You are on page 1of 2

Sabi mo, ako lang.

Sabi mo, kahit gaano kahirap, kapit lang.


Pero and hindi ko alam, mayroon na pa lang nakaabang.

Naniwala ako sa’yo.


Naniwala ako sa mga sinabi mo,
Sa mga pangako mo na ako lang ang mamahalin mo.
Pero bakit pakiramdam ko may bago?

And daming tanong na bumubalabog sa aking isipan na walang kasagutan.


Gabi-gabi, laging tinatanong ang aking sirili
Kung ako pa ba? O tapos na?
Pero sabi ko, ayos lang. Ayos lang kasi mahal kita.

Lumipas ang mga araw nang kinausap mo muli ako.


Sabi mo, “Uy! Kumusta na?”
Sabi ko, “ayos lang ako, andito naghihintay sa mga tawag mo.”
“Sorry busy ako”, iyon ang sabi mo.
Nang mabasa ko ang sinabi mo, napaluha ako
Kasi pakiramdam ko wala na akong halaga sa’yo.
Dumating ag araw na kinakatakutan ko.
Tinawag mo ako sa pangalan ko, at kinabahan ako.
Sabi ko, “Bakit?”
Sabi mo, “May aaminin ako.”
Umiyak ako. Umiyak ako.
Umiyak ako dahil alam ko na ang sasabhin mo.
“may bago na ako. Sorry, hindi na ako masaya sa’yo.”
“Pangit ba ako?”
“Kapalit-palit ba ako?”, tugon ko
Ngunit nagpapsalamat ako dahil inamin mo.

Nalaman kong tatlong buwan na pala kayo ng kinakasama mo.


Pero masaya ako na masaya ka.
Dahil ganon naman tlaga diba?
Kapag mahal mo, suportahan mo.

Anim na buwan.
Anim na buwan na and nakakalipas,
Ngunit pagmamahal ko sayo’y di pa kumukupas.
Nagpapasalamat ako sa limang taon.
Limang taon na masaya tayo,
Limang taon na natapos dahil sa bago mo.

Paalam na mahal ko.


Ako’y magsisimula na sa bagong yugto
Na wala ka sa piling ko.

You might also like