng kanyang ama.
Bakit?
Ayaw nang makipagkita sa akin si Cleofe,

Ayaw ka na palang papuntahin ditoy bakit


narito ka pa gabi na!?
Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa
kanya. Palubog na noon ang araw at mapula
ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng
dalawa ay animo mula sa malayo at ang
pagkakahawak nila sa bisig ng isat isa ay
parang isang pagpapatunay ng tibay ng
tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan.
vii
Hindi na nga sila mga bata. Siyay dalagita na.
Siya naman at binatilyo na. Ang pagbabagong
iyon ang nagpapaunawa sa kanilang may
tumataas nang dingding sa
pagitan nila. Nagkita pa rin sila sa looban,
ngunit hindi nga lamang tulad ng dating
nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon,
parang laging may nakatingin sa kanilang mga
matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang
mga magulang; sa paaralran, ang kanilang guro.
At ang kanilang tawa tuloy ay hindi na
matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na
matinis, malayo sa hiyaw nito noong araw; ang
kanilang pag-uusap ay hindi na malaya at
pumipili na sila ng mga salitang kanilang
gagamitin.

Maliwanag ang naririnig na salita ng dalagita:


Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag
muna kayong magkita ni Ariel. Naunawan niya
ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay
hindi niya maluom sa kanyang kalooban.
Pero, Inay Kaibigan ko si Ariel. May
himagsik sa kanyang tinig.
Kahit na kayoy dalaga at binata na. Alam
mo na siguro ang ibig kong sabihin. May
langkap na tigas ang sagot na iyon.
Alam niya ang kahulugan niyon: Masama?
Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay
sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig
ng kanyang ama.
Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo
muna ang mga lalaki!
At ang pait na may iniuukit sa kanyang isip ay
parang pandalas na pinukpok at ang kanyang
katauhan ay nayanig at ang tunog ng
pagpukpok ay nag-aalingawngaw ng : Lalaki!
Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang
mga magulang. Nakatiim ang mga labing
pumasok siya sa kanyang silid.
Ayaw nila ng Inay, ng Itay masama raw,
at ang mga labi niyay nangatal, kasabay ng
luhang umahon a kanyang mga mata.

Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng kaugalian


nito tuwing may ilalapit siyang suliranin.
Walang kuwenta yon. Makita mo, kapag tapos
na si Cleofe ay magkakalapit kayong muli. Hindi
mo ba alam na gustung-gusto ng kanyang
mga magulang na maging doktora siya?
Pagsigaw ang alingawngaw ng kanyang tinig sa
kanyang isip.
At habang nagdodoktora siya ay masamang
kamiy magkita?
Tama ka! maagap na pakli ng kanyang ama.
Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa
babae ay malapit ka rin sa tukso!
Tukso! Tukso! Parang matalim na kutsilyong
isinaksak sa kanyang utak ang katagang iyon.
Mahapdi, Makirot. Parang binibiyak ang
kanyang ulo.
Napapikit siya. Nagunita niya ang luntiang
damuhan sa looban ang malamig na
buhanginan kung hapon, ang mapulang silahis
ng araw na parang dugo.
xii
At ang dalaway hindi nagkita, gayong nasa
isang lungsod na maliit at maglakad ka lamang
sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng
makakasalubong na kakilala. Mangyariy

iniiwasan nila ang magkita, mangyariy sinisikil


nila ang paglago ng halaman sa kanilang
katauhan na pinag-uugat at pinapag-usbong ng
mga araw sa luntiang damuhan sa looban at
malamig na buhangin sa dalampasigan kung
dapit - hapon. Hindi sila nagkita, sapagkat
inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay
masama, tukso. At sa kanilang bagong daigdig
ng aklat, ng mataas na gusali ng malayong
kabataan sa kapaligiran, ang isiping iyon ay
parang tabak na nakabitin sa kanilang ulo o
kayay tulad din ng isang mansanas na bibitin bitin sa nakayungyong na sanga ng
punongkahoy.
Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba ring
panahon, mga buwan at sanay mga taon kung
nakatiis sila - kung tuluyang nasikil nila ang
halamang patuloy sa pagbabago sa kanilang
katauhan.
xiii
Hindi nga sila nakatiis - isang araw na hindi
sinasadyay nagkasalubong sila sa pamimili ng
kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglakad at
nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay
hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ay
naglakas loob at binati niya ang dalaga.
Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang
siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya
nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na
restaurant ay napasunod lamang siya,
napatangay sa agos ng kanyang damdamin. At
sa harap ng kanilang

Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa


sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod
pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi
mo itinigil ang kabaliwang iyan.
ipinaaabot dito ng mga magulang ni Cleofe
ang ginawa ninyo. Hiyang-hiya kami ng iyong
ama. Ibig naming makatapos ka at ibig
naming ipaalalang muli sa iyo na ang babae ay
tukso tukso!
Kaya ibig niyang umalis sa silid na iyon upang
hindi marinig ang alingawngaw ng katagang
iyon: tukso tukso tukso !
xvi
Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo
maaaring magkita. Sinabi ng binata: magkikita
tayo, magtatago tayo ililihim natin sa kanila
ang lahat.
At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi
sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila
itinaboy ng kanilang paghihimagsik, ng takot na
matutop, at ng pangangailangan.
Sa mga pook na iyon pilit nilang iginupo ang
dingding na ipinagitan sa kanila. At sa palagay
nila sila ay nagtagumpay. Naalis ang hadlang.
Ngunit sa kanilang utak, nagsusumiksik at
nanunumbat ang alingawngaw ng pagbabawal:
lumalarawan ang nananalim na tingin! Masama
tukso!
xvii

hininging pagkain, silay nagkatitigan at silay


nakalimot at akala nilay nasa luntiang
damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga
at nakabaling sa isat isa.
xiv
At silay nagkita sa Luneta, hindi lamang minsan
kundi sa maraming pagkikita, marami-marami,
at ang kanilang sikil na damdamin ay lumaya at
sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang
buwan silay lumigaya.
Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa
masama at sa mabuti sa kanilang isip ay
sumibol na at nagpapaunawa sa kanilang ang
ginagawang iyon ay masama. Ngunit silay
naghihimagsik.
xv
Malinaw ang sinabi sa sulat: sa pook pa namang
iyon, sa lahat ng pook na dapat mong
pakaiwasan - doon kayo nakita. Hindi na sana
malubha kung nagkita lamang kayo ngunit
nakita kayong magkahawak - kamay sa
karamihan ng tao sa paligid. Hindi kayo nahiya.

At ngayon, ang kanilang paraiso ay hindi na ang


malawak na looban, o kayay ang
dalampasigang malamig kung dapit - hapong
ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo.
Ang daigdig nila ngayon ay makitid, sulok-sulok,
malamig din ngunit hinahamig ng init ng
kanilang lumayang mga katawan.
xviii
Maligaya sila sa kanilang daigdig, Maligaya sila
sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang
araw ay kumulog, dumagundong ang
kalawakan at nangagulat ang mga tao sa
lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan,
na ang pasimulang madalang ay naging
masinsin.
Ang dalaga ay dumungaw sa bintana masama
ang kanyang pakiramdam. May kung anong
nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na
ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon
ay umakyat sa kanyang lalamunan.
Humawak siya sa palababahan ng bintana.
Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng

kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim


ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan.
Tumungo siya at nakita niyang nalinis ng tubig
ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo,
parang isinikad na pataas sa lalamunan ang
kanyang bituka at siyay napanganga at siyay
napapikit at siyay napaluha at paghigpit ng
kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay
napaduwal siya at ang lumabas sa kanyang
bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling
kumalat doon at pagkaraay nilinis ng patak ng
ulan, inanod ng nilikhang mumunting agos sa
gilid ng daan.
At ang dalagay napabulalas ng iyak.

IMPENG NEGRO
ni Rogelio Sicat
"BAKA makikipag-away ka na naman, Impen."
Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na
naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na
batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas
ng mumo sa kamay.
"Hindi ho," paungol niyang tugon.
"Hindi ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo
na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi ka ngang
mababasag-ulo."
May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit
hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang
mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig.
Nakukulili na ang kanyang tainga.
Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli
siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay,
pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa'y
naghilamos.
"Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo,"
narinig niyang bilin ng ina. "Wala nang gatas si
Boy. Eto ang pambili."
Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab
na iniunat ang mahahabang kamay. Inaantok pa
siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na
kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na
siya. Tatanghaliin na naman bago siya
makasahod. At naroon na naman marahil si
Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang
inuunahan ni Ogor sa pagsahod.
Umingit ang sahig ng kanilang barungbarong
nang siya'y pumasok.
"Nariyan sa kahon ang kamiseta mo."
Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y
nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang
kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang
bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang
dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang
kupasing damit na giris, nakahantad ang laylay
at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang
kapatid na bunso. Pinasususo.
"Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang
mukha."

Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si Kano,


kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook.
Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid.
Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon
na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na.
Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.
Hinalungkat na niya ang kahong karton na
itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit
nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim,
nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta.
Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante.
Itinaas. Sinipat.
"Yan na'ng isuot mo." Parang nahulaan ng
kanyang ina ang kanyang iniisip.
Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa
kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili
ngunit ngayo'y maluwag na. Nagmumukha
siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala
naman siyang maraming kamisetang
maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa
paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa
pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas,
pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang
tinungo ang hagdan.
"Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang
ina. "Huwag mo nang papansinin."
Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung
dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang
madapa nang matalisod sa nakausling bato sa
may paanan ng kanilang hagdan.
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib,
pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw
siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang
papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito:
basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga
biling ito ngunit sadya yatang hindi siya
makapagtitimpi kapag naririnig niya ang
masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo,
lalung-lalo na mula kay Ogor.
Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa
kanya, ang malimit magsisimula ng panunukso:
"Ang itim mo, Impen!" itutukso nito.
"Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng isa sa
mga nasa gripo.
"Sino ba talaga ang tatay mo?"

