You are on page 1of 3

Puting Rosas

Sa bawat hakbang ng aking mga paa patungo sa harap ng altar ay hindi ko


mapigilang mapa hawak ng mahigpit sa bugkos ng mga puting rosas, lubos
na diko maisip na hahantong tayong dalawa dito, dahan-dahan sa aking
paghakbang dala ang alala nating dalawa.

"Hoy Nobyang ngumiti kana kase." Pangungulit sakin ni Owen.

"Suyuin mo yang Cellphone mo." Masungit na sagot ko sakanya.

"Ang arte naman nito, ikaw lang naman love ko, eh." Pag papa cute niya.

"Di ako tatamblan ng pag papacute mo dahil mas cute ako sayo." Sagot ko.

"Syempre! Kaya nga love na love kita eh, ano ba gusto mo?" Tanong niya
sakin.

"Bilhan mo'ko ng mangga." Sagot kong muli.

"Ayan lang pala, para sa pinaka mamahal kong tao, ako pa ang kukuha ng
mangga para sa'yo." Pag yayabang ni Owen.

~~~

Pinag patuloy ang paglakad ng dahan-dahan patungo sayo habang suot ko


ang kulay puti kong mahabang damit, muli sa isang pag hakbang ng aking
paa muling luha ay hindi napigilan, tila kay bilis naman kase mahal, parang
kahapon lang nag pa plano pa tayo patungkol sa ating hinaharap.

"Mahal, ilang anak ba gusto mo?" Tanong ko kay Owen.


"Ilan ba kaya mo?" Balik niyang tanong sakin.

"Seryoso kase!" Reklamo ko.

Umayos naman siya sa kanyang pag kakahiga at mahigpit na niyakap ang


aking katawan.

"Seryoso ako, kase kahit gaano karaming anak ang hangarin ko ikaw parin
ang mag hihirap sa pagdadala sa mga magiging anak natin kaya ang gusto ko,
ikaw ang masusunod kung ilang anak ang gagawin natin." Sagot niya sakin
dahilan upang uminit ang aking mga mukha.

"Kahit ilan, kung ilan ang ipag kaka loob satin ng diyos." Sagot ko naman.

"Bago muna tayo mag ka anak dapat mag pakasal muna tayo." Palala niya.

"Oo, at susuutin ko ang kulay puti kong mahabang damit, ayaw ko ng gown
mas gusto ko ang dress." Muli kong pag ku kwenento at hinawakan ang
kaniyang kamay.

"At ako naman ay mag aabang sa harap ng altar." Sagot niya.

"Pero, bago ang kasal?" Tanong ko.

"Bahay muna." Sagot naman naming dalawa at tumawa.

~~~~

Ngunit sadya yatang mapag laro ang tadhana sapagkat nagkaroon ka ng


magandang trabaho, noong una'y suportado ako ngunit diko naman akalain
na mawawalan kana ng oras sakin, kaya nakipag hiwalay ako sa'yo at nag
tungo sa ina ko sa Korea Ngunit ilang Linggo lang ang naka tanggap ako ng
liham mula sa'yo.

"Mahal....Mahal na mahal kita, sorry nga pala sakin kung nawalan ako ng
oras sa'yo pero sana sa pag babalik mo dito sa Pinas ay muli na tayong mag
kaayus at ituloy ang ating mga plano nag mamahal Owen." Pag basa ko.

Sa tatlong buwan na na kalipas ay muli akong naka tanggap ng balita tungkol


sa'yo, diko naman akalain na susundan Moko dito, walang oras na lumipas na
hindi ko sinisi ang sarili ko sa pag kamatay mo dahil sa pag bagsak ng
eroplanong sinasakyan mo.

~~~

Tuluyan ko nang narating ang harap ng simbahan at doo'y ikaw ay naka higa
mistulang natutulog lamang, ang dating luhang masaya ay napalitan na ng
luhang hinagpis, mahal, kung nadidinig mo man ito handa akong pakasalan
ka sa harap ng mga magulang mo bago ka dahil sa huling hantungan, handa
akong hindi na mag mahal sapagka't ikaw lang ang aking minahal ng sobra.

Ngayo'y tunay na mag asawa na kami at ito na ang araw kung saan ang mga
puting oras ay oras para ibaon kasama ang katawan ng aking mahal, ang
hiling kolang na sa pag bitaw at pag bagsak ng puting rosas na ito ay
mapatawad kona din ang sarili ko.

At ito ang storya ko, ako nga pala si Nova o Mas kilala bilang Nobyang ng
taong pinaka mamahal ko na
ngayo'y iniwan na ako

You might also like