You are on page 1of 3

Words Written in Water

Written by Eurika Namayan


Loki's Point Of View

Naglakbay ang aking kamay sa mga libro na nasa harapan ko ngayon at huminto't kinuha ang isang
librong nagngangalang Promise To A Stardust. Hm. Kainteresteresante.

Umupo ako sa isang upuan bago binuklat ang unang pahina at binasa ito,

Promise To A Stardust (Isinulat ni JMon)


His Point Of View
"Kay ganda ng mundo, hindi ba?" nakangiting saad ni Rie.

"Oo naman, pero mas maganda ito kapag nandito ka." seryosong tugon ko.

Ikalabing-tatlo sa Agosto, ang unang araw nang pagkikita natin. Inagawan kita ng ice cream
nun at hindi ka man lang nagalit sa akin. Na'sa murang edad palang tayo pero ang mature mo
na at eto naman ako, medyo pasaway pero gwapo naman.

Simula nung araw na yun ay walang hanggang pangungulit ang ginawa ko sa'yo. Hanggang sa
nairita ka sa akin. Kahit ganun pa man ay naging magkaibigan tayo. Naging sandalan natin
ang isa't isa, pero nahinto iyon dahil pinadala ako ni Mama sa States para duon na mag-aral
para sa kolehiyo.

"Juancho, babalik ka diba?" malungkot na ani ni Valerie.

"Pangako Rie, babalik ako."

Lumipas ang limang taon at bumalik na nga ako sa Pilipinas para salubungin ang pasko
kasama ang aking pamilya. Dalawangpu't walo na ang aking edad at marami ang nagbago.

Nabalitaan ko nalang na may Leukimia pala si Valerie at malala na daw ito. Kaya pagsapit ng
umaga ay binisita kita agad sa hospital. Maputla ang iyong mukha at may suot na kulay dilaw
na Bonnet. Pero kahit ganyan, ang ganda mo parin. Ang lungkot ngalang ng iyong mga mata.
Na para bang ang daming sinasabi nito at lumalabas na emosyon mula dito.

Buong linggo ay nagkwentuhan at nagkulitan tayo, masaya ako dahil kahit papano nakita ko
ang saya sa'yong mukha. Katulad nung dati ang ganda parin ng iyong ngiti. Nakakatunaw.
Tatlong araw nalang at magpapasko na. Denekorasyonan namin ang kwarto ni Valerie ng
maraming palamuti at christmas tree na may IStar sa taas.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakatanaw tayong dalawa sa mga bituin sa langit hanggang sa
may nakita tayong shooting star.

"Sana maging masaya sila mama, kahit wala na ako." mahinang saad mo at pumikit.
Pumikit din ako at nagdasal.

"Sana bigyan nyo pa po ako ng pagkakataong makasama si Val at maging masaya." sa


aking isipan.

~
Words Written in Water
Written by Eurika Namayan
Naalala mo pa ba? Nasa harap tayo ng christmas tree nun at parehong nakaupo habang
naghihintay sa pasko.

5!
"Juancho?"
4!
"Ano yun Rie?"
3!
"Gusto ko palagi kitang nakikitang masaya."
2!
"Oo naman, basta para sayo Val."
1!

"Pangako ko sa yong pakakasalan kita, Valerie."

"Ako din Juancho. Pangako, hindi kita iiwan."

"Merry Christmas Val/Merry Christmas din Juancho!" sabay naming bati sa isa't isa at
naramdaman ko'ng naglapat ang aming mga labi. Sinalubong namin ang pasko ng may
masaya sa puso.

~
"Sir? Sir! Bawal ka pong pumasok." pigil sa akin ng nars nung sinbukan kong pumasok sa
silid mo. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari ang alam ko lang ay pagpasok ko sa
hospital ay bumungad sa akin ang mga iyak at nag-aalalang mukha ng iyong pamilya.

"Please lang, kailangan kong makita si Val. Nagmamaka-awa ako sayo, si Val-please!" pigil
luha kong pagmamakaawa sa nars. Kahit anong subok kong pumasok ay nabigo ako.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na kumikirot ang ulo ko at nawalan ng malay.
~

"Papa! Papa! Namiss kita po, pero kailangan na nating magmadali! Naghihintay na si mama!"
masayang salubong sakin ng batang si Floryn, ang aking anak. Kakauwi ko lang galing
trabaho at dumeretso na agad ako sa bahay namin.

"Suss, ang cute cute talaga ng anak ko. Di nga makapag-antay, teka lang po." natatawa kong
saad at sabay naming pinuntahan ang kusina ng magkahawak ang kamay.

"Oh, hon!" bati sa akin ni Val, -"Buti nakauwi ka na, nagluto ako ng adobo, request sakin si
Sean, talaga naman!" patukoy nya sa panganay namin. Naglakad si Rie patungo sa akin at
hinalikan ako.

"Ang ganda ganda talaga ng wifey ko,-" nanggigil kong sambit at hinalikan sya, "-Salamat at
mukhang mabubusog na naman ako." tumatawa't umiling naman ang aking misis.

"Theo? Baba ka na dyan, kumain na tayo!" tawag ni Rie sa ikalawa naming anak.

"Yes po mommy, wait lang po!"

~
Words Written in Water
Written by Eurika Namayan
Masaya na ang buhay ko ngayon kasama ang tatlo kong anak at ang aking napakagandang
asawa. Nandito kami ngayon sa hardin at nagpi-picnic. Naglalaro naman ang tatlo naming
anak kaya kaming dalawa lang ang narito.

"Mahal?" tawag sa akin ni Val.

"Yes mahal?"

"Alam mo namang mahal na mahal kita, hindi ba?"

"Oo naman, at palagi mo ding tatandaan na mahal na mahal na mahal din kita." masaya kong
sambit at nilingon ko ang aking asawa. Umiiyak sya.

"Mahal, alam ko yun. Pero..." dahan dahan nyang sambit at tumingin sa langit, -"Gumising ka
na mahal. Hihintayin kita."

"Kay ganda ng mundo, hindi ba?" nakangiting saad ni Rie.

"Oo naman, pero mas maganda ito kapag nandito ka." seryosong tugon ko. At sa ilang minute,
tuluyan ng nawala ang aking mundo.

Wakas.

Loki's Point Of View

Tragic- ang tanging masasabi ko na lamang. Dahil sa pagbabasa hindi ko namalayan ang oras,
hapon na pala. Hindi ko alam kung papaanong nakauwi ako ng ligtas sa bahay, gayong
marami ang pumapasok sa isipan ko. Nagmano ako kay Mama Marrelyn nung nakita ko
siyang nagwawalis sa hardin.

"Nabasa mo na ba, anak?" tanong nya.

"Uh- tapos na po." ngumiti naman sya sa akin at nagpatuloy sa pagwawalis. Tinahak ko ang
daan papunta sa ikalawang palapag at nakita ko si Juancho na nakatingin sa kawalan.

Kaya pala.. iba ang mahal niya. Hindi si mama.

"Papa?"

The end.

You might also like