Bahagya na niyang maulinigan ang ina.


Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunudsunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang
bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na
mesang kainan. nagsisikain pa.
Matagal na napako ang kanyang tingin kay

"Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"


Sasambulat na ang nakabibinging tawanan.
Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang
kinikilalang hari sa gripo.
Noong una, sinasagot niya ang mga

panunuksong ito:
"E ano kung maitim?" isasagot niya.
Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan
siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong
kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang
batok.
"Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring
sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang
manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga
batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot
na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat!
Naku po, ang nguso...Namamalirong!
Sa katagalan, natanggap na niya ang
panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya
sa sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro?
Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang
sundalong Negro na nang maging anak siya'y
biglang nawala sa Pilipinas.
Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya
ngang pinagmulan ng nakaraan nilang
pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol
sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang
kanyang ina?)
"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi
ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay
ngayon!"
Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid
niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi
malaman kung saan nagsuot. At noon, higit
kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng
lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang
kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang
barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pagaagwador. At siya ang napagtuunan ng
sarisaring panunukso.
Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At
mula noon, nagsimula nang umalimpuyo sa
kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang
paghihimagsik: nagsusumigaw na
paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay
sa kanila ng pagkakataong makagitaw at
mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya
kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton
niya ang mabatong daan patungo sa gripo.
Mula sa bintana ng mga barungbarong, nakikita
niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata.
Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin
napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi
ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng
mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga
paslit: Negro!
Napapatungo na laamang siya.

Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa


malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw,
nakikita na niya ang langkay ng mga agwador.
Nagkakatipun-tipon ang mga ito.
Nagkakatuwaan. Naghaharutan.
Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang
anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor?
Sa mula't mula pa, itinuring na siya nitong
kaaway, di kailanman binigyan ng
pagkakataong maging kaibigan.
Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na
matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor.
Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko
kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang
masasalubong sa daan ay kayang-kayang
sagasaan.
Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog
tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan
niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa
sarili, nausal niyang sana'y huwag siya ang
maging paksa ng paghaharutan at
pagkakatuwaan ng mga agwador.
Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta
sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod
niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa
kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tagaraw ay malaki-laki rin ang kinikita ng mga
agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang
pook. At bihira ang may poso.
Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya
habang binibilang sa mata ang mga nakapilang
balde. Maluwag ang parisukat na sementong
kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila'y nasa
labas pa niyon.
Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa
kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong
ang iba pang agwador. May naghubad na ng
damit at isinampay na lamang sa balikat. May
nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok
ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang
hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si
Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na
lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon,
kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang
pila? naisip niya. Makasasahod din ako.
Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may
maulinigan siyang siga mula sa tindahan:

"Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"


Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na
niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso
na naman.

"Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi,


e. Baka ka masunog!"

balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit


lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig.

Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa


rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig.
Nakatingin siya sa nakasahod na balde ngunit
ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na
niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya
papansinin si Ogor?

"Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako


muna."

Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi


pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At
habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang
lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid ng
balde, nakikia niya ang kanyang anino.
Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw.
Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang
balat. Tila ibig nang matuklap ang balat sa
kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang
pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng kanyang
nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang
ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipanhipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan,
isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa
balde. Una niyang binasa ang batok---kaylamig
at kaysarap ng tubig sa kanyang batok.
Malamig. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya ang
kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit.
Binasa niya ang balikat, ang mga bisig. May
nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala
lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang
naramdaman na tila nangangalirang na naman
ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok
at balikat.
"Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang
marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang
nagsalita. Si Ogor. "Huwag ka nanag
magbibilad. Doon ka sa lamig."
Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At
habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli
niyang nakita na nginingisihan siya nito.
Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga
balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang
makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga
balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya.
Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik.
May galak na sumusuno sa kanyang dibdib
habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng
sinundang balde. Susunod na siya. Makaka
sahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi
niya sa sarili. pagkaraan ng kargang iyon ay
uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba.
Bibili ng gatas.
Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang
mapunong balde, at isasahod na lamang ang sa
kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang
kamay ang biglang pumatong sa kanyang

Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde


at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit
din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at
takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang,
Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako
nakapila rito, a. Ako muna sabi, e," giit ni Ogor.
Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa
rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod
na balde at ang tubig ay gumapang sa semento
at umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi
na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako.
Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa
araw, humakbang siya upang kunin ang pingga
ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang
pinatid ni Ogor.
"Ano pa ba ang ibinubulong mo?"
Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya.
Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng
nabiawang balde. Napasigaw siya. Malakas.
Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat
na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang
utak. Habang nakaluhod, dalawang kamay
niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig
ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang
iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo!
Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi
niya maulit na salatin ang biyak na pisngi.
Mangiyak-ngiyak siya.
"O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor,
mahigpit na kinukuyom ang mga palad.
Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang
kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay naisigaw
niya.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw.
Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang
lahat ng baldeng nalalabi sa pila.
Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At
samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa
walang malamang sulingan niyang mga mata
ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at
pumapaligid sa kanya.
Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang
naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang
mga bisig.
"O-ogor..."
Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at
nakangangang napapikit siya. Pumuslit ang luha
sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito
siyang kalagayan nang bigla niyang
maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa

kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak siyang


gumuglong sa basa at madulas na semento.
Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang
buong anyo ng nakaangat niyang mukha'y
larawan ng matinding sakit.
Matagal din bago napawi ang paninigas ng
kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang
kanyang mga mata nang siya'y bumangon at
itukod ang mga kamay sa semento.
Si ogor...Sa mula't mula pa'y itinuring na siya
nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor?
Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa
naglalatang na poot. At nang makita niyang
muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang
sipain siyang muli ay tila nauulol na asong
sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si
Ogor. nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi
siya bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw,
sinunud-ssunod niya: dagok, dagok, dagok...
pahalipaw... papaluka...papatay.
Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na
iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Marumi ng
babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At
siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin
niya si Ogor. papatayin. Papatayinnn!
Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang
kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit
makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit
ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang
napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya.
Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya
naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa
araw. Napipikit siya. Mangungudngod siya,
mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang
nararamdaman sakit. Wala siyang
nararamdamang sakit!
Kakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si
Diding...At siya...Negro. Negro. Negro!
Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya
ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri siyang
umigtad. napailalim si Ogor. Nahantad ang
mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo,
dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa
mukha. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok,
dagok, dagok...
Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na
ang nagsasanggang kamay. Humihingal na rin
siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang
poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka.
Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...

Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.

"Impen..."
Muli niyang itinaas ang kamay.
"I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang
halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...aako...s-suko...n-na...a-ako!"
Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko
niya si Ogor! Napatingala siya Abut-abot ang
pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahandahan at nanlalambot siyang tumindig,
nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang
kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod.
May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.
Marmaing sandaling walang nangahas
magsalita. Walang makakibo sa mga agwador.
Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay
nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa
kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga
ito. Ang nababakas niya'y paghanga. Ang nakita
niya'y pangingimi.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang
nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang
mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na
lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang
kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang
nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at
buka ang labing nag-angat siya ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang
mandirigmang sugatan, ngunit matatag na
nakatindig sa pinagwagihang larangan.

WALANG PANGINOON
ni Deogracias Rosario

labi hanggang sa dumugo upang huwag


ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang
damdamin.

"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang


unang naitanong ng anak sa ina matapos
matunghayan ang utos ng hukuman.

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang


orasan na ang mahabang hintuturo ay
malapit nang sumapit sa ika-12
samantalang nakapako na sa ika-8 ang
maikling daliri, hindi niya malaman kung
saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang
kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa
niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga
butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang
marinig ang animas. Ayaw niyang
mapakinggan ang malungkot na palo ng
bakal sa malaking kampanang tanso sa
kampanaryo ng simbahan sa kanilang
bayan. Gayon man, kahi't saan siya
magsiksik, kahi't saan siya magtago, kahi't
na anong gawin niyang pagpapasak sa
kanyang tainga ay lalong nanunuot sa
kanyang pandinig ang malungkot na tinig
ng batingaw.

Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano


ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng
matanda ay nababasa niya sa mga mata
ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip
niyang kaya nalulungkot si Marcos ay
sapagka't hindi pa natatagalang namatay
si Anita. Ang magandang anak ni Don
Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang
binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos
na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat
ng pag-iimpok na ginagawa upang maging
isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita.
At siya'y namatay! Naramdaman din ng
ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang
maging malungkutin ang kanyang anak.
Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais
niyang aliwin. Kung maaari sana'y
mabunutan niya ng tinik na subyang sa
dibdib ang kanyang anak.

"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng


matandang babae, sabay lapit sa leeg ng
anak. "Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa
tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa
daigdig?"

"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod


namang itinutugon ng kanyang ina na
paniwalang-paniwala hindi nga niya
naririnig ang malungkot na animas.

"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina


Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka
kailanganin ang mabuting mang-aawit at
manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina.
"Walang pagsalang masasayahan ka
roon."

