You are on page 1of 29

Mabangis Na Lungsod

Efren R. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang
kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang
bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa
hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga
ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad
lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may
layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na
isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali
roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga
huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa
isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila,
ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang
simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong.
Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting
barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy
na ikinakalat sa kalawakan.Kanina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan,
nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw
na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa
ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at
hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni
Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling
Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni
kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng
limang piso, sa lahat. Walang bawas.
"May reklamo?"
Ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya
sa pagbibigay.
At ang mga kamay ni Adong ay nanginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno
ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni
nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama. Ale gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga
tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni
Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras
na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa
kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga
taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." Ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang
mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang
nagdaraan sa kanyang harap ang mga taong malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama
siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Ewan niya kung bakit gayon ang
nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kung ang ilang araw na
niyang naranasan iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na
gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na
nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na
maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang
barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang
mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang
imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng
nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan,
ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong
sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring
dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang
ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa
kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa
matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan,
ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa
pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-
salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang
likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na
paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na
mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!"
Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa
kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang
mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting
lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!"
Naisigaw na lamang ni Adong.Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman
na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali,
hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.













Di Mo Masilip Ang Langit
Benjamin Pascual
at pag-iinitan ka pa. Bago ka pa lang dito, pare. Yan ang unang matututuhan mo dito sa ob-lo
pagtagal-tagal mo.
Umiiyak kanina ang waswas ko, pare. Isi ka lang, sabi ko. Ito ang kapalaran natin, e. Naawa siguro
sa kin. Matagal nang ito ang haybol ko at bibilang pa ng maraming taon na ito ang haybol ko. Sabi
ko naman, ayaw ka ba non, konkreto ang bahay ko at ginugwardiyahan pa ng les-pu? Nagpapatawa
lang ako, pare lungkot din ako. Sabik na ako sa laya, pare. Naaawa na rin ako sa waswas ko na di ko
alam kung paano nabubuhay ngayong narito ako sa ob-lo.
Pare, sindihan mo yan. Huwag mo lang ipapatanaw ang baga sa labas. Takpan mo ng lukong ng
palad mo.
Anong kaso mo pare? Arson, pare. Ha-Ha-ha! Isang ospital ang sinunog ko o pinagtangkaang
sunugin. Dahil hindi nasunog lahat, pare. Tersiya parte lang ng bilding ang kinain ng apoy.
Hindi ka siguro maniniwala, pare. Kami ang gumawa ng ospital na iyon. Sa Quezon City yun, pare.