"Ngunit, Marcos" ang baling uli ng


matandang babae sa anak. "Bakit ayaw
mong marinig ang oras na ukol sa
kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao
na dapat mag-ukol ng dalangin sa
ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa
kabilang buhay. Una-una'y ang iyong ama,
ikalawa'y ang kapatid mong panganay,
ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka
saka si Anita." Ang huling pangalan ay
binigkas na marahan at madalang ng
matandang babae.
Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang
pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang
mga mata niyang galling sa pagkapikit
kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahandahang sinisiputan ng ningas, saka
manlilisik at mag-aapoy.
Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya
nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa
kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay
may pangungusap, may nagsasalita.
"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay
Anita, ayaw kong marinig ang malungkot
na tunog ng batingaw," ang sinasabi ni
Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang

"Si Inang naman," ang naibulalas na


lamang ni Marcos. Iyan lamang ang
kanyang nasasabi nang malakas. Sa
kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi
masusukat ng kanyang ina kung gaano ang
pait para sa kanya ang pagkamatay ni
Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng
matanda ang tunay na nangyari sa
pagkamatay nito.
Kung nalalaman lamang ni Inang ang
lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang
sarili samantalang minamasdan niya ang
isang ulilang bituin sa may tapat ng
libingan ng kanilang bayan, na
ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita,
"disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan."
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina
nang umagang yaon ang malaki nilang
kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng
tanim nilang palay nang isang utusan sa
bahay-pamahalaan ang dumating taglay
ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa
kanilang lupang kinatatayuan.
Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita
ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag


ng kalooban ng binata. Gayon man, sa
harap ng bagong pithaya ng may-ari ng
lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang
nagbabalik sa alaala niya ang malungkot
na kasaysayan ng kanilang lupang
sinasaka.
Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng
kanyang ama ang naturang lupa. Walang
sino mang sumisingil sa kanila ng buwis at
walang sinumang nakikialam sa anumang
maging bunga ng kanilang mga tanim,
maging mais o tubo, o kaya'y maging
anuman sa mga gulay na tanim nila sa
bakuran.
Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay
may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila.
Palibhasa'y wala silang maibabayad sa
manananggol, ang pamahalaan ay
nagkulang ng malasakit sa kanilang
karalitaan upang tangkilikin ang kanilang
katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit
silang mamuwisan nang di nila makuhang
umalis doon.
Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y
isang salapi lamang isang taon sa bawat
ektarya ng lupang kanilang sinasaka.
Subalit nagtatagal, unti-unti na silang
nababaon sa pagkakautang sa maylupa
dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa
pana-panahon, ..:namespace prefix = st1
ns = "urn:schemas-microsoftcom:office:smarttags" />gaya ng takipan
at talinduwa.
Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil
sa malaking sama ng loob kay Don Teong.
Ang kapatid niya'y namatay din sa
paglilingkod sa bahay nito, at higit sa
lahat, nalaman niyang kaya namatay si
Anita ay sapagka't natutop ng ama
nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng
halamanan, isang gabing maliwanag ang
buwan.

Saka ngayo'y paalisin naman sila sa


kanilang bahay at lupang binubuwisan?
Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni
Marcos, mahigit nang isang taon noon.
Sapul nang dumating si Anita sa kanilang
bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo
ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay
nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa
kanya. Alam ni Marcos ang kanyang
kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng
kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo
sa ilog.
Si Marcos ay natapos lamang ng
katesismo sa iskuwelahan na silong ng
kumbento sa kanilang bayan at natutong
sumulat sa pisara ng malaking numero.
Nguni't gayon man, nagsikap siyang idilat
ang kanyang mga mata sa liwanag ng
kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay
Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagaka't
sa pag-anib niya sa mga samahang
pambayan ay natuklasan niyang walang
mabuting paaralan kundi ang pahayagan.
Walang aklat, walang pahayagan at
lingguhan sa sariling wika na hindi
binabasa ni Marcos, kahi't manghiram
lamang kung wala na siyang ibili. Nagbasa
rin siya ng nobela at ibang akdang
natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya'y
salinwikang nito.
Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig
kay Anita, wala siyang inaalagata sa
kanyang buhay kundi ang baling araw ay
maging karapat-dapat sa mga kamay ng
anak ni Don Teong na may-ari ng lupa
nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa
naniniwala siya sa kasabihan, "Ang lahat
ng tao, kahi't hindi magkakakulay ay
sadyang magkakapantay," tinatanggap din
niya ang palasak ng kawikaang "Ang
katapat ng langit ay pusalian." Dahil diyan
kaya kahi't bahagya ay hindi siya nagatubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay
Anita.
At naiibig naman siya ng anak ni Don
Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si
Anita ay namangka sa kanilang ilog,
gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig.
Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim
niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni
Anita. Nang makita niya ang malaking
sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa
pamamagitan ng langoy na hampas-tikin

ay inabot niya si Anita na kumakamot sa


ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng
kaliwa niyang bisiig sa may baba ang
dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang
dalawa niyang paa sa ilalim kaya't
pumaibabaw sila, at sa tulong ng
pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad
ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa
pampang.
"Marcos, matagal na naman kitang
iniibig," ang pagtatapat ni Anita sa binata,
makaraan ang may ilang buwan buhat
nang siya'y mailigtas.
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina
upang lisanin ang lupang gayong ang sabi
ay ari ng kanilang ninuno at binubuwisan
na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka
silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang
hindi magdadalang-poot sa gayong
kabuktutan.
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si
Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat
niya ang kanyang mga labi upang huwag
mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom
niya ang kanyang mga kamay hanggang
matimo sa palad niya ang kanyang mga
kuko.
Isang takipsilim nang marinig niya sa
kampanaryo ng kanilang simbahan ang
malungkot na agunyas. Una muna ang
malaking kampana saka sumunod ang
maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang
nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang
kanilang bayan upang malihim pa kung
sino ang binawian ng buhay. Wala siyang
nalalaman na may sakit kundi si Anita.
Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi,
ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa
nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang
walang latay.
Buhat noon ay nagkasakit na si Anita.
Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng
balita. At nang tangkain niyang dumalaw
minsan ay hinarang siya ni Don Teong na
may hawak na rebolber. Susuong
din sana si Marcos, subalit nagdalawangloob siya. Maaaring maging dahilan iyon
ng bigla pang pagkamatay ng kanyang
iniibig, bukod sa magiging subyang sa
kanyang ina kung siya ay mawawala.
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don
Teong ay isinaman na lamang niya sa

talaan ng pagmamalupit sa kanya ng


mayamang may-ari ng lupa nilang
binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa kanila.
At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang
buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay
nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita
niya'y nalagutan ng hiningang siya ang
tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis
sa kanilang lupang kinagisnan at
pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na
mag-anak.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang
hubog sa palihan ng bagong panahon,
lumaki ang puso sa mga pagtitiis. Naging
maluwag nga ang kanyang dibdib sa
pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa.
Hanggang noong bago mamatay si Anita,
akala niya'y maaari pa siyang makalunok
ng bagong pag-upasala ng itinuturing
niyang panginoon. Datapwat nang
tanggapin niya ang utos ng hukuman na
pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang
kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang
gawing batas ang kanyang kamay, yamang
hindi na niya matatamo ang katarungan sa
hukuman ng mga tao.
"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng
kanyang ina. "Hindi natutulog ang Bathala
sa mga maliliit. Magtiis tayo."
Hindi niya itinuloy ang paghanap sa
kanyang itak na matalas. Pagkakain niya
ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina
saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati'y
sinakyan niya ang kanyang kalabaw na
lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga
niya. Lumabas siya sa bukid at hinampas
niya ng tanaw ang karagatan ng
namumulang ginto. Pagdaramdam at
panghihinayang ang ngumatngat sa
kanyang puso. Gaanong pagod ang
kanyang pinuhunan upang ang palay nila'y
magbungang mabuti? Saka ngayo'y
pakikinabangan at matutungo lamang sa
ibang kamay.
Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng
kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman
ang isip kung nagugunita ang utos ng
hukuman, ang alaala naman ng kanyang
ina'y walang iniwan sa bahagharing
sumusugpo sa nagbabalang unos.
Dadalawa na lamang sila sa daigdig at
ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina;
ipinangako niyang hahandugan ng

kaligayahan ang nalalabing buhay nito,


bago malagutan ng hininga ang kanyang
ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya
ang kabutihan kung sila'y magsasarili:
"Tutungo sa hilaga at kukuha ng
homestad. Kakasundo ng mga bagong
magsasaka; parisni Don Teong, kailangang
magkaroon din ako ng gayak paris niya."
Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay
hindi na nag-usisa ang ina palibhasa'y
nababatid niyang sa dibdib ng binata ay
may isang halimaw na natutulog na hindi
dapat gambalain upang huwag magising.
Wala siyang nalalaman kundi tuwing
takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao
sa nayon ang buong kagayakan ay
isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas
sa bukid. May dalawang linggong gayon
nang gayon ang ginagawa, hanggang isang
araw ay tawagan siya ng pansin ng
matanda.
"Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang
lingo na lamang ang natitira sa ating
taning ay hindi mo ginagawa ang
pakikipagtuos kay Don Teong kung may
magiging sukli man lamang tayo sa ating
ani ngayon?"
"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng
mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon
sa kanyang kapanahunan."
Talinghaga na naman ang sinabi ni
Marcos. Gayon man may nagunita siyang
isang bagay na ibig niyang malaman sa
anak.
"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa
bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na
mahal na mahal sa lahat ni Marcos.
Maaaring magpakahinahon si Marcos,
subali't ang huling kapasiyahan ni Don
Teong ay namukaw ng lahat ng kanyang
pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng
dahas, subalit
Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang
mang-aalipin kung walang
magpapaalipin." Napailing siya sa harap
ng gayong masaklap na katotohanan.
Patung-patong na ang ginagawang
pamamaslang sa kanya ni Don Teong
takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin

ni Marcos ang marami pang ibang kasama,


katulad din niya, na sa kamay ng
mayamang si Don Teong ay walang iniwan
sa mga leeg na manok na unti-unting
sinasakal hanggang makitil ang hininga sa
hangad na mahamig na lahat ang
kayamanang gayong minana sa kanilang
mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at
nagbubuwis pa.
"Kailangang maputol ang kalupitang ito!"
Ang tila pagsumpa sa harap ng
katalagahang ginawa ni Marcos.
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter,
at latigo, anak ko?" ang tanong ng
matanda kay Marcos, isang araw na
dumating siyang pagod na pagod sa
naturang dala-dalahan.
"Inihahanda ko po iyon sa pagiging
panginoon natin, paris ni Don Teong," ang
nakatawang sagot ng anak. "Kung tayo
po'y nakaalis na rito, tayo'y magiging
malaya," ang tila wala sa loob na tugon ng
anak.
Ang totoo, ang naturang kalabaw ni
Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng
lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim
ay isinusuot na lahat ni Marcos ang
pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka
dala ang latigong katulad ng pamalo ni
Don Teong. Pagdating niya sa pook na
kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo
ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol
na ang alingawngaw ay abot hanggang sa
kalagitnaan ng bayan. Kung dumating
siya'y dinaratnan niya ang kanyang inang
matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng
isang maitim na Santo Kristo sa kanilang
silid na naiilawan ng isang malaking
kandila.
"Salamat, anak ko, at dumating ka," ang
sasabihin na lamang ng matanda. "Akala
ko'y napahamak ka na."
Si Don Teong ay may ugaling maglibot
tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang
lupa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos
ay baka magkasalubong ito at ang
kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil
ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang
babae na laging may dalang rebolber sa
baywang ang mayamang asendero buhat
nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa,

kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis


ni Marcos.
Subalit isang hapon, samantalang
payapang inihahanda ng mag-ina ang
kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok
ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan
na si Don Teong ay namatay sa
pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga
nakakita na pagkakita pa lamang ng
kalabaw kay Don Teong ay tila may
sinumpang galit sapagka't bigla na lamang
sinibad ang matanda at nasapol ang
kalamnan ng sikmura ng matulis na
sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan
ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at
paglagpak ay sinalo naman ng kabilang
sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasuglasog nang iuwi sa bayan, wasak ang
suwiter sa katawan at saka ang pulinas.
Kumilos agad ang maykapangyarihan
upang gumawa ng kailangan pagsisiyasat
subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan
ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng
kalabaw na animo'y wala sa loob ang
ginawa niyang napakalaking pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw,
bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila
malaman kung papaanong ang poot ni
Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa
alaga niyang hayop.
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan
nang gabing yaon. Tatlong minuto na
lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi
siya gumagalaw, hindi siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng
dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na
idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay,
ang naisip niya'y ang matapang niyang
kalabaw.
"Mapalad na hayop na walang
panginoon," ang kanyang naibulong.

KINAGISNANG BALON
ni Andres Cristobal Cruz
1. Sinasabing walang lampin sa purok ng
Tibag na hindi nilabhan sa tubig na
sinasalok sa malalim, malaki't matandang
balon. 2. Sinasabing walang nagluto ng
pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag
na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon.
3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na
hindi nagbuhos ng malinis at malamig na
tubig na siyang biyaya ng matatandang
balong tisa. 4. Anupa't masasabing walang
isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi
uminom o binindisyunan ng tubig na
galing sa kanilang balon. 5. Kung iisipin,
masasabi rin na ang buhay at kamatayan
ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. 6.
Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang
bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang
masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon
ay bahagi ng kanilang buhay at
kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga
kinagisnang alamat at mga paniniwala't
pamahiing imumulat nila sa kanilang mga
anak, at imumulat naman na mga ito sa
susunod nilang salinlahi. 7. Walang
nakatitiyak kung kailan hinukay ang
balong iyon. 8. "Noon pang panahon ng
Kastila," anang matatanda. 9. "Hindi pa
kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng
iba. 10. At parang pagpapatunay,
patitingnan ang mga tisang ginamit sa
balon. Kauri raw at sintigas ng mga
ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y
sa mga pinakamatatandang simbahang
katoliko sa Pilipinas. 11. Ipaglalaban
naman ng iba na ang balon ay hinukay, o
sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng
mga maykapangyarihan noong panahon
ng mga Amerikano.Katunayan daw,
maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa
Luzon, ang may mga balong katulad ng
nasa Tibag. Kaya naman daw
matatagpuan ang mga ganitong balon sa
labas ng mga matatandang bayan ay
upang madaling masugpo ang kolerang
ilang beses nang kumalat sa buong
kapuluan at umutas ng libu-libong
pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng
bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo
sa kakalat na makamandag na kolera. 12.
May kalabuan man, kung sa bagay, ang
ganoong pala-palagay, wala namang
magagawa ang mausisa. Basta't iyon daw
ang paniwalaan, tapos ang kuwento! 13.

Ganoon din ang ibubulyaw ng mga


matatandang pikon kung kokontrahin mo
sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw
na madilim, lalo na kung patay ang
buwan, may malignong lumilitaw sa may
balon. 14. Magtago ka raw at sumilip sa
likod ng mga punong kakawate, kung
minamalas ka, makikita mo na lamang at
sukat ang isang pagkaganda-gandang
babae sa may balon. May inaaninaw daw
itong mukha ng kung sinong katipang
nalunod o maaaring nilunod sa balon
noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan
naman daw, mga kung anu-anong hayop
ang nagsisilabasan sa may balon at naguungulan. 15. At ano bang mali-maligno!
Naisipan daw ng ilang kabinataan ang
magpahatinggabi sa likod ng mga punong
kakawate. At ano ang natuklasan nila?
Ang nananakot ang siyang natakot. At
nang magkabistuhan na, humangos daw
itong may kinakapkap na kung ano at
hinabol ng mga nakatuklas. Hindi
matapus-tapos ang sisihan nang makasal
nang di oras ang dalawang "maligno" na
walang iba kung di ang tanging biyudo't
pinakamatandang dalaga sa Tibag. 16. Isa
na iyon sa masasayang pangyayari sa
balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't
naliligo ang mga dalaga't kababaihan.
Kung naroon na ang mga dalaga, panay
naman daw ang hugas ng paa ng mga
binata. Naroon na ang nakawan ng tingin,
mga patalinghagang salitang sinusuklian
ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy
na pagbabantang magsumbong. Ang ingay
ng mga batang nagsisipaligo, ng mga
balding pumapalo sa gilid ng balon, mga
pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng
mga dalaga. 17. Marami ang
makapagsasabi sa Tibag, ang buhaybuhay, tulad ng matandang balon, ay siya
na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin
ng kanilang mga anak at mamanahin pa
rin ng mga anak naman nito. 18. Isa na sa
mga makapagsasabi si Tandang Owenyong
Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa
Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga
at balde, ay para gamit lamang sa bahay.
Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga
dalagang nagsusunong ng banga ng
inumin, balde o golgoreta. 19.
Hanapbuhay ni Tandang Owenyong
Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban
niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag
at pinupuno din niya ang mga tapayan o
dram ng mga talagang nagpapaigib sa

mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang


kung nagpipista ay siyang
pinakamaraming handa't bisita, mga
nagiging hermano o punong-abala sa mga
komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib
ng ninuno ni Tandang Owenyo. 20.
Maglilimampung taong gulang na si
Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng
kanyang kulay abong buhok.
Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging
nakakamisetang mahaba ang manggas at
kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw
ang katawan nito noong araw. 21. "Ba't
naman di magkakaganoon e sa banat ang
kanyang buto sa pagsalok n'on pa man,"
sabi ng iba. 22. "Di ba't 'yan 'kamo,"
dagdag ng ilan, "aguwador din?" 23. "Di
ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?" 24.
"Aba, siyanga, ano?" 25. Ang pangalan ng
ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy.
Namatay ito noong panahon ng Hapon.
26. "Pero 'ala pang giyera," pilit ng iba,
"umiigib na ang Tandang Owenyo." 27.
Minana na niya ang opisyong iyan." 28. "E,
si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon
sila" 29. "A, oo! Doon niligawan ng
Tandang Owenyo si Nana Pisyang.
Ipagtanong mo." 30. "Labandera na noon
si Nana Pisyang?" 31. "Labandera na. Ang
ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang
siyang ipinaglalaba naman ng Nana
Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang
istorya, e." 32. "Ang Da Felisang Hilot?"
33. "Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan
naman niyang manghilot ang kanyang
anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." 34.
"Tingnan mo nga naman ang buhay." 35.
"Sa Amerika ba, merong ganyan?" 36.
"Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa
'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay." 37.
"Mana-mana ang lahat." 38. "Si Ba Meroy
aguwador, puwes, si Tandang Owenyong
anak ay aguwador din." 39. "At si Nana
Pisyang ng Da Felisa, labandera." 40.
"Pero si Nana Pisyang humihilot din." 41.
"Ow, ano ba naman 'yon? Di naman arawaraw e me nanganganak. Saka, bigyan mo
na lang ng pangkape ang Nana Pisyang,
tama na." 42. "Me pamamanahan na sila
ng kanilang mga ikinabubuhay." 43. "Di
nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang
sa paglalaba't paghahatid ng damit ang
dalagita niyang si Enyang? Meron na
siyang magsisiksgreyd." 44. "At si Narsing
nila?" 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos
ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy." 46.
"Ow tama na 'yon. Tapos ka't hindi,

pareho rin." 47. "Si Narsing ang me ulo.