Yong pribadong ospital na ari ng magkapatid na mestisong instik, Lim ang apelyido. Ang ibig kong
sabihin, pare. isa ako sa mga peon, yung nagtayo non, kantero ko pare yon bang tagahalo ng
semento.
Nang magawa namin yon pare, para kong pintor na nakagawa ng obra maestra. Ganon pala ang
mararamdaman mo pag nakagawa ka, pag nakabuo ka ng isang magandang bagay. Yon lang kasi
ang magandang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Alam ko, ang arkitekto ang nagplano non,
pero, isa ko sa mga gumawa. Kung masasabi niyang siyang gumawa non, masasabi ko rin na ako.
paano mo matatayo ang isang bilding pare, kung wala kang tagahalo ng semento? Di mo yon
maitatayo sa pamamagitan ng lapis at papel lang.
Nang mayari namin yon pare, di ko pagsawaang tingnan. Paulit-ulit kong minasdan. Lalagay ako sa
malayo, sa harapan, at hahagurin ko ng tingin. Papano parang isang magandang babae, pare na
mayat mayay gustong mong ukulan na humahanga at nagmamalaking tingin dahil alam mong mga
kamay mo ang katulong na gumawa at bumuo.
At ito ang pinagtangkaan kong sunugin, pare! Ha-Ha! Sasabihin ko sa yo kung bakit. Uumpisahan
ko sa simula.
Mahigit na sang taon naming ginawa ang ospital na yon pare. Nang mayari ang pundasyon, marami
sa mga kasamahan ko ang doon na natutulog. Alam mo na, para makatipid sa pasahe. Nang malaon,
sinabi ko ke Luding Luding ang pangalan ng waswas ko, pare na don na rin ako matutulog,
kasi kahit na nasa Quezon City rin kami nakatira e malayo sa amin ang ginagawang bilding,
kailangan magdalawang sakay ka sa bus at dyip.
Sige sabi ng waswas ko.Nang makatipid tayo ng kontisa gastos Kasi pare, minimum lang ang
pagana sa kin sa ginagawang ospital. Ang minimum non disiotso, hustong-husto lang sa pagkain at
pangangailangan naming mag-asawa.
Sasabihin Ko muna sa yo Kung saan kami nakatira non, pare. Ang haybol namin non e hindi
talagang bahay kundi isang maliit na kubo, mas tama sigurong tawaging barung-barung yon, dahil
mas marami ang yero na unti-unti naming naitayo sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang bagong
tayo ring subdibisyon. Pinsan ng waswas ko ang inhenyerong nagtayo ng subdibisyon at napakiusap
namin sa kanyang bakanteng ngang loteng yon, na di na sakop ng lupa ng subdibisyon, na kaibigan
naman ng inhiyerong pinsan ng waswas ko. Ang ibig ko lang sabhin dito, pare, legal naman ang
pagkatira sa subdibisyon, hindi kami talagang iskwater na basta na lang nagtayo ng bahay, sa lupa ng
me lupa. Sabihing nakatira, pero hindi iskwater.
Ang hirap ng lagay namin don pare. Para kaming etat, sa tabi ng isang basong gatas. Bakit e medyo
maaskad ang kara ko. Kung tingnan ako ng mayayamang taga sabdibisyon e parang bang sa
anumang sandaliy lolooban ko ang malaki at magaganda nilang bahay. Ang talagang dahilan lang
namay nakakapagpapangit ang aming barung-barong, sa tingin, sa magaganda nilang bahay sa
sabdibisyon at ibig nilang kamiy umalis.
Hirap kami non, pare. Ang layo ng iniigiban ko ng tubig. Wala pang ilaw. Ayaw kaming pakabitin
ng koryente sa sabdibisyon. Ang ibig nga nilay Kamiy umalis.
Sa itinatayong bilding na nga ako natutulog at umuuwi lang kung Sabado ng hapon. Me kasama
naman sa bahay ang waswas ko, ang kanyang ina na nakapisan na sa amin mula pa nang kamiy
ikasal. kung gabi, masaya kami sa ginagawang bilding. Me magpapabili ng kuwatro kantos at
pararaanin namin ang mga oras sa kantahan at kwentuhan. O gagalain namin ang buong bilding na
kung baga sa tao e kalansay pa lang. Ang pasikot-sikot ng bilding e alam na alam namin, pare, na
parang guhit ng aming palad.
Nang matapos na ang bilding nang matapos na, ang ibig kong sabihin at me doktor na at me
tumatanggap na ng pasyente siya namang pagbubuntis ng waswas ko. Yon ang una naming anak,
pare. Wala pa kaming sang taong kasal nang umpisahan naming gawin ang ospital.
Hanggang Maagay magplano tayo, sabi ko sa waswas ko isang gabi, at sinabi ko sa kanya na
mabuti siguroy sa ospital na itinayo namin siya manganak.
Mahal roon, sabi ng waswas ko. Mayayaman lang ang nanganganak at nagpapagamot doon.
Me pri ward doon, sabi ko naman.
Hindi ko alam,sabi niya.
Alam ko, sabi ko. kailangan yon. kami ang gumagawa non, di ba? Gamot at pagkain lang ang
babayaran mo sa pri ward doon at konting donasyon na ibibigay.
Ikaw, kung gusto mong don ako manganak e di don sabi ng waswas ko.
Meron ka bang alam na ibang ospital na maari mong panganakan? , sabi ko.
Tumingin lang sa akin ang waswas ko at hindi sumagot. Alam na niya na ang pinakamalapit na
ospital sa min e ang ginawa namin. Me ilang ospital naman na me peri ward din, pero iyoy malayo
na sa amin o nasa maynila na.
Wala pa kong masasabi sa yo tungkol sa waswas ko. Mabait siya, pare. Siya yong kung sisigawan
moy tatalungko na lang sa isang sulok. Sunud-sunuran sa gusto ko, pare. Maganda pa. nakita mo
naman sa bisitor rum kanina. Me mukha naman, di ba
Tayung-tayo pa ang suso, di ba? Pagkatapos naming mag-usap ng waswas ko kung saan siya
manganganak, Isang araw na napagawi ako sa ospital na ginawa namin e nagtuloy ako sa loob. Wala
naman akong ipapagamot. Gusto ko lang mag-usisa, mag-usyoso. Ginala ko ulit ang palibot,