Laging me dalang libro e!" 48. "Sa library
nga raw sa kabayanan nagbabasa't
humihiram ng libro." 49. "Minsa'y nakita
kong may kipkip na libro. Tinanong ko
kung ano." 50. "E. ano raw?" 51. "Florante
at Laura daw." 52. "Tingnan mo nga 'yan.
Sayang na bata. May ulo pa naman." 53.
"Balita ko'y ayaw mag-aguwador." 54.
"Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang
nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa
paaaguwador mapupunta. Ba't nga naman
iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente
bonete na." 55. "Kayo, pala, oo! Para
naman kayong bago nang bago sa
Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit
'yon!" 56. "Di aguwador din ang bagsak ni
Narsing!" 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing.
Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo
nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para
gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa
niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa
gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga
matatandang babaing naglalaba sa may
balon, kung magpingga lamang si Narsing
mapagkakamalan daw itong si Tandang
Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din
ang palagay ng mga nagkakahig ng
sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa
harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng
lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni
Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang
sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At
ito'y may kasamang malalim na hinanakit.
60. Nagsasampay ang kanyang ina nang
siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat
na alambreng sampayan ay lundung-lundo
sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na
nakita ni Narsing na ang sampayan ay
nawalan ng laman, na ang damuhan sa
may gilid ng bakod na siit ay walang latag
na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran
hanggang sa duluhang papunta sa bukid
ay gumagapang ang kamoteng putpot, na
ang talbos ay naagad. May kapirasong
balag na ginagapangan naman ng upo. 61.
Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana
Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon
sa paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo
at talagang inilalaan para sa susunod na
pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si
Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa
Velasquez. Sa area, naglalakad siya't
naghahanap ng mapapasukan Kahit na
ano, huwag lamang pag-aaguwador.
Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis
siya. Kung anu-anong kumpanya't

pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos


naman NO VACANCY at WALANG
BAKANTE, ang nakasabit sa mga
tarangkahan at pintuan ng mga
pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala
siya ang nabibigo. May nakakasabay pa
siyang madalas na mga tapos ng
edukasyon at komers. Ang mga ito'y me
dala pang sulat na galing sa ganoo't
ganitong senador o kongresman.
Natatawang ibig maluha ni Narsing.
Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na
pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si
Haring Pilato ang nakapirma, talagang
walang maibibigay na trabaho ang
balanang puntahan ni Narsing. 64.
Napadaan si Narsing sa isang malaking
gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to, sabi
niya sa sarili habang pumapasok siya sa
isang ektarya yatang gulayan na binakuran
ng mga alambreng matinik. Kinausap niya
ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng
dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Tagaalis ng uod, magpala o magpiko sabi ni
Narsing sa Intsik. 65. "Hene puwede,"
sagot ng Intsik, "hang lan akyen tlamaho.
Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig."
66. "O, paano, talagang wala?" sabi ni
Narsing at napansin niyang tumigas ang
kanyang boses. Para siyang galit. 67. "Ikaw
gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng
Intsik. Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto lang
tulong sa 'yo. 68. "O sige, ano?" 69. "Ikaw,
kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw
na gusto?" 70. Ibinigay ng Intsik ang
kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71.
Kinabukasan ng hapon nagpaalam si
Narsing sa kanyang tiyahing nasa
Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi
sa kanilang bayan sa lalawigan, sa
Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang
nabibigo sa paghahanap ng trabahong
bago at hindi minana. Habang daan ay
inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan
ang kanyang mamanahing hanapbuhay na
halos pantawid-gutom lamang, ang isang
kalagayang pagtitiis mula sa umpisa
hanggang sa katapusan, walang
kamuwangan, hirap, at laging nakasalag,
kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa
pagsasamantala naman ng marami. 72.
Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi
na 'ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang
kanyang isip at guniguni sa sanlibu't
sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at
sa maraming paghahamon ng buhay na di
niya maubos-maisip kung paano

mapananagumpayan. 73. Magtatakipsilim na nang dumating siya sa Tibag.


Dinumog siya ng mga paslit na
nagtatanong kung mayroon siyang dalang
pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74.
Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay
tahimik na nag-ahin ng hapunan sa
lumang dulang. Habang sila'y kumakain,
naramdaman ni Narsing na naghihintay
ang kanyang ama't ina ng kanya pang
isasalaysay tungkol sa kanyang
paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano
naman ang maibabalita niyang hindi pa
nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng
paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya
nang inalok at pinakakaing mabuti ng
kanyang ina. Animo'y nagkandagutom siya
sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa
kanyang amang nasa kabisera ng dulang.
Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa
kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang
mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo
ng kanyang ama't ina. Marami pa silang
inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang
ulam nila'y kamatis at bagoong na may
talbos na naman ng kamote, isang
mangkok na burong mustasa at ilang
piniritong bangus. Maya't maya ay
sinasaway ng kanyang ina ang mga batang
parang aso't pusa sa pag-uunahan sa
pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang
marahil ang hindi halos nagkaroon ng
mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila
ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa
sinigang o minsan sang buwan nilagang
karne, halos sambalde ang ibubuhos na
tubig para dumami ang sabaw. Habang
lumalaki't dumarami ang subo ng mga
bata, dadalang naman nang dadalang at
liliit ang subo ng kanyang ama't ina. Siya
man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang
ganoong tagpo ay kanyang
pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng
kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan
niya ang kanyang mga kapatid na palihim
na waring nagsusukat ng mga damit na
mahuhusay na ipinaglalaba't
ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad
din iyon ng kanyang paghihimagsk na
matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at
napapansin niyang dumarami ang kulubot
sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan
ang pingga't dalawang balde na animo'y
isang Kristo sa pagkakayuko na ang
paghihirap ay wala nang katapusan. 77.
Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng
kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa

unang baytang sa itaas ng kanilang


mababang hagdan. Nakatingin siya sa
duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin
pansamantala ang pagtatanim ng gulay.
Nalingunan na lamang niyang nakatayo
ang kanyang ama sa may likuran niya. 78.
"Gayon din lamang," mungkahi ng
kanyang ama sa malumanay na boses, at
ibig mong maghanapbuhay, subukin mong
umigib." 79. May idurugtong pa sana ang
kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si
Narsing. Malakas at pasinghal ang
kanyang sagot. 80. "Ano ba naman kayo!
Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako
maging aguwador!" 81. Napatigagal ang
kanyang ama. Ang kanyang ina'y
napatakbo at tanong nang tanong kung
bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura
siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong
pinaghaharian ng pagdaramdam at
kumakatal ang tinig. "Ano ang masama sa
pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!"
83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit
sinundan siya ng kanyang ama't buong
lakas na hinaltak at inundayan ng sampal.
Parang natuklap ang mukha ni Narsing,
Itinaas niya ang isa niyang kamay upang
sanggahin ang isa pang sampal. Nakita
niyang nagliliyab ang mga mata ng
kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang
ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang
mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw
siyang lumapastangan. Pati ang mga
bata'y umiiyak at humahagulgol na parang
maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang
ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng
dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin
ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa
naman, sayang. Oy, kung me gusto kang
gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din
ang araw na mararanasan mo rin
mararanasan mo rin." 87. Kung anu-anong
balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib
si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay
hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng
dati. Ganoon din ang kanyang ama.
Waring nahihiyang magtanung-tanong ang
mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kanikanilang sarili'y magpalitan sila ng tsismis
at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo
pagkatapos ng pagkakasagutan nilang
mag-ama, ang Tandang Owenyong ay
nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at
mabuti na lamang daw at sa labas ng
balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang
dibdib ng matanda ay pumalo sa mga
nakatayong balde at ito'y napilayan.

Nabalingat naman ang isang siko niya.


Sabi ng marami ay nahilo ang matanda.
Ang iba'y nawala sa isip niya ang
ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang
Owenyo. Ipinatawag na ang
pinakamahusay na manghihilot na
tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni
Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba
iigib uli ang matanda. Walang malay gawin
ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang
malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay
lalong lumaki sa pagkakasakit ng
matandang aguwador. 90. Isang hapong
umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay
may naglakas-loob na nagtanong kung
magaling na ang kanyang ama. Bakit daw
hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw
kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba
mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o
sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon,
sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa
paniwalang siya ang talagang
magmamana sa gawaing iyon ng kanyang
ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari
ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi
siya tinukso ni pinagtawanan at
kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang
balikat at magdamag na nanakit ang
kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog
sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at
pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib.
93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang
hinihigang sahig. Nakikita niya ang
malalayong bituin. Narinig niya ang mga
mumunting hayop at ang alit-it ng mga
kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa
malayo'y may asong kumakahol na parang
nakakita ng aswang o ano. Hindi siya
nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala
niya noong siya'y nasa hayskul. Bago siya
maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang
kanyang sariling kamukha ng kanyang
amang animo'y isang Kristong pasanpasan
ang pingga't dalawang balding mabibigat.
Naisipan din niyang taniman nang
taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi
na kanila't inuupahan na lamang. 94.
Maaga pa'y bumaba na ng bahay si
Narsing. At siya'y muling umigib. Mahapdi
ang kanyang balikat. Humihingal siya't
parang hindi na niya kayang ituwid ang
kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon,
naghihintay si Narsing ng kanyang turno
sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga't
kabinataan sa paligid ng balon. May
tumatawang nagsasabing binyagan ang
kanilang bagong aguwador. 96. "Binyagan

si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid ng


balon, at may nangahas na magsaboy ng
tubig.

SI PINKAW
ni Isabelo Sobrevega
Naalimpongatan ako sa pagtulog nang
hapong iyon sa sigawan at nanunuyang
tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-dali
akong bumangon, nagpahid ng pawis at
dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na
sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang
kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian
at may medyas ang isang paa na ewan
kung asul o berde. Malayo siya kayat di
ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti,
may nakataling pulang papel de Hapon na
may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo,
may nakapatong na palara na kumikinang
tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.
Hoy, Pingkaw, sigaw ng isang bata na
nakasundong abot sa tuhod at may
itinatawing-tawing sa daga. Sige nga,
kumanta ka ng blak is blak.
Ay, hiya ako, nag-aatubiling sagot ng
babae, sabay subo sa daliri.
Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak
mo, nakangising sabat ng pinakamalaki
sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto
lamang. At umambang aagawin ang karga
ni Pingkaw.
Umatras ang babae at hinigpitan pa ang
yapos sa kanyang karga.
Sige agawin natin ang kanyang anak,
sabi nilang pahalakhak habang pasayawsayaw na pinalilibutan si Pingkaw.
Maya-mayay nakita kong lumuhod si
Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang
bata.
Huwag niyo naming kunin ang anak ko.
Isusumbong ko kayo sa meyor. Patuloy
pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na
lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.
Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw
at pagkainis sa mga bata. Kayat sumigaw
ako para takutin sila. Hoy mga bata,
salbahe nyo! Tigilan nyo ang pagtukso sa
kanya.
Ewan kung sa lakas ng pagsigaw koy
natakot ang mga batang isa-isang nagaalisan. Pagkaalis nila, tumingala si
Pingkaw sa akin at nagsabi:
Meyor, kukunins nila ang aking anak.
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti.
May koronel, may sergeant, may senador
siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na
naman. O sige, hindi na nila kukunin yan.
Huwag ka nang umiyak.
Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang

karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa


lata ng biskwit. Dali-dali niya itong pinulot
at muling ibinalot sa lata.
Hele, hele tulog muna, wala ditto ang
iyong ina ang kayang kanta habang ang
latay ipinaghele at siyay patiyad na
nagsasayaw.
Natigilan ako.
At naalala ko ang Pingkaw na dati naming
kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa
siya ganito.
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang
hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng
syudad) at ditto nagmumula ang kanyang
makakain, magagamit o maipagbili.
Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi
naman kagandahan ang kanyang tinig basag at boses-lalaki. Subalit kung may
ano itong gayuma na bumabalani sa
pandinig. Ewan kung dahil sa tila
malungkot na tinig ng kanyang paghehele
o kung dahil sa pagtataka sa kanyang
kasiyahan gayong isa lamang siyang
naghahalukay ng basura.
Kadalasan, pabalik na siya niyang galling
sa tambakan. Ang kariton niyay puno ng
kartong papel, bote, mga sirang sapatos,
at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa
gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang
kanyang pananghalian. Itoy mga tiratirang sadinas, karne norte o kayay pork
and beans, pandesal na kadalasay
nakagatan na at kung minsan, kung
sinuswerte, may buto ng fried chicken na
may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat
na katawan masasabing tunay na mabigat
ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat
ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa
ng kundimang Bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanilang
barung-barong, agad niyang tatawagan
ang kanyang anak: Poray, Basing, Takoy,
nandito na ako. At ang mga ito, dalidaling nagtakbuhan pasalubong sa kanya
habang hindi makaringgan sa pagtatanong
kung may uwi ba raw siyang dyens na
estretsibol; ano ang kanilang
pananghalian, nakabili ba raw siya ng
bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay
ngunit hindi ko man lamang nalaman ang
kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang
tawag ng lahat sa kanya, byuda na sya.
Namatay ang kanyang asawa sa sakit
ng epilepsy habang dinadala niya sa
kanyang sinapupunan ang bunsong anak.
Samantala, si Pisyang Tahur ay

sumusumpa sa kanyang paboritong santo


na hindi raw kailanman nakasal si
Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang
tatlong anak. Ang kanyang panganay, si
Poray, ay labis na mataas para sa kanyang
gulang na labintatlong taon at masyadong
payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot
ng estretsibol na dala ng ina mula sa
tambakan, maaalala mo agad ang
panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang
sumunod, sungi ngunit mahilig pang
pumangos tubo gayong umaagos lamang
ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang
bunsong ewan kung tatlong taon pa
lamang ay maputi at guwapung-gwapo.
Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya
kung minsay naisip mong totoo nga ang
sinasabi ni Pisyang Tahur.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni
Pingkaw ang mga laman ng kariton,
ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga
kariton at iba pang nakalagay rito sa
napulot sa tambakan katulong ang kayang
mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na
umawit habang gumagawa. Kung minsan,
sumasabay ang kayang mga anak at ang
sungi ang siyang may pinakamataas na
tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang
kariton patungo sa Tsino na tagabili.
Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang
mga anak. Sa tambakan, karaniwang
makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang
kanilang mga anak, ngunit hindi mo man
lamang makikita si Pingkaw na inaambaan
ang kanyang mga anak. Ang mga bata,
nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo
sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang
ina ang maliit na anak na nahuli nitong
tumitingin sa malalaswang larawan, hindi
kailangang paluin, sapat nang turuan sila
nang malumanay. Iba ang batang nakikinig
sa magulang dahil sa paggalang at
pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan,
susunod sa iyo subalit magrerebelde at
magkimkim ng sama ng loob.
Sa tunggalian ng pamumuhay sa
tambakan na roo, ang isang taoy handing
tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay
lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha
siyang matulungin lalo na sa katulad
niyang naghahalukay lamang ng basura.
Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak
ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at
matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba
niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa
piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga
nagpapalimos.

Alam ng lahat sa tambakan ang


pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el
to rang sunging anak ni Pingkaw.
Nagtungo ang babae sa suking Tsino.
Nakiusap na pautangin siya.
Magpapahiram naman daw ang Tsino
ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na
ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na
ito: pinagdugtung-dugtong ng mga
tagatambakan kung ano ang kondisyong
iyon sapagkat wala naman talagang
nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa.
Nalaman na ng lahat ang mga naganap;
ang pagkabasag ng kawali na inihambalos
ni Pingkaw sa ulo ng Tsino.
Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang
anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya
ng dahon ng bayabas at ipinainom sa
anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti
sa bata.
Nagpapakita rin na may awa ang Diyos.
Kung ninais Niyang mamatay ang aking
anak, sanay namatay na. ngunit dahil
naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin
kahit hindi naipadoktor, ang sabi ni
Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa
bago pa man gumaling ang kanyang anak.
Minsang nag-uusap ang mga
nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa
bigas relip, at iba pang bagay na
ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga
sa mga mahihirap. Sumabat si Pingkaw na
nagkataong naroroon, Bakit iaasa ko pa
sa ahensya ang aking pamumuhay?
Malusog at masigla pa naman ako sa
pagtutulak ng aking kariton upang
tulungan. Marami pa riyang iba na higit na
nararapat tulungan. Ang hirap lang sa
ating pamahalaan, kung sino ang dapta
tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit
ang ibang mabuti naman ang
pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng
tulong. Kabaliwan
Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa
kanyang naabot sa buhay.
Naganap ang sumunod na pangyayai kay
Pingkaw nang akoy nasa bahay ng aking
kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng
aking mga kapitbahay pagbalik ko, at
matinding galit ang aking nadama.
Isang araw, matapos silang mag-agahan
ng kayang mga anak, bigla na lamang
namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan.
Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano
mang panis na kanilang nakain.
Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo
siya sa mga kapitbahay upang humingi ng

tulong. Ngunit wala silang maitulong


maliban sa pagsabihan siyang kailangan
dalhin ang mga anak sa ospital.
Walang nagdaraang mga saasakyan sa
kalyehon kaya sa kariton isinakay ni
Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo
siya sa bahay ng isang doktor na malapit
lamang, ngunit wala ang doktor at
naglalaro ng golp, ayon sa katulong.
Itinulak niyang muli ang kariton at
nagpunta sa bahay ng isa pang doktor.
Matagal siyang tumimbre nakita niyang
may sumisilip-silip sa bintana.
Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni
Pingkaw ang kanyang kariton papuntang
bayan. May doktor doon ngunit wala
naming gamut para sa nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si
Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang
pagkalumbay sa pagiging maramot ng
kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang
pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada,
maraming sasakyan ang kanyang
pinahinto upang isakay ang kanyang mga
may sakit na anak ngunit wala ni isa sa
mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin
niyang hindi na kumikilos ang kanyang
panganay. Para siyang sinakluban ng langit
nang mabatid niyang hindi na ito
humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa
pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay
ng natitira pa niyang dalawang anak.
Maraming tao ang may pagkamanghang
nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa
mang lumapiot upang tumulong.
Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang
mga anak sa kariton habang nagdaraan ito
sa mga lubak-lubak ng kalsada.
Pakiramdam niyay isang daang taon na
siya nang makarating sa pambansang
ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga
doktor at narses na ang tinitingnan
lamang ay mga pasyenteng mayayaman
na wala naming sakit, binigyan din ng
gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.
Nang gumabiy namatay si Poray, ang
pinakamatanda. Dalawang araw pa ang
lumipas, sumunod namang namatay ang
bunso.
Nakarinig na naman ako ng kaguluhan.
Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na
nagbalik, sinusundan na naman ng mga
pilyong bata.
Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang
iyong nanay ang kanta niya, habang
ipinaghehele ang binihisang lata.

SUYUAN SA TUBIGAN
ni Macario Pineda
Sumisilip pa lamang ang araw ng kami'y
lumusong sa landas na patungo sa tubigan ni Ka
Teryo. kasabay namin si Ka Albina na kasama
niyang si Nati at ang kanyang pamangking
si Pilang. Ang tatlo'y may sunong na mga
matong ng kasangkapan at pagkain.

"Ang Ka Teryo mo'y hindi makakalusong.


Masidhi na naman ang rayuma," wika ni Ka
Albina sa akin. "Kung di nga lang lubugin ang
tubigan naming yaon ay naurong sana ang
pasuyo namin ngayon. Mahirap ang wala ang
Ka Teryo mo."