sinundan ng tinginang nagsasalimbayang mga nars at doktor. Pare, gusto kong sabihin sa lahat ng tao
ron na isa ko sa mga gumawa non.
Sa madaling salitay lumaki at lumaki ang tiyan ng waswas ko. Nang walong buwan na ang kanyang
kabuntisan e ping-uusapan uli namin ang kanyang panganganak. Para kaming nagdidril kung ano ang
gagawin kung magkakasunog. Sabagay, kailangan yon. Malayo ang subdibisyong aming iniiskwat
sa kalsada na daanaan ng mga sasakyan. kaya halos lahat ng taga subdibisyon e me kotse.
Pano kung dumating ang oras ng manganganak kang wala ako rito sa bahay? tanong ko ke
Luding. Mangyayari lang yon, pare sa araw na nasa trabaho ako. Me ginagawa kaming bahay non
sa Pasay.
Lalakad ako hanggang sa abangan ng sasakyan at tatawag ng dyip o taksi at magpapahatid sa
ospital, sabi ng waswas ko.
Makaya mo kayang lumakad hanggang sa kalsada? tanong ko.
Kakayanin ko, sabi niya.
Pano kung di mo makaya? sabi ko. Pano kung mapanganak ka sa daan?
Bahala na, sabi niya.
Sanay narito ko pag nanganak ka na, sabi ko.
Tumawa ang waswas ko at ang sabi, Di ganon din yon. Maglalakad din ako hanggang sa abangan
ng sasakyan. iba talaga yung narito ko,sabi ko.
Sabagay,sabi niya.
Sanay sa gabi ka manganak, sabi ko. Narito ko.
Huwag lang sa hating-gabi o madaling araw. Baka mahirapan tayong makakita ng taksing
maghahatid sa tin sa ospital.
Naging problema sa kin ang panganganak ng waswas ko. Unang anak ko yon, pare, unang
pagkakataon na magiging tatay ako. Maiintindihan mo naman siguro kung bakit ganon na lang ang
paghahangad kong malagay sa ayos ang panganganak niya, huwag malagay sa panganib ang aming
magiging anak.
Pare,halos gabi-gabiy pinag-uusapan namin kung ano ang ipapangalan sa aming magiging anak.
Ang waswas koy mahilig sa mga pangalang Amerkano at gusto niya ang mga pangalang Michael at
Leonard at Robert, kung lalaki ang bata at kung babae namay gusto niya ang pangalang Elizabeth at
Jocelyn at Roda. Ang gusto ko namay Lualhati, kung babae ang bata, at Joselito kung lalaki. Me
kapatid kasi akong namatay na Jose ang pangalan at ikinabit ko ang Lito dahil yon ang gusto kung
maging palayaw nya Paboritong ko kasing artista si Lito Lapid, pare, Gaya ng nasabi ko na, sunod-
sunuran sa kin ang waswas ko at nagkasundo kami sa pangalang gusto ko.
Me isa pang dahilan kung bakit ayokong malagay sa panganib ang buhay ng aming magiging anak,
pare. Gustong-gusto ng waswas ko ang kanyang pagbubuntis. Ang ibig kong sabihin pare, gustong-
gusto niyang maging ina. Napapakiramdaman ko yon sa ming mga pag-uusap tungkol sa batang
isisilang, kung nagsasabi siya ng mga pangalang Amer-kano na ibig niya para sa bata, kung pinag-
uusapan namin kung saan pag-aaralin ang bata. Likas lang siguro yon sa bawat babae. Bawat
babaey gustong maging ina. At ayokong maging sentimental, pare. Ang gusto ko sa waswas koy
natural din sa mga lalaki, di ba?
Nobyembre, manganganak ang waswas ko at alam ko kung papasok ang buwang ito. Matatapos pa
lang ang Oktubre, namumulaklak na ang talahib sa pagpasok ng Nobyembre at sa panganganak ng
waswas ko.
Pumasok ang Nobyembre, nakaipon na ko ng sandaang piso. Sa gaya kong nagkakantero lang, pare,
hindi madaling mag-ipon ng sandaang piso na ilalabas mo sa gastusan sa bahay. Kinakailangang
awasin ko yon, nang unti-unti, sa gastos ko sa pagkain sa tanghali, sa paghinto muna sa
paninigarilyo, sa hindi muna pagtoma. Pare, kung minsa,y nagpupunta sa birhaws o sa putahan ang
mga kasama ko pero nagtiis akong maiwan sa ginagawang bilding. Tinipid kong talaga nang husto
ang sarili ko, pare. Ang sandaang pisong yon e inilaan ko sa biglaang pagkakagastusan, gaya ng
ibabayad sa taksi kung dadalhin na sa ospital si Luding, o bayad sa ospital kasi ngay me
pagbabayaran ka rin sa ospital kahit pri ward.
Nasa trabaho ko pare, nang magdamdam ang waswas ko. Umaga non. Ang pangyayariy hindi ko
nakita. Ikinuwento na lang sa kin ng waswas ko kinagabihang puntahan ko siya sa ospital. Ganto,
pare. Isang oras pagkaalis ko ng bahay, sumakit ang tiyan ng waswas ko talagang oras na ng
panganganak niya, naramdaman niya. Hindi niya ko matawagan sa telepono siyempre walang
telepono sa bahay na ginagawa namin. Hindi naman daw niya mautusan ang nanay niya na puntahan
ako at pasabihan. Medyo engot ang matanda, pare, aanga-anga at mahina pa ang tenga. Sinabi na
lang niya sa nanay niya na pumirme sa bahay at pupunta na siyang mag-isa sa ospital. Lalakad siya
hanggang sa kalsada, gaya ng usapan namin, at sasakay sa dyip o taksi at magpapahatid sa ospital.
Me pantaksi siya. Lagi siyang may nakahandang pantaksi na ibinigay ko sa kanya mula sa sandaang
naipon ko.
Nang naglalakad na ang waswas ko sa mga kalye ng subdibisyon, pasiyorkat sa abangan ng
sasakyan, bigla raw humilab ang tiyan at hindi siya makalakad. Napilitan siyang lumapit sa isang
malaking bahay don na ari ng isang taga-BIR na ang panglay Mr. Cajucom, na me kotse, at
kumatok siya nang kumatok at tumawag nang tumawag sa geyt. Ang lumabas, pare, e yong asawa ni
Mr. Cajucom, na ito at tinanong siya kung bakit. Sabi ng waswas koy manganganak na siya at kung
maaariy makikiangkas sa kotse at padadaan sa ospital.
Kumakain pa, e, sabi raw ni Miss Cajucom
Biruin mo yon, pare? Kumakain pa raw! Pare, akong may kotse at me nagsasabi sa kin na ang
kapitbahay koy manganganak, maski na ko nasa ibabaw ng waswas koy, babangon ako at uunahin
kong asikasuhin yung manganganak. Pero, pare, kumakain pa raw! Hindi man lang pumasok at
sinabi ron sa asawa na ang waswas koy nasa labas at parang asong naghahanap ng
mapapanganakan!
Mapapanganak na ata ko , Misis, sabi raw ng asawa ko. Baka di na ko umabot sa ospital.
Buti na lang at lumabas si Mr. Cajucom at nakita ang waswas ko. Naawa naman siguro o baka nisip
na kargo de konsensiya niya kung mamamatay ang waswas ko sa labas ng kanyang geyt iniwan ni
Mr. Cajucom ang pagkain at agad daw nagbihis, pinasakay sa kotse ang waswas ko at isinugod sa
ospital. Ang totoo, pare, nag-oopisina ang Mr. Cojucom na ito. Hindi naman niya kailangan ihatid sa
ospital ang waswas ko, kailangan idaan lang niya sa ospital sa pagpasok niya sa opisina.
Eto na ang masakit, pare. Kung sa iyo nangyari to e baka nakapatay ka ng tao.
Sasabihin ko muna sa yo kung anong kotse meron ang Mr. Cojucom na to, pare. Mustang yon,
pare, erkondisyon at bago. Malalaman mo naman kung bago ang kotse dahil sa plaka, di ba? Ang
gara pare, kulay berde. Nakikita ko ang kotseng yon pag gumagala si Mr. Cajucom sa loob ng
subdibisyon. Pare, kahit sa layong isang kilometro, masasabi mong ang me are non e hindi basta-
bastang tao. Maatik, ibig kong sabihin.Eto na pare. Nang dumating na sila sa ospital, sabi ng waswas
ko sa ospital na ginawa namin, pare salubungan daw sa kanila ang mga nars at attendant. Akala
siguro, pare, misis ni Mr. Cajucom ang waswas ko.
Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at sabi raw ke Mr.
Cajucom: Salamat ho, Mr. Cajucom, at non siguro nalaman ng mga sumalubong na ang waswas
koy nakiangkas lang sa kotse, Sa pri ward lang ako.
Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars at attendants. Me natira namang isang nars, na sabi raw sa
waswas ko: Titingnan ko ho kung me bakante, maghihintay muna kayo ron.
Maghintay muna raw, pare. Namimilipit na ang waswas ko sa sakit ng tiyan. maghintay raw muna.
Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At nakalimutan na siya pare. Sinabi kong nakalimutan,
pero ang dapat atang sinabi koy hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa ang nakaraan, sabi ng
waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang nars na nagsabi sa kanya na maghintay siya ron.
Malungkot, pare. Don na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan siya ng mga nars at
doktor at isakay sa estretser at isugod sa elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na patay
na ang bata. Bopol ako sa ingles pare, mahina ko riyan at wala kong naiintindihan sa mga salitang
ingles na sinabi nila na siyang dahilan raw ng pagkamatay ng bata. Pero ang waswas ko pa rin ang
pinaniniwalaan ko. Sabi ng waswas koy namatay ang aking anak dahil bumagsak sa semento.
Simpleng-simple. pare. Bumagsak sa semento.
Nakita ko ang bata, pare. Nang gabing iyon ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa bahay.
Nakapagpapaalala, pare, sa isang kuting na nabalian ng leeg. Kuting, pare. pusa. Napaiyak ako,
pare.Pare, mamamatay ba ang batang yon kung halimbawang ang asawa ng waswas koy si Mr.
Cajucom? Kung halimbawang kame ang me are ng mustang?At nangyari yon. Pare, sa ospital na ang
mga kamay ko ang katulong na gumawa. Masakit, pare!
Nang gabing yon, sa priward, pare iyak nang iyak ang waswas ko. Gusto raw niyang maghabol.
Hindi raw niya mapapayagang mamatay ng ganon na lang ang aming anak. Sabi koy ano ang
magagawa namin? Mapapalabas ba naming kasalanan ng ospital kung nanganak siya sa paghihintay
sa lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At ang ospital e maraming pera sa husgado, kamiy wala.
Inalo ko na lang waswas ko. Pare, nagtawa pa ko. Sabi koy gagawa uli kami ng beybi.
Gagabigabihin namin, sabi ko. Pero ngitngit ako, pare. Iyak ng iyak ang misis ko. Kawawa naman
daw ang aming anak.Babae ang bata, pare.Eto pa ang isa na talaga namang nakakaasar, pare.
Kinabukasan ng gabing youn sumugod ako sa ospital, kinuha ko ang patay na bata at ibinurol sa
aming bahay. Kinabukasay nagbalik ako para ilabas ang waswas ko. Ayaw ni Luding na magtagal
don, pare, at naiitindihan mo siguro kung bakit. Isa pay inaalala niya na baka lumaki ang
babayaran. At ganon nga ang nangyari, pare. Nang pinaghahanda ko na ang waswas ko sa paglabas,
sinabi sa kin ng isang nars na pumunta raw muna ako sa kahero at babayaran ko ang dapat bayaran.
Nagpunta naman ako. Pare, ang pinababayaran sa kin sa ospital, sa gamot daw at sa pagkain at sa
kuwarto e dos sientos beinte! Pare para ke pang naging pri- ward to kung magbabayad din ako ng
ganitong kalaki? Halos naisigaw ko sa kahero. Hindi ngayot priward ang tinigilan ng asawa mo e pri
ward na lahat. Sabi naman ng kahero, pare. Gusto kong mandagok!
Ang dala kong peray sisenta pesos ang beinte pesos ng sandaan koy ibinigay ko nga ke Luding at