"Maano naman ho iyon," tugon ko. "Nariyan


naman si Ka Ipyong at si fermin."

"Ilan ang natawag ninyo, Ka Albina?" tanong


ni Ore." Aanim pa kaming nagkakasabay-sabay
ngayon."

"Wika ni Ipyong ay baka raw umabot sa


dalawampu kayong lahat."

Nilingon ni Pakito ang dalawangdalaga. "Kaya


pala mukhang mabigat ang mga matong na
iyan. kay raming pagkain marahil," wika niya.

Nagtawa si Nati. Tila nga naman


nagpapahiwatig ng malaking gutom ang
panannalita ni Pakito. Si Pilang ay walang imik
at tila matamang pinagmamasdan ang landas
na tinalunton. Magaganda ang mga paa ni
Pilang. Ilang sandaling pinagmasdan ko ang
kanyang banayad na paghakbang.

Sinutsutan ni Pastor ang kanyang pinauunang


kalakina hanggang maagapay siya kay Nati,
"Aling Nati," wika niyang nakatawa, "ako na
ho sana ang pasunungin ninyo ng matong
na iyan."

magsusunong pa kayo ng matong. Nais ba


ninyong matambak?"

"Bakit hindi mo aluking sunugin ang matong ni


Pilang?" wika ni Pakito. "Si Nati ba lamang ang
pinahahalagahan n'yo?"

Lalo kaming nagkatawanan. Si Pastor ay halos


pagulantang na tumawa kay Pakito. At
lumingon si Ka Albina sa amin alangang
matawa, alangang magalit ang anyo ng kanyang
mukha.

Pinamulahan ng mukha si Pilang ngunit kahit


isang ngiti ay wala siyang isinalo sa
amingkatuwaan. Patuloy ang banayad niyang
paghakbang. At tila lalong mapuputi ang
kanyang binti sa ibabaw ng putikang
landas. Si Ore ay napansin kong dahan-dahang
nagpatihuli. Nang lingunin ko siya ay napansin
kong tila may malalim na iniisip ang binata ni Ka
Inso.

Nang Kami'y dumating sa tubigang aararuhin ay


malapit nang makatapos ng pagtitilad si Ka
Ipyong at si Fermin. Sa hindi kalayuan ay
natanaw naming dumating sina Ka Punso, Ka
Imong, Toning , Ilo, at Asyong. Sa malayo ay
may ilan nang dumarating na hindi namin
mapagpasiya.

Tinitigan ni Filo ang kalabaw ni Fermin. "Tila


pusang nanunubok kung humila ang kalabaw ni
Fermin," wika niya sa amin.

"Mangyari'y nagpapagawa naman ng bahay si


Fermin," pagtatangol sni Pakito. "Hayan nga
naman, mayroon na silang bahay."

"Parang bakal naman ang kalabaw na iyan,"


wikani Ore, "At saka matakaw pa. Kupi kasi ang
sungay kaya matigas."

Nalingunan ko si Pastor na nakaupo sa tabi ni


Pilang at tumutulong sa dalaga sa pag-ayos ng
mga kasangkapang gagamitin. "Huwag na,
Pastor," wika ng dalaga. "Piniritong kamote at
kape lamang ang ihahain. Kaya na namin ni Nati
iyan."

"Bakit mo naman tinatanggihan ang aking


pagtulong?" tanong ni Pastor. Nang yumuko si
Pilang upang hanguin ang iba pang mga
kasangkapan ay nakita kong sumulyap ang
binata sa dalaga.

Nilingon ko si Ore. Ang binata ay nakaupo at tila


ang kanyang guyurang pinagdurugtonglamang
ang kanyang nakikita. Mapulang-mapula ang
mukha ni Ore.

Nang dumating sina Ka Punso ay ang kalabaw ni


Asyong na bagong bii ang
amingpinagkulumutan.

Walang malamang tugunin si Asyong sa aming


mga pagtatanong, "Dalawa't kalahati ng aba
iyan, Asyong?" "mabuti ba sa tubigan?" "Tila
maliksi! Mainam ang mga braso." "Tuyong-tuyo
ang mukha." "May ilalabas ang kalabaw na
iyan." "Hindi naman lubhang malaki ano?" "Ano
kaya? maiharap kaya natin iyan sa kalakian niKa
Pedro?" "Saan mo nabili, Asyong?" "Sino
ang kasama mong pumili?"

"Si Punso yata ang kasama niya,' wika ni Ka


Imong. Nilingon namin si Ka Punso na
hindinakikisalamuha sa aming pagkakagulo sa
kalabaw ni Asyong. "Hoy tsip," wika namin,
"kaya ka pala nagmamalaki ay ikaw ang may
tuklas nito, a."

Nagtawa si Ka Punso. "Paano pa. Sa lagay ba'y


asin ko na'y lako ko pa?" At nagtawanan
"Siyanga," ayon ni Yoyong. "Talaga namang
ibang-iba ang mga hita ng kalabaw na iyan."

nagtawanan kami. Sinulyapan ni Nati si Pastor.


"Salamat ho," tugon niya. "Diyan ho lamang sa
araro at kalabaw ninyo ay napuputot na kayo,

Pinagmasdan ko si Bonita ko. "Paano kaya ang


matsora ko? Huwag di mahirapan ay ayaw nang
kumain. Ayaw magtakaw.'

kaming lahat.

"Halina kayo." tawag ni Ka Albina sa amin.


'Nakahanda na ang kape. Magpainit muna kayo
ng tiyan."

Gumawi ako sa dalawang dalagang nag-aabot


ng mga tasa ng kape at mga pinggan ng
piniritong kamote. 'Maaari na ba akong maging
serbidor diyan?" wika ko kay Nati.

Bigla akong inabutan ni Nati ng isang tasa ng


kape. "Kumain ka na lang, lalaki ka. Tinawag ka
rito upang mag-araro, hindi upang
magserbidor."

taas na rin ang araw ng kami'y lumipat sa pitak


na tinilad ni Uwing.
Naunang napalakad si Ka Punso. At kami'y
nagsunod-sunod. Ikalabin-lima ako sa hanay.
Ang sinusundan ko'y si Ka Imong. 'Huwag muna
kayong bubugaw. bayaan muna nating maginit-init ang ating mga kalabaw," wika ni Ka
Imong.

Nilingon ko sina Ore at pastor. Nahuhuli sila


nang isang unat-suga sa amin. Ang dalawa'ytila
nagkakahiyaang hindi ko mawari.

Nang tanawin ko ang dalawang dalaga ay nakita


kong nanonood sila ng tila paradang ayos ng
aming mga kalabaw.
Lumapit si Pastor kay Pilang. Kitang-kita ko
nang abutin niya ang tasa ng kape ay
kusaniyang sinapupo ang mapuputing daliri ng
dalaga. Kaunti nang maligwak ang kapeng
mainit."Salamat," wika pa ng saragateng si
Pastor. Kumislap ang mga mata ni Pilang ngunit
hindi siya nagsalita gaputok man

Lumapit si Ore sa aking kinatitingkayaran.


Mayroon pang isang tasang kape na
tinimplahan ni Pilang ng asukal: akal ko'y
kay Ore ibibigay yaon. Ngunit si Ore kay Nati
Lumapit. Si Nati ang nagbigay ng kape at
kamote kay Ore.

Habang nagkakainan kami ay pasulyap-sulyap


akokina Nati, Pilang, Ore, at Pastor. Makailang
nagpalitan ng makakahulugang titig sina Nati at
ore. Si Pastor at laging kay Pilangnakasulyap.
Ang dalaga naman ni Ato ay laging nakatungo
sa kanyang ginagawa. Ngunit ngminsang mahuli
niyang sa kanya nakatitig si Pastor ay
pinamulahan siyang gayon na lamang ng mga
pisngi. At dagli niyang inayos ang kanyang saya
upang matakpang mabuti ang kanyang binti.

Pagkatapos ng kainan ay nagsipagsingkaw na


kami. At siyang pagdating ni Pekto.
Nagpapatakbo ng kalabaw na nakasingkaw na
sa araro ang binata ni Ka Gabino. At
Humihiyaw, 'Kaunti na akong mahuli sa pista...
kaunti na akong mahuli..." Kay saya ni Pekto at
kay liksi niya sa pag-aangat ng kanyang araro
kung nilalampasan niya ang mga pilapil. Si
Pekto ang may sabi sa akin na kung mayroon
daw suyuan sa tubigan ay tila,ay pista ang mga
magsasaka. Makisig dangan kasi ang kalakina ni
Pekto.

Nakalimang likaw muna kami bago bumugaw si


Toning. Nang matilamsikan ng putik si FIlo ay
bumugaw na rin ito. At ng maramdamam ni
Asyong at ni Ka Punso ang kilusan sa kanilang
likuran ay lumingon ang dalawa. Nakatawa si ka
Punso. Ang kanyang kalabaw ay
tila nakikimatyag. Sanay na sanay sa mga
katuwaan ng suyuan ang kalabaw na iyon.

Si Uwing, na pagdating nagtilad na sa ikatlong


pitak, ay humiyaw sa amin. "Arya na kayo...
arya na..." hiyaw niya. Tila ko nakita kahit mula
sa malayo ang dalawang ngiping usos
ni Uwing.Para kong nakikitang ang dalawang
ngiping yaon ay tatawing-tawing sa
kanyang pagsasalita. Nagunita ko tuloy ang mga
ngiping pantay-pantay ni Pilang, mapuputi
at nagkikislapang anaki'y nakar. Nilingon ko
si Ore at Pastor. Tila nagkakahiyaan pa rin
ang dalawa.

Binanat ni Ka Punso ang kanyang pamitik.