ang ibay di ko alam paano nagasta ibinayad ko yon sa kahero at nangako ako pumirma ako
promissori not ata ang tawag donn na bukas e babayaran ko ang kakulangan. Dahil namatay ang
bata, pumayag na rin ang ospital. Saka ko pa lang nailabas ang waswas ko.
Ayokong maawa sa sarili, pare. Hindi raw dapat sa tao yang maawa ka sa sarili dahil pag naawa ka sa
sarili mo e maiingit at mamumuhi ka naman sa iba, na hindi raw dapat. Pero nang gabing yong
nakaburol ang anak ko at patulo nang patulo ng luha ang waswas ko e ganon ang nararamdaman ko.
Pare, ni walang umilaw sa patay ng sanggol kundi dalawang kandila na inalagay namin ni Luding sa
ulunan at paanan ng kabaong. Hindi namin magawang makikabit ng koryente sa pinakamalapit na
bahay sa subdibisyon, dahil baka kami tanggihan at pumayag man ang bahay na yon e kailangang
bumili rin kami ng kordon at iba pang gamit, na baka hindi na kaya ng bulsa ko. Ang ibinayad namin
sa ataul e inutang ko lang sa me ari ng bahay na aming gingagawa, Me mga kasama ako sa trabaho at
kaibigan na nag-abot sa kin ng sampu, lima, dalawa, pero iniukol ko yon sa gagastusin sa libing at
sa dapat ko pang bayaran sa ospital. Awang-awa ako sa sarili, pare. Bale bay ni walang nagpunta sa
bahay sa dalawang gabing pag-kakaburol sa bata. Sabagay, mabuti na rin yon dahil wala kang
malaking iintindihing pakakapehin at aalukin ng biskuwit. Pero sa mga nakatira ron e hindi
makidalamhati sa yo kung me patay ka, makakaramdam ka ng sakit ng loob. Maaawa ka sa sarili
mo.
Kinabukasan namin inilibing ang bata. Pumalya uli ako sa trabaho. Dalawang araw na kong
pumapalaya sa trabaho at ikatlo ang araw na yon. Nang umuwi kami nang maggagabi na,
pagkagaling sa libing, naupo ang waswas ko sa tabi ng bintana at tumingin sa labas. Parang walang
nakikita tumitingin lang sa labas. Ayaw magsalita, pare. Para lang mabubuwang, pare. Ang nanay
niyay ayaw ring magsalita at mahirap namang kausapin dahil medyo engot nga at mahina ang tenga.
Lumalabas ako, pare. Nagpunta ako sa daraanan ng sasakyan na me tindahang nagbibili ng alak at
pumasok at nagbuwal ng isang bilog.
Non ko naisip na magpunta sa ospital. Hindi na malinaw sa isip ko kung bakit nagpunta ako ron sa
ospital. Siguroy non ko naisip na magbayad ng kulang ko ng utang ko. Siguroy gusto ko
ipakilala sa ospital na kahit na ko mahirap, kahit hirap na hirap sa buhay e me konti ako, ng
tinatawag na dignidad at nakakakilala ako ng masamat mabuti at marunong akong magbayad ng
utang ko kahit sa kanila na pumatay ng sanggol ko. Ewan ko, anut anuman, pare, nagpunta ko sa
ospital. Binayaran ko ang utang ko. Ipinakilala kong marunong akong magbayad ng utang at
nasiyahan ako ng
konti at sinira ko ang promisori not sa harap ng kahero, nang ibigay niya yon sa kin nang
magbabayad ko.
Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang mapatingin ako sa palibot na gaya ng
nakaugalian ko sa ospital na yon. Pare, siguro ngay senglot ako, ang tingin ko sa mga doktor at mga
nars na nakikita koy nakatawang mga alamid na pumatay sa batang inilibing ko at ang waswas kong
nakatulala sa bahay at ang pangyayaring sa mga susunod na araw e maaaring wala na kaming
kakanin. Naramdaman kong gusto kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang bilding na yon
na lagi kong ipinagmamalaking isa ko sa mga gumawa.
Pumanhik ako sa ikalawang palapag. Me isang silid don na nong ginagawa pa lang namin ang
bilding e tinutulugan namin ng mga kasama kong peon. Ngayoy pahingahan yon ng mga dalaw at
ng nars at doktor na napapagod sa trabaho. Pumasok ako ron at umihi sa sopa. Inihian ko rin ang
telebisyon na para sa bisita. Ang gusto ko lang e Magdumi at manira, pero nang wala na kong
maiihi, naisip ko namang magwasak. Nabuwang na nga ko, pare. Ibinuwal ko ang mga kurtina.
Siniliban ko rin ang mga magasing naron at ang apoy e idinuldol ko sa lahat ng bagay maaring
magdingas.
Naglagablab na ang silid nang lumabas ako. Isang attendant na lalaki and nakakita sa kin. Nakita
niya ang usok at apoy na lumalabas sa ilalim ng nakasarang pinto at nahulaan ang ginawa ko.
Tumakbo ako. Hinahabol niya ko at sa ibaba inabutan. Pero malaki na ang apoy, pare. Nagpalipat-
lipat na yon sa maraming silid.
Apat na atendant at guwardiya and gumulpe sa kin pare, bago ako ibinigay sa les-pu. Pero tersiya
parte nga ng ospital ang nasunog ko.
Yosi pa, pare? Nadadalhan pa ko ng yosi ng waswas ko, Ewan ko kung san siya kumuha ng
ibinigay nito. Naghahanap buhay daw siya kahit pano pero di ako nagtatanong kung ano ang
hanapbuhay yon. Wala siyang alam na trabaho pare. Paris ko rin siyang bopol. Baka masaktan lang
ang loob ko kung malalaman ko kung anong hanapbuhay yon kaya di ako nagtatanong.
Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare, lalo na sa gabi, kailangan
hulaan mo lang ang oras. Kasi ngay walang me relo dito. Ni hindi mo naman masilip ang langit sa
labas mahulaan mo sa ayos ng mga bituin, kung anong oras na nga. Wala kang masisilip dito kundi
pader at rehas. Ewan ko naman kung me langit nga sa labas. Hindi na ko bilib sa langit, pare.
Matagal na kong kinalimutan ng Diyos.








Ang Kalupi
Benjamin P. Pascual
(May mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol sa katauhan
ng bata. Madalas mangyari na dahil sa ayos ng isang tao ay dagli siyang napagbibintangan ng di
mabuti. May karanasan ka ba na nakapagbintang o dili kayay napagbintangan ng di mabuti?
Basahin ang kwento at ikaw na ang humatol sa mga tauhan nito.)
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang
pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang
umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro
ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay
tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas
na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng
pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay
hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin
niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang putting-
puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang
makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay
magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa
niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong
sinusukat sa harap ng salamin ang nagbubur-dahang puting damit na isusuot sa kinagabihan.
Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang
pamimiling uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay
mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito
at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng
isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging.
Bibili na rin siya ng garbansos. Gustong-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na
garbansos.
Mag-ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya
ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangus na
pagkanta pangisinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga
mamimili.
Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya painiling magdaan. Ang lugar ng
magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan
tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang
pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang
lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama
sa kanyang dibdib. Ano ka ba? ang bulyaw ni Aling Marta. Kaysikip na ng daraanan ay
patakbo ka pa kung lumabas!
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan.
Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng
kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
Pasensya na kayo, Ale ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa
loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya, Hindi ko ho kayo
sinasadya. Nagmamadali ho ako e.
Pasensya! sabi ni Aling Marta. Kung lahat ng kawalang-ingat moy pagpapasensiyahan
nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.
Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paanot pano man, naisip niya, ay ako ang
huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng hindi mabuti ay sa
kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung me iba pang nakikita
sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang
nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong
paninda at bumili ng ilang kartong mantika.
Tumaba yata kayo, Aling Gondang, ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya
niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.
Tila nga ho, ani Aling Gondang. Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad.
Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala
ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
Bakit ho? anito.
Ee, nawawala ho ang aking pitaka, wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
Ku, e magkano ho naman ang laman? ang tanong ng babae.
Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng
kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa may
nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, E,
sandaan at sampung piso ho.
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wariy tinakasa ng lakas, nag-iisip ng mga
nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing
batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan!
Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang
sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas,
sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangailan-ngilang
namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli
siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at
sa gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis,
ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa
malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang
mahabang panahon na ariy salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan
upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. Nakita rin kita! ang sabi niyang humihingal.
Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!
Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay
masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot:
Ano hong pitaka? ang sabi. Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.
Ano wala! pasinghal na sabi ni Aling Marta. Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala
ng iba. Kunwa pay binangga mo ko, ano ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan!
Kikita nga kayo rito sa palengke!
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili.
Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata at itoy pilit na iniharap sa
karamihan.
Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako, ang sabi niya. Nang
magbabayad ako ng pinamimili kot kapain ang bulsa ko e wala nang laman!
Ang mabuti hoy ipapulis ninyo, sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig. Talagang dito
ho sa palengkey maraming naglilipanang batang gaya niyan.
Tena, ang sabi ni Aling Marta sa bata. Sumama ka sa akin.
Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?
Saan sa akala mo? sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. Ibibigay kita sa pulis.
Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay
ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal ng kanyang liig.
May luha nang nakapaminta sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa
kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga
pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang
pagsusumbong. Nasiguro ko hong siya dahil nang akoy kanyang banggain, e, naramdaman ko
ang kanyang kamay sa aking bulsa, patapos niyang pagsusumbong. Hindi ko lang ho naino
kaagad pagkat akoy nagmamadali.
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa sa duming
katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap ng nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng
bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming
panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at tigbebenteng bangos.
Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka? ang tanong ng pulis kay Aling
Marta.
Siya ho at wala ng iba, ang sagot ni Aling Marta.
Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito? mabalisik na tanong ng pulis sa bata. Magsabi
ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.
Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya, sisiguk-sigok na sagot ng bata. Maski
kapkapan ninyo ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako
mandurukot.
Maski kapkapan! sabad ni Alig Marta. Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka
ko e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung
lumakaddala-dalawa, tatlu-talto! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan
sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.
Tumindig ang pulis, Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia.
Kinakailangang kahit paanoy magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang
dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?
E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo? ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang
pamumupo. Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa
aking bulsa. Ano pa? Sa bata nakatingin ang pulis na wariy nag-iisip ng dapat niyang Gawain,
mayay maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.
Ano ang pangalan mo? ang tanong niya sa bata.
Andres Reyes po.