Umigpaw ang kanyang kalakian. Sinutsutan si
Asyong ang kanyang bagong bili. Nagkapitikan
kami ng aming mga kalabaw. Nagbugawan
kami. Nag-umalon ang mga kalamnan ng mga
hita ng aming mga katulong. Sumagitsit ang
subsob kung bungkalin ang malagkit na putik.
halos kumalabog ang lupa kung ibaliktad ng
lipya. At nagtayo ang mga ulo ng aming mga
kalabaw. tila nahahalata ng aming mga
katulong na hindi nila dapat isubo sa kahihiyan
ang kanilang mga panginoon.

At sa gayon ay madaling natapos ang malaking


pitak na nilusungan namin. gayunman mataas-

"Halina muna kayo." hiyaw ni Ka Albina.


'Magminindal muna kayo bago simulan iyan."

"Nariyan na kami," hiyaw ni Ka Punso, sabay


pitik sa kanyang kalakian. Sunod-sunod kaming
pumitik, nagbugawan kami, naghiyawan kami.
Nagpanakbuhan ang mga kalabaw. Sumagitsit
ang tubig, tumilapon ang putik, kumikislap ang
mga sudsod at lipya sa liwanag ng araw. Kay
saya ng aming hiyawan at tawanan. At
namamaibabaw ang tinig ni Pekto. "Pista...
pista ng magsasaka."

Kaning mainit, bukayong niyog, at adobong


manok ang aming minindal. Nagmamadali tuloy
ako sa pag kakalag kay Bonita. ngunit nang
makakain na kami ay saka lamang namin
napansin sina Pastor, Ore at Tinong pala ay
kasalukuyang nasusubukan sa tarakan sa
ikatlong pitak. Nauuna si Pastor, sumusunod
si Ore, nasa hulihan si Tinong.

"Salbahe talaga yang si Tinong," wika ni Ka


Punso. "Tiyak na siya ang nagbuyo sa dalawa.
Nagkakainisan ba ang dalawang iyan?"

Malimit ang hiyaw ni Tinong sa kanyang


kalabaw ngunit sina Pastor at Ore ay walang
imikan. Banat na banat ang kanilang mga
pamitik, pigil na pigil ang mga ugit ng kanilang
mga araro, nag-uumalon ang mga kalamnan sa
mga hita ng kanilang mga kalabaw.

At sumusubo lamang kami ng pagkain ay nasa


malayo ang aming isip at mga mata. Sinulyapan
ko ang dalawang dalaga. Nakatawang
nanonood si Nati. Si Pilang ay nakatungong may
kung anong inaayos. Bahagya na siyang
mapasulyap sa tatlong nagtatarakan.

"Noong si Juana ay aking nililigawan ay


nakatagpo kami niyong taga-Dalig sa pasuyo
niTandang Lucio sa Nabao," wika ni Ka Punso.
"Alam kong nais niyang gumiri kay Juana.
Maganda ang kalabaw ng taga-Dalig na yaon.
Ang gilas ng tindig - kung masisindakin ka'y
sasabihin mong mahirap girian nang gayun-

gayon lamang." Kumislap ang mga mata ni Ka


Punso.

Mangyari pang di si Pekto ang hahabol sa


pangyayari. "Ano ang nangyari Ka Punso?"
tanong ng binata ni Ka Gabino, "Nagkahiritan
ba kayong mabuti?"

"Nahuhuli ako. At sampung likaw na yata ay


hindi ko pa mahalataan ang kalabaw niya. Ang
kalabaw ko naman ay napapansin kong ibig
nang tumigil. Bumubula ang ang bunganga.
Palagay ko'y abot na ang hingal."

Tinanaw ko ang tatlong nagsusubukan. Naiiwan


na si Toning. Nagkakabuntutan pa rin ang mga
kalabaw nina Ore at Pastor.

"Noong nakadadalawangpung likaw na kami


marahil ay pinilantik ng taga_Dalig ang kanyang
kalabaw. Akala niya marahil ay maiiwan na ako.
Sa pilantik niyang iyon ay akalain ninyong
biglang mahiga ang kanyang kalabaw. Kay lalim
ng lubak na ginawa." kay lakay ng halakhak ni
Pekto.

"At ang kalabaw mo Ka Punso?" tanong ko,


"hindi ba nahirapan?"

Nagtawa nang malakas si Ka Punso. "Anong


hindi nahirapan? Ang sabihin mo'y ayaw man
lamang tumayo kinabukasang ipagsuyod ni
Ama. Kaunti na akong hambalusin ng urang ni
Ama." Lalong napalakas ang tawanan.
Tinamaan tuloy ako sa ilong ng isang butil ng
kaning nanggaling sa bibig ni Ka Punso.

Patuluyan ng tumigil si Toning. Pinanonood na


lamang niya ang nag tatarakan. Maylabinlimang
likaw na ang kanilang nadaraanan ay hindi pa
nagkakahiwalay ang dalawa.Napabuntonghininga ako nang pilantikin ni Ore ang kanyang
kalabaw. Mula sa kinauupuan namin ay tila ko
nakita ang mukha ni Ore - kunot ang noo, tiim
ang mga ngipin, tikom ang mga labi, pigil na
pigil ang ugit ng araro, at halos magsugat ang
kaliwang palad sa pagbanat ng pamitik.
Napapaangat ako sa bawat hakbang ng kalabaw
ni Ore. Batid kong ang buong lakas ng kaisipan
ni Ore ay nakatuon sa likuran ng kanyang
kalabaw.

At wari'y malikmatang gumuhit sa balintataw


ng aking mga mata ang mga liham ng dulang
nangyari na sa paligid-ligid ng mga tubigang
yaon: si Ka Punso't Ka Juana, si Ka Imong at si
Ka Marta, si Fermin at si Gundang, si Asyong at
si Auring, si... mga pasalising tagpo sa malaki't
lalong makabuluhang dula ng buhay.

Muling pumilantik si Ore. Umigpaw ang


kanyang kalabaw. Nakatawang lumingon si
Pastor. Hindi pa siya pumipilantik ay
nakakadalawa na si Ore.

Nilingon ko si Nati. Ang dalaga ni Ka Albina ay


napapatunganga sa panonood ng
pagsusubukan. Si Pilang ay nakatungong
naglilinis ng mga pinggan. Mapulang-mapula
ang mga pisngi ng dalaga.

Pumilantik si Pastor. Umigpaw ang kanyang


kalabaw. Unti-unting naiiwan si Ore. Ngunit ang
kalabaw nito ay lalong nag-uumunat. Tila may
isip ang kalakian ni Ore sa pagsunod sa kalabaw
ni Pastor. Isang pamitik na ang agwat ni Pastor
kay Ore. At damak-damak na palayo si Pastor.
Naghiyawan kami.

"Magkalag muna kayo," hiyaw ni Ka


Punso."Naghihintay ang pagkain... Pastor,
magkalag muna kayo."

Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kanyang


kalabaw. Pagkatapos masabuyan ng tubig
aynakatawang lumapit sa amin. Nilalamas pa
ni Ore ang batok ng kanyang kalabaw na abotabot ang paghingal.

Inabutan ni Pilang ng pinggan si Pastor.


Namumula ang mga pisngi ng dalaga.

'Ore," hiyaw ko. "Halika na. Kumain ka na at ako


na ang magsasaboy ng tubig sa kalabaw mo."

Dahan-dahang lumapit sa amin si Ore.


Mapulang mapula ang kanyang mukha. At
paulit-ulit niyang ikinukuskos ang kanyang mga
palad sa kanyang pantalong maong. Malinis na
malinis na ang palad ni Ore ay kuskos pa rin siya
nang kuskos. Naiisip ko tuloy: mayroon kayang
putik ang kanyang mga palad na siya lamang
ang nakakakita?

"Talagang matikas ang kalakian ni Pastor," wika


niya.
Pumilantik si Ore at sinabayan ng isang sutsot.
Lalong nag-umahon ang mga kalamnan sa mga
hita ng kanyang kalabaw. Umigpaw ang
kalakian. Muling pumilantik si ore. Lalong
bumilis ang hakbang ng kanyang kalabaw. At sa
layo nang dalawang unat-suga ay unti-unting
umabot si Ore kay Pastor. Isa pang pilantik.
Nag-umunat angkalabaw ni Ore. Bumubula ang
bunganga ng kalakian. Yuko ang ulo at lahat ng
lakas ay ibinigay na. Lalo kaming naghiyawan.

Lumingon si Pastor. Nakita niyang umabot na sa


kanya si Ore. Itinaas ni Pastor ang kanyang
pamitik. Sinutsutan niya ang kanyang kalakian.
At saka sinabayan ng isang makalatay na
pilantik. Umigpaw ang kalabaw. Lalo naman
nag-umunat ang kalakian ni Ore. Mayroon pa
kayang ilalabas ang bumubuntot na kalabaw?
At naghiyawan kami nang malakas nang aming
makitang pagkatapos ng ilang makalagot-litid
na pagpupumilit ay biglang tumigil ang kalabaw
ni Ore. Talagang makisig ang kalabaw ni Pastor.

Naupo si Ore, ilang hakbang ang layo kina Nati


at Pilang. Tinanaw ko si Pastor - kumakain na
siya sa tabi ng dalawang dalaga.

Nang ako'y tumayo upang tunguhin ang


kalabaw ni Ore, nakita kong palapit si Pilang
sabinata. At doon sa kinauupuan ng binata ilang hakbang ang layo sa karamihan - doon
siya dinulutan ni Pilang. Ano kaya ang kanyang
sinasabi kay Ore?

Nang ako'y muling tumanaw mula sa aking


pagsasaboy ng tubig sa humihingal na kalabaw
ay nakita kong tila naibsan na ng hirap
si Ore. At mula sa kinatatayuan ko, ang mga
binti ni Pilang ay tila lalong mapuputi.

You might also like