Saan ka nakatira? ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa
ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. Wala ho kaming bahay, ang sagot. Ang tatay ko ho
e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt,
kung minsan naman ho e sa mga tiyo ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng
nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya kong bumili ng ulam para Mamayang
tanghali.
Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo? ang tanong ng pulis.
Oho, ang sagot ng bata. Pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil
sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.
Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang
pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao
sa kanyang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at
pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin, ang sabi niya. Pinagkakaguluhan
lamang tayo ng mga tao rito at wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay
sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.
Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e sabi ng pulis. Buweno, kung gusto nyong dalhin
ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sabihin ang gusto
ninyong sabihin at doon ninyo gawin ang gusto ninyong gawin.Inakbayan niya ang bata at
inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiyak na si Aling Marta at ang isang hugos
na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay pinagmamasdan. Sa harap ng outpost ay
huminto ang pulis.
Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili, ang sabi sa kanya at
pumasok. Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo,
sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya.
Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung
ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo, o maaaring
sa hapon na. naalala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na
kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siyay
darating na walang dalang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na
kanina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandiy
gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim
ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod nito.
Tinamaan ka ng lintek na bata ka! ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. Kung walang
binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala
ang dinukot mo sa kin? Saan? Saan?
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat
sa likod. Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng
pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo
ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay
makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng
nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayuan, kay Aling
Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang
lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig
ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at
ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na
busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong
paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala
siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang
lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang
mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiit
sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangatog. Hindi siya makapag-angat ng
paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binuntunan ng
sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang
ang dapat gawin nino man at nalalaman ng lahat na ang nangyayaring itoy pagbabayad lamang
ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay
napagtulungan ng ilan na buhatan sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng
ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan
ng diyaryo at ang gulanit niyang kasuotang ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan.
Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata
ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.
Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin, ang sabing paputol-putol na
nilalabasan ng dugo sa ilong. Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.
May kung anong malamig na naramdaman si Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan;
ang nata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo
nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni
Aling Marta sa kanyang sarili.
Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa
kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. Siguroy matutuwa na kayo niyan.
Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari? ang tanong ni Aling Marta.
Wala naman, sa palagay ko, ang sagot ng pulis. Kung me mananagot niyan ay walang iba
kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang
mananagot niyan, may himig pangungutya ang tinig ng pulis.
Makakaalis na po ako? tanong ni Aling Marta.
Maaari na, sabi ng pulis. Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan
at direksyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan
naming kayo ng ulat.
Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa
karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulong-magulo ang kanyang isip. Sali-salimuot na
alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ng walang tiyak na
patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi
na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa, sandaling malaman nito
ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot.
Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang
ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng mga
kapitbahay.
Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling
nadako ang pinag-uugatang diwa sa bangkay na bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang
pinagmulan ng lahat.
Kung hindi sa Tinamaan ng lintek na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa
sarili. Kasi imbis, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba.
Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaanoy makapag-uwi
siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kokote nito at
saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng
madalas na sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangan na makagpadal ng
labis na salaping ipamimili, upang maka-pamburot t maipamata sa kapwa na hindi na sila
naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring
sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakalit darating ang pulis na
kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya ng pera sa tindahan
ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay
isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung ay
ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang
naglalaro sa manipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong
pamilihan.
Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay
natanaw na niya nag kanyang na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti
ito at siya ay minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo,
lumingon sa loob ng kabuhayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang
asawa.
Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay? ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate,
Ee, hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. Saan pa kundi sa aking pitaka.
Nagkatinginan ang mag-ama.
Ngunit, Marta, ang sabi ng kanyang asawa. Ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka
umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng
tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?
biglang-bigla, anakiy kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang
larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang
narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong
makukuha sa kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-
pusan ng hininga at sa palagay na niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang
mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawat
anak, at ang papaliit na lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?






Sa Aking Mga Kabata
Jose P. Rizal


Kapagka ang bayay sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagkat ang salitay isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian


At ang isang taoy katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda


Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita natiy tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.











Mabangis Na Lungsod
Benjamin P.Pascual
Tauhan:
Adong Ang pangunahing tauhan ng kuwento.Isang kaawa-awang batang manlilimos sa
may simbahan ng Quiapo.

Aling Ebeng Ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

Bruno Isang mapagsamantalang tao na kumukuha sa mga pera na naiipon ng mga
manlilimos kasama si adong.

Tagpuan:
-Sa labas ng Simbahan ng Quiapo.
Suliranin:
-Ang suliranin ng kwentong ito ay ang paghihirap ng bata bunga ng kakulangan
ng suporta ng mga magulang.





Buod:

May isang batang nais baguhin ang kalagayan ng kanyang buhay ngunit may mga taong
pinagsasamantalahan ang kanyang pagkatao dahil sa kanyang kahinaan.Siya si Adong,
ang batang lalabindalawang taong gulang na.Ayon kang Adong, ang gabi ay tulad lamang
ng pagiging Quiapo ng pook na iyon.Aang gabiy naroroon, hindi dahil sa may layunin sa
pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na
isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang
Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo.Ito ay ang alisin ang
nagtatayugang gusali roon, ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, ang mga tindahang
hanggang sa mga huling oras ng gabiy mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok
at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat
ang simbahan ang natatanging buhay ni Adong kung saan siya nabubuhay sa
pamamagitan ng paglilimos.
Parang mapapaiyak na si Adong sa gutom dahil kanina pa siyang tanghali sa loob ng
marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang
tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang
ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring
higad na gumagapang sa kanyang katawan.
May pumapansin man sa panawagan ni Adong ngunit ang nakikita niya ay pandidiri at
pagkasuklam ng mga galing sa simbahan at may biglang nagsalita na akala niya sino yun
pala binabanggit ang paglait sa kanyang mga magulang. At halos araw-araw, lagi siyang
napapaiyak hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa
naroroong nagpapalimos dahil ayaw niyang pagurin ang kanyang sarili sa mga bagay na
alam niya na makakadulot ito sa kanyang buhay.
Nang labasan na ang mga taong galing sa loob ng simbahan at sinimulan 22ap e mga
batang manlilimos ang paghihingi ng pera kasali na doon si Adong.Kanya-kanyang
diskarte ang mga bata.Malaki ang tuwa ni Adong sa araw nayon dahil naka panlimos siya
ng 22ap er ngunit may biglang sumigaw na akala niya sino yun pala si Aling Ebeng na
sumisigaw na papunta sa kanya dahil papalit na si Bruno ang walang-awang taong
sumasamantala sa kanila na kumukuha ng kanilang pera.Tumakbo ng mabilis si Adong sa
simbahan.Akala niya nakatakas siya sa taong masama na Bruno ngunit may biglang
lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang braso ng mahigpit.Walang magawa si Adong
kundi binigay ang kanyang naipon na pera.Masakit man sa kanyang kalooban ngunit
naniniwala parin siya na ang diyos na ang bahala sa lahat.

Sariling Reaksiyon:
-Sa kuwentong ito pinapakita ang paghihirap ng bata dahil sa mga taong
mapang-api.Isa na sa dahilan kung bakit nagdurusa ang bata dahil sa kakulangan ng
pagmamahal ng pamilya,suporta at kaalaman dahil murang edad niya ay dapat nandoon
siya sa paaralan at nag-aaral para sa kanyang kinabukasan na inaasam.Kasalan ito ng
kanyang mga magulang dahil hindi siya binigyan ng magandang buhay.May ilan naman
ay pinagsasamantalahan ang kanyang kahinaan dahil sa kanyang murang edad.Dapat
kumilos ang mga pamahalaan na bigyan ng masaganang pamumuhay ang katulad nila na
naghihintay ng tulong na galing sa iba upang magkaroon ng kaunlaran an gating bansa.








Di Mo Masilip Ang Langit
Benjamin P. Pascual
Mga Tauhan:

Tagpuan:

Suliranin:
Buod:
Sariling Reaksiyon:
























Ang Kalupi
Benjamin P. Pascual
Tauhan:

Tagpuan:
Suliranin:
Buod:
Sariling Reaksiyon:
























Wanted Isang Tsaperon























Ang Aking Mga Kabata
Jose P. Rizal





































Dula














Tula

You might